All Chapters of Playing Pretend with Mr. Billionaire : Chapter 11 - Chapter 20
57 Chapters
chapter 11
Mula sa party ay nagpahatid ako kay Michael sa lugar nina Dianne.Makipot ang eskinita papasok sa mismong bahay ng kaibigan ko kaya nagpababa ako sa bukana."Are you sure that this place is safe?" salubong ang mga kilay na tanong ni Michael habang sinisilip ang paligid."Mas ligtas pa ang lugar na ito kaysa bahay namin," bubulong-bulong kong tugon."At sino nga ulit ang pupuntahan mo riyan?" pag-uusisa niya na nagpahinto sa akma kong pagbaba."Kaibigan ko," sagot ko.Kanina ko pa nasabi pero paulit-ulit siyang nagtatanong."Babae o lalaki?" walang ekspresyon niyang tanong ulit."Babae," maikli kong sagot.Nahagip nang tingin ko ang pagbaba ng mga nakasakay sa dalawang sasakyang nakasunod sa sinasakyan namin.Lumapit ang isa sa mga ito sa bintanang nasa tabi ni Michael kaya bahagya niyang ibinaba ang salamin nito."Check the vicinity, I'll get down of the car," utos niya sa tauhang lumapit."Teka! Bakit ka bababa?" nagtataka kong tanong sa kanya."Ihahatid kita sa mismong bahay ng kaib
Read more
chapter 12
"Wala ka ba talagang ideya kung ano itong pinasok mo?" labas ang litid na tanong sa'kin ni Dianne.Nang mapagbuksan niya ako kanina ng pinto at makita kung sino ang kasama ko ay bigla siyang namutla at napatulala. Kulang na lang at himatayin siya. Hindi naman agad ako nag-alala o nagduda dahil minsan talaga ay umaandar ang pagiging luka-luka niya lalo n at bilog iyong buwan.Hindi na nga lang ako nagkomento nang hindi siya nagsasalita hanggang sa umalis na si Michael at hindi ko na rin siya ipinakilala rito.Ang gaga hindi man lang nagpakitang tao na imbitahan iyong kasama ko na pumasok at basta na lang siyang tumunganga sa mukha nito.Matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari sa party at kasunduan namin ni Michael ay tsaka pa lang siya hestirikal na nagtatanong sa'kin ng mga kung anu-ano.Hindi ko naman siya masagot tungkol doon sa tanong niya kung papaano kami nagkakilala ni Michael at saan kami unang nagkita dahil wala pa akong lakas ng loob na ikwento iyong katangahan kong nagaw
Read more
chapter 13
Kinagabihan ay kinakailangan ko na talagang umuwi sa amin. Hindi ako pwedeng magpaumaga sa bahay nina Dianne lalo ba at kanina pa tumatawag si Mama pero hindi ko nga lang sinasagot.Hindi na ako nagulat bang naabutan ang buong pamilya ko na naghihintay sa'kin.Katulad nang dati ay halatang hindi ginusto ni Papa ang mananatili sa kinaroroonan at tiyak na napilitan lang itong sumunod kay Mama.Si Rachelle naman ay ang malinaw na kasundo ni Mama sa kung anong trip nilang ito."Gaano na kayo katagal magkakilala ni RM?" diretsong tanong ni Mama matapos akong magmano kay Papa."Mas maganda kong ipakilala mo ang itong si Rachelle sa kanya," pautos niyang mungkahi sa'kin at hindi man lang hinintay ang sagot ko sa kanyang tanong.Napasulyap ako sa kapatid ko habang iniisip kung bakit kailangan kong gawin ang sinabi ni Mama.Maarteng tumaas ang kilay ni Rachelle at pinagkrus ang mga binti habang nanunuya ang tingin sa'kin. Parang kaharap ko lang ang ikalawang version ni Trish."Si James nga na h
