Lahat ng Kabanata ng NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY: Kabanata 81 - Kabanata 90
115 Kabanata
CHAPTER 81
NANG muling dalawin ni Genis si Gertrude ay hindi na nag-aksaya pa ng oras si Amanda para makausap ng masinsinan ang lalaki. “C-coffee?” aniya rito. Tumango ito. Nagtungo siya sa kusina para ipagtimpla ito ng kape. Simula nang maging mag-asawa sila ni Genis ay ngayon lamang niya ito maipagtitimpla ng kape. Naalala niyang nuong magkasintahan pa lamang siya nito ay gustong-gusto nito ang timpla ng kape niya. But then nagbago ang lahat ng iyon pagkatapos nilang ikasal. Naalala pa niyang ilang beses niyang tinangkang gawan ito ng kape tuwing umaga ngunit lumalamig lamang iyon nang ni hindi man lamang nito tinitikman kasama ng mga niluluto niyang pagkain. May pait sa mga labing napangiti siya. Never niyang naisip na nagawa nitong isapalaran ang buhay para lamang mailigtas silang magkapatid sa kumindnap sa kanila. Dinala niya sa salas ang kape. Hinigop iyon ni Genis saka napangiti, “Namiss ko ang kapeng ito,” halos paanas lamang na sab
Magbasa pa
CHAPTER 82
NAIWAN SI AMANDA na nakasunod lamang ng tingin kay Genis. Hindi niya alam kung ano pa ba ang hindi nito ipinagtatapat sa kanya. Kung gusto nitong mabuong muli ang kanilang pamilya, kailangang maging transparent ito sa kanya. Mas lalong ayaw nito na paasahin nito si Gertrude. Bago ang anupaman, ang priority niya ay ang kanyang anak. Bagama’t mahirap ay nagawa naman niyang mabuhay na wala ito kaya kakayanin niya kahit wala ito ngunit inaalala niya ang kanyang anak. Alam niyang masasaktan ito kapag nalayo sa ama. Ramdam niya ang pananabik nito sa pagmamahal ng isang ama. At hindi yata niya kakayaning masaktan ang kanyang anak. “Mommy, where is Daddy? I tought we are going to watch a movie. Did you fight again?” anang bata nang maabutang wala ang ama sa salas. “No!” Mabilis na sagot niya saka lumuhod sa harapan nito at hinawakan ito sa magkabilang balikat, “M-mahal na mahal ka namin ng Daddy mo at handa naming I-give up ang mga diffe
Magbasa pa
CHAPTER 83
NANLULUMONG lumabas ng apartment ni Amanda si Genis. Gusto niyang matawa sa kanyang sarili. Ang tapang niya sa ibang bagay ngunit bakit pagdating sa pag-ibig ay naduduwag na naman siya? Ito marahil ang kahinaan niya. Dumiretso siya sa isa sa kanyang pub house at muling nilunod ang sarili sa alak. Parang dinudurog ang puso niya iniisip pa lamang niyang muli na namang malalayo ang kanyang mag-ina sa kanya ngunit ito nga siguro ang pinakatamang gawin upang malayo sa kapahamakan ang mga ito. “Sir, tumatawag si Carina,” sabi ni Manong Doy sa kanya, iniabot nito ang telepono ngunit tinabig lamang niya iyon. “I don’t want to talk to her. Sabihin mo busy ako. . .Sabihin mo may kasama akong ibang babae. Whatever. I don’t wanna see her face!” Bulyaw niya sa matanda. Si Carina ang pinakahuling taong gusto niyang makita sa ngayon. Kung nuon ay may kahit na katiting pa siyang nararamdaman para dito, ngayon ay tuluyan nang nag
Magbasa pa
CHAPTER 84
