All Chapters of His Reluctant Luna(Tagalog): Chapter 71 - Chapter 80
110 Chapters
Making future plans
Pagsapit ng hapon ay nakarating na kami sa lugar na gusto niyang puntahan namin. Isa itong tipikal na barung-barong sa tabing-dagat sa gilid lamang ng kagubatan. "Ano ang lugar na ito?" tanong ko habang nakatingin sa humahampas na alon. “Nagustuhan mo ba?” ngiti niya. Hinampas ng hangin ang buhok niya at nagulo ito. Ang cute niyang tignan. Wala akong makitang kahit na sino sa paligid. “Private beach ba ito?” “Parang ganun na nga. Ito ang dating lupa ng Black Stone pack. Ibebenta ko na sana dahil lumipat na ang pack sa lugar natin, hanggang sa nakita ko ito! Ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko? Ang ganda nito,” sabi niya ng nabibighani. Napakaganda naman talaga ng beach na ‘to. Ang mga buhangin ay mala-ginto na may katamtamang init lamang, tulad ng isang yakap, na tama lamang para sa isang magandang kalangitan. Hum
Read more
Murders
ALICE Masyadong mabilis natapos ang oras namin. Natuwa ako sa bawat minutong nangaso kami, namasyal, at nagtalik hanggang sa makuntento kami. Nalungkot ako noong oras na para umalis. Napagtanto ko na ito na pala ang pinakamaraming oras na magkasama kami ni Lucian, na kamind dalawa lamang. Nagkaisa kami ng sobra kaya nagulat ako. Hindi kami nagkaroon ng honeymoon o kahit isang ganap na date. Ang aming relasyon ay napuno lamang ng mga hindi inaasahang mga bagay, ngunit napakaganda pa din naman sa pakiramdam. Habang nagmamaneho kami pauwi. Napaisip ako sa relasyon at buhay namin. Tila wala sa sarili si Lucian. Isang komportableng katahimikan ang namagitan sa amin.Nakarating kami sa pack land ng hatinggabi. Humikab ako at nag-unat ng katawan, sobrang kailangan ko na ng pahinga. “Pumasok ka na at magpahinga. May mga aasikasuhin lang akong trabaho,” sabi ni Lucian haban
Read more
Olivia
Olivia Nagising ako sa isang sigaw. Hindi ako makagalaw sa takot at pagkabalisa habang ang mga alaala ng panggagahasa at brutal na pambubugbog sa akin ay bumabalot sa akin. Sinubukan kong igalaw ang mga braso ko, ngunit nakaramdam ako ng matinding sakit sa katawan ko. Namamaga ang isang mata ko kaya naman isang mata lamang ang minulat ko. Habang nakatingin sa dilim pansin ko ang mga kung anong mga paggalaw.Nanginig ako sa isang malamig na selda at pinilit kong iupo ang katawan ko mula sa mamasa-masa na lupa.Wala akong takas na nakakulong sa isang bangungot. Ang takot ang palagi kong kasama nitong nakaraang linggo.Ikinurba ko ang aking leeg at narinig ang mga malalakas na pagsampal mula sa laman sa laman, kasabay ng mga hiyawan na umaalingawngaw sa napakadilim na selda. Ginawa na naman nila.Ang amoy ng dugo at kamatayan ay sumasama sa masangsang na amoy nabubulok. Ang mga hiyawan ay nabawasan na at ngayo’y na
Read more
Visiting friends
Ramdam kong nahiga sa tabi ko si Lucian. Nasa kama na ako at lumingon ako sa kanya. “Hey,” sabi ko at hinawakan ang kanyang mga pisngi. “Pasensya na, huli na akong dumating,” sagot niya ng nakangiti. “Ayos lang, nalaman ko ang tungkol sa mga bangkay na nahanap niyo. May dapat ba tayong ipag-alala?”Mukhang nag-iisip siya ng kung ano.“Walang dapat ipag-alala, mga nakakaawang mga normal na tao ang mga biktima. Ang mga pulis na ang bahala sa kanila. Baka, pinatay ng isang walang awang tao. Itinapon nila ang mga ito sa ating pagawaan ng mga barko. “Napakasama naman, kawawang mga tao.” “Madaming mga demonyo! Alam mo iyan,” sabi niya habang hinahaplos ang mukha ko gamit ang kanyang kamao. Labis na inamoy ni Lucian ang leeg ko at kumalma siya, itinaas niyang muli ang ulo niya at tinitig
Read more
Disagreements
Alice “Pwede bang ipaliwang mo kung anong nangyayari?” tanong ko kay Lucian sa sandaling makarating siya ng Jade Moon. Ang mga pack sa ay napakaprotektado sa kanilang mga teritoryo, hindi karaniwan para sa ibang Alpha na makapasok sa may hangganan ng lugar ng isang pack ng walang pahintulot o security clearance. Masyado ng maraming mga mapanghangad na mga Alpha ang nang-aatake at gustong panghawakan ang isang pack. Ngunit malugod na tinatanggap si Lucian sa Jade moon at sa Reds pack. Pamilya sila. "Nasaan si Rick?" mabilis niyang tanong.“Sa palagay ko, sa may infirmary.” Bigla na lamang siyang kumalma at hinawakan ako sa pisngi. “Hindi naman masyadong seryoso ang nangyayari.”“Sandali! Nandito ka dahil sa mga bangkay, hindi ba?”“Oo, pero maaari pa ring nagkataon lamang ang pangyayari. Hindi mo kailangan ma-s
Read more
Sinister plans
