Lahat ng Kabanata ng Love you still: Kabanata 51 - Kabanata 60
71 Kabanata
KABANATA 51
AlexenaInilibot ko ang paningin ko sa bagong unit na tinutuluyan ko, rather... namin pala ng pinsan ko.Nakatambay lamang ako simula noong makapag-resign ako at sa mga panahong iyon ay ginugol ko ang mga araw sa paglilipat namin ng gamit sa aming matitirhan.Hindi naman sa assumera ako na baka puntahan pa ako ni Mikey sa dati naming tinutuluyan dahil alam nito iyon, mas mainam na lang 'yong sigurado ako. Saka mas okay na ito, na ganito... kumbaga ay bagong simula. Huminga ako nang malalim noong mapagod sa pagmamasid ang mata ko.Nakakabagot lang dahil nag-iisa lang ako ngayon, umalis kasi si Zelle. Isinasama naman ako nito pero ako ang makailang tumanggi sa paanyaya nito.Napatingin ako sa telepono ko na nakalapag sa center table noong tumunog iyon.Napailing ako nang maisip na malamang ay ang magaling kong kapatid iyon.Tinatamad tuloy akong bumangat para sagutin, paano nga ay puro kasi kaabnormalan ang sinasabi sa akin. Katanda na ay napakaisip-bata pa rin. Kalaunan ay nababagot
Magbasa pa
KABANATA 52
AlexenaNaikurap-kurap ko ang mata ko. Teka. 'Yong movie ba talaga ang tinutukoy nito o may iba pa?"Ikaw, Ma'am? Alin ang pipiliin mo kung sakali? Mang-iwan o maiwan?" patuloy na tanong pa nito.Lumunok ako at hindi makuhang kumibo."Ma'am? Ano na ang pipiliin mo kung ikaw 'yong nasa gano'ng sitwasyon?" untag nito.Napangiti ako nang mapait. "W-Wala," tugon ko.Suminga muna ito dahil mukhang nagbabara na ang ilong bago sumagot. "Bakit naman wala? Kahit isa lang, Ma'am."Huminga ako nang malalim. "Wala akong gustong piliin, because they're both painful. Maiwan o ang mang-iwan, kung mahal ninyo ang isa't isa, gano'n pa rin naman, may masasaktan. Walang ipinagkaiba dahil pareho lang naman na malalayo ka sa taong mahalaga sa iyo." Napatango-tango ito."But the thing is, madalas na nahuhusgahan kaagad ng mga tao kapag nalaman na ikaw ang nang-iwan, lalo na kung walang paalam, walang pasabi at 'yong basta-basta," dugtong ko na hindi maiwasang tumakas ang lungkot sa tinig.Tahimik at mata
Magbasa pa
KABANATA 53
AlexenaNagulat ako nang mapagbuksan ko si Cloud ng pinto, nakangisi na kumaway pa ito sa akin.Tinaasan ko ito ng kilay bago binitiwan ang seradura ng pinto. "Wala ka bang tinatrabaho?"Halata kasing hindi ito pupunta sa opisina sa pormahan nito na naka-cargo shorts, polo na pang-hawaiian na mukhang sadyang hindi nito isinara ang ilang butones sa gawing taas at tinernuhan pa ng white sneaker shoes. Ang fresh nitong tingnan.Pero saan kaya ang lakad nitong sira-ulong ito pagkatapos akong pestehin muna?"Wala pa namang masyado."Tumuloy ako sa sofa at patamad na umupo roon. "Hindi ka ba hinahanap sa opisina?" "Hindi, nag-file ako ng leave for 7 days."Naks. Sana all. May susuwelduhin kahit hindi pumasok ng pitong araw, na reminder sa akin na kailangan ko na palang maghanap ng trabaho, medyo humahaba na rin ang bakasyon ko.Tiningnan ko ito na nakatayo pa rin sa mismong pintuan. Mukhang wala itong balak na magtagal, mukhang hindi ako pepestehin at mukhang kay tino-tino. Well, sana ng
Magbasa pa
KABANATA 54
