Lahat ng Kabanata ng One Hundred Billion Pesos Baby: Kabanata 71 - Kabanata 80
107 Kabanata
Chapter 71
Naiwan sa ere ang dapat na isusubo ni Eclaire na egg roll at napatingin sa binatilyong bigla na lang umupo sa katapat ng upuan niya. Naka-krus pa ang mga kamay nito na nakatapat sa dibdib nito habang pinapanood ang kaniyang kilos. Napairap siya nang ma-realize na si Kenneth lang pala iyon kaya sinubo niya nang buo ang egg roll kaysa sumagot sa tanong nito. “You didn’t told me your answer yesterday, so I have to ask you again –” “I’m not interested.” Kinuha niya ang kutsara para tumikim ng kimchi stew. Napangiti pa siya dahil tama lang ang anghang at alat nito para sa panlasa niya. “Bakit? Anong mayro’n?” bulong ni Hae won. Sumubo pa ito ng kanin na para bang nag-e-enjoy sa pagkain nito habang nakatingin sa bwisita nila na nandoon lang naman talaga para guluhin ang matiwasay nilang pananghalian. “My Uncle really wants to hire you as a co-model for the brand. If you want, you can just accept this offer, get paid, and move on. I won’t bother you anymore beca
Magbasa pa
Chapter 72
Kahit gaano kaabala ang schedule ni Marion, palagi pa rin niyang sinisiguro na kumakain siya sa tamang oras, nakakainom siya ng tubig, at nakakapag-ehersisyo. Bukod sa iyon ang gusto ng doktor, nagsusumikap siyang maging malusog para naman hindi magkaroon ng problema o komplikasyon ang buong pagbubuntis niya. Sa umaga, nakakaramdam aiya ng hilo, at paminsan-minsang pagsusuka pero pinipilit niya ring bumangon. Isang buwan na lang kasi at matatapos na ang resort and hotel na pinapayari niya nang mabilis. “Sakto sa simula ng spring ang pagbubukas ng resort. Siguradong maraming pupunta,” paninigurado ni Seojun. Galing silang dalawa sa isang meeting kasama si Andrew. “Dapat lang… Malaki na ang ginastos ko para sa project na ito.” Inayos pa niya ang bonnet sa kaniyang bago lumabas. Medyo malakas pa rin ang malamig na hangin sa gabi dahil hindi pa rin natatapos ang winter season. Kinuha ni Seojun sa back seat ang roasted chicken na binili nila bago umuwi. Hindi sila m
Magbasa pa
Chapter 73
Hindi kaagad nakakibo si Marion sa kaniyang narinig. Sa unang pagkakataon, tinawag siyang ‘eomma’ o ‘mother’ ni Eclaire. Noon pa man, alam niyang magaan ang loob nito sa kaniya pero hindi niya naisip na dadating sila sa punto na bubuksan nito ang puso para sa kaniya. Para siyang hinehele sa alapaap at napayakap na lang sa dalagita. Walang salita ang pumapasok sa utak niya para ihambing ang kaniyang nararamdaman. “Tutal, tapos na tayong kumain… Bakit hindi tayo manood muna ng pelikula? Bonding lang nating tatlo bago matulog,” suhestiyon ni Seojun. “Gusto ko iyan… Saka simula bukas, sasabihin ko kay Andrew na hindi ako papayag na hindi ako uuwi ng alas-singko ng hapon. Ang dami na naming korean drama na napalagpas ni Eclaire. Hindi na kami updated sa mga bago.” Hindi siya ganoon kagaling sa pag-aaral ng bagong lenggwahe kaya ginagamit niya ang mga drama para matuto ng korean. “Sige po! Game po ako riyan,” segunda ni Eclaire. “Sandali… Alam kong busog na kay
Magbasa pa
Chapter 74