Read more
chapter 14
Kinabukasan ay lalong naging maugong ang balita tungkol kay Niro Villamor.Hindi na rin nagtangka si Mama na kausapin ako tungkol sa paksa namin kagabi.Tiyak ay napag-isip-isip na nito na walang magandang maidudulot sa reputasyon niya kung sakaling maikasal ako kay Niro.Wala mang gaanong nagawa ang peke naming relasyon ni Michael ukol sa magiging desisyon sana ni Mama pero malakas ang kutob kong may kinalaman siya sa mga kinakaharap na problem ngayon ni Niro.Kahit wala na akong poproblemahin tungkol kay Niro ay gagampanan ko pa rin naman ang pagiging girlfriend niya ayon sa aming napagkasunduan dahil alam kong ngayon pa lang ay may napipisil na si Mama na humalili kay Niro.At batay sa mga narinig ko rito kagabi ay natitiyak kong panibagong kaedaran na naman ni Niro ang target nito.Matapos maghanda upang pumasok sa trabaho ay nagmamadali na akong lumulan sa second hand kong sasakyan na pinakauna kong binili na galing sa sahod ko.Sinuway ko ang kagustuhan ni Mama na magtrabaho sa
Read more
chapter 15
Ramdam ko ang pamamanhid ng sarili kong mga labi nang tuluyang pakawalan ni Michael ang mga ito.Habol-habol ko ang hininga habang lupaypay ang katawang nakakulong pa rin ako sa kanyang mga bisig habang isinasandal niya ako sa sasakyan.Siguro kung hindi nakayapos sa'kin ang isa niyang braso ay kanina pa ako pinulot sa ilalim ng sasakyan.Literal na nawalan ng lakas ang mga binti ko at ni hindi ko na nga maramdaman ang mga ito. Bawat pagtaas-baba ng dibdib ko ay sinasabayan niya rin kaya nakaramdam ako nang pamimigat ng mga ito dahil sa pagkaipit sa pagitan naming dalawa.Ramdam ko ang pananayo ng mga utong ko na sensitibong tumatama sa suot kong bra. Gusto kong hawakan ang dalawang dibdib upang maibsan ang kakaibang pangangailangan ng mga ito.Hindi ko maipaliwanag at nahihirapan akong intindihin kung papaano pawiin ang nararamdaman."Nagkukunwari lang tayo," abot-abot ang hininga kong paalala sa kanya pero mas lamang na para sa sarili ko iyon.Ayokong tuluyang makalimot habang nin
Read more
chapter 16
Natapos ang buong maghapon na tinitiis ko ang mga sulyap at tingin sa'kin ng mga kasamahan ko sa trabaho.Dumagdag pa ang parang special treatment sa'kin ng mga nakakataas na sinasadya talagang dumaan sa station ko upang kumustahin ako o makipagkwentuhan gayong nakikita naman nilang pilit kong inaabala ang sarili gayong walang trabahong dumating sa mesa ko.Ako na iyong nagkukusang humanap nang tatrabahuin dahil bigla ay nag-iba yata ang posisyon ko sa kompanya. Maging iyong may-ari ay bumaba pa talaga kanina upang ayain akong magmeryenda na magalang ko namang tinanggihan.Lalong nadagdagan ang gigil na nararamdaman ko tuwing naaalala ko ang huli naming pag-uusap ni Michael.Wala na talagang makapagpigil sa'king tawagin siyang Michael dahil hindi naman niya ako pinagbawalan na gawin iyon!"Narinig mo ba iyong tawag niya kay RM?"Nabitin ang akma kong paglabas sa isa sa mga cubicle ng CR nang maulinigan ang pinag-uusapan ng mga bagong dating."Michael," halos pabulong na tugon ng isa.
