All Chapters of Affair Of The Heart ( Love Series #1 ): Chapter 21 - Chapter 30
31 Chapters
15.1: No Chance
Sa buong durasyon ng bakasyon ay laging nakasimangot, aburido at mainit ang ulo ni John Carl dahil matatapos na lang ang bakasyon ay hindi pa rin niya nakakausap ng sarilinan o naipapasyal sa labas si Bea. Dahil kung hindi ito masyado itong abala sa pag-aaral kung paano gamitin ang mga gamit nila sa bahay sa tulong ng mommy ay lagi itong kasama ni manang, ang nag-iisa nilang kasambahay, upang turuan kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin.Habang siya naman ay abala sa kanilang drama club kahit na bakasyon sa eskwela dahil regular pa rin ang kanilang practice sa pagsayaw at pagkanta, seminar at mga acting workshop. At dahil hindi niya magawang ipakita sa kanyang pamilya ang totoong nararamdaman kaya hindi niya maipigilang ibunton sa kaibigan at kasama sa club ang pagsusungit. Pero tila hindi apektado ang kaibigan sa mga ipinapakita nito at sa halip ay ginagamit pa nitong pang-asar ang masamang mood niya sa pamamagitan ng araw-araw na pang-uusisa sa dahilan ng iniaasta niya na lalo
Read more
15.2: No Chance
BEATRISEExcited na nagbihis si Bea nang sabihin ng kanyang tiya na aalis sila upang mamili ng mga gamit na para sa eskwela idagdag pa na iyon din ang araw na makakalabas at makakapasyal siya kahit papaano bago pa man magsimula ang pasukan. Dsahil simula ng dumating siya sa bahay na iyon ay wala siyang ibang ginawa kundi ang pag-aralan ang lahat ng mga kailangan niyang gawin para makapagtrabaho siya ng maayos.Matapos niyang isuot ang isang kulay pink na bestidang ibinigay sa kanya ng tiya niya para sa araw na iyon at ang sandals na bigay rin sa kanya ay halos takbuhin na niya ang pagbaba ng hagdan dahilan para mapagalitan siya ni manang Rita, ang nag-iisang kasambahay nila JC na may katandaan na rin. Isang mabilis na paghingi ng paumanhin na lang ang nagawa niya bago mabilis na lumabas ng bahay at tinakbo ang sasakyang nakaparada na sa labas ng gate.“Sakay na, ate Bea!” sigaw ng pinsan niyang halatang excited din habang nakadungaw sa nakabukas na bintana at nang makalapit siya ay is
Read more
16.1: Kilig-Bonding
Hindi alam ni Bea kung gaano katagal na silang bumabyahe at ang tanging nagsasalita ay si Anne Marie na kinukuwentuhan ang mommy nito ng kung ano-ano. Pero ramdam niya ang tension sa dalawang lalaki na magkatabi sa kanan niya na parehong walang kibo.Kaya hindi niya malaman kung ano’ng gagawin niya sa sitwasyong kinasasadlakan lalo pa at hindi lang ang tension sa mga katabi ang nararamdaman niya kundi maging ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib sa tuwing magdidikit ang mga balat nila ni JC.Idadag pa na hindi pa rin siya sanay sa pagbyahe at pagsakay sa mga sasakyan ay lalong tumindi ang hilong nararamdaman niya. Kaya mas pinili na lang niyang sumandal at pumikit habang paulit-ulit na lumulunok dahil sa naiipong laway sa loob ng kanyang bibig.“Okay ka lang ba, Bea?” Narinig niyang tanong ni JC sa tabi niya kaya saglit siyang dumilat para tingnan ito bago muling pumikit.“Medyo nahihilo lang ako. Hindi pa rin kasi ako sanay sa pagsakay sa kotse at pagbyahe,” sagot niya sa mahinan
Read more
16.2: Kilig-Bonding