Bago matapos ang araw na iyon, tatlong business cards ang napasakamay ni Seojun. Karamihan sa mga iyon ay nagtatanong kung may interes siya sa pag-aartista o pagmomodelo. Sa tuwing may nagtatanong, hindi makapaniwala ang mga ito na may anak na siya na kasing laki ni Eclaire. Pero… Noon pa man, wala siyang interes sa film industry. Malayong-malayo iyon sa totoong pangarap niya… “Appa… Anong balak niyong gawin sa mga iyan?” tanong ni Eclaire habang nakatingin sa hawak niya. “Itatapon ko ito mamaya kapag nakauwi na tayo. Nakakahiya lang gawin ngayon dahil nakikita nila,” pag-amin niya. Napapakamot si Marion sa pisngi nito at pasimpleng napapatingin din sa kaniyang kamay. “Ikaw? Wala ka bang balak na maging model din? Kita mo nga… Maraming offer sa iyo.” Ngumiti lang siya at marahan na umiling. “Hindi… Hirap kami sa pera noon kaya muntik na kong pumayag. Pero… Hindi naman talaga kasi iyon ang pangarap ko noon.” “A… Bakit? Ano bang gusto mo? I mean… Anon
Magbasa pa
Chapter 75
April 16, 2022. Araw ng sabado. Iyon din ang araw kung saan binuksan ang Sachi Hotel and Resort sa sampung bisita na naimbitihan doon. Ang kalahati sa mga iyon ay mga dayuhan na nanggaling pa sa ibang bansa at pumunta lamang sa South Korea para pumunta sa event ng Zafora kung saan naging highlight ang pagkakaroon ng VIP pass sa kanilang hotel. Ipinakilala si Seojun Song bilang may-ari at CEO ng Sachi Hotel. Nasa background lamang si Marion, tahimik na nakatingin sa asawa habang nagbibigay ng maiksing speech sa salitang ingles. Nakaupo sina Eclaire at Hae won sa tabi nito, abala habang pumapalakpak, kasama ang mga bisita. Nang matapos ang talumpati, itinaas ni Seojun ang hawak nitong kopita at nagsimula ng isang toast para sa matagumpay na opening ng kanilang negosyo. “Whoa… Hindi ako makapaniwala… Si Appa ba talaga iyon?” bulong ni Eclaire. “Gulat ka, ‘no? Magaling na ang Daddy mo ngayon na magsalita ng wikang ingles. Hindi pa nga lang niya masyadong naiintindi
Magbasa pa
Chapter 76
Hindi siya pinansin ni Hae won na halatang nag-e-enjoy sa paglalaro. Sa kanilang magkakaibigan, ito naman talaga ang mahilig sa sports. Siya naman ‘yong tipong masaya na sa pagbabasa ng libro sa sulok. Medyo chubby lang talaga ang katawan nito dahil hindi ito mabilis pagpawisan kahit active itong nilalang. Noon pa nito gustong maglaro ng tennis pero hindi nito magawa sa kanilang eskwelahan dahil palaging nakatambay roon ang mga tennis players. “O! Eclaire, buhay ka pa ba?” biro pa ni Hae won. “Manahimik ka! Kapag nanalo ako ng isang set, kailangan mo kong ilibre ng miryenda pagbalik natin sa school bukas!” Hinihingal na siya sa pagod pero pilit pa rin siyang nagpo-focus. Second set na. Sa awa ng Diyos, hindi pa rin siya nananalo kahit isang game. Fifteen-love ang score nila at si Hae won pa ang magsi-serve ng bola. “Sige ba… Basta kapag nanalo ako, ikaw ang gagawa ng english essay ko, okay?” “Oo na… Bilisan mo na!” Hinawakan niya nang mahigpit ang racket
Magbasa pa
Chapter 77
May 17, 2022. Araw ng martes. Nakahiga si Marion sa kaniyang kama at halos hindi makagalaw. Pakiramdam niya, wala siyang enerhiya para tumayo man lang. Ilang beses siyang nagsuka kaninang umaga at naiihi siya kada trenta minuto. Wala siyang ganang kumain at kahit juice na kanina pa niya tinimpla, nagsisimula nang langgamin sa side table kung saan niya iyon inilagay. “Okay ka lang? Nilalagnat ka ba?” Sinalat ni Seojun ang kaniyang noo para tingnan ang kaniyang temperatura. “Anong nararamdaman mo ngayon?” “Medyo… Masakit ang ulo ko… Saka wala akong ganang kumain.” “Ang mabuti pa, kumain ka pa rin kahit lugaw lang. Sandali… Ipagluluto kita –” Tatayo na sana ito nang bigla niyang hinawakan ang kamay nito. “Anong ginagawa mo rito? Dapat nasa hotel ka… May VIP guest tayong dadating sa susunid na araw…” Masakit ang kaniyang lalamunan kaya halos hindi lumalabas ang kaniyang tinig. “Tumawag sa ‘kin si Eclaire kanina. Nag-aalala sa kalagayan mo. Kung wala lan
