Lahat ng Kabanata ng CEO's DARKEST SECRET Series: Kabanata 71 - Kabanata 80
107 Kabanata
Chapter 24 (Dwight)
"GOOD Morning, Sir!" magkakapanabay na bati ng mga empleyado ng Hotel Solivaness kay Dwayne.Dwayne just nodded without even smiling. Derederetso lang itong naglakad papasok ng opisina nito habang hawak ang brief case.Napasunod naman si Syrellie sa asawa. Takang-taka siya sa iginagawi nito. As far as her memory is concern, Dwayne wasn't stiff to his employees. He was full of smiles everytime they greeted him kahit pa noong nasa Tacloban Branch pa lang sila."Good morning!" She smiled to the employees. Siya na lang ang bumati sa mga ito. Mukha kasing walang plano ang asawa niya.That was the first time they went to the office magmula nang makauwi sila ng bansa. Mag-iisang buwan na sila sa Pilipinas, pero kabubukas pa lang ng bagong branch ng Hotel Solivaness sa City of Pasay.Noong gabing tinanong ni Dwayne sa kaniya kung gusto na ba niyang umuwi ng bansa, kinabukasan din ay agad silang sumakay sa chopper kasama si Lance. Ang chopper na sinakyan nila pabalik ay hiniram nito kay Dwight.
Magbasa pa
Chapter 25 (Dwight)
THE grand opening of Hotel Solivaness, Pasay Branch went well. Nang lumabas sila ni Dwayne at nagtungo sa front area ng hotel ay naroon na ang mga bisita. May pari na naroon kasama ang sakristan nito na magbi-bless sa hotel. Naroon ang mga business partners at investors. May nakita rin siyang mga kilalang tao sa lipunan—particularly politicians not just in Pasay City, but national politicians like Senators and two Cabinet Secretaries of the President of the Philippines.Lihim siyang napahanga sa dedikasyon ni Dwayne sa pagpapalago ng hotel nito. Noong huli silang mag-usap ay sinabi nitong hindi pa raw nag-confirm ang mga Senador na pinadalhan nito ng imbitasyon. Pero heto ngayon at nakadalo ang mga ito. Mas lalo tuloy siyang humanga sa asawa.Buong programa ay nasa tabi lang siya ni Dwayne. He didn't introduce her as his wife, but it was okay with her. Ang mahalaga naman nang mga sandaling iyon ay ang pagbubukas ng panibagong branch nito, at hindi ang ipakilala siya sa publiko bilang
Magbasa pa
Chapter 26 (Dwight)
"DO YOU like Sevvy? Bakit mo siya sinusundan nang tanaw?" nakabusangot na tanong ni Dwayne sa kaniya. "What?!" Diyos ko naman, Dwayne! Tumingin lang, may gusto agad?" Napaismid si Syrellie. Nahihilo na nga siya sa kakaproseso sa pinag-usapan ng dalawa. Heto na naman at may panibago na naman siyang ipapaliwanag dito. "I don't want you staring at another guy. Just stare at me!" maawtoridad nitong utos. Napanganga siya sa sinabi ng asawa. So ayon na nga, bumabalik na naman sila sa dati—katulad noong nasa Russia pa sila—na masyado itong clingy sa kaniya. Lihim siyang napangiti. Mukhang nagseselos ang asawa niya. His jealous remarks made her happy from within."A-Are you jealous?" lakas-loob niyang tanong, kahit pa nahihiya siyang isatinig iyon."Of course. You are my wife, Ellie." Tumayo ito. Lumapit ito sa kaniya. Dwayne held her chin gently. "May karapatan naman siguro akong magselos dahil asawa kita," seryoso n
Magbasa pa
Chapter 27 (Dwight)
"WHAT'S the matter, Dwayne?" puno ng pag-aalalang tanong ni Syrellie. Mula sa pintuan ay agad itong lumapit sa kaniya. Fuck! He wasn't Dwayne!Gusto sanang isigaw iyon ni Dwight sa babae, nagpigil lamang siya. Masyado pang maaga para mabuking siya nito. Hindi pa nga niya nakukuha ang gusto niya.Nakukulili na siya sa tuwing tinatawag siya nitong 'Dwayne.' Lalo na noong nasa kama sila at nagkaroon ng intimate moment sa Russia.Dalang-dala na siya nang mga sandaling iyon. Pero bigla siyang binuhusan ng malamig na tubig nang sambitin nito ang pangalan ni Dwayne. Marahil kung hindi lamang nito iyon ginawa, tiyak niyang naangkin na niya ito kahit pa may buwanang dalaw ito."Is there anything wrong, Dwayne?" muli ay ulit nito nang hindi siya tumugon.Minsan napapaisip siya na kung sakaling alam nitong si Dwight talaga siya ay lalapit pa rin ba ito sa kaniya? Pagsisilbihan ba siya nito katulad noong nasa Russia pa sila?
