All Chapters of Revenge of an Heiress (Zima Triplets Trilogy #1): Chapter 41 - Chapter 50
75 Chapters
Chapter 41
Chantria“Hi!”Napatingin ako sa likod ko nang may tumawag sa ‘min. Nakita ko naman si Aaron, kaibigan ni Gab, na nahihiyang lumapit sa ‘kin. Napatingin din siya kina Lorreine, Louella at Iwatani bago binati ang mga ito.“Hi, Aaron!” bati ko. Medyo nakakausap ko na rin naman siya dahil nagiging magkagrupo kami minsan sa mga activity namin. Pero masyado kasi siyang mahiyain kaya hindi talaga kami makapag-usap nang maayos. Kaya nakakagulat ding nilapitan niya kami.“Ahm… gusto ko sanang humingi ng favor sa inyo.”“Ano ‘yon? Basta kaya namin, why not?” sagot ko.Napapakamot siya sa batok habang nagsasalita. “Malapit na kasi birthday ni Gab at naisip naming i-surprise siya.” Napatango ako at napangiti. “Actually, si Makino ang nakaisip nito at ako ang pinakausap sa inyo.”Hindi ko alam kung matatawa ba ako kay Makino o ano. Pero kung para naman pala kay Gab, tiyak akong pati si Lorreine ay papayag kahit pa ideya ito ni Makino.“Anong maitutulong namin?” tanong ni Lorreine na may kaunting
Read more
Chapter 42
ChantriaSina Makino at ang mga kaibigan niya ang nag-aayos ng hotel na pina-reserve nila para gaganaping surprise party. Kami naman ang naatasan para sa mga pagkain kaya maaga pa lang ay namalengke na kami.Mabuti na lang at sabado ang birthday ni Gab at walang pasok. Kami ni Iwatani ang naatasan sa pamamalengke at sa pagluluto. Tutulong naman sina Lorreine at Louella sa pag-aayos ngayon habang nasa palengke kami.Sa mismong hotel kami magluluto at doon ay tutulong din ang lahat. May ilan sa kanila ang susundo kay Gab sa kanila at aayain itong maglaro ng basketball. Pero ang totoo ay dederetso sila rito sa hotel para sa surprise.Sina Makino at Aaron ang magmemensahe sa isa’t isa para malaman namin kung paparating na sila. Nandito lang kami sa hotel at maghihintay dala ang cake na si Makino mismo ang nag-bake.Kumuha lang ako ng ilang lobo na hahawakan samantalang iyong mga lalaking kaibigan ni Gab ay may hawak pang party popper. Sina Lorreine at Louella ay gaya kong may hawak ding m
Read more
Chapter 43
ChantriaMy head was preoccupied with Gab all day. Alam kong sinabi na ni Iwatani na huwag masyadong makialam sa nangyari. Pero hindi ko lang maiwasang hindi ma-curious sa kung ano ang meron.Sino kaya ‘yong Susana na ‘yon? Why was Gab at the cemetery instead of celebrating his birthday? May story ba sa likod n’on o nag-o-overthink lang ako?I can see that nothing has changed between him and his friends. Nag-uusap-usap pa rin sila at magkakasama na para bang walang nangyari. I don’t even know if he’s aware of the supposed-surprise birthday party.Hindi ko rin mabasa ang ekspresyon ni Makino dahil parang normal lang naman siya para sa ‘kin. Pero sa tuwing naaalala ko ang disappointed look niya noong araw na ‘yon ay hindi ko ma-convince ang sarili ko.Oo nga at tinulungan namin siya. Pero kumpara sa effort na nailaan niya ay wala ‘yong mga nagawa namin. Planning a surprise birthday party isn’t easy. Noong sinurpresa namin si dad noon ay hirap na hirap na kami kahit na tatlo kaming nagpl
Read more
Chapter 44
