All Chapters of Ang Santo Sa Likod Ng Pinto 2: Si Father Mer: Chapter 11 - Chapter 20
41 Chapters
Chapter 11
"Ang ganda naman ng kuwintas mo. Sino nagbigay sa'yo n'yan?" hahawakan sana ni Father Mer ang kuwintas para kilatisin pang maigi pero naunahan siya ni Minggay. Dagli niyang dinaklot ang pendant at saka itinago sa loob ng kanyang kuwelyo."Bi-bigay po siya ng Mama ko," pagsisinungaling ni Minggay.Ipinag-kibit balikat na lang ni Father Mer ang ginawang iyon ni Minggay. Baka kasi nahihiya lang ang bata. "Nasa'n na nga pala mga magulang mo? Bakit si Nana Conrada na ang nag-aalaga sa'yo?" "W-wala na po sila. Pa-patay na po," lumungkot ang mga mata at labi ni Minggay para mas magmukha siyang kapani-paniwala.Tumalab naman ito sa pari. "Ah, gano'n ba? Pasensya na kung matanong ko. Gusto lang kasi kitang makilala at maging kaibigan."Umiwas ng tingin si Minggay sa nakangiting mukha ng pari. Siguradong mapapalitan ng galit ang mga ngiting iyon kung malaman nito ang lihim ng Casa Del Los Benditos. Nakokonsensya tuloy siya sa ginagawa."Sige na't maligo ka na doon at galing ka pa sa pakikipagh
Read more
Chapter 12
Simula noong gabing iyon, nang madiskubre ni Father Mer ang pagnanakaw ng dalawang matanda, lihim na niya silang minamanmanan mula sa malayo. Hangga't maaari, hangga't hindi pa siya nagpapahinga, inaalam niya muna kung saan nagsusuot o kung saan niya sila huling nakita bago niya gawin ang kanyang iba pang trabaho.Mahirap iyon para kay Father Mer dahil hindi siya ang tipo ng tao na kayang magpanggap kapag may nakikita na siyang mali at hindi magandang gingagawa ang kanyang kapwa. Pero kailangan muna niyang manahimik muna at mag-obserba bago siya gumawa ng anumang konklusyon tungkol kina Nana Conrada at Manong Jerry. Baka naman kasi mali lang ang pagkakaintindi niya sa nakita."Kain na po kayo, Father habang mainit pa yung kanin at sinigang." Kinatok siya ni Nana Conrada sa kanyang kuwarto. "May guyabano rin po akong nabili. Baka gusto niyo po at ipaghihiwa ko po kayo.""Ah, sige po. Ako na lang po ang bahala. Salamat po, Nana," nakangiting sabi ni Father Mer kahit na naglalaro sa isip
Read more
Chapter 13
Tahimik lang si Nana Conrada habang kinakausap siya ni Father Mer. Nasa loob sila ngayon ng study room ng Casa kung saan noon tinuturuan ni Mr. Aragon si Minggay kasama ang dalawa pang kapwa niya ampon ng simbahan. Nakaupo sila sa magkabilang dulo ng isang mahabang lamesa."Kailan pa?" blangko ang mukha ni Father Mer, pero nagngingitngit ang kanyang kalooban sa galit. "Ang alin po, Father?" maang na sagot naman ng matanda. Pinabalik muna ni Nana si Minggay sa kanilang tinutulugan sa likod ng Casa. Usapang pang-matanda lang, sabi nito sa kanya.Napabuntong hininga si Father Mer. Wala na siyang oras magapaligoy-ligoy sa kasambahay kaya diniretso na niya ito. "Nakita ko sa bayong mo yung candelabra noong gabing sinabi mo na mamalengke ka. Hindi ka pa nakontento 'yung rebulto naman ng Birhen ng Fatima gusto mong nakawin. Baka gusto mo ring kunin yung korona ng birhen ng Villapureza sa altar natin sa simbahan. Tadtad ng diyamante 'yun. Siguro malaki-laki na kikitain mo du'n 'pag naibenta
Read more
Chapter 14 - Ang Karanasan ni Father Mauricio Espejo (Taong 1890 hanggang 1891)
