All Chapters of CEO's DARKEST SECRET Series: Chapter 31 - Chapter 40
106 Chapters
CHAPTER 31
MAINGAT na isinalansan ni Sofia ang nagawa niyang home-made sandwich sa tray. Inilagay na rin niya roon ang pitsel na naglalaman ng pineapple juice, at baso para sa kanilang tatlo nina Euna at Brix. Kahit naman kasi may mga kasambahay sila ay hindi niya iniaasa sa mga ito ang mga bagay na kaya naman niyang gawin.Nagtataka siya kay Brix. Halos hindi na nito ibinababa sa pagkakakarga ang sanggol. Pasado alas-tres na ng hapon, magdadalawang oras na buhat nang dumating ito pero hanggang ngayon ay nakikipaglaro pa rin ito kina Euna at sa bunso nilang anak. Halos wala itong kapaguran. Akala niya kanina ay babalik din ito agad ng kompanya. Naka-office uniform pa kasi ito.Alam na kaya nitong ito ang ama ng bunso nila? Obvious naman kasing mag-ama ang dalawa, sa hitsura pa lang na parang pinagbiyak na bunga. Hindi nga lang napapansin dati ng binata dahil halos hindi nito pag-ukulan ng pansin ang baby boy nila."Ay, kabayo!" bulalas niya nang maramdamang may pumulupot na mga braso sa bewang ni
Read more
CHAPTER 32
"MISS Zamora, please come to my office," saad ni Brix sa sekretarya niya nang eksaktong makarating siya sa kompanya nang umagang iyon. May mahalaga siyang itatanong dito.Kasalukuyan nang nasa office table nito ang sekretarya niya, at may kinakalikot na kung ano sa drawer nito. Medyo may katandaan na ito. Marahil ay nasa early forties, pero hanggang-ngayon ay wala pa rin itong sariling pamilya.Napatuwid ito nang upo. "Yes, Sir."Pagkatapos na marinig ang tugon nito ay dere-deretso siyang naglakad patungong opisina niya. Tinanguan lang niya ang mga empleyadong bumati sa kaniya.Ibinaba niya sa mesa ang brief case na hawak nang eksaktong makarating siya sa office table niya. Umupo siya sa swivel chair, saka sumandal sa likuran niyon. Itinukod niya ang mga braso sa armrest, at bahagyang ipinaikot-ikot ang upuan.He needed to ask Miss Zamora kung nasaan na ang brown envelope na ipinaligpit niya rito noon. He needed to know what was written o
Read more
CHAPTER 33
"HIJA, is it just me or talagang magkamukha ang dalawa mong anak?" tanong ng kaniyang daddy sa kaniya habang palipat-lipat ang titig nito sa dalawa niyang anak.Kasalukuyan silang nakaupo sa patio chair sa hardin habang naglalaro si Euna sa 'di kalayuan. Karga naman ni Yaya Sela ang bunso niyang anak.Kararating lang ng ama niya kahapon galing sa one-month-business trip nito abroad. At ngayon nga ay hindi ito pumasok sa kompanya dahil Sabado. Naisipan nitong magpahinga kahit papa'no.Naikwento na niya sa daddy niya ang nangyari sa kaniya. Sinabi rin niya kung sino ang taong nagligtas sa kaniya, at kung saan siya napunta sa nakalipas na isang taon. Gusto nitong makita si Dwight para makapagpasalamat na tinanguan naman niya. One of these days ay aanyayahan niya ang lalaki na magpunta sa mansyon nila.Nang dumating ang ama niya'y nabigla ito nang makita siya. Halos hindi ito makapaniwala. Mangiyak-ngiyak pa ito habang niyayakap siya. Her father was a
Read more
CHAPTER 34
