Lahat ng Kabanata ng The Ex-Convict Billionaire: Kabanata 51 - Kabanata 60
116 Kabanata
Kabanata 51 Burning for Love
Gustong gustong lumabas ng salitang oo sa kanyang bibig kung hindi ito pamilyado. Ngunit iba na ngayon, may asawa at anak ito. Anong klaseng babae siya kung papayag siya sa ganoong set up. Baka maging dahilan pa ito ng pagkasira ng pamilya nito. Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay gusto niyang makasama ang lalaking minamahal. Nagtatalo ang kanyang puso at isip.Muli niyang sinulyapan ang binata. “Bigyan mo ako ng oras para magdesisyon.”“Okay, limang minuto.” May kislap siyang nabanaag sa mata ng lalaki ng makita ang tattoo niyang heartbeat sa kanyang pulso, ang matching tattoo nila noong sila ay magkasintahan pa. Nabigo siyang makita ang wrist nito dahil nakasuot ito ng long sleeves. Binura na kaya nito ang tattoo? Malamang dahil nagpakasal na ito.Naglapag ito ng timer sa ibabaw ng table. “Teka, ang bilis naman.” Nagpanic siya.“Limang minuto. Baka magbago ang isip ko kapag pinatagal pa natin. Walang sapilitan. Lupang kinakatayuan ng Miracle Hospital kapalit ng pagiging sex part
Magbasa pa
Kabanata 52 Living for Love
Tulala siyang naglalakad sa papuntang ospital. Dala niya ang renewal ng lease agreement. Madaming pasyente ngayon. Sa pamamalakad ng kanyang ama ay naging semi-private na ang Miracle Hospital. Gusto nilang mas maging affordable ang healthcare services para sa mga tao sa kanilang bayan.Pinagmasdan niya ang mga tao sa paligid. Worth it ang ginawa niya. O humahanap lang siya ng matibay na dahilan pero gusto lang talaga niyang makapiling muli si Liam?Tuwang tuwa ang lahat ng ibalita niyang nakakuha siya ng another twenty-five years lease agreement. Maliban sa kanyang ama dahil nakita nito ang pangalan ng bagong may-ari na nakapirma.“Mika, ano ang kapalit ng agreement na ito?”“Dad, wala po. Naipaliwanag ko po ng maayos ang adhikain ng Miracle Hospital. Huwag po kayong mag-alala. Naka-move on na po kaming dalawa sa nakaraan. May asawa at anak na din po si Liam.” Muli siyang nag-uumpisang magsinungaling sa daddy niya.“Masama ang kutob ko sa pagbabalik ng lalaking iyon.”“Dad, wala po ta
Magbasa pa
Kabanata 53 Fireworks in the Sky
“Hayup ka talaga! Bakit bumalik ka na naman?” Agad niyang nakilala ang boses ng daddy ni Mika!“Dr. Ramirez, hindi sa’yo bagay ang humawak ng baril. Ibaba ninyo ‘yan. Fully recorded ang lahat ng nagyayari sa loob ng sasakyan ko. Makakarating sa security ko ang pagpatay mo sa akin. Makukulong ka at natitiyak kong hindi ka papatawarin ni Mika.”“Huwag mo akong takutin. Layuan mo si Mika! Hindi pa ba sapat na muntik na siyang mamatay dahil sa’yo?” lalo nitong idinikit sa ulo niya ang baril.“Kaya nga ibinigay ko na ang lupang hinihingi niya para makabawi sa kanya.”“Alam na alam mo kung paano kukuhanin ang loob ng anak ko! May asawa at anak ka na, bakit ginugulo mo pa siya? Gago ka talaga!”“Sinunod ko lang naman ang payo mo, mag-asawa ng taong hindi ko mahal.”“Huling warning ko na sa’yo. Huwag mong guluhin ang buhay ng anak ko.”“Hindi ko maipapangako ‘yan. Ikaw ba hindi mo ginulo ang buhay ng nanay ko? May ideya ka ba kung nasaan siya?”“At bakit ka biglang nagka-interes malaman kung
Magbasa pa
Kabanata 54 Painful Truth
