All Chapters of You Are My Savior: Chapter 31 - Chapter 40
58 Chapters
Friendly Date
Rhianna'sPOVWala namang masama kung tatanggapin ko ang alok ni Brandon na kumain sa labas. Friendly date kumbaga. Ang iniisip ko ngayon ay si Leo. Paano kung magalit siya? Natigilan ako. Bakit naman siya magagalit? Wala naman kaming relasyon. Hindi porket sinabi niya sakin na gusto niya ako ay pag-aari na niya ako. Hangga't di niya sinasabi na mahal niya ako may karapatan akong tanggapin ang alok ni Brandon. Mahal? Imposibleng sabihin sakin ni Leo ang mga bagay na yun."Oo. Pwede." wika ko. Pagkasabi ko nun. Lumabas si Leo sa kwarto na nakasuot na ng damit pang-itaas tsaka nagtungo sa kusina. Ni hindi man lang siya lumingon samin. Alam kong narinig niya ang mga sinabi ko. Nasa gilid lang ng salas ang kwarto niya. Samantalang ang kwarto ko naman ay mismong nasa harapan ng salas. Galit ba ito? "Sige maliligo at magbibihis lang ako." wika ko at tumayo na."Sige hihintayin kita Rhianna." sagot ni Brandon. Binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti. Tinungo ko na ang kwarto kung sa
Read more
And Natuklasan
Nagtungo kami sa sa Sweet Angel Restaurant na nasa bayan di kalayuan sa apartment. Sampong minuto lang ang tinagal ng biyahe. Ipinark ni Leo ang kotse sa parking area ng Restaurant. Pagkatapos maipark, lumabas siya ng kotse at umikot patungo sa passengers seat para pagbuksan ako ng pinto. Nang mabuksan niya ang pinto ay agad akong bumaba. "Salamat." wika ko. Ngumiti naman si Brandon sakin. "Tara na." wika ni Brandon. Tumango ako at sabay kaming nagtungo sa Restaurant. Binati kami ng guard na nasa labas at tsaka kami pinagbuksan ng pinto. Nagpasalamat ako bago kami tuluyang makapasok sa loob. "Doon tayo Rhianna." wika ni Brandon tsaka itinuro ang isang mesa na nasa dulong bahagi ng restaurant. Sa may glass wall kung saan kita ang tanawin sa labas. Hinawakan niya ang siko ko at iginiya ako patungo roon. Subalit wala akong naramdamang kuryente sa pagkakadaiti ng aming mga balat. Hindi kagaya ni Leo na mayroon akong nararamdaman na kuryente patungo sa puso ko. Bakit ko ba iniisip si
Read more
Possesive
Pagkatapos nilang kumain, agad nagbayad si Brandon. Tsaka ako niyayang umalis. Mabuti na rin yun kasi namimiss na niya si Leo. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Galit pa kaya siya sakin? Malamang. Magpapaliwanag ako pagdating ko."Salamat sa pagpapaunlak nang aking paanyaya, Rhianna." ani Brandon at tiningnan siya. Nakasakay na kami sa kotse niya pabalik."Walang anuman Brandon. Naging mabuti kang kaibigan sakin. Walang dahilan para tanggihan kita." wika ko. Ngumiti siya sakin at tsaka ibinalik ang atensyon sa daan.Nang marating namin ang apartment. Nagpaalam na ako kay Brandon at agad akong bumaba sa sasakyan nito. Hindi muna ako pumasok. Tiningnan ko ang papalayong sasakyan niya. Nang hindi ko na siya makita pumasok na ako sa loob at hinanap si Leo. Tinungo ko ang kusina subalit wala siya doon. Marahil nasa kwarto at nagpapahinga. Tinungo ko ang kwarto niya at pinihit iyon. Nagulat ako sa tumambad sa aking harapan pagkabukas ko ng pintuan. Nakayukyok sa kama si Leo habang nasa tabi
Read more
Kilig