Read more
chapter 17
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakalimot at nagpapakalunod sa halik ni Michael dahil nakabalik lang ako sa reyalidad nang umabot sa pandinig ko ang maharot na tilian ng mga kabataan sa kabilang bahagi ng park.Para akong binuhusan ng malamig na tubig kaya mabilis kong naitulak palayo si Michael kasabay nang pagtayo mula sa pagkakaupo.Agad kong sinuyod ang paligid upang alamin kung may mga nakatingin ba sa'min. Malaking eskandalo 'to kung sakali!Nakahinga ako nang maluwag nang makitang tanging iyong mga batang abala sa kung anong nilalaro nila ang natatanaw ko. Medyo papadilim na at nahaharangan ang kinaroroonan namin ng malaking puno kaya hindi kami gaanong nakikita mula sa mga ito. Ligtas ang inosente nilang mga mata mula sa hindi pambata naming eksena kanina!Nang masigurong wala akong dapat ipag-alala ay tsaka ko pa lang hinarap si Michael.Muntik pa akong mapamura dahil nang magtagpo ang mga tingin namin ay biglang may sumipa nang malakas sa puso.Ang tindi nang epekto
Read more
chapter 18
Halos hindi ako makahinga sa kabang nararamdaman nang tumambad sa paningin ko ang mga naghihintay sa amin ni Michael pagkarating na pagkarating namin sa pinagdalhan niya sa'kin.Wala sa sariling napakapit ako bigla sa braso niya habang papalapit kami nang papalapit sa mga nagkumpulan niyang mga kamag-anak.Para akong mabingi sa lakas ng kabog ng puso ko habang lumalabo naman sa paningin ko ang bawat mukha ng mga nakatutok sa'kin ngayon.Ganito talaga ako 'pag kinakabahan... biglang nagma-malfunction ang five senses ko at pkiramdam ko'y lumobo iyong ulo ko at kung hindi ako kakapit nang mahigpit kay Michael ay tiyak ililipad ako nito na parang hot-air balloon."You don't look good," mahinang puna ni Michael.Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako dahil ang totoo niyan ay halos dala na niya ang buo kong bigat dahil kanina pa nawawalan ng lakas ang mga binti ko.Nanunuri na naglakabay sa mukha ko ang tingin niya at sigurado akong nababasa niya roon ang kung anong nararamdaman k
Read more
chapter 19
Mabuti na lang at hindi kami nagtagal ni Michael sa bahay nila.Hindi ko nga maalala kung papaano natapos ang hapunan nang humihinga pa ako. Halos hindi ko na kasi nginunguya iyong pagkain dahil sa sobrang tensiyon na nararamdaman ko.Lunok na lang ako nang lunok at wala na akong nalalasahan sa mga inilalalagay na pagkain ni Michael sa plato ko."Bakit kabadong-kabado ka kanina?"Sinaman ko ng tingin si Michael dahil sa walang kwenta niyang tanong.Kasalukuyan kaming nakalulan sa sasakyan niyang maghahatid sa'kin pauwi. Hindi ko na matandaan kung papaano kami nagpaalam dahil masyado akong abala sa pagpapakalma sa sarili ko upang hindi mapahiya sa harapan ng pamilya niya.Talent ko kasi iyong pinapahiya ang sarili tuwing kinakabahan ako.Umaandar ang pagiging clumsy ko at minsan pa nga ay basta na lang nagbakasyon ang utak ko kaya kalimitan ay nauutal ako 'pag kinakausap.Mabuti na lang talaga kanina at hindi talaga ako iniwan ni Michael kaya halos hindi na rin ako bumitiw sa pagkakahaw
Read more
chapter 20
Bago pa ako makapagdesisyon kung ano ang itutugon sa narinig na pag-amin mula kay Michael ay umagaw sa atensiyon ko ang paghinto ng sinasakyan namin.Nang mapadako ang tingin ko sa labas ng sasakyan ay nasa tapat na kami ng bahay namin at tanaw na tanaw ko mula rito sa loob ang nakadungaw kong ina at kapatid mula sa terrace.Mabuti na lang at tinted itong sasakyan ni Michael kaya hindi nila nakikita ang kasalukuyan naming posisyon dito sa loob."B-bababa na ako," may bikig sa lalamunan kong pahayag.Hindi ko kasi alam kung papaanong baba gayong ganitong nakakandong pa rin ako sa kanya at mukhang wala siyang balak na pakawalan ako."Invite me in," utos niya sa'kin."Bakit naman?" nagtataka kong tanong.Sa totoo niyan ay ayokong magkausap sila ni Mama matapos ang napag-usapan namin ng ina ko kagabi.Tiyak na ipagtutulakan nito si Michael sa kapatid kong si Rachelle. Hindi naman ako nangangamba na magtagumpay ang mga ito sa kung anong binabalak nila kay Michael dahil hindi naman siguro g
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status