Magbasa pa
Chapter 78
June 18, 2022. Araw ng sabado. Naayos na ni Seojun ang lahat para sa magiging pagbisita ng byenan niya sa kanilang resort. Nalaman niya mula kay Marion na allergic ito sa hipon kaya hindi niya hinayaan ang kahit na anong pagkain na may hipon para sa tatlong araw na pagbisita nito. Gustuhin man ni Marion na makatulong sa kaniya, halatang nahihirapan din ito sa sarili nitong sitwasyon. Halata na talaga ang baby bump nito kaya palagi na itong nakasuot ng dress. Palagi itong nahihilo, naiihi, masakit ang tagiliran ng tiyan, nasusuka, at masakit na tila namamaga ang dibdib nito. Wala naman siyang alam sa pag-aalaga ng buntis dahil ang nanay niya ang tumitingin noon sa ex-girlfriend niya. Abala kasi siya noon palagi sa trabaho. “Hmmm… Mukhang maayos naman ang lahat. Good job, Andrew,” papuri ni Peterson. Bahagyang yumukod si Andrew na tila nahihiya. “Ayoko naman pong nakawin ang credits, Sir. Ang design ng buong resort ay idea ni Miss Marion. Hands on naman si Sir Se
Magbasa pa
Chapter 79
Dahil sa papalapit na examinations, hindi pa rin natutulog si Eclaire. Magkasama sila ni Hae won sa kuwarto nito, nakasalampak sa sahig na nilatagan lang ng manipis na kutyon. Nakadapa siya habang nagbabasa ng notes. Nakatihaya naman si Hae won, halatang pinaglalabanan ang antok kahit alas-siete pa lang ng gabi. Kakatapos lang nilang kumain ng hapunan kaya nahihikab na rin siya. “Ugh… Ang tagal naman… Gusto ko nang magbakasyon…” Kinusot-kusot niya ang kaniyang mata dahil naluluha-luha na siya. “Mag-review ka nang maayos kung ayaw mong magkaroon ng summer class.” “Oo na… Oo na…” Ngumuso si Hae won, halatang nagtatampo. Sasagot pa sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Mabilis siyang bumangon nang mapansin ang pangalan ng daddy niya. Sinagot niya muna iyon bago siya lumabas ng bahay ng mga ito. May lamesa at mga upuan doon dahil may ilang customer na gustong kumain doon. Dumarami ang mga tao sa paligid kaya pinili na lang na pumunta sa likod-bahay. Hindi niya kasi marin
Magbasa pa
Chapter 80
Hindi na inintindi ni Eclaire ang pamimili ng mga damit at gamit na pang-baby. Dumiretso siya sa google para maghanap ng mga unique names para sa mga lalaki. English name ang ginagamit niya sa eskwela dahil iyon ang nakalagay sa birth certificate niya. Hindi na rin nag-abala pa ang Daddy at lola niya na baguhin pa ang pangalan na ibinigay ng Mommy niya dahil iyon na lang daw ang nag-iisang nakuha niya mula rito. Dahil kakaiba ang pangalan niya, masuwerte siya sa mga biglaang recitation. Madalas siyang hindi tinatawag ng mga teacher dahil nabubulol ang mga ito sa pronounciation ng pangalan niya. Kahit ‘yong mga estudyante na malakas mam-bully ng iba, hinahayaan lang siya. Noong minsan, isa sa mga ito ang napahiya nang bigla siya tumawa dahil tinawag siya nitong ‘I-kler’ na narinig pa naman ng mga kaklase nila. Gusto sana niyang isunod sa pangalan niya ang unang letra ng pangalan ng baby. Pero sa dami ng pwedeng pagpilian, nalilito siya kung ano ba ang magandang i-sug
Magbasa pa
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status