All Chapters of Love you still: Chapter 41 - Chapter 50
71 Chapters
KABANATA 41
AlexenaBinuksan ko ang pinto ngunit natigilan ako dahil sa naabutan ko si Mikey na prenteng nakaupo sa silya na naroon palagi sa harapan mismo ng mesa ko. Lumunok ako dahil inunahan na ako ng kaba bigla, lalo pa nga at tumitining sa isipan ko ang huli naming pag-uusap at hindi namin pagpapansinan pagkatapos niyon kahit na madalas ang pagpunta nito rito kay Hero dahil sa pag-uusap tungkol sa project na hawak sa kasalukuyan ng mga ito.D*mn. Pero bakit kasi ang aga nitong narito ngayon? May usapan ba ito at si Hero? Bakit wala pa si Hero?Pasimple akong humugot ng hangin.Hindi ko alam kung nagulat din si Mikey katulad ko pero kung nagulat man ito ay hindi ko na iyon napansin pa at nahalata dahil hindi naman ako nito pinansin, ni hindi nga ito nag-angat ng tingin kahit na alam ko na alam naman nito at ramdam nito na may dumating na ibang tao. Imposible kasing hindi nito narinig ang pagbukas ko ng pinto. Hindi ito bingi sa pagkakaalam ko.Lumipas ang sandali ngunit patuloy lang ito sa
Read more
KABANATA 42
AlexenaNaikuyom ko ang kamao ko.Hindi ko talaga mapigilang mapikon, hindi lang kay Mikey at sa inaasta nito kung hindi mas lamang sa sarili ko."Babe?" untag ng tinig sa akin ni Hero.Taka ko itong nilingon nang makitang nakakunot ang noo, lumunok muna ako bago nagtanong. "B-Bakit?”Umiling ito at may pagtataka akong tiningnan. "Wala. Nakasimangot ka kasi riyan, e. Anong problema?" Mabilis akong ngumiti nang pilit at umiling. "W-Wala. Wala naman. Ano naman ang magiging p-problema ko?" May pagdududa ako nitong tiningnan. "Sure?""Oo naman."Mula sa pagkakatingin sa mukha ay bumaba ang mata nito. "Hmm? E, bakit lukot na 'yang papel na hawak mo?" puna nito.Napatingin ako sa hawak kong papel at... sh*t, bakit lukot nga?"U-Uh... ano, s-sorry. I-print ko na lang ulit 'to." hindi magkandaugaga na sabi ko habang pilit na inuunat ang papel na wala nang pag-asang maging maayos.Tumawa ito nang malakas. "Huy! Ano ka ba? Ano bang nangyayari sa iyo?"Ano bang nakakatawa? Hays, isa pa itong na
Read more
KABANATA 43
Alexena"Aalis muna ako, Babe. I'll call you later na lang, okay?" kaswal na paalam ni Hero.Pinagmasdan ko muna ito bago tumugon. "Okay. Pero teka, huwag mong sabihing aalis na kayo para i-meet sina Mr. Fulgencio?" nagtataka kong tanong dahil kapansin-pansin na nagsuot ito ngayon ng coat na madalas talaga ay palamuti lang at swivel chair lang nito ang nakikinabang kapag hindi ito lumalabas ng opisina.Pero dahil bihis na bihis ito, it means lang talaga na aalis ito at may kakatagpuing tao. Tumango ito. "Yeah."Kumunot ang noo ko bago binuklat ang schedule nito na nasa ibabaw lang ng lamesa ko, ang alam ko kasi ay mamaya pang after lunch iyon.Ibinalik ko agad ang tingin dito noong makumpirma na tama ang naalala ko. "Ang aga pa, ah? Mamaya pa ang meeting ninyo," pagbibigay alam ko rito, just in case lang na baka nalimutan nito.Kumamot ito sa pisngi. "Dapat, kaso may aasikasuhin daw kasi si Mr. Fulgencio mamaya. Emergency raw, kaya nakiusap na ipa-move na lang 'yong oras na mas maaga
Read more
KABANATA 44