AlexenaKalaunan ay pinakawalan din ako nito at inayos ang buhok kong medyo nagulo nito. "Nagmumukmok ka na naman dito," pag-iiba nito sa usapan kapagkwan.Ngumuso ako. "Hindi kaya," tanggi ko.Tiningnan ako nito nang hindi naniniwala. "Hindi raw."Umirap lang ako."Sabagay, uso yata 'yan e, 'no? May kakilala pa kasi akong isa na ganyan din, nagmumukmok."Bumalik kaagad ang tingin ko rito, nakita ko ang ngisi sa mukha nito at ang tingin nito na parang inaasahan na ang paglingon kong muli rito.Tss. I rolled my eyes. "Come on! Don't say bad words," hiling ko.Mabilis na tinakpan ko ang tenga ko nang makitang lumaki ang ngisi nito at bubuka na naman ang bibig nito upang maglabas ng mga karumal-dumal na salita na iniiwasan kong marinig.Nakakainis ito. Hindi ba nito nakikita na nahihirapan akong makalimot at mag-move on?Pilit na tinanggal nito ang mga kamay ko pero mabilis na ibinalik ko lang din."I'm trying to move on, okay? So please let me. Stop mentioning anything that will start
Magbasa pa
KABANATA 55
AlexenaNakakatukso ang offer nito, lalo pa nga at parang bitin na bitin ako sa pag-upo at sa pamamahingang ginawa namin na saglit na saglit lang talaga.Ngunit sa halip na sunggaban ang alok nito ay humalukipkip ako habang nakatingin dito bago napangiti.Lagi itong nang-aasar pero alam na alam din nito kung paano alisin at burahin ang pagkaasar ko. Lagi itong nangti-trip pero pagkatapos akong pag-trip-an ay gagawa naman ito ng paraan at ako naman ang pasasayahin at papangitiin. Hindi man ito palaging nasa tabi ko, pero alam ko, kahit noon pa mang nag-aaral kami kung gaano ito mapagkakatiwalaan at maaasahan sa lahat ng bagay. Maloko ito at palabiro, oo. Pero never pa akong nadismaya rito 'pag tungkol na sa seryosong bagay ang usapan.I'm so happy that I do have a friend like him. Na kahit lumipas pa ang ilang taon na hindi kami nagkasama at isa ito sa mga taong nasaktan ko, still, heto pa rin ito, ito pa rin 'yong Cloud na sobrang maalaga, maaasahan at mabuting kaibigan. Ito pa rin 'yo
Magbasa pa
KABANATA 56
AlexenaHindi ko mapigilan ang ma-frustrate at mainis.Alam ko naman na galit sa akin si Mikey pero bakit tila ba pati si tadhana ay nakikisali at nakikialam na para bang kamping-kampi at pinagtutulungan ako ng mga ito? Ba't gano'n? Ang unfair! Galit rin ba ito sa akin? Bakit kasi kung alin pa 'yong iniiwasan ko, 'yon pa rin 'yong pilit na nakakatagpo ko? Palagi na lang na hindi ako nai-inform kaya nagugulat na lang ako at nagmumukhang tanga. Tuliro pa rin ako dahil sa nangyari at sa kaalaman na narito rin ito, hindi ko naman masisi si Cloud dahil hindi naman ako pinilit nito, kusa akong sumama dahil akala ko ay makakalayo akong pansamantala at makakahinga kahit bahagya. Hindi namin pareho inaasahan ang nangyari.Nagpaliwanag ito sa akin na ang alam nga raw talaga nito ay hindi pupunta ang kaibigan nito. Matagal na raw kasing nagyayaya at plano ang mini reunion na ito kasama ng mga dating kaibigan ng mga ito during highschool days, sa tagal nang pagyayayaan ay ngayon lang daw natulo
Magbasa pa
KABANATA 57
AlexenaKatulad ko, dahil siguro sa pagkagulat ay hindi nakaimik si Eros. Ngunit nang makabawi na ako ay ibinaba ko ang hawak ko. "Hoy, ano ka ba?" sita ko kay Cloud bago hinila ang laylayan ng damit nito."Masyado kang mabait kay Lexy. May motibo ka ba kaya ka ganyan, pare?" patuloy na tanong nito at hindi ako pinansin.Nanlaki ang mata ko.Wtf? "Hoy. Kung anu-ano ang sinasabi mo," singit ko ulit, ako kasi ang nahihiya sa mga pinagsasasabi nito na wala namang batayan."Selos ka na niyan?" tanong naman ni Eros.Wtf ulit? Bakit may selosan na sa usapan na hindi naman dapat at alam ko namang wala?"Hindi naman. Pero payong kaibigan lang, panatilihin mo ang tamang distansiya sa pagitan ninyo ni Lexy.""Wala naman akong ginagawang masama, ah," tugon naman ni Eros."Wala nga. Pero masyado kang mabait."Nakita ko ang pagkamot ni Eros sa batok nito. "Masyadong mabait? Baliktad na ba ang mundo at tila ba masama na ang pagiging mabait ngayon?"Tumawa nang magaan si Cloud. "Hindi naman sa gan
