All Chapters of Contract Marriage To Mr. Billionaire: Chapter 41 - Chapter 50
53 Chapters
Chapter 41
Gueene pov:Mababaliw ako. Sa lahat ng tao bakit ang anak ko pa ang na kidnap? Marami namang masamang tao diyan pero bakit ang anak ko pa ang pinuntirya? Hindi ako maka uwi. Gabi na at wala na akong masakyan pa paluwas ng siyudad. Dilikado na rin kung sa laot ako dadaan. Wala rin akong load para tawagan si Inay. Walang landline dito sa bahay ni Razen kaya wala akong ibang choice kundi ang lumabas sa bahay at magpaload doon sa baybay. Ngunit hindi pa ako nakalabas sa bahay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napahagulgol nalang ako. Ngayon ako kailangan ng anak ko pero wala ako doon para hanapin siya. Wala akong silbi na ina. Ang tanging dasal ko ay sana nasa maayos siya. Walang mangyari na masama sa kanya. Kasi hindi ko kakayanin. Hindi ko matanggap kapag may nangyari sa kanya lalo na at hindi maganda ang kondisyon niya. Sa nanlalabo kong mga mata at ng paligid dahil sa lakas ng ulan, bigla akong kinabahan nang maaninag ko ang ilaw ng sasakyan ng paparating. Hindi pa ako handa
Read more
Chapter 42
Gueene pov:May mga tao parin na mabuti ang kalooban. Na handang tumulong kahit hindi nila kilala basta ang mahalaga ay makatulong sila at walang hinihingi na kapalit. Palaisipan sa akin kung sino ang tumulong sa anak ko ngunit hindi na muna iyon mahalaga sa ngayon. Ang gusto kong malaman ay kung bakit na kidnap siya. "Mama, tatapusin ko lang iyong ginagawa ko. Kailangan na kasi iyon ipasa kay teacher bukas. "Tumango ako at ginulo ang kanyang buhok. "Sige anak. "Nanakbo siya papasok sa kwarto ko at patalon na sumampa sa kama. Napangiti ako dahil parang wala lang sa kanya ang nangyari sa kanya nitong nakaraang araw. Parang hindi man lang siya natakot. Inabot ko ang kamay ni Inay at masuyo siyang nginitian. "Nay, wag niyo na sisihin ang sarili niyo. Hindi mo kasalan kung bakit si Azane ang pinuntirya ng mga kidnapper. "Dismayado siyang umiling. "Ilang linggo ko ng napansin na parang may nagmamasid sa amin araw-araw. May sumusunod rin kahit saan ako magpunta basta kasama ko si Azane
Read more
Chapter 43
Pumunta ako sa likod ng bahay. Doon sa puno kung saan ako naaksidente noon. Sumandal ako at ipinikit ang mga mata dinadama ang presko at malamig na hangin na tumatama sa aking balat. Nakatulong ang payapang paligid at sariwang hangin para kumalma ako. Parang sasabog na ang puso ko sa subrang galit na nararamdaman ko sa dalawang babae kanina. Mabuti nalang na kahit galit ako nagawa ko paring makapagtimpi na wag sampalin si Ma'am Elizabeth. Nanay parin siya ng lalaking mahal ko. Lola ng anak ko. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakatambay rito. Hindi pa ako handa na umuwi sa bahay. Hindi pa ako handa na makaharap si Razen. Baka umusbong ulit ang galit ko at may masabi akong masama sa kanya. Unti-unti nang dumilim. Ni hindi man lang ako nakaramdam ng gutom. Ni hindi ako nakaramdam ng pangangalay sa tagal ng pagka upo ko. Gusto ko lang manatili rito hangga't gusto ko. May sasakyan na paparating. Ngunit hindi na ako nag abala pang tumayo upang tingnan kung sino iyon da
Read more
Chapter 44
