Share

Beki-Tales Series: Cindy Wella
Beki-Tales Series: Cindy Wella
Author: JC Pamplona

Kabaklaan 1

"BAKLA! Ang pogi ni Fafa Hans!" kinikilig na wika ni Ava sa kaibigan niyang si Joel o mas kilalang si Wella. Bakit nga naman hindi? E, naroroon ang super ultimate crush ni Wella na si Hans — ang ultimate hunk tambay ng Baranggay Maligaya.

"Huwag ka ngang ilusyonada, Bakla! Akin lang siya!" May pilantik ang kamay na hinampas ni Wella ang kaibigan sa balikat. Dahil sa lakas ng pagkakahampas ay muntik nang matumba si Ava. Paano ba naman kasi, sobrang payat ng kaniyang kaibigan na kahit pitikin lang yata niya ay tipong mawawalan na ito ng balanse.

"Ang sakit n'on, ha? Kung ako ilusyonada, ikaw naman, ambisyosa!" may pagtawang tudyo ng kaibigan. "Feeling mo naman may kepyas ka para patulan ni Hans," dugtong pa niya.

"Alam mo, hindi lang pala baba 'yang matulis sa iyo? Pati rin pala 'yang dila mo matabil din? Ba't di mo subukang ipahasa nang sabay 'yan, ha?" bawi ni Wella sabay irap.

"Aray! Mas masakit 'yon, ha? Ikaw naman, hindi ka na mabiro!" ani Ava subalit hindi na sumagot pa si Wella. Well, sanay na si Wella sa ganoong klaseng pang-aasar ng kaibigan. Lambingan lang naman kasi nila iyon at hindi masyadong siniseryoso.

Subalit sa halip na bawian ang kaibigan ay mas pinili na lang ni Wella na ibaling ang atensyon sa lalaking panay ang takbo sa kaniyang harapan at dini-dribble ang hawak na bola. Kitang-kita niya ang pagtagaktak ng pawis ni Hans at ang bawat pagtalbog ng bola sa basketball court at nakatitig rin si Wella sa bandang ibaba ng jersey shorts nito.

Ang sarap! Halos maglaway si Wella sa pagkakatitig sa parteng iyon ng suot na pang-ibaba ni Hans. Ini-imagine niya kung gaano kahaba ang nota nito kaya parang may kung anong kumakalampag sa gitnang bahagi ng suot nitong shorts.

Napansin naman iyon nga kaibigang si Ava. "Bakla, alam kong tigang ka these past few weeks pero hindi ko naman akalaing magiging ganyan ka kamanyak!" makahulugan nitong wika sabay hawi ng buhok sa tainga. Feeling lang talaga ni Ava ay mahaba ang buhok niya.

"Pakelam mo ba?" sabi niya sabay irap.

Matagal nang pinagpapantasyahan ni Wella si Hans noon pa lang. May mga pagkakataong sinisilip niya ito sa kabilang bakuran habang naliligo. At lahat na yata ng parte ng katawan ng lalaking hinahangaan ay nakita na niya. Lalo na 'yong pinakamimithi nitong nota.

"Baks, ba't hindi mo pa kasi harutin? Malay mo naman..." As always, kahit madalas mang-asar ay very supportive naman si Ava sa kalandian ng kaibigan. Iyon nga lang, urong ang p'wet ng kaibigan kapag nakikita ang binata.

"Ano ka ba? For sure hindi ako bet ni Hans. Mga may kepyas lang ang ikekeribumbum niyan!" walang ganang tugon ni Wella.

Kumunot naman ang noo ni Ava at sinabing, "Hindi ka sure. Alalahanin mo, hindi lahat ng nota ay whole note. Ang iba riyan ay half note!"

"Bakla, hindi kita gets!"

"Ang ibig kong sabihin, baka hindi purong straight si Hans. Malay mo naman, mahumaling 'yan sa ganda mong pang-Ivanna," sambit ni Ava habang nilalagyan ang mukha niya ng pang-tenth layer na makeup.

"Ivanna Alawi?"

"Correction! Ivanna Maylawit!" Isang malakas na hagalpak ang kasunod matapos sabihin ni Ava ang mga katagang 'yon.

"Ewan ko sa iyo! Palihasa ang ganda mo!" singhal ni Wella sabay irap.

"Ay! Talaga ba?" proud na sabi ni Ava at nag-beautiful eyes pa na akala mo'y totoong maganda. Pero mas madalas naman ay nagmamaganda lang.

"Oo! Ang ganda mo lalo na kapag isinako na kita!" bawing pang-aasar ni Wella sa kaibigan.

"Ang harsh mo naman, Baks! Masyado mo namang ginalingan," tugon naman ni Ava at sinulyapan ang kaibigan.

Nakita niya itong tila tutulo na ang laway sa pagtitig kay Hans. Hinayaan na lang niya si Wella at nagpatuloy sa ginagawang pagpapaganda sa sarili. Subalit napadako ang kaniyang mga mata sa hindi kalayuan. Napansin ang binatang kanina pa nakatitig sa kinaroroonan niya.

Subalit tila umikot ang p'wetan niya nang bigla siya nitong kindatan. Napakagat labi pa ang bakla sa kilig dahil hindi naman mapagkakailang guwapo nga ang binatang nagpapa-cute sa kaniya.

Akmang lalapitan niya ito subalit bigla siyang hinawakan ng kaibigan nang mapansing tumayo ito sa kinauupuan.

"O, saan ka pupunta?" may pagtatakang tanong ni Wella.

"May booking ako, Baks! D'yan ka na muna!" Tila biik na hindi mapigilang mapahagikhik si Ava nang patalon nitong hinakbang ang bench na nasa harapan at nagmamadaling lumapit sa lalaking kanina pa niya gustong lapitan.

Napailing na lang si Wella sa nasaksihan at nasabi na lang sa sariling, "Hindi ko talaga ma-getsung kung bakit may kaibigan akong maharot pa sa pokahontas!"

Hinayaan na lang niya ang kaibigan sa gusto nitong mangyari. Alam naman niyang hindi niya mapipigilan si Ava na manlalaki. Nasilayan na lang niya ang baklang kaibigan na pumasok sa C.R. kasama ang isang lalaki na noon lang niya nakita.

"Sino naman kaya 'yon?" nagtatakang tanong niya