Lahat ng Kabanata ng The Billionaires' Secret : Kabanata 271 - Kabanata 280
311 Kabanata
Book 10: Prologue-Cris
"CAROLINE, ano ang ibig sabihin nito?" nagugulohang tanong ni Cristine sa kaniyang bestfriend. Magkaibigan na sila mula pagkabata at hindi siya nito itinuring na ibang tao kahit anak lamang siya ng mayordoma ng mga ito. Ang ina ng kaibigan ay mabait rin ngunit nakapag-asawa muli at hindi iyon nagustohan ng kaniyang kaibigan. Nadagdagan pa ang pagkadisguto ng kaibigan sa amain nito dahil dalawang taon lang ang nakalipas ay namatay ang ina ng kaibigan."Kailangan kong masiguro na sa mabuting tao mapunta ang aking mamanahin."Lalo lamang nangunot ang noo ni Cristine sa narinig at nakaramdam ng inis sa kaibigan, "nahihibang ka na ba? Hindi biro ang halaga ng ari-arian ninyo para sa akin mo ipamana. Saka, ano bang kalokohan na namang pumasok diyan sa kukuti mo? Para ka namang mamatay na at gumawa ka pa ng last will and testament." Ngumiti si Caroline sa kaibigan at niyakap ito. Pinigilan ang sariling mapaiyak at hindi magawang ibuka ang bibig upang sambitin ang nasa isipan. Ito na lang a
Magbasa pa
Book 10: Chapter 1-First mission
"ARE you okay?" tanong ni Dexter kay Cris nang bigla itong napatulala sa larawang ipinapakita niya dito.Napakurap si Cris bago ibinalik ang tingin sa kaniyang Big Boss. Parang namagneto kasi siya sa pagkatitig sa larawan ng babaeng nasa larawan."Matagal na siyang nawawala at hindi naniniwala ang pamilya niya na patay na siya," pagbibigay imporma ni Dexter tungkol sa kasong ipapa-trabaho sa isa sa Jr. Agent ng eagle niya.Muling pinakatitigan ni Cris ang mukha ng babae. Maganda ito at makinis ang kutis kahit hindi ito kaputian. Nakaramdam siya ng panghihinayang kung patay na nga ang babae. Napatingin siya sa kaniyang braso, haharap pa sana siya sa salamin nang biglang may nagsalita sa kaniyang tabi."Magkakulay lang kayo ng balat pero hindi magkamukha kaya huwag ka nang mag-aksayang titigan ang mukha mo sa salamin."Masamang tingin ang ipinukol ni Cris kay Jay na siyang nagsalita at inirapan ito. Nakalimutan niyang kasama niya ito sa loob ng opisina."Ilong palang ay wala ka nang pan
Magbasa pa
Book 10: Chapter 2-Rancho
"CRISTINA is still alive." Maiksing mensaheng nakasulat sa isang pirasong papel. Nasapo ni Argus ang noo habang pinakatitigan ang larawang kalakip ng isang papel. Ilang beses na niyang binasa ang sulat galing sa hindi kilalang tao. Ang larawan ay kalahating mukha lamang ang kuha dahil nakasuot ng sumbrero ang babae at bahagyang nakayuko ang ulo nito. Halatang hindi ito aware nang kuhanan ng larawan. Tuso ang taong nagpadala niyon sa kaniya at na captured ang isang bagay na mapagkakilanlan sa babae.Mariing naipikit ni Argus ang mga mata nang maalala ang huling pag-uusap nila ng kaniyang dating nobya. Hindi niya alam kung bakit hinabilin nito sa kaniya ang babaeng naging suspect sa pagkamatay nito. Hanggang ngayon ay nanatili sa kaniyang alalala ang nobya. Sobrang bait nito at hindi niya akalain na samantalahin iyon ng best friend nito."Please take care of her!" huling habilin ni Caroline sa kaniya—isang araw ang nakalipas bago niya nabalitaang wala na ito.Sobrang nagsisi siya noon
Magbasa pa
Book 10: Chapter 3-Pagpapanggap