OliviaAng mga bumihag sa akin ay walang awa na mga hayop, at mayroon lamang isang paraan upang mabuhay. Makisabay sa kanila, maghanap ng pagkakataon at tumakbo.At iyon ang eksaktong ginawa ko. Bukod sa paggamit ng katawan ko, minsan ginagamit nila ako bilang katulong. Kumukuha ako ng tamang oras. Pinanuod at pinagmasdan ko ng mabuti ang mga nakagawian at trabaho ng mga dumakip sa akin. Noong nakaraang linggo, balisa sila sa hindi malamang dahilan. Marami sa kanila ang napadaan sa selda ko, tahimik na nag-uusap tungkol sa isang pagsalakay na kanilang pinaplano.Halos hindi kami pinakain, marahil, sinasadya nila. Malamang para kontrolin kami, o marahil ang mga dumakip sa akin ay siadyang mga sadista, na nasisiyahang patayin kami sa gutom.Sa kabila ng kaunting kinakain, napansin ko na lumalakas ako, ang paningin ko ay bumuti rin nang husto. Malinaw ang paningin ko sa madilim na selda at napakasensitibo ng aking pandinig at naririnig k
Read more
Sparring with the mate
Muli akong natumba nang ihagis ako ni Lucian sa banig. Kami ay nagtratrabaho at nagsasanay para sa aming pang-araw-araw na gawain. Maaga pa, puno pa rin ang gym ng mga tuta na karaniwang tumatambay at nag-eehersisyo sa kabilang banig. Huminto sila sa pagsasanay, binitawan ang mga gamit at nakatitig lang sa amin.Nakatayo sa gilid sina Damon, Katherine, Dominik, Rain, at iba pa. Nakakunot naman ang noo ni Katherine.Nakakrus ang mga braso ni Damon sa kanyang malaking dibdib, habang pinagmamasdan kaming gumugulong at nilalabanan ang bawat isa. Dahil hindi na kami nagsasanay, naglalaban na kaming dalawa. Hindi kami nag-usap mula nang magtalo kami noong nakaraang gabi, sa halip, nagpalitann lamang kami ng ilang mga titig.Sinugod ko si Lucian ng sunud-sunod na suntok at sipa. Hinawakan niya ang bewang ko at muli akong inihagis sa banig. Natumba ako, napapikit ako dahil sa lakas. Halos mabali nito ang aking tadyang. “Pagod ka na ba, mate?&r
Read more
Making up
Mahilig si Lucian sa malalaking banyo. Kaya naman, ang banyo ay napakalaki na may mga pedestal na mga lababo at may mga mukhang magagarbong gripo sa isang gilid.May isang bidet toilet na malapit sa may shower sa kabilang dulo. Sa gitna naman nakalagay ang isang malaking mamahalin na whirlpool tub, na may mga puting marmol na sahig na kumikinang sa medyo madilim na ilaw (dim). Ang mga dingding na gawa sa tiles ay purong puti at sa dulo ng mga ito ay may kulay asul. Sa isang mababang bangko na gawa sa mahogany nakalagay ang puting malambot na mga tuwalya sa may banyo, habang ang mga nakapaso na halaman ay mahusay naman na ipinwesto malapit dito para magmukhang spa. Gayunpaman, ang ikinagulat ko ay ang mga kandilang nakasindi sa palibot nito, at maraming nagkalat na mga petals ng mga rosas sa may tub, at nilagyan ng scented oil ang tubig nito. “Ano ang mga ‘to?” tanong ko, inaalam kung anong nangyayari. 
Read more
Alpha conference
 LUCIAN Ang mga Alpha mula sa 30 na pack ay nakaupo sa paligid ng mahabang mesa at pinapaligiran ng kanilang mga enforcer na nakatayo sa tabi ng mga dingding. Ang conference room ay puno ng testosterone. Puno ng tensyon sa loob ng silid, habang iniisip ng lahat kung ano ang magiging resulta ng karumal-dumal na krimen sa mapayapang komunidad ng mga werewolf. Samakatuwid, ang panganib sa araw na malaman ang kanilang pagkatao.Isang bagay ang kapansin-pansing malinaw sa lahat ng nasa silid; napakahalaga na mahanap nila ang mga were o weres na responsable dito, kung hindi ang kapayapaan na mayroon sila sa nakalipas na 15 taon ay magsisimulang masira. Lahat ay tumingin sa akin. Dahil ako ang siyang nagpalaganap ng pagpupulong, gusto nilang marinig sa akin ang sagot sa mga tanong na nasa isip ng karamihan sa kanila ngunit nag-aalangan silang itanong. Ikinuwento ko lang ang pagkakatuklas ng mga hindi kilalang katawa
Read more
Trouble in Paradise
Alice “Eliza! Tumakbo ka na kasama ang mga kababaihan,” sigaw ko kay Eliza.“Pero Madam…”“Huwag ka ng makipagtalo pa, hindi natin sila pwedeng hayaang madakip ang mga kababaihan natin, Eliza at Peter. Bumalik na kayo kasama sila. Ako at si Roger ay pipigilan sila habang hinihintay na dumating ang mga sundalo.” Araw ng pagsasanay ng mga kabataang shifters ngayon para sa isang skill survival training. Sinamahan ko si Eliza, kasama si beta Roger at isa pang mandirigmang wolf sa lugar na ito, malapit sa gilid ng campus. Ang 10 juvenile girls ay mukha atang nasasabik sa pagsasanay. Lumipat sila at tumakbo nang paikot-ikot, naging pamilyar sa kanilang mga bagong kilalang mga wolf. Napakaganda ng araw, lahat ay naging maayos, pabalik na kami nang bigla na lamang kaming pinaligiran ng mga werewolves. Ang priyoridad ko ay ang protektahan ang mga kababaihan
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status