Tinanggihan ni Padre Mauricio Espejo ang alok ng kasamahang pari na si Padre Jose Epifañia Sandoval na maging bagong bantay. Nasa kanyang silid ito ngayon, nilalagnat, payat na payat at halos puro tubig lang ang laman ng sikmura. Hindi na ito kumakain ng kahit lugaw man lang. Unti-unting inaagaw ng hindi matukoy na sakit ang katawan.Alam na marahil ng Kastilang pari ang ang nalalapit niyang pagpanaw. Kaya't isang araw, inaya niya ang kasamahan at Pilipinong pari na si Mauricio na maglakad-lakad sa aplaya sa isang tahimik na dagat noong nagbakasyon silang mga taga-simbahan sa probinsya ng Batangas."May sasabihin ako sa'yo, makinig ka," bagaman purong Kastila, matatas sa Tagalog si Padre Jose Epifañia. Dito na kasi siya ipinanganak at lumaki.Huminto si Padre Mauricio at pinunasan ang pawis sa leeg. Napakataas ng sikat ng araw at nangangagat sa balat ang init nito. Bakit ba kasi sa malayo sila nag-uusap kung puwede namang sa lilim na lang sila ng kabana?Hindi pinansin ng Kastila ang
Read more
Chapter 15 - Ang Karanasan Ni Father Mauricio Espejo (Taong 1890 hanggang 1891)
Napako si Father Mauricio sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya maalis ang mga mata sa rebulto ni San Serberus. Baka mag-iba na naman kasi ito ng posisyon oras na malingat siya."Parang awa mo na, Padre Jose. Gusto ko ng bumalik sa aking kuwarto," pagsusumamo niya.Humakbang palapit sa kanya si Padre Jose Epifañia. Taimtim ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. "Hindi mo ba naiintindihan, Padre Mauricio? Ang bagay na ito ay higit pa sa ating dalawa. Kapakanan ng buong mundo ang nakasalalay dito. Oras na iwan ni Serberus ang puwesto niya, mapapahamak tayong lahat. Nakikita mo ba 'yang pintong 'yan? Ang pintong iyan ang mismong lagusan ng impyerno. Halika at nang masaksihan mo," nakaturo si Padre Epifañia sa isa pang pintuan sa bandang likuran ng silid. Wala naman itong pinagkaiba sa regular na mga pinto. Kulay kayumanggi ito, walang kahit anong pintura, may simpleng ukit ng mga kerubin at bulaklak sa harap. Ang doorknob din ay gawa sa ordinaryong metal.Dahan-dahang inakay ni Padre Jose
Read more
Chapter 16 - Ang Karanasan Ni Father Mauricio Espejo (Taong 1890 hanggang 1891)
Dumiretso si Father Mauricio sa simbahan. Nagdasal siya sa birheng Maria ng Villapureza, humingi ng gabay kung ano ang dapat niyang gawin sa lahat ng kanyang nalaman noong gabing iyon. Hinintay niya ang sagot ng mahal na ina. Minasdan niya nang maigi kung bubuka ba ang bibig nito o kakausapin ba siya sa pamamagitan ng isip, pero ni isang salita ay wala siyang nakuha. Nanatili lang itong nakatayo. Ang koronang nakaputong sa ulo nito, nagkikislapan at walang pakialam sa kanya.Tumakbo si Padre Mauricio sa kanyang kuwarto at doon nagkulong. Kinatok siya ni Padre Jose Epifañia subalit hindi niya ito pinagbuksan. Sa halip, pinagmumura niya ang Kastila at itinaboy na parang salot na ibon sa pananim. Nag-iiyak si Padre Mauricio. Kinuha niya ang maleta at itinapon ang lahat ng damit na puwedeng magkasya roon. Pero tumigil din siya. Wala na siyang ibang lugar na mapupuntahan. Hindi niya masasabi sa obispo ang tungkol sa lagusan at sa santong demonyo. Kapag nagpalipat naman siya ng parokya, gan
Read more
Chapter 17
"May animal na nagkanulo sa atin!" paos ang boses ni Nana Conrada dahil kaninang hapon pa siya sigaw nang sigaw sa bukid na pag-aari ng kanyang anak. Minumura niya si Father Mer mula ulo hanggang paa. Maigi na lamang at walang ibang tao sa bukid noong mga oras na 'yon maliban na lang sa mga palaka at tagak na nanghihinain ng mga suso.Kasama na naman niya muli si Manong Jerry. Kaninang alas-otso pa ng gabi sila nag-iinuman sa rooftop ng bahay ni Nana Conrada. Halos tatlong kaha na ng beer ang nauubos nila at pareho silang hindi pa lasing. "Ssssshhh! Hinaan mo nga boses mo d'yan at baka marinig tayo. Puwede bang kumalma ka na muna," saway ni Manong Jerry sa kasama. Mag-a-alas dos na ng madaling araw at mga lamok na lang ang gising."Hindi ako nagnakaw ng santo na 'yon. Ibinintang na lang niya sa akin. Hindi na ako nakapalag dahil nagulat ako," nayayamot na sabi ni Nana."Bakit hindi mo sinabi na hindi ikaw ang kumuha ng rebulto ng birhen? Bakit hindi ka nangatwiran," balik ni Manong J