"Ikaw ha, sobrang malihim at tinatago mo sa amin ang maganda mong pamamgkin." Mukhang manyak ang mga tingin ni Geoarge sa dalaga."Mabuti at hindi nagmana sa kapangitan mo!" nang-aasar na dugtong pa ni George.Tumawa ng pagak si Dany bago sumagot. "Laking Maynila kasi siya, pare, saka sa ama niya nagmana.""Naku, ganyan mga kutis ang type ko. Baka pwedeng ilakad mo ako sa kaniya?" nakangising turan ni George habang hindi hinihiwalay ang tingin sa babae. Ang kasama niya ay nagkasya na lamang sa pakikinig at tingin din sa babae."Bakasyon lang siya rito, pare, at ang hilig ay mamasyal at makakita ng magandang tanawin."Kahit naiinis na si Cris sa paraan ng tingin ng lalaking nangangalang George ay nakangiti pa rin siya rito. Feeling guwapo pa ito kung umasta na ang akala ay papatusin niya. Pero kailangan niya ito kaya sinakyan niya ang pambobola ng manyak na lalaki."Hindi ka magsi-sisi at dito mo napiling magbakasyon, miss." Hindi na nabura sa labi ni George ang ngiting parang aso."Sa
Magbasa pa
Book 10: Chapter 4-Larawan
"Ano na naman ba ang problema sa anak ko, Darwin?" tanong ni Magda sa asawa at nilapitan si Arcile. Nagpakasal sila ni Darwin noong namatay si Caroline. Malaking pagkakamali niya ang maitali sa lalaki. Ang akala niya noon ay mapapabuti ang buhay nila ng anak, huli na nang malaman niyang ginagamit lamang siya upang magkaroon ng karapatan itong pamahalaan ang naiwang kayamanan ng pinsan. Hindi ito kasal sa kaniyang pinsan na ina ni Caroline. At siya bilang nag-iisang kamag-anak ay may share sa kayamanang naiwan."Pagsabihan mo iyang anak mo, naging tanga na dahil sa pagmamahal! Hindi sinusunod ang inuutos ko!" Singhal ni Darwin sa asawa habang nakaduro ang hintuturo kay Arcile.Mabilis na kinabig ni Magda ang katawan ng anak at niyakap ito sa takot na pagbuhatan ng kamay ng asawa."Hayaan mo, pagsasabihan ko siya." Mahinahon na tugon ni Magda sa asawa. Nanatili siyang sunod-sunuran dito sa takot na matulad sila sa kaniyang pinsan at sa anak nito."Mga walang silbi!" Naging marahas ang b
Magbasa pa
Book 10: Chapter 5-Ang nakaraan
"HINDI ako takot mamatay kaya hindi mo makukuha ang gusto mo!" Nanlilisik ang mga mata ni Caroline dahil sa galit sa amain. Walang awang hinawakan ni Darwin sa buhok ang dalaga at pasabunot iyong hinila. Pinatingala niya ito upang magsalubong ang kanilang mga paningin.Sa halip na umiyak o matakot ay tumawa si Caroline habang nakipaglaban ng titigan sa amain. "Hindi mo makukuha ang pinaghirapan ng aking mga magulang! At dadalhin ko hanggang hukay ang pagkamuhi sa iyo!" Pabalyang binitawan ni Darwin ang ulo ng dalaga at sinampal ito ng malakas sa kanang pisngi. "Mamatay ka na nga lang, nagmamaldita ka pa, ha?!"Tumawa ng pagak si Caroline sa halip na dumaing dahil sa sakit. "Mamatay akong masaya dahil hindi mapunta sa isang demonyo ang pinaghirapan ng aking mga magulang!"Sinusubukan mo talaga ako ha, ang akala mo ba ay hahayaan kong mabuhay ang kaibigan mo? Naawa pa ako sa iyo kaya pasasamahin ko siya sa iyo sa langit para rest in peace ka na!" mala-demonyong tumawa si Darwin habang
Magbasa pa
Book 10: Chapter 6-Pagkalito
"Sigurado ka bang siya ang kaluluwang nakita mo?" tanong ni Ashton sa asawa nang magkwento ito sa nakita kanina."Hindi ko alam kung siya nga pero kasama siya ng mag-asawa.""Kung siya nga ang nakita mo, kailangan na lang nating hanapin ang kaniyang bangkay. At linawin ang lahat nang paratang sa kaniya upang matahimik na ang kaniyang kaluluwa! " ani Dexter at maging siya ay nakaramdam ng lungkot."Sa tingin ko ay ibang tao ang nakita mo."Napalingon ang lahat kay Cloud na tahimik lang kaninang nakaupo sa isang sulok."Paano mo nasabi?" tanong ni Micko kay Cloud.Tanging kibit balikat lang ang naging tugon ni Cloud at muling ibinalik ang atensyon sa harap ng laptop nito."May larawan ba kayong hawak ng babaeng nawawala?" tanong ni Yvone sa asawa.Mabilis na inabot ni Dexter ang hawak na maliit na envelope kay Yvone."Hindi siya," ani Yvone sa mahinang tinig lamang pero dinig ng lahat. "Pero sino siya at bakit kasama siya ng mga magulang ng babaeng ito?""Maaring ang kaibigan niya ang n