Magbasa pa
Chapter 28 (Dwight)
"DWAYNE, tama na!" natatawang tili ni Syrellie habang panay ang ilag sa asawa. Kundangan kasing nilagyan siya nito ng icing sa mukha. Nakayakap ang isang braso nito sa beywang niya habang ang isa nitong kamay ay may nagkalat na icing. Araw iyon ng Sabado, at napagpasyahan nilang mag-bake ng cake. Wala lang, trip lang nilang gawin iyon. Marahil ay para na rin makapag-bonding sila."Ikaw ang nag-umpisa nito, Mi Vida." Hindi rin mapigilan nito ang mapahalakhak.Sa nakalipas na isang linggo ay naging maayos ang pagsasama nila ni Dwayne. Nakatira sila sa iisang bahay. Wala pa man silang napag-uusapan tungkol sa nararamdaman nila para sa isa't isa. Ngunit ang mga kilos naman nila'y nagpapahiwatig na may umuusbong na damdamin sa pagitan nilang dalawa. 'Mi Vida' ang endearment nito sa kaniya magmula n'ong gabing nagsama sila sa iisang bubong. Gusto sana niyang itanong kung bakit 'Mi Vida' pero nakahiyaan na niya. "Tama na! Tama na! Hindi na, p
Magbasa pa
Chapter 29 (Dwight)
TULALANG napatitig si Syrellie sa tinitimplang kape. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maproseso ng utak niya ang nangyari kagabi...ang nangyari sa kanila ni Dwayne.Pinamulahan siya ng mukha nang maalala kung paano niya tinugon at tinumbasan ang bawat halik at haplos nito sa kaniyang katawan. Hindi niya akalaing maisusuko niya sa asawa nang gan'on-gan'on lang ang sarili. Sabagay, mahal niya ito."Ang init!" bulalas niya nang mapaso ang dila niya. Kundangan kasing ininom niya bigla ang tasa ng umuusok na kape. "Hindi mo kasi hinipan muna," waring timang na kausap niya sa sarili. Inilapag niya ang mug na hawak.Diyos ko! Paano niya ba haharapin mamaya si Dwayne? Mabuti na nga lang at natutulog pa ito. Marahil ay napagod sa kaniya. Ilang ulit ba naman kasi siya nitong inangkin kagabi.She blushed. "Jusmio, Syrell!" kastigo niya sa sarili. Hindi niya pa rin maiwasang alalahanin ang nangyari sa kanila. Sunod-sunod siyang napainom ng kape. Halos hindi ni
Magbasa pa
Chapter 30 (Dwight)
SUNOD-SUNOD na napahithit si Dwight sa hawak na vape. Isinandal niya ang dalawang siko sa barandilya ng kinaroroonang veranda. Naniningkit ang mga matang ibinuga niya ang usok.Pilit niyang iniwasan si Syrellie. Halos hindi na nga siya nag-u-opisina sa Pasay Branch para lang hindi niya ito makita. Late na rin siya kung umuwi para lang hindi sila magpang-abot. Halos sa guestroom na lang siya natutulog na hindi naman nito napapansin dahil nga madaling araw na siya kung umuwi. Nababahala kasi siyang baka kung palagi niya itong kasama ay hindi na niya mapigilan ang sarili at mapakialaman ito.Oo, nagbago ang plano niya. Wala na sana siyang balak na gawin sa babae ang nauna niyang plano na angkinin ito at gantihan. Nakokonsensya kasi siya. Lalo pa't nakikita niya ang pagmamahal na iniuukol nito para sa kakambal niya—na sa kaniya ibinubuhos sa pag-aakala nitong siya si Dwayne. Balak na nga sana niyang tapusin ang lahat ng pagpapanggap at bumalik na ng Spain. Pero nan
Magbasa pa
Chapter 31 (Dwight)