AlexenaHindi ako makakilos hanggang sa mabagal na inalis ko na lang sa tapat ng tenga ko ang telepono at tuluyang ibinaba iyon nang marinig na bigla na lamang naputol ang linya.Bumangon ako.What the fck was that?Para sa akin ba 'yon? Anong nangyari rito at bakit nito sinabi iyon sa akin? O nagkamali lamang ito ng taong tinawagan?Sht. Here I go again. Ilang salita lang pero natataranta na at sobrang apektado na.Napakarupok, Alexena! Umayos ka nga!Napahinga ako nang malalim bago walang lakas na humigang muli at tumitig sa kadiliman na bumabalot sa silid.Punyemas. Napakabilis na matibag no'ng kagustuhan kong maging masaya na, napakabilis magulo ng isip at nararamdaman ko dahil sa mga simpleng salita na sinabi nito na ni hindi ko nga alam kung para sa akin ba talaga.Naihilamos ko na lang ang dalawang kamay ko sa mukha ko dahil sa nakaka-frustrate na pakiramdam.Fck. Paano pa ako nito makakatulog? Hindi na nga ako dinadapuan ng antok kanina pa, paano pa kaya ngayon? Dinagdagan pa
Read more
KABANATA 45
AlexenaNapabaling ako kay Mikey at napaayos bigla ng upo. Hindi naman ito nakatingin sa akin at nakatuon lamang ang mata nito sa kape.Nagsalita ba talaga ito? O kung anu-ano lang ang naririnig ko? Guni-guni ko lang?Hindi ko na sana papansinin pa pero nakita ko ang pagkibot ng labi nito habang nakayuko nang bahagya at nakatutok pa rin ang mata sa kape. "Bakit, Alexena?" ulit nito.Bakit? Anong bakit? Nag-uusap ba kami? Sa pagkakatanda ko ay nananahimik ako. Huwag nitong sabihin na may sinabi ako nang hindi ko namamalayan ang sarili ko?Kumunot tuloy ang noo ko. "W-What do you mean? Anong bakit?" naguguluhang tanong ko.Lasing pa ba ito? Hindi pa rin ba ito nahuhulasan?"Bakit mo ako nagawang iwan noon? Paano mo nagawa sa akin 'yon, Alexena?" garalgal ang boses na tanong nito na sobrang hindi ko inaasahan.Hindi ako nakakibo.At fck. Teka nga, bakit parang naiiyak ito?Nakagat ko ang labi ko bago nag-iwas ng tingin. Parang ayoko nang malaman pa ang sagot sa tanong ko dahil sa pagkag
Read more
KABANATA 46
AlexenaIkinurap-kurap ko ang mata ko upang pigilan ang mainit na likido na gustong kumawala mula roon, ngunit hindi iyon nakatulong nang sunod-sunod nang pumatak ang malalaking butil. Maagap na pinahid ko ang luha kong nagpapalabo sa paningin ko at lumunok ng ilang beses kahit na ramdam ko ang panginginig ng labi ko bago nagpatuloy."M-Mahal kita, tanggap ko naman kahit na may mahal ka pang iba, sumugal pa rin ako kahit na alam kong malaki ang posibilidad na matalo lang ako sa huli, kaya kong tanggapin ang pagkatalo kaya nga sumubok ako. Alam mo ang hindi ko kaya? 'Yong makipagkompetensiya sa isang taong patay na para lang mahalin ako ng taong mahal ko! Hindi ko 'yon kaya! Hindi ko kayang habang-buhay na lokohin ang sarili ko na ako ang mahal mo kahit na alam ko naman ang totoo na hindi at nakikita mo lang siya sa katauhan ko. Mahal kita, kaya iniwan kita! Gano'n kita kamahal na hindi lang ang sarili ko ang nagawa kong saktan kundi pati na ang pamilya at ilang kaibigan ko. Hindi kita
Read more
KABANATA 47
AlexenaAkala ko ay ako lamang ang may dapat na sabihin. Pero ito rin pala, naipon ang mga salita para sa aming dalawa sa mahabang panahon. Ngayong sumasambulat ay pareho lamang kaming nagugulat at nasasaktan."I want you to be genuinely h-happy, Mikael. I want you to move on from the past, per—" "Move on?! Move on?! The hell with moving on! I can't! How can I move on?! Tell me!" gigil na putol nito sa sinasabi ko. Hindi ako makakibo.Hindi ko rin kasi alam. Kung alam ko... sana ay hindi na ako nasasaktan ngayon. Sana ay hindi ko na ito mahal ngayon."How can I move on when I'm still crazily in love with you?! D*mn it! Sobrang sakit na! Honestly, I don't want this feeling anymore. P*ta, sa dami ng babae. Bakit ikaw pa?! Bakit isang katulad mo pa ang minahal ko?!" puno nang hinanakit at pagsisisi na sabi nito pagkatapos ay tuloy-tuloy na itong lumabas nang walang paalam.Naiwan akong tulala dahil sa mga narinig mula rito habang nakatingin sa pinto ng kusina na nilabasan nito.Should