Magbasa pa
Book 10: Chapter 7-Pagkabahala
"Agent Cris, nandyan ka pa ba?"Nagulat pa si Cris nang magsalita si Dexter mula sa kabilang linya. Nakalimutan niyang kausap niya ito mula sa suot na headset. Sasagot na sana siya nang may paparating na sasakyan. Hindi agad siya mapapansin ng tao dahil nakasandal siya sa isang puno na hindi kalayuan mula sa gate. Sumilong siya roon habang hinihintay si Dany."Agent Cris?" Tawag muli ni Dexter sa pangalan ng dalaga."Sorry po, sir, may sinisipat lang akong tao." Pabulong na sagot ni Cris habang inaaninag ang mukha ng isang lalaking bumaba sa isang maliit na truck."Ano ang ginagawa niya rito?" pabulong ang tanong niya sa sarili nang mamukhaan ang lalaking bumaba sa isang sasakyan."Ano ang ibig mong sabihin, Agent Cris?" nagugulohang tanong ni Dexter sa pag-aakalang siya ang kinakausap ng dalaga."Ha, ahmm wala po!" mabilis na sagot ni Cris at bahagyang iniyuko ang ulo nang magawi sa pwesto niya ang tingin ng lalaki. "Tatawag po ulit ako mamaya." Mabilis niyang paalam kay Dexter.Nang
Magbasa pa
Book 10: Chapter 8-Katanungan sa sarili
"Ampon lang ba ako?" malungkot na tanong ni Cris sa sarili habang nakaharap sa malaking mirror. Pinagmasdan ni Cris ang buo niyang katawan mula ulo hanggang paa. Hanggang ngayon ay palaisipan sa kaniya kung saan niya natamo ang piklat na nasa kaniyang ulo malapit sa noo. Ang isa pang piklat na makikita sa bandang tagiliran niya. Mayroon din sa itaas ng hita, at mukhang malalaking sugat noon na naghilom lamang. Sa tuwing haharap siya sa salamin ay mukhang ibang tao ang kaniyang nakikita sa sarili. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang kaniyang pakiramdam sa tuwing tinititigan ang sariling reflection sa salamin.Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa mga nakaraan niyang buhay. Nagising lamang siya isang umaga na nasa isang silid. Simpleng buhay ang kaniyang namulatan at ang ama ang bukod tanging kilala niyang pamilya. Ayon dito ay nagkasakit siya at lumipat sila ng lugar upang madali siyang maka recover mula sa sakit. Ayaw niyang magtanong pa sa ama noon dahil sa tuwina'y sumasakit a
Magbasa pa
Book 10: Chapter 9-Ang tagapagmana
DUMIRITSO na si Cris sa pag-ensayo bilang paghahanda sa final tournament. Kasama niya si Ruel na siyang may nakatayang dangal. Kailangan niyang manalo para sa kaibigan dahil kung hindi ay mapipikot ito ng pasaway na kapatid ni Ashton. Pansamantalang kinalimutan niya ang ama at misyong naudlot. Kailangan niyang mag-focus muna sa tournament para sa sarili at sa kaibigan.Sa probinsya ay mabilis na nakapasok si Jay sa rancho bilang trabahador. Sa unang araw pa lang ay alam na niya kung sino ang dapat manmanan."Sir, nakita ko ang ama ni Agent Cris at kasabay siya ni Cristine nang mawala sa lugar na ito." Pagbabalita ni Jake kay Dexter gamit ang maliit na headphone na nasa kaniyang taenga. "Tatawagan ulit kita mamaya." Putol ni Dexter sa pakipag-usap kay Jay. Agad niyang tinawagan si Ruel at may pinatrabaho sa lalaki.Pumasok si Cloud sa opisina dala ang tambak na papelis. "Nahanap mo na ba?" tanong ni Dexter kay Cloud. Ang tinutukoy ay ang mahalagang papelis na hawak nito, three years
Magbasa pa
PREV
1
...
2627282930
...
32
DMCA.com Protection Status