"DADDY, what happened to your eyes? Why do you have a black eye?" narinig niyang tanong ni Euna kay Brix.Pagkatapos sa hardin ay sumunod ang mga ito sa kaniya sa loob ng mansyon, at kasalukuyan na silang nasa sala. Nakatayo siya habang pinapatulog ang bunsong anak. Si Euna nama'y nakasalampak nang upo sa carpeted na sahig, at nilalaro ang bagong manika nito na pasalubong ng ama. Habang si Brix naman ay tila haring nakaupo sa pahabang couch na naroon. Nakadekuwatro ito, at nakasandal ang likuran sa sofa. Ang isang braso nito'y nakaunat na nakasablay sa headrest. Hawak nito ang cellphone sa kanang kamay habang seryosong nakatitig sa screen. Mukhang may importante itong ka-text. Mayamaya'y napangisi ito."Somebody punched me, baby," tugon nito kay Euna. Ibinalik nito ang cellphone sa bulsa ng pantalon. Itinukod nito ang dalawang braso sa binti, saka tiningnan ang anak."Who punches you, dad?" tanong ni Euna. Bahagya itong napasulyap sa ama, saka ipinagpatuloy ang paglalaro.Mula sa pagka
Read more
CHAPTER 35
"MOMMY, where's daddy?" tanong ni Euna habang hinahaplos niya ang buhok nito. Nasa silid siya ng anak, at pinapatulog ito.Mahigit isang buwan na buhat nang huling bumisita sa kanila si Brix. Ang plano sanang pagtatapat kay Euna na si Brix ang tunay nitong ama ay hindi natuloy. Pagkatapos na makapagbihis ni Sofia nang umagang iyon ay dali-daling siyang pumanaog ng hagdan para lang sabihin ni Yaya Sela na umalis na raw ang binata. Hindi na ito nakapagpaalam sa kaniya dahil may tawag daw itong natanggap, at emergency raw iyon.Magpahanggang-ngayon ay hindi pa rin ito nagpapakita sa kanila. Ni tumawag o mag-text ay hindi nito magawa. Hindi niya alam kung ano'ng importanteng bagay ang inaasikaso nito kaya't hindi nagpapakita sa kanila. At aaminin niyang nami-miss na niya ang binata."I-I don't know, anak," tugon niya kay Euna. "Maybe he has some important things to do. But don't worry, he'll come back soon. H-Hindi kayo matitiis ng daddy niyo." Pumiyok siya sa
Read more
CHAPTER 36
KINABUKASAN ay magang-maga ang mga mata ni Sofia nang magising. Nakatulugan na niya ang kakaiyak. 'Buti na nga lang at derederetso ang tulog ng bunso niyang anak, kaya nakatulog din siya nang maayos. Pinadede lang niya ito kalagitnaan ng gabi, pagkatapos ay bumalik na rin siya sa pagtulog.She went to the bathroom to take a shower. Pagkatapos na maligo ay agad siyang nagbihis. She wore a simple white maxi dress na mas lalong nagpatingkad sa kaputian niya. On her feet were white flip-flops. She looked like an angel on her getup.Pumanaog siya ng hagdan pagkatapos na makapagbihis. Sinabihan muna niya si Yaya Sela na bantayan ang baby junior niya dahil tulog pa ito.Derederetso siyang naglakad patungong kusina. She headed towards the coffee maker. Nagtimpla siya ng kape. Wala siyang ganang kumain nang mga sandaling iyon. Hindi pa rin niya makalimutan ang nakitang mga litrato sa F*ceb*ok kagabi.Wala si Euna nang umagang iyon. Ang sabi ni Yaya Sela ay
Read more
CHAPTER 37
"WOW! Mommy, you're so pretty!" bulalas ni Euna nang eksaktong makababa siya ng hagdan. Nasa mga mata nito ang paghanga sa kaniya. Katabi nitong nakatayo si Yaya Sela na nakangiting pinagmamasdan siya. Habang ang ama naman niya'y prenteng nakaupo sa couch na naroon. May ngiti rin sa mga labi nito."Oh, really, Ate? Thank you!" ani Sofia nang makalapit siya rito. Marahan niyang hinaplos ang buhok ng anak."Yes, mommy. I wish I could be like you when I grow up."Marahan siyang natawa sa sinabi nito. Mukhang gandang-ganda sa kaniya si Euna ngayon.She was wearing a cocktail dress that was red in color. Hanggang tuhod ang haba niyon. It was V-neck in style with its spaghetti straps, kaya naman naka-emphasize ang perfectly-shaped niyang mga balikat at malayang nasisilayan ang cleavage niya. It was also well-fitted in her body, kaya't kitang-kita ang magandang hubog ng kaniyang katawan. Kahit naman kasi dalawa na ang anak niya, marami pa rin ang nagsasabing sexy at mukhang dalaga pa rin siya