Hindi niya makuha si Razen sa pakiusap at pagbabanta na paraan laban sa akin kaya ang buhay ko ang una niyang pinuntirya. At ngayon, sa ikalawang pagkakataon dinamay na naman niya ang anak ko na walamg kasalanan. "Naka dalawa ka na sa anak ko, Chloe. Iyong bata na walang kamuwang-muwang dinamay mo sa galit mo sa akin. Baliw ka yata, e! Wala naman akong ginagawa sayo. Kung tutuusin ikaw nga itong may maraming atraso sa akin. Ako dapat ang may karapatan na magalit sayo! Pero binaliktad mo ako at magdadrama ka kay Razen!Iyang mga galos at kalmot mo sa katawan ni isa wala akong bakas d'yan, at alam mo yan. Dahil hindi lang iyan ang aabotin mo kung sasaktan kita, " mariing wika ko galit ang mga mata na nakatingin sa kanya. " Gueene, ano itong mga pinagsasabi mo?" Puno ng pagtataka na usal niya. Hindi na ako nag-abala na balingan siya ng tingin dahil naiiyak ako. "I'm scared of her, Zen. Ilayo mo ako sa kanya, " nanginginig na usal ni Chloe, nagtago sa likod ni Razen. Ngunit hindi man
Read more
Chapter 45
Razen pov: Six years ago. "Chloe is my friend, ma! And I love her. Bakit ba gusto mo akong ilayo sa kanya!? And please... Wag niyo akong ipagtulakan sa kung sino-sinong babae para lang pakasalan ko. "She wants me to settle for good. Pero ayaw niyang si Chloe ang papakasalan ko. For what reason? Kilala naman niya si Chloe because she is my childhood friend. "I am your mother. I know what is the best for you."Hinarap ko siya. "At ang ipaglayo kami ni Chloe sa isa't isa ang rason? Ma, hindi na ako bata. May sarili na akong desisyon. Kaya ko nga magpalago ng isang negosyo tapos pagdating sa babaeng pipiliin ko didiktahan mo ako? Stop this nonsense, ma. Ayoko na ito ang dahilan upang lumayo ang loob ko sayo. "Pagkatapos kong sabihin iyon, umalis na ako. Araw-araw nalang ganito kami. Palaging nagtatalo sa ganitong bagay. Nakakasawa. "Razen, come back here! We are not done talking yet!"Pumasok ako sa loob ng sasakyan na hindi siya sinagot. Mabilis na pinaharurot ko iyon paalis. Gusto
Read more
Chapter 46
Razen pov:[chapter 45.2 continuation]Nagising ako na masakit ang aking likod. Ilang oras na ba ang tulog ko at ganito ka sakit ang likod ko? Bigla akong nasilaw sa aking pagmulat kaya muli akong napapikit upang ipahinga saglit ang mata ko. Nang marinig ang pagbukas ng pinto, muli kong iminulat ang aking mata. "How many times do I have to tell na ayaw kong may ibang papasok dito, yaya? " Ngunit hindi si yaya ang nabungaran ko kundi ni mama. Oh! Here we go again. Mabilis siyang lumapit sa akin nang bumangon ako. Gulat na gulat siya. Ano ba ang bago para ganito siya magulat na para bang hindi sanay sa asal ko? Pinaka ayoko sa lahat, iyong basta-basta lang pumapasok sa kwarto ko na walang pahintulot kahit siya pa iyon. Sumandal ako sa headboard ng kama at yamot na hinarap siya. "Why are you here, ma? Para pagalitan na naman ako? Pangaralan dahil hindi ako nagpapigil na puntahan si Chloe, ganun ba? Don't worry, ma. Dahil iyong pagkita namin kagabi, huli na iyon. Iniwan na ako ng baba
Read more
Chapter 47
Razen pov: [chapter 45.3 continuation]I know everything. Bumalik sa aking alaala ang lahat. Kaya pala may kung ano kay Gueene na nagpapaalala sa akin ngunit hindi ko matukoy kung ano iyon. Ito pala ang dahilan. Nawala sa memorya ko ang bagong kaganapan bago ako maaksidente ng gabing iyon. At isa ni Gueene sa nakalimutan ko. I didn't tell anyone about this. Kahit kay mama at mas lalo na kay Chloe. Even Gueene I didn't tell her about my condition. Nagpanggap parin ako sa harap ni Chloe na wala akong maalala. Hindi ako takot sa maaring gawin niya sa akin kapag sinabi ko na naalala ko na ang lahat. Natatakot ako sa maaring gawin niya kay Gueene. She kissed me. And Gueene saw us. Gusto ko siyang itulak at sundan si Gueene ngunit baka makahalata si Chloe. Kahit gusto ko ng umuwi, pinagbigyan ko ang hiling niya na samahan siyang maghapunan dito sa farm bago siya uuwi ng apartment niya. Hindi ko na inalok si Chloe na ihatid siya pauwi. Atat na akong umuwi sa bahay at ipaliwanag kay Gue