Sumigaw ang bata pagkakita sa yaya. “Yaya!”Agad kinuha ni Yaya Lorna si Bella kay Andrei. “Tara na at hinahanap ka ng mommy mo.”Pagkaabot ni Andrei sa bata ay wala na si Nessa sa kinakatayuan nito. Tapos na ang fireworks display kaya naglisawan na ang mga tao. Biglang naglaho ang dalaga.Tinawagan ni Nessa ang yaya. “Nasa parking area na ako. Nakatayo lang ako sa labas ng sasakyan. Pakibilisan at gabi na.”Napasandal siya sa kotse. Nangangatog pa din ang kanyang tuhod hanggang ngayon. Muntik ng malaman ni Andrei na may anak sila. Wala siyang planong ipakilala si Bella sa tunay na ama nito. Tahimik na ang buhay ng lahat. Maliwanag ang sinabi ng binata na hindi siya gustong maging ina ng anak nito. May girlfriend na din ito.Dumating ang yaya at si Bella. Agad niyang kinarga ang bata.“Anak, ang sabi ko sa’yo huwag sumama sa hindi kakilala.”“Mommy, duktor po siya sa ospital.”“Saan mo nakilala ang lalaking kumarga sa’yo?”“Sa ospital. Ibinigay niya po ang bola ko.” Naalala na niya. K
Magbasa pa
Kabanata 55 Revealing a Secret
Nagmamadaling tumakbo si Mika palabas ng restaurant. Hindi niya matanggap ang nasaksihan. Buong buhay niya ay naniwala siya na masaya ang kanyang pamilya kahit nag-iisa siyang anak. Bakit nagawa ng kanyang ina ang magtaksil sa daddy niya? Ano ang nangyayari sa pagsasama ng mga magulang?"Mika, bakit namumutla ka? Okay ka lang?" tanong ni Liam.Tumango na lamang siya at pumasok sa loob ng sasakyan.Panay ang sulyap sa kanya ng binata. "Mika, galit ka ba sa nangyari? Pasensya ka na."Hindi siya kumibo. Iniisip niya ang kanyang ina. Alam ba ng daddy niya ang kataksilan nito? Madalang niyang makitang magkausap ang mga magulang sa bahay. Iniisip niyang busy lang ang mga ito. Sa mata niya at ng ibang tao ay huwaran silang mag-asawa.Nakarating sila sa Miracle Hospital. Ilang minuto na lang at duty na niya. Mabigat ang kanyang kalooban."Mika, pasensya ka na uli. Hindi ko kang napigil ang sarili ko."Bumaba na siya ang sasakyan at hindi pinansin ang binata. Wala siya sa sarili.Inaabangan si
Magbasa pa
Kabanata 56 Photographs and Memories
Binuhat niya si Mika at ipinasok sa kanyang kotse. Nakita niya ang matandang babae na kumakaway pa sa kanya. Matagal na niyang napapansin ang pulubi sa kabayanan ngunit ngayon lang ito lumapit sa kanya. Sana ay may magawa ang pamunuan ng San Marcelino para sa mga palaboy sa lansangan.Nilingon niya ang dalaga na natutulog sa likod ng sasakyan. Mukhang masama ang loob nito sa kanya. Mali yata na lumapit siyang muli. Nahampas niya ang manibela. Dapat ay naghintay muna siya ng tamang pagkakataon. Nagpadala na naman siya sa emosyon.Binuhat niya si Mika. Naalimpungatan ito ng nasa pinto na sila ng condo.“Liam, saan mo ako dadalahin? Ibaba mo ako.” Sinuntok nito ang kanyang likod.“Huwag kang maingay.”Ibinaba niya ito. Napadami ang nainom ng dalaga kaya napasubsob na lamang ito sa kanyang dibdib. Hindi na nito mabalanse ang katawan. Binuksan niya ang pinto ng condo. Pagkasara ng pinto ay sinalo niya ang dalagang muntik ng madapa. Ikinawit nito ang dalawang kamay sa kanyang leeg. Namumung
Magbasa pa
Kabanata 57 Guilty Pleasure
Niyakap ni Nessa ng mahigpit si Bella. “Mommy, ‘wag ka po umiyak. Okay na po ako.”Kaya pala pamilyar ang bata. Anak ito ni Nessa. Nag-asawa na pala ito o naanakan lang? Teka, tinignan niya ang hawak na records. Apat na taong gulang ang bata. Kaya ba ito biglang nawala ay dahil buntis ito? Nagbilang siya paatras ng buwan at taon. Anak ba niya ang bata? Imposible naman. Tandang tanda niya na isang beses lang may nangyari sa kanila.“Nessa, huwag kang mag-alala dahil maayos na ang lagay ni Bella. Pwede ka bang makausap sa labas?”Sumunod ang dalaga sa kanya sa labas ng hallway ng ospital. “Ako ba ang ama ---?”“Hindi! Hindi ikaw ang ama. Kaya layuan mo kami.”Hinila niya ang kanang kamay nito. “Kung hindi ako ang ama, sino?”“Hindi ko alam, madami akong naging jowa pagkatapos mo. Oo, mga sampu, hindi ko na matandaan. Basta hindi ikaw ang ama. Huwag mo na akong lalapitan. May kanya kanya na tayong buhay. Nakita mo naman may bago akong jowang matanda.”Binawi ng dalaga ang kamay. Saktong
