Anastasia POV Sinusundan ko ng tingin ang papalayong sasakyan ni Kuya Sebastian, nangingiti ako dahil may pambayad na ko sa kuryente, tubig at upa. Galante si Kuya magbigay, akalain niyo bibigyan ako ng ten thousand pesos, jusme ang dami na nun, hindi ko man kailangan ng madaming pera. Mabuti naman umuwi na, naku Englisero pa naman, hay naku kung ano ano sinabi na huwag ko siyang tawaging Kuya at kakainin niya daw ako. Pwede ba yun? Eh hindi naman ako pagkain, may lahi atang aswang yun. Dapat sa susunod na magtagpo ang landas namin eh may baon akong aswang, mahirap na baka kainin niya ko, wala pa naman akong kamag anak na pwede kumilala pag ako nalapa na ng aswang. Bago ko problemahin yun eh mabuti pang bumayad na ng utang, baka mapalayas na ko. Kaya nag lakad na ko pauwi. "Tao po, Manang Doris". Sigaw ko sa labas Ng bahay ng may ari ng inuupahan kong kulungan. Este bahay pala. "Oh Tasia, mukha atang maaga ka ngayon". Saad Manang Doris "Abay opo Manang Doris at magbabayad
Read more