Read more
CHAPTER 38
NAGISING si Sofia sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Iniangat niya ang kamay para hindi tamaan ang mga mata sa liwanag na dulot niyon.Ikinurap-kurap niya ang mga mata. Inilibot niya ang paningin sa loob ng kuwarto. Nagsalubong ang mga kilay niya nang mapansing wala siya sa sariling silid.Napamulagat siya. Ang naaalala niya'y nakatulog siya kagabi, at hinalikan siya ni Dwight! Pesteng Dwight 'yon! Tsinansingan pa siya.She roamed her eyes around. Her brows furrowed. Mukhang pamilyar ang silid na kinaroroonan niya. Hindi lang niya matandaan kung saan niya iyon nakita. Ang itim at puting pintura sa dingding, maging ang mga kagamitan sa loob ng kuwarto ay napakapamilyar sa kaniya.Akmang babangon na sana siya nang mapamulagat uli. Bakit iba na ang suot niya ngayon? Sa pagkakatanda niya'y nakatulog siyang hindi nakapagbibihis. Sino ang pakialamerong taong nagbihis sa kaniya?Pinakiramdaman niya ang sarili. Wala naman siyang kakaiban
Read more
CHAPTER 39
"I'VE been trying hard to reach you. I made as much effort as I could. But why do you keep on pushing me away, Sofia?" puno ng pait na pahayag ni Brix sa kaniya.Natigilan si Sofia. She could hear the pain on his voice. Napatitig siya rito. Nakita niya ang sakit na nakarehistro sa mga mata nito.Bakit ito masasaktan sa pag-iwas niya rito gayong si Lovely naman ang mahal nito?"B-Brix—" she wasn't able to continue what she was about to say nang bigla siya nitong talikuran.Saglit itong huminto nang nasa may pintuan na ito ng walk-in closet. "Magbihis ka. Ihahatid na kita. Nasa kama ang damit mo," malamig ang boses na anito, saka pabalibag na isinara ang pinto.Napakagat-labi siya. Gusto niya itong habulin, yakapin, at sabihing naghihintay lang naman siya ng paliwanag buhat dito. Nasasaktan siya sa isiping may iba itong kasamang babae. Iyon lang naman ang rason kung bakit siya nagkakagan'on.Inis na pinahid niya ang luhang pumatak.
Read more
CHAPTER 40
"I LOVE you, Sofia..."Natigagal si Sofia sa narinig na sinambit ni Brix. Hindi ba siya nagkakamali ng pandinig? Did she really hear those three magic words from him? Wasn't she just dreaming or hallucinating, perhaps?Hindi siya sigurado sa narinig dito. Mahina kasi ang tinig nito nang sabihin nito iyon."I love you, Sophie..." ulit nito.Now it was clearer. Nasa tuktok na kasi ng tainga niya ang bibig ng binata. He was giving her tiny kisses on her earlobe. Tila kinikiliti siya roon."Aren't you gonna respond, Sophie?" may pait sa boses na tanong nito.Napabaling siya rito. Gusto niyang magsaya. Gusto niyang maglulundag sa tuwa. Mahal pa rin pala siya ng binata kahit sobra isang taon siyang nawala. Pero saglit din siyang natigilan. Baka nadadala lang ito sa nangyari sa kanila. Baka nadadala lang ito sa init ng katawan na magpahanggang-ngayo'y tumutupok pa rin sa kanila. Ramdam pa rin kasi niya ang kahandaan nitong tumutusok sa hita niya. Nakadagan kasi ang isa nitong binti sa kaniya.
Read more
PREV
123456
...
11
DMCA.com Protection Status