Read more
Chapter 18
Naudlot ang dapat sana'y lakad ni Father Mer. Tinamad na siya pagkatapos ng pag-uusap nila ni Nana Conrada. Tumawag siya sa mga taga- Asosasyon at sinabing hindi maganda ang pakiramdam niya. Nalungkot ang kausap niya sa kabilang linya, pero sinabi nilang naiintindihan naman daw nila. Magpagaling na lang daw si Father Mer at hintayin nito ang isang kaing ng dalandan na ipapadala nila. Nagpasalamat ang pari at humingi ng patawad. Sayang nga lang at pormal na ipapakilala na sana si Father Mer sa pagtitipong iyon bilang bago nilang miyembro.Kinagabihan, nagpaalam si Nana Conrada sa kanya na uuwi ito sa kanila at sinabing babalik sila ng umaga kinabukasan. Isinama niya ang apong si Minggay. Pinayagan na rin sila ni Father Mer dahil tinapos na rin naman nila ang kanilang gawain. Maghihiwalay ng landas sina Nana Conrada at Minggay sa may stoplight sa kanto. Papara muli ang matanda ng isa pang tricyle pauwi sa kanila sa Villapuerto habang si Minggay naman ay ihahatid ng sinasakyan nila pauw
Read more
Chapter 19
"Sino sabi 'yan eh!" bulyaw ni Father Mer sa sinumang nasa labas ng pinto.Hindi ito sumasagot. Tuloy-tuloy lang ito sa pagkatok at sige pa rin ito sa pagpihit ng doorknob. Lumabas ulit si Ulap mula sa ilalim ng kama. Umalulong ito at tila nilakasan pa lalo ang pagtahol."Ulap, stay here! Ulap!" tinatawag ni Father Mer ang alaga pero parang hindi siya nito naririnig. "Hindi ko bubuksan ang pinto hangga't 'di ka nagpapakilala." Wala pa rin. Dinadaga na ang dibdib ni Father Mer. Tumayo siya at sumilip sa bintana. Wala kahit isang kaluluwa siyang nakita sa labas. Mga kinse minutos na lakaran pa ang layo ng kasunod niyang kapitbahay. Maririnig kaya siya ng mga nakatira doon kung sakaling sumigaw siya ng saklolo?Nagpalinga-linga si Father Mer. Sandata--kailangan niya ng sandata. Proteksyon sa sarili kung sakaling masamang tao ang nasa labas ng pinto.Wala siyang nakita na kahit ano na sasapat maliban sa tabo. Kinuha niya iyon. "Kapag hindi ka pa umalis, tatawag ako ng pulis!" banta niya
Read more
Chapter 20
Nakangiti lang ang demonyong may tatlong ulo ng aso habang pinagmamasdan mula sa kanyang silid sa itaas ng bahay si Isabel, ang nakatatandang kapatid ng bagong kura paroko. Pagpasok pa lang nito ng bahay ay agad niyang nagustuhan ang halimuyak nito. Bango na nanggagaling sa matinding debosyon sa Diyos ngunit puno ng hinanakit ang puso. Dinilaan ng demonyong may tatlong ulo ng aso ang mga labi nito. Ang laway nila ay pumapatak sa sahig at napatay ang isa sa mga lamparang nakasindi roon.+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+Pagpasok pa lang ng gate, agad na tinakbo at niyakap ni Minggay si Tangkad, ang matalik na kaibigan niyang puno."Na-miss kita, Tangkad. Apat na araw din tayong hindi nagkita." Naglaglagan ang ilan sa mga dahon ng puno at umulan iyon kay Minggay. "Uy, na-miss niya rin ako."Hindi na muli pang gumalaw ang puno simula noong engkwentro nito sa Kuya Iking nila. Hanggang ngayon, pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad ang katawan ni Kuya Iking na nakabaon malapit din mismo sa pu
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status