At habang naghihintay kay JC ay inutusan na sila ng tiya niya umorder ng gusto nilang kainin. Mabilis na dinampot ni Anne ang menu at nagsimula ng pumili habang siya ay inisa-isa muna ang mga nakasulat na ang ilan ay hindi pamilyar sa kanya.Pero pamilyar ang mga nakalagay na picture kaya umorder siya ng pancit malabon na pamilyar sa kanya at tempura na madalas niyang makita sa ilang mga palabas na napanood niya habang iced tea sa inumin na nakita lang din niya sa t.v..Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng dumating na si JC kasunod ang kaibigan nitong halatang nang-aasar dahil sa nakasimangot na mukha ng pinsan niya na tanaw mula sa kinauupuan nila. Siya ang unang nakakita sa mga ito dahil panay ang sulyap niya sa paligid.Hindi niya kasi maiwasang usisain at pagmasdan ang mga bagong nakikita sa paligid niya pero nagkunwari siyang hindi nakita ang mga ito at itinuon na lang ang atensyon sa kinakain.“Mom! Kanina pa kayo?” Narinig niyang tanong ni JC ng makalapit sa kinaroroonan nila.“
Read more
17.1: Unexpected Gift
Nang nasa byahe na sila ay muli na naman siyang natahimik dahil ang hilong naramdaman niya kanina ay muling bumalik at mas lumala pa dulot ng kabusugan. Pakiramdam niya ay tila hinahalukay ang kanyang sikmura kaya kahit naririnig niyang may kumakausap sa kanya ay hindi na niya iyon magawang tingnan dahil sa tuwing ididilat niya ang kanyang mga mata ay para bang umiikot ang kanyang paligid.Dahil nanatiling nakapikit ay hindi na niya namalayang nakaidlip na siya at nagising lang dahil sa pagyugyog ng kanyang katawan. Halos ayaw pa niyang dumilat dahil tila umiikot pa rin ang kanyang paligid at pakiramdam niya na anumang oras ay lalabas ang lahat ng kanyang kinain.“Bea, kaya mo ba’ng tumayo?” tanong ng isang tinig malapit sa kanyang kaliwang tainga. “Halika, tulungan na kita.”Kahit hindi pa siya sumasagot ay naramdaman na niya ang paghawak nito sa kanyang kaliwang kamay kaya kahit bahagya pa ring nakapikit ay nagawa na niyang bumaba ng sasakyan.Ilang ulit muna siyang nanatiling nakay
Read more
17.2: Unexpected Gift
Ni hindi niya namalayang nakapikit na siya habang sinisinghot ang amoy nito na kumalat sa loob ng kanyang kwarto.“Ayos ka lang ba?” usisa nito nang mapansing nakapikit siya kaya mabilis siyang napadilat habang sunud-sunod na napailing dahilan para mapahawak sa sariling ulo nang muling makaramdam ng hilo.“Ha? Ano? Ahm… Medyo masakit lang ang ulo ko,” napapangiwing dahilan niya na siya rin ang may kagagawan. “Gusto mo ba dalhan na lang kita ng lugaw dito?” suhestyon nito na akmang tatayo niya kaya mabilis niya itong hinawakan sa braso pero nang mapagtanto ang ginawa ay tila napapasong napabitaw siya roon.“’Wag na, kaya ko namang bumaba,” sagot niya kasabay nang pagtayo. Hindi na siya nag-abalang maghanap ng suklay at ginamit na lang ang mga daliri para ayusin ang magulang buhok. “Tara,” yaya niya at inunahan na ito sa paglabas ng sariling kwarto. Hindi na siya nag-abalang lumingon dahil alam niyang susunod na rin ito kaya tuluy-tuloy siyang bumaba ng hagdan at dumiretso sa kusina na
Read more
17.3: Unexpected Gift
Wala sa sariling napatingala siya rito at hindi sinasadyang nagsalubong ang kanilang mga mata. Hindi rin niya napigilan ang pagkawala nang isang mahinang singhap, pakiramdam niya ay saglit na tumigil ang oras habang magkahinang ang kanilang mga mata.Pakiramdam niya ay hinihigop siya ng mga mata ng lalaki at hindi niya magawang iiwas ang tingin. Maging ang kanyang paghinga ay unti-unting bumibilis kasabay nang panunuyo ng kanyang lalamunan kaya wala sa sariling ilang ulit siyang napalunok bago pinaglandas ang dila sa nanunuyong mga labi. Nakita niyang saglit dumako ang mga mata nito roon bago muling tumitig sa kanyang mga mata. Natauhan lang sila nang makarinig ng tunog mula sa kung saan kaya mabilis silang nag-iwas ng tingin sa isa't isa.Nanlalambot na napaayos iya ng upo habang hinila naman ni JC ang upuan na malapit sa kiaroroonan niya bago naupo.Hindi siya makatingin sa direksyon nito dala ng hiya at kaba kaya itinuon na lang niya ang pansin sa cellphone.Sakto naman na lumapit