Yun na ata ang pinakamasayang hapunan namin ni Leo. Masaya kaming nagkwekwentuhan habang kumakain at nagtulong na magkasama sa paghuhugas ng pinggan. Pagkatapos naming maghugas ng pinggan ay nagpaalam na ako kay Leo na magtutungo na sa aking kwarto. Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong nagtungo sa banyo para maghalf-bath. Pagkatapos ko ay agad akong lumabas ng banyo na may nakataping tuwalya sa aking katawan. Pagkalabas ko saktong pumasok si Leo sa kwarto. Natigilan ako nang magtama ang aming mga mata. Hinagod niya ako mula ulo hanggang paa. Namula ako sa paraan ng pagkakatingin niya. Nakita ko ang pagnanasa sa kaniyang mga mata. Tumikhim siya."Sorry. Wala kasing sumasagot kaya pumasok ako. Lalabas muna ako." wika niya at umalis na tsaka isinara ang pinto.Ako naman ay natulos lang sa kinatatayuan. Bigla akong nakaramdam ng hiya! Ano ba yan! Nagbihis agad ako. Nagsuot ako ng duster na sleeveless. Itinali ko ang buhok ko. Naglagay ng pulbos sa mukha. Nang makontento na ako sa aking
Read more
Pagbisita
Pagkatapos nang agahan ay agad akong nagtungo sa aking kwarto para maligo para sa date namin ni Leo. Hindi ko maiwasang maexcite! Pagkarating ko sa kwarto ay agad kong tinungo ang banyo at naligo. Nilinisan kong mabuti ang aking katawan. Nang matapos ako ay lumabas na ako para magbihis. Nagsuot ako ng kulay crema na off-shoulder at tenernuhan ko iyon nang fitted pants na pinaresan ng black sandal. Kitang-kita ang makurba kong katawan. Inayusan kong mabuti ang sarili ko. Gusto kong maging maganda sa paningin ni Leo. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako naging conscious sa sarili ko. Kahit may mga nanliligaw sakin noon. Ni minsan di ako nag-abalang ayusan ang sarili ko para sa kanila. Sinipat ko ang aking sarili sa salamin. Hindi ko akalain na ganito ang magiging epekto ng make-up sa aking mukha. Napakagat-labi ako. Magagandahan kaya sakin si Leo? O baka mas prepared niya ang walang make-up? Kinuha ko ang pouch ko na nasa bedside table. Naaalala ko wala pala akong cellphone. Pero de bal
Read more
Kaligtasan
Dahil sa pagsigaw na iyon ni Leo. Na-distract ang lalaki na nasa likuran ko at nawala ang baril na nakatutok sa tagiliran ko. Lumingon ako. Nakita ko kung paano tumakbo si Leo samin, medyo malayo pa siya samin. Dahil nawala ang atensyon nang lalaki sakin, nagulat ako nang itutok nito ang baril kay Leo. Bago pa man niya makalabit ang gantilyo, gumawa na ako ng hakbang para hindi mapahamak si Leo. Dumapa ako sa lupa at sinipa siya sa kanang binti na dahilan para ma-out of balance siya. Bumagsak ang hawak niyang baril sa semento at dumaosdos iyon palayo samin. Tumayo ang lalaki mula sa magkakadapa sa semento. Matalim ang tngin na ipinukol niya sakin."Fuck you!" wika niya sakin na nanggagalaiti ang boses. Napaatras ako nang may inilibas siya sa gilid ng kaniyang pantalon. Isang patalim. Bago pa man niya iyon maisaksak sakin. Nakita kong tumalon si Leo na nasa likuran niya at iniangat ang kanang binti nito para sipain sa leeg ang lalaki. Dahil sa impact nang pagkakasipa ni Leo sa leeg n
Read more
Resprto
Leo's POVPagkatapos kong gumawa ng report sa nangyari kanina at isenend iyon through email kay Agent Jerald ay napagdesisyunan kong magtungo sa kusina. Nang nasa bungad ako, nakita ko si Rhianna na abala sa pagluluto. Hindi ko maiwasang mapangiti habang tinitingnan siya. Kapag kasama ko siya alam kong kayang-kaya kong gawin lahat ng misyon na iniaatang samin. Dahil siya ang nagsisilbing lakas ko. Kapag kasama ko siya alam ko na malalampasan namin lahat.Kanina habang palabas ako at nakita ko si Rhianna na hawak ng lalaking yun. Kinabahan ako, mas gustuhin ko pa na ako ang mapahamak kaysa siya. Kaya tinawag ko ang pangalan niya para madistract ang lalaki. Ang alam ko katapusan ko na. Kaya napahanga ako sa ginawa ni Rhianna. Natututo na siya. Hindi ko maiwasang mapangiti sa isiping iyon.Nilapitan ko siya nang hindi niya namamalayan. Niyakap ko siya sa bewang mula sa likuran na naging dahilan para matigilan siya. Alam ko at ramdam ko na may epekto sakin si Rhianna. Malapit na, malapit