Read more
KABANATA 48
AlexenaInayos ko ang pagkakatapat ng telepono sa tenga ko. "Maayos na ako. Huwag ka nang masyadong mag-alala sa akin. I'm really fine."Narinig ko ang pagpalatak ng pinsan ko dahil sa sagot ko, na alam kong hindi naniniwala sa sinabi ko."Puwede naman kasing ipagpaliban mo muna ang pagpasok, ba't ba atat kang bumalik sa trabaho? Saka siguradong ayos lang naman kay Hero na mag-leave ka muna dahil alam naman no'n ang nangyari," dada nito mula sa kabilang linya.Totoo naman iyon, pero kahit na kasi magkaibigan pa kami at malapit sa isa't isa ay boss ko pa rin ito, nahihiya na talaga ako rito at kay Mathos dahil ilang araw na rin ang lumipas pero hindi pa rin ako bumabalik sa trabaho.Kinagat ko ang labi ko habang nakatingin sa nakapatay pang computer ko. "Nahihiya na ako. Tambak na 'yong trabaho ko na alam kong si Mathos ang sumasalo. Unfair 'yon sa tao," katwiran ko.Narinig ko ang pagpalatak nito. "Nahihiya ba talaga? Baka naman hindi lang iyon? 'Langya ka, itinaon mo talaga na natutu
Read more
KABANATA 49
AlexenaFck. Mukhang tama nga ang pinag-isipan kong desisyon—ang mag-resign para hindi na kami parehong mahirapan pa ng ganito, lalo na ito.Hays. Alam ko na parang tinatakbuhan ko na naman ang mga bagay at napakaduwag ko. Pero iyon lang kasi ang kaya kong gawin at naiisip na paraan para pagaanin ang sitwasyon sa pagitan namin lalo pa at nakikita kong nahihirapan ito, kung gaano ito nilalamon ng galit dahil sa akin. Mas mainam talaga siguro na mawala na lang ulit ako sa eksena, sa buhay nito mismo ng tuluyan, 'yong totohanan na talaga para sa ikabubuti nito.Dumaan ang mahabang katahimikan, ngunit hindi pa rin ako mapakali. Alam ko kasing ayaw nito sa presensiya ko, ramdam ko naman at alam na alam ko iyon. Nang magtagal pa ay tumayo na ako nang hindi pa rin dumadating ang mga kasama namin sa opisina. Hindi ko mapigilang isipin na parang nananadya ang pagkakataon.Gusto ko tuloy magmura nang sobrang lutong.Nag-umpisa na akong maglakad at pasimple itong tiningnan nang malapit na ako
Read more
KABANATA 50
AlexenaIbinalik din nito ang tingin sa akin, parang naghahanap ng senyales kung nagbibiro lamang ako."Magre-resign na ako, Hero," turan ko nang hindi ito makakibo at nanatiling nakatitig lamang sa akin.Huminga ito nang malalim bago inalis ang tingin sa akin at binuksan ang sobre.Nagbaba ako ng tingin noong buklatin nito ang papel na laman niyon at tahimik na pinasadahan nito ng tingin ang nakasulat na mga salita roon.Makalipas ang ilang sandali ay narinig kong muli ang paghinga nito nang malalim. "Sa durasyon ng naging pagkakaibigan natin at simula noong magtrabaho ka rito sa kompanya, never kong naisip na iiwan mo ako rito. Ang alam ko kasi, sasamahan mo ako rito hanggang sa sabay tayong magretiro," malungkot ang tinig na saad nito.Nilaro ko ang daliri ko.Iyon din ang akala ko, wala naman talaga kasi sa isip ko ang umalis at iwanan ang kompanya dahil sa totoo lang ay parang hindi naman pagtatrabaho ang ginagawa ko dahil nag-e-enjoy akong masyado at naging masaya ako sa pananat
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status