Read more
18.1: Make A Plan
Matapos siyang turuan ni JC ay nagpaalam na itong babalik sa kwarto kaya naiwan na siyang mag-isa sa kusina. Ilang sandali rin siyang natulala dahil pakiramdam niya ay napakaraming nangyari sa kanya ng araw na iyon.Naroon ang pagpunta nila sa mall para mamili ng mga kailangan sa darating na pasukan, ang pagkakakilala nila ng kaibigan ni JC, ang sobrang hilo dahil sa byahe at pagkatapos ay ang isang hindi inaasahang regalo na natanggap niya mula sa kanyang tiya.Tila ba nananaginip siya dahil alam niyang hindi ganoon kasimple ang pagbili ng isang mamahaling gamit para lamang ibigay sa kanya.Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pressure dahil sa regalong natanggap, ibig sabihin lang kasi noon ay kailangan niya talagang pagbutihin ang mga ginagawa para sa sarili at sa kanyang pamilya.Nang muli siyang mapatingin sa hawak na cellphone ay biglang sumagi sa kanyang isip ang naiwang pamilya sa probinsya at kalagayan ng mga ito.Hindi niya alam kung nagawa ba ng kanyang mga magulang na mapag-ar
Read more
18.2: Make A Plan
“Number two ay ang mag-practice umarte, kumanta at sumayaw sa harap ng salamin para makita ko kung ano ang reaksyon ng mukha ko.”Isinulat niya ang lahat nang nabasa niyang sa tingin niya ay kailangan niyang tandaan kahit na alam niya sa kanyang sarili na hindi pa niya iyon matutupad, gaya nang pagsali sa mga reality show o ang pag-o-auditon.Hindi na niya matandaan kung ilan na ang mga nabasa niya dahil halos lahat ng nakasulat ay pare-pareho na lang, mapa-English man iyon o Tagalog.“Sana lang maintindihan ko kung ano ang mga nakasulat…” bulong niya habang tinitingnan ang mga pamagat ng mga lumabas na English article. Pero muli siyang napailing nang makita na halos lahat ng nabasa niya ay pare-pareho lang ang unang dapat gawin―ang maging maganda at maayos ang panlabas na hitsura at mag-practice sa pag-arte.“Okay, dapat kong simulan bukas ang pag-aayos ng sarili at ang mag-practice. Tapos ang susunod ay ang paghahanap ng mga lugar na mayroong mga audition para makapaghanda ako na pu
Read more
19.1: Preparation
Kinabukasan matapos patayin ni Bea ang tumutunog na alarm clock na nakapataong sa drawer na katabi ng kanyang kama ay muli siyang bumalik sa paghiga ilang sandaling tumitig sa kisame para isipin ang lahat ng nangyari nang nakalipas na araw.Iniisip niya kung totoo ba ang lahat nang nangyari hanggang sa maalala niya ang tungkol sa kanyang bagong cellphone. Kaya bigla siyang napaupo at hinagilap ang cellphone sa ibabaw ng kanyang kama. Halos ihagis na niya ang kumot at unan para lang mahanap ang bagay na inakala niyang isa lamag panaginip hanggang sa makita niyang nadaganan iyon ng unan.Dali-dali niya iyong dinampot at inusisa sa takot na baka nadaganan niya iyon. At nakahinga lang siya nang maluwag ng masigurong wala iyong naging pinsala.Nakatitig pa rin siya sa cellphone nang bigla iyong umilaw at tumunog tanda mayroong nag-texr. At dahil wala pa naman siyang ibang itini-text ay nagtatakang tiningnan niya ang lumabas na pangalan.'John Carl,' bulong niya sa sarili nang mabasa ang na
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status