Chantria“Para sa umagang ito,” panimula ng instructor, “it’s going to be a field day.”Ngayon pa lang sasabihin sa mga estudyante kung ano-ano ang mga gagawin kaya wala pa akong ideya. Tanging ang instructor lang at ang mga guro ang nakakaaalam.May ilan ding mga taga-ibang section ang narito sa Tanay pero hindi namin kasama. Tiyak na ganito rin ang ginagawa nila sa mga oras na ‘to.“Since you all are fifty students in total, I want you to group yourselves into ten.”Mabilis nagkaniya-kaniya ang mga kaklase namin. Automatiko namang magkakagrupo kami nina Iwatani. Nakasama namin sa grupo sina Makino, Aaron at apat pa nilang mga kaibigan. Matapos iyon ay pumila kami sa harap ng isang stick na nakatusok sa harapan na may nakalagay na C.“For the rest of the day, sila ang mga magiging kagrupo ninyo. So, I suggest that you get to know them well.”For the rest of the day. Ibig sabihin ay may posibilidad na mabago ang grupo bukas. Ang una naming naging laro ay gamit ang isang bucket na may
Read more
Chapter 45
ChantriaSa mga susunod na ilang oras ay tahimik lang kaming dalawa. Tumataas na ang sikat ng araw at ramdam ko na rin ang init at pagod pero wala pa rin kaming nakikitang pagkain o maiinom. Hindi lang ako nagsasalita pero nagsisimula na akong mag-alala. Kung hindi malalagyan ng kahit ano ang mga tiyan namin ay mas mahihirapan kaming matapos ang course. Parang na-jinx ko pa nga yata talaga dahil pahirap nang pahirap ang course na daraanan namin.May nakita kami kaninang mas maayos at madaling daan pero hindi iyon ang tinuturo ng mapa. Kaya kahit nag-aalangan ay kailangan naming sundin kung ano ang nasa mapa kung ayaw naming maligaw. Hindi nga kami naligaw pero humirap naman ang bawat course.May mga nakahandang activities sa gitna ng bundok kaya alam naming nasa tamang daan pa kami. May ilan sa mga ‘yon ang kailangang akyatin ang mga puno dahil hindi kami makakatawid sa parte ng lupa na puro putik. May maliit na palatubigan din doon kaya doon kami nakainom ng tubig kahit papaano. Ma
Read more
Chapter 46
ChantriaI thought for a moment. “Na-miss kong panoorin ang ulan. This is a rare moment. I should cherish it.”Naramdaman ko ang pagtingin niya sa ‘kin. “Why is it a rare moment? Pwede mo namang panoorin ulit kapag umulan.”“It’s different. I don’t think I can watch it again with someone else. Kaya salamat at nandito ka. Although it’s entirely coincidental.”“Well, you can watch it again with Iwatani. Hindi ba at boyfriend mo naman siya. You can ask him to watch it with you.”Kumunot ang noo ko. “Iwatani’s not my boyfriend.”Napaawang ang bibig niya at tila naghahanap ng sasabihin. “But… I though… Makino said you’re in a relationship.”Agad akong umiling. “Nope. We’re not. We’re just friends.” Hindi ko inaasahan na hindi pa rin pala niya alam ‘to. I thought Lorreine already cleared the misunderstanding. Hindi pa rin pala. I should do it myself, then.Napatango-tango siya bago umayos ng upo. “Sobrang close niyo kasing dalawa kaya akala ko. The others thought that too, by the way. Hindi
Read more
Chapter 47
ChantriaKasalukuyan kaming nag-aayos ng mga gamit sa pag-uwi namin. Ngayon ko naramdaman ang pagod kaya halos hindi ko maiangat ang mga braso ko para mag-ayos. Pero hindi ko naman mahingi ang tulong nina Louella at Lorreine dahil alam kong pagod rin sila gaya ko.Matapos talaga ang saya at enjoyment, pagod ang kasunod. It’s not that I’m complaining, though. Gusto ko lang talaga humilata na at magpahinga.Paglabas namin ng cabin ay halos naroon na ang lahat. Mabilis na hinanap ng mga mata ko si Iwatani na naglalagay na ng gamit sa bus. Matapos niyang mag-ayos ay mabilis niya akong nahanap at nilapitan.“Wala ka bang nakalimutan?” tanong niya habang inaabot ang mga dala ko.“Wala na. Ito na lahat ang mga dala ko.”Tumango lang siya at nauna na sa paglalagay ng mga gamit ko. Napatingin naman ako kay Lorreine na nasa tabi ko na. “Sana all may tagabitbit ng gamit. Kailan ko kaya mahahanap ang tutulong sa ‘kin?”Mahina kaming natawa ni Louella. “Hindi hinahanap ang mga lalaki, Lorreine,” a