"PARADISE!" masayang bulalas ni Syrellie habang ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin sa haciendang kinaroroonan. Dumipa siya at napapikit. Kakarating lang nila ni Dwayne mula sa mahabang biyahe. Mahigit-kumulang tatlong oras ang iginugol nila sa pagpunta sa Hacienda Solivan. Hindi naman siya napagod sapagkat nakatulog siya. Ginising na lamang siya ni Dwayne nang malapit na sila. Ito na rin ang nagmaneho ng kotse. "You like it here?" narinig niyang tanong ni Dwayne. Nasa likuran niya ito at nakasunod sa kaniya. Dala nito ang ibang bagahe nila."Yes! Yes!" Sunod-sunod siyang napatango. Nilingon niya ito. "Ang ganda pala rito, 'no? Kaya pala palagi mong sinasabi noon na dadalhin mo kami rito na hindi naman matuloy-tuloy." Napahagikhik siya. Napapangiting napailing ito sa tinuran niya. Muli niyang pinagmasdan ang paligid. Malawak ang haciendang sakop ng mga Solivan. Halatang hindi basta-basta ang pamilya ng mga ito. Halatang may kaya sa buhay
Magbasa pa
Chapter 32 (Dwight)
LUMIPAS ang ilang araw na maayos ang naging pamamalagi nina Syrellie at Dwayne sa Hacienda Solivan. Marami silang pinuntahang lugar. Inilibot siya ng asawa sa buong hacienda. Ipinakilala siya nito sa mga tauhan at trabahante roon. Ipinasyal siya nito sa buong rancho gamit ang paborito nitong puting kabayo na pinangalanan nitong Storm. At ngayon nga ay nasa may waterfalls sila. Kasalukuyan silang naliligo at nagtatampisaw. Dinala siya roon ni Dwayne. Ang lugar daw na iyon ang pinakapaborito nitong pasyalan kapag nagbabakasyon ito sa hacienda na hindi naman nakapagtataka sapagkat sobrang ganda ng ilog na kinaroroonan nila. Napakalinaw ng tubig. Halos kita na ang mga naggagandahang bato sa ilalim. May namataan din siyang iba't ibang klase ng mga isda, malalaki o maliliit man.Ang sabi ni Dwayne ay mayroon pa raw roong kweba. Pero baka sa susunod na mga araw na lang nila puntahan. Hindi kasi sila nakapagdala ng headlamp, ni cellphone man lang na magsisilbing
Magbasa pa
Chapter 33 (Dwight)
"HONEY, did you miss me?" malambing ang boses na saad ng babae. "I've missed you so badly, Dwight..." Dwight? Gustong matawa ni Syrellie. Nasaan si Dwight? Si Dwayne naman kasi ang kasama niya ngayon. Marahil ay napagkamalan nitong si Dwight ang narito sa Hacienda Solivan. Hindi iyon nagkapagtataka sapagkat magkamukha ang dalawa. Pasimple niyang hinagod nang tingin ang babaeng kaharap. She looked familiar. Maganda ito at sopistikada. Tingin nga niya sa aura nito'y mukhang modelo. Petite kasi ito at matangkad. The woman was wearing a gray coloured long sleeve mini dress with white buckle belt on her waist. She just tied her hair up in a mini bun style. It exuded the woman's sophisticated aura, lalo pa't naka-makeup ito. Nagmukha tuloy siyang basahan kung itatabi rito. Naka-shorts lang siya at loose shirt nang mga sandaling iyon. Tsinelas lang din ang suot niya sa paa. Medyo basa pa ang damit niya. Nakaramdam tuloy siya ng kaunting insecurity sa katawan.
Magbasa pa
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status