HALOS PALIPARIN NA niya ang motorsiklo na minamaneho ngunit hindi pa rin niya naabutan ang kanyang mag-ina. Parang nanlulumong nakatingin siya sa departure area ng malawak na airport. Kasalanan niya ang lahat ng ito dahil naduwag siya. Nagmamadali na siyang bumalik sa kanyang bahay at inutusan ang kanyang sekretarya na ikuha siya ng flight patungong Canada. Susundan niya ang kanyang mag-ina. Hindi na niya kayang mawala pa ang mga ito. Ngayon lang siya naging ganito kasigurado sa buong buhay niya. To hell with everything. Handa niyang talikuran ang lahat at mabuhay nang mapayapa sa ibang bansa. Aftearall, hindi naman ito ang makapagpapaligaya sa kanya. Natagpuan na niya ang tunay niyang kaligayahan at hindi na niya iyon hahayaang mawala pang muli sa kanya. Not this time. Kinuha niya ang kanyang phone at binalikan ang mga nakaw na larawang palihim niyang kinunan. May ngiting namutawi sa mga labi niya habang pinagmamasdan ang larawan ni Amanda h
Magbasa pa
CHAPTER 85
“SA AKALA MO ba hindi ka babalikan ng mga tauhan ko?” Patuyang sabi niya kay Carina, “Hahanapin nila ako. Malalaman nila ang nangyari sa driver ko!!!!” “By the time na makita ka nila, baka patay ka na,” sabi nito sa kanya, “Kasi naman masyado kang bilib sa sarili mo. Mahilig kang lumakad na walang body guards, alam mo namang marami kang kalaban.” Anitong umikot pa sa harapan niya, isinandal ang mga braso sa balikat niya, “Sinayang mo ang mga plano ko para sa ating dalawa. We could have conquered the world, Genis. Pagsasamahin natin ang talino mo at ang galing ko. . .pero anong ginawa mo? Ipinagpalit mo lang ako sa babaeng iyon?” Napangisi siya, “Huwag mong ikumpara si Amanda saiyo, Carina. Tae ka lang sa talampakan ko,” nang-iinsultong sabi niya rito. Humarap sa kanya si Carina. Galit na galit habang nakakuyom ang mga kamao, “Tingnan natin kung sinong magmumukhang tae pagkatapos ng gagawin ng mga tauhan ko saiyo!!!” Sigaw nito s
Magbasa pa
CHAPTER 86
NAGULAT SI AMANDA sa balitang sumambulat sa kanya isang buwan matapos siyang makarating sa Canada. Tinawagan siya ni Tom at ibinalita nito sa kanya na umuwi ng Malaysia si Carina at isang linggong nagkulong sa kwarto nito pagkatapos ay nag-suicide. Hindi na raw nagulat ang pamilya ni Carina dahil bata pa ito ay may tendency na itong saktan ang sarili. Ilang beses na rin daw itong nagpabalik-balik sa rehab nuong teen agers pa ito. Itinago lang daw ng pamilya nito ang katotohanang iyon. Hindi na lamang niya kwenento pa kay Tom ang mga nadiskubre niya tungkol kay Carina. Ngayon ay na-compirma niyang hindi talaga stable ang pag-iisip nito. Kumusta na kaya si Genis? Ano kayang nararamdaman nito sa nangyaring ito kay Carina? Gusto sana niyang itanong dito kung anong nangyari dito at kay Genis? Buong akala niya ay mauuwi sa happy ending ang pagsasama ng mga ito. As if nabasa ni Tom ang naiisip niya, kwenento nito sa kanya na since maghiwalay sila ay w
Magbasa pa
CHAPTER 87
MULING NAGBABALIK SI AMANDA sa Pilipinas pagkatapos ng mahigit dalawang taon kasama ng kanyang buong pamilya. Simula nang mamatay ang Kuya Lukas niya ay naging matamlay na ang Mommy niya at hiniling na bumalik na lamang sila sa Pilipinas for good. Ayaw naman niyang malayo sa buong pamilya kaya sumama na rin siya. Besides, miss na miss niya ang Pilipinas at gusto niyang matutunan ni Gertrude ang kultura ng mga Pilipino. Ngunit may isang bagay siyang kinatatakutan sa oagbabalik niya ng Pilipinas. Iyon ay ang muling pagsasanga ng landas nila ni Genis. As much as possible ay gusto na niyang huwag na muli itong makita ngunit hindi naman niya tuluyang mailalayo ang kanyang anak dito. Nagalit siya rito but it does not mean tuluyan na niya itong aalisan ng karapatan sa bata. Anak pa rin naman nito si Gertrude at alam niyang di man magsalita si Gertrude ay hinahanap pa rin nito ang kalinga ng isang ama. Ramdam niya ang mabiis na pagtibok ng kanyang puso n