Read more
Chapter 48
ChantriaNapatingin ako sa paligid nang mapagtantong nasa isa kaming restaurant. Knowing Gab and his humongous house, I know that he’s rich. At least his parents are. Kaya naman hindi na ako nagulat nang dalhin niya ako rito sa isang mamahaling restaurant.“I told you,” sabi ko, “we could have gone to a cheaper restaurant. Hindi naman ako mapili.”Napaawang ang bibig niya at napaisip. Nilapit niya ang mukha sa ‘kin at sinabi, “This is supposed to be a secret, but I’m telling you anyway. I don’t really eat cheap stuff. Sumasakit ang tiyan ko kapag gano’n.”“Seriously?”Tumango siya. “Seriously. Ayokong maging picky sa pagkain pero hindi talaga natanggal ‘yon sa ‘kin. I’m allergic to many foods so let me do this. It’s my treat anyway. Sabihin na lang nating sinamahan mo ‘kong kumain. This is the least I can do.”Muli na naman akong napangiti dahil sa sinabi niya. I don’t know if he’s really allergic to cheap foods pero hinayaan ko na. Mukhang gusto niya talaga akong pakainin dito sa mam
Read more
Chapter 49
ChantriaAs expected, sobrang awkward sa tuwing naiiwan kaming dalawa ni Iwatani lalo na ngayong sina Louella at Lorreine ang nakapila para sa pagkain naming apat. Actually, Louella insisted na siya naman ang sumama imbis na si Iwatani.Wala naman akong nagawa dahil kailangang may maiwan sa table namin para hindi kami maagawan. Ayoko rin namang iwan dito mag-isa si Iwatani. Pero sa totoo lang, gustong-gusto kong umalis ngayon sa kinauupuan ko dahil sa sobrang pagkailang.Alam kong may alam si Louella. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa ‘yon o talagang masyado lang kaming obvious ni Iwatani. Sa tuwing may nangyayari kasi sa ‘min ay para bang alam agad ni Louella. Maybe she’s good at reading the atmosphere. I don’t know. Pero natutuwa ako dahil kahit papaano, binibigyan niya kami ng space and privacy. Hindi naman kasi siya nagtatanong. Dumating na’t lahat sina Louella at Lorreine ay tahimik pa rin kami ni Iwatani. But unlike before, kinakausap ko naman sina Lorreine na para bang wa
Read more
Chapter 50
ChantriaNang maihatid ako ni Gab sa bahay ay saka ko lang siya tiningnan. Mas maayos na ang itsura niya kumpara kanina. Mukhang kahit papaano ay napagaan ko naman yata ang pakiramdam niya.His problems didn’t disappear, but at least napagaan ko ang loob niya kahit saglit lang. From here on out, siya na ang bahala kung paano niya mareresolba ang problema niya. Basta kahit anong mangyari, nandito lang ako. After all, this is his life, not mine. Nandito lang ako para magbigay ng advice.“Thank you so much for today, Seanne,” ani niya. “Hindi ko ‘to makakalimutan.”I smiled. “You’re welcome. Kung kailangan mo ulit ng masasandalan at makakakwentuhan, nandito lang ako. We’re friends, after all.”Hindi agad siya sumagot. “Right. We’re friends.”Hindi na ako nakasagot dahil nakita ko na ang sasakyan ni Iwatani na nag-park sa harap ng bahay nila. Binalik ko ang tingin ko kay Gab na ngayon ay nakatingin na rin kay Iwatani na lumalabas ng sasakyan. “Anyway, maaga pa ang klase bukas. Tiyak magi
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status