Read more
Chapter 48
Gueene pov. Hindi biro ang pinagdaanan ko. Nawala nga ako sa buhay nila ngunit ang trauma na ginawa nila sa akin ay dala-dala ko. Nang malaman kong buntis ako, hindi na ako nagdalawang isip na umalis sa bahay ni Razen. Hindi ko siya kayang harapin kaya iniwan ko nalang ang annulment paper at singsing ko doon. Hindi naman siya bobo para hindi malaman kung para saan iyon. Natulungan ko siya sa hiling niyang magpakasal kami ngunit sa kasamaang palad naging legal iyon. Hinanda ko ang sarili ko noon sa ganitong bagay, na kapag nakita na niya at handa na siya sa babaeng pakasalan niya doon kami gagawa ng issue na maghiwalay kaming dalawa. Ngunit hindi pala ganoon kadali sa reyalidad. Ang hirap pala tanggapin lalo na kapag minahal mo na siya. Kapag naging malalim na ang relasyon na binuo ninyong dalawa. Yung pinagsamahan niyo lalo na iyong paano ka niya itrato kaya ka nahulog sa kanya. Ngunit hindi ko mabago ang isang bagay. Ang pagmamahalan nilang dalawa ni Chloe. Maraming hadlang at is
Read more
Chapter 49
Gueene pov:Narito kami ngayon sa Obgyne. Ika-apat na buwan na ngayon ng pagbubuntis ko at kasama ko si Inay at Azane. Kanina pa ito excited. Gusto na niyang malaman kung ano ang gender ng maging kapatid niya. Sana nga malaman namin ito ngayon, mukhang ito ang sadya ng anak ko at hindi pa pumasok sa school. Habang naghihintay, hindi ko mapigilan ang hindi makaramdam ng lungkot habang nakatingin sa mga mag-asawa na aming kasama. Hindi ko maiwasan na mag-isip na sana may asawa rin akong kasama ngayon at pareho kaming excited. Sana may humahaplos rin sa tiyan ko na nakangiti at masaya. Naka alalay sa akin. Taga bitbit ng gamit ko. Iyong mga ganoong bagay. Piniling ko ang aking ulo at sinuway ang sarili. Hormones nga naman. Hinaplos ko ang buhok ni Azane nang itapat niya ang kanyang tainga sa aking tiyan. "Sa tingin ko babae ang kapatid ko, mama. " maya-maya ay wika niya. "Bakit mo naman na sabi?""Ang behave niya po kasi. "Natawa ako. "Hindi pa talaga iyan maglilikot sa tiyan ko, n
Read more
Chapter 50
Gueene pov:"Everyday, he watching you and your son from afar. "Doon ko muling hinarap ang ginang. Nakatanaw ito sa mag ama na parehong nag-iiyakan. Sumisinghot si Razen. Si Azane naman humihikbi panay pahid sa kanyang pisngi na walang tigil ang pag agos ng luha doon. "Ikaw ang papa ko diba? Kamukha kita, " humihikbi na wika ng bata sa kanya. Pumalahaw na naman ito nang haplusin si Razen ang kanyang pisngi. Nabahala ako dahil baka nahihirapan na siyang huminga dahil sa pag iyak. "I'm sorry..." pumiyok ang kanyang boses dahil sa pag iyak. "I'm sorry, son. I understand kung magagalit ka kay papa--"Sunod-sunod na umiling si Azane. "Hin-hindi po ako galit. Mama explained to me everything. Subrang happy ko po kasi may papa pa pala ako."Umiwas ako ng tingin sabay pahid ng aking luha. Ang sakit sa dibdib ng tagpong ito. Gusto kong hilain ang anak ko doon palayo sa ama. Gusto kong tumakbo palayo bitbit ang anak ko palayo sa kanila. Pero tutol ang puso ko. Ang hirap ipagkait ang tagpong
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status