Magbasa pa
KABANATA 58
AlexenaDahil sadyang hindi ko inaasahan ang taong nasa harap ko ngayon na ilang dipa lang ang layo sa akin ay hindi ako agad nakakilos sa kinatatayuan ko.What is he doing here?Napakurap ako nang makitang nag-umpisa na itong lumakad palapit sa akin. Lumunok ako at parang gusto ko na lang tumakbo nang napatingin ako sa mata nito na may bahid ng galit.Ano na naman ang nagawa ko na ikinagagalit nito? "What do you think you're doing back there, huh?!" gigil na tanong nito bago ako hinawakan nang mahigpit sa braso noong tuluyan na itong nakalapit sa akin.Hindi ko napigilan ang mapangiwi dahil sa sakit na nararamdaman ko sa pagkakahawak nito sa akin. "Let me g-go," sa halip ay sagot ko at pilit na tinatanggal ang kamay nito.Tumawa ito nang pagak. "Let you go? Ang lakas ng loob mong sabihin sa akin 'yan. Hindi ba at umalis ka nga ulit para iwanan ako? Nag-resign ka na wala akong kaalam-alam. Diyan ka naman magaling, 'di ba?" mapang-uyam na tanong nito.Pinigilan ko ang pagtulo ng luha
Magbasa pa
KABANATA 59
AlexenaKatulad nang inaasahan ko na ay nahirapan akong gumising dahil sa puyat, sino ba naman kasi ang makakatulog nang matino kung alam mong nasa iisang kuwarto lang kayo ng taong pinakaiiwasan mo? Worse, nasa kabilang kama lang ito at super aware ako sa presensiya nito kahit na ang totoo ay hindi naman ako nito inaano. Isa pang dahilan kaya hindi naging maayos ang tulog ko ay naaalala ko ang pag-uusap namin na hindi ko na lang din binanggit pa kay Cloud at baka yayain na ako nitong umalis.Wala pa sana akong balak na gumising dahil pakiramdam ko ay kulang pa rin ang tulog ko pero sapilitang ginising na ako ni Cloud dahil mataas na raw ang sikat ng araw at nagugutom na raw ito.Nag-ayos lang ako ng sarili bago kami lumabas dahil si Cloud ay maayos na noong mamulatan ko ito at hinihintay na lang talaga akong kusang magising pero noong hindi na ito nakatiis ay tinapik-tapik na ako nito.Wala ng tao sa kusina nang makarating kami roon kaya kaming dalawa na lang ang kumain, obviously ay
Magbasa pa
KABANATA 60
AlexenaSinubukan kong magsukat at nakitang sakto naman sa akin ang mga binili ni Cloud.Hindi ko mapigilan ang mapapalatak. Kay galing kasi nito, napaghahalataan na sanay na sanay itong tumingin ng size ng katawan at mga gamit pambabae, ah?Napailing-iling tuloy ako.Hmm... si Mikey kaya? Ganito rin?Naipilig ko ang ulo ko nang mapagtanto ang naiisip ko.Dmn.Pilit na iwinaksi ko na lamang ang isiping iyon at pagkatapos ay tiningnan ko ang repleksiyon ko sa harap ng salamin.Mula sa mukha ay bumaba ang tingin ko, hanggang sa napunta ang mata ko sa bandang puson, wala sa loob na napahaplos ako sa peklat na naroon.Wala na ang sugat. Naghilom na. Wala na rin ang pisikal na sakit. Peklat na lang ang natira. Peklat na panghabang-buhay at hindi basta-basta mabubura. Peklat na sa tuwing makikita o mahahawakan ko ay may alaala ng nakaraan ang nagdudulot ng lungkot at sakit sa akin. Naghilom nga sa panlabas, ngunit sa loob ay hindi pa rin. Tila ba sugat na may langib ngunit sa loob ay sari
Magbasa pa
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status