Read more
Oliver Datu
Rhianna'POV Narito kami ngayon sa Head Quarters at inihahanda ang grupo para sa gagawing paghuli sa mga tauhan ni Don Ysmael. Kompleto ang grupo. Kaya alam kong kayang-kaya namin ito. "Kailangan maging maliksi kayo. Huwag niyong hahayaan na mapahamak kayo. Malaki ang tiwala ko sa inyong grupo. Konting panahon nalang mahuhuli na natin si Don Ysmael. Lalabas yan kapag alam niya ang nangyari. Pwede na kayong umalis. Mag-iingat kayo." Pagtatapos ni Agent Jerald sa pulong. Tumayo na ako maging ang mga kasamahan ko. Naglakad na ako patungo sa pintuan nang may humawak sa kamay ko. Nilingon ko kung sino iyon. Si Leo. Agad naman niya itong binitawan. "Fuck! Muntik na!" wika ni Leo na napasabunot pa sa kaniyang buhok. Napakunot-noo ako sa tinuran niya pero agad din nawala iyon nang maalala na nandito pala si Agent Jerald kaya naiintindihan ko siya. Nauna na siyang lumabas ng pintuan at sumunod ako. Nang makalabas kami nasa labas na rin ang mga kasamahan ko. Sumakay na ang mga ito sa loob.
Read more
Pagkakadakip
Pagdating namin sa Head Quarters ay binati na kami ni Agent Jerald dahil sa pagkahuli namin sa limang lalaki na tauhan ni Ysmael. Pagkatapos niya kaming batiin ay nagpaalam na rin siya samin.Kami naman ay nagkanya-kaniya na kami ng uwi. Nauna na akong nagtungo sa kotse para hintayin nalang si Leo. Nang makita ko siyang papalapit sa kotse ay agad nagtama ang aming mga mata. Iniiwas ko ang aking paningin sa kaniya.Nang makapasok siya sa loob ay agad niya itong pinausad palabas ng Head Quarters. Wala nag-iimikan samin habang nasa byahe kami. Wala akong balak na kausapin siya dahil naiinis ako sa pinapakita niya."I'm sorry. Nagselos lang ako. Hindi ko sinasadya ang sinabi ko kanina." wika niya. Natigilan ako sa sinabi niya at nilingon siya. Nasa daan parin ang paningin niya. Hindi ako umimik. Gusto kong iparating sa kaniya na hindi ko gusto ang pinapakita niya. Huminto siya sa gilid ng kalsada at hinarap ako."Rhianna, sorry na. Kausapin mo naman ako. Pasensya na kung nasobrahan ko ang
Read more
Trace
Leo'sPOVNang matapos ako sa aking ginagawa ay nagtungo ako sa salas para manood ng TV. Ilang minuto na akong nanonood subalit hindi pa rin dumarating si Rhianna. Kinukutuban na ako ng di maganda. Bakit ang tagal niya eh hindi naman kalayuan ang tapunan ng basura mula rito sa apartment?Para mawala ang kaba sa aking dibdib. Pinatay ko ang TV at lumabas ng bahay. Tinungo ko ang tambakan ng mga basura dalawang bahay ang layo mula rito sa apartment. Subalit nang makarating ako wala si Rhianna. Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa inis na nararamdaman. Asan si Rhianna? Hindi kaya kinidnap na siya?"Fuck!" mura ko nang mapagtanto na tama anyg nasa aking isipan. Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa. Nang makuha ko iyon. Idinial ko ang cellphone number ni Agent Jerald. Nang masagot niya iyon ay agad ko siyang binati."Good Evening Agent." wika ko at huminga muna nang malalim para kahit papaano mawala ang kaba sa aking dibdib."Yes Agent Leo. Napatawag ka?" tanon
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status