Magbasa pa
CHAPTER 88
MASAYANG-MASAYA SI AMANDA nang makapasa siya sa trabaho. Matagal rin niyang naisantabi ang pangarap niyang ito. Ngayon ay bibigyan naman niya ng oras ang career niya since hindi naman na alagain si Gertrude. Kumuha siya ng isang unit malapit sa pinapasukan niya. Two-bedroom lang iyon. Isang malayong kamag-anak ang kinuha niyang mag-aalaga kay Gertrude habang nasa trabaho siya. Inasikaso na rin niya ang pag-transfer ng anak sa magandang eskwelahan malapit rin lang sa papasukan niyang trabaho. Naka-settle na ang lahat. Siguro naman ay wala na siyang magiging problema sa pagbabalik niyang ito sa Maynila. “I’m so happy for you, Amanda,” masayang sabi ni Errald sa kanya isang hapon na yayain siya nitong kumain sa labas. Si Gertrude ay kasama ng Kuya Efren niya sa Bulacan habang busy siya sa pag-aayos sa bago niyang apartment. “At least narealize mo na rin ang mga potentials mo. Nagtataka nga ako saiyong hindi mo itinuloy iyong pagtratrabaho sa isa
Magbasa pa
CHAPTER 89
PARANG MAY BUMARA SA LALAMUNAN NI AMANDA nang magsalita, napahinga siya ng malalim. Hindi siya ready na magkaharap sila ni Genis pero wala siyang magagawa dahil ito ang hinihiling ng kanyang trabaho Hindi niya alam kung nanadya baa ng tadhana sa kanya. “G-Genis. . .” panimula niya, “This is Amanda. . .” “I know,” pormal ang tonong sagot nito sa kanya, “Alam ko ring matagal ka ng nagbalik ng Pilipinas at kung hindi pa dahil sa trabaho mo, wala kang balak ipaalam sakin ang pagbabaik mo,” ramdam niya ang hinanakit sa tono ng pananalita nito. Biglang nagpanting ang tenga niya. Siya pa ang may atraso ngayon? Nakalimutan na ba nito ang dahilan kung bakit siya nag-alsa balutan nuon? At teka, bakit alam nito ang tungkol sa trabaho niya? Ngunit hindi ang tungkol sa kanila ang dahilan ng pagtawag niya rito kaya isasantabi na muna niya kung anuman ang issue sa pagitan nilang dalawa. “Pwede bang saka na natin pag-usapan ang kun
Magbasa pa
CHAPTER 90
“PLEASE, HINDI TUNGKOL sa ating dalawa ang ipinunta ko dito, Genis!” Parang naiinis nang sabi ni Amanda kay Genis, parang hinalukay ang sikmura niya nang lapitan siya nito at hawakan sa kanyang mga balikat. Ano na naman ba ito? Guguluhin na naman ba nito ang buhay niya? “Naparito ako sa Pilipinas para simulan ang career na matagal ko ng pangarap. Naisantabi ko yun ng magpakasal ako saiyo. I gave my best para mag-work ang pagsasama natin pero anong ginagawa mo? Ngayon, sarili ko naman ang pagbibigyan ko at sana, hayaan mo akong maging masaya, Genis!” Matagal itong hindi umimik. Maya-maya ay bumitaw sa mga balikat niya saka tumalikod na, “I’m sorry. . .” sabi nitong parang nangapa ng mauupuan, “Go ahead, ituloy na natin kung ano talaga ang sadya mo rito.” Napakunot ang nuo niya nang mapansin ang mga kilos nito, pakiramdam niya ay may kung ano dito na di niya matukoy kung ano. Nilapitan niya ito at iwinagayway ang isan
Magbasa pa
PREV
1
...
789101112
DMCA.com Protection Status