Magbasa pa
Kabanata 58 Saving Each Other
Napatingin siya sa mata ng babaeng pulubi ng madinig ang sinabi nito. Inabutan niya ito ng dagdag na pera pambili ng pagkain. Go signal na, pinaandar niya ang sasakyan. Ipinilig niya ang ulo. Imposibleng alam ng palaboy kung sino ang tatay niya. Limang taon na niya itong hinahanap at ngayon ay ipinapahanap na din niya ang kanyang ina.Nakaabang si Jasmin pagdating niya sa bahay. Inihagis nito ang mga pictures nila ni Mika na kuha kanina sa plaza.Ayaw niyang sirain ang kanyang araw. Masaya siya at nakasama niya si Mika.“Huwag na huwag kang sisigaw. Ayokong madinig ka ni Seb,” banta niya ng mapansin niyang nasa mukha ng babae ang planong awayin siya.“Nahihiya ka pala. Bakit ka nakikipagkita sa ibang babae?” mahina ngunit madiin na sabi nito.“Importante sa akin si Mika. Alam mo naman ‘yan.”“Pinagseselos mo lang ako, hindi ba? Gusto kong malaman mo na selos na selos ako. Akin ka lang Liam. Akin ka, noon at ngayon.”Umiling na lamang siya at umakyat sa loob ng kwarto upang umiwas. Mag
Magbasa pa
Kabanata 59 Love and Chaos
Agad napatayo sila Nessa at Andrei. Napapikit ang dalaga at nasapo nito ang ulo. Kinarga ng matanda si Bella at hinalikan sa pisngi. Muli nitong ibinaba ang bata. “Sumunod ka sa akin,” anang matanda kay Andrei. “Wala po kaming relasyon ni Nessa. Huwag ninyo siyang sasaktan,” pagtatanggol niya sa dalaga. Mukhang matapang ang lalaki. Baka saktan si Nessa dahil sa isiping may relasyon sila. “Bakit ko sasaktan ang anak ko? Gago ka nga palang talaga. Ikaw ang sasaktan ko! Matagal na akong nagpipigil sa’yo. Pinaimbestigahan na kita.” Napawang ang kanyang labi. Ang matandang kaharap niya ay hindi sugar daddy ni Nessa kundi tatay nito talaga. “Kayo po ang tatay ni Nessa?” Paniniguro niya. “Oo, ako nga. Oh ano, may bayag ka na bang akuin ang resposibilidad mo sa mag-ina mo?” “Mag-ina? Ano po ang ibig ninyong sabihin?” Inakbayan siya nito. Bakit ang bigat ng braso ng matanda? “Bakit hindi pa ba sa’yo nasasabi ni Nessa na ikaw ang daddy ni Bella?” Tila siya binagsakan ng bomba. Nagimbal
Magbasa pa
Kabanata 60 Until the Last Breath
Hindi makatulog si Nessa. Tumila na ang ulan sa labas. Katabi niya sa kama si Bella. Sana naman ay wala siyang madinig na ingay ng naglalandian mula sa kabilang kwarto. Hindi naman siya nagseselos. Nabubwisit lang siya na hindi tumalab ang sumpa niya kay Andrei na mamalasin ng dalawampung taon. Nagsuot siya ng jacket at lumabas.Aba teka, mukhang nadinig siya ng universe. Natanaw niya si Andrei at Alona na mukhang nagtatalo. Napangiti siya. Hindi pwedeng siya lang ang malungkot at zero love life. Sinampal ni Alona ang binata. Dasurb. Totoo talaga ang karma. At minsan mapapanood pa natin ang higanti ng langit. Gusto niyang tumawa ng malakas ngunit pinigil niya ang sarili. Baka isipin ng makakakita na nababaliw na siya.Nagpunta si Andrei sa malapit na bar at umorder ng alak. Umupo siya sa hindi kalayuan. Mukhang maglalasing ito dahil heartbroken. Malamang ay in love ito talaga kay Alona. Ano kaya ang pinag-awayan ng dalawa?Umorder din siya ng beer. Tumigil na siya ng makadalawang bee
Magbasa pa
PREV
1
...
45678
...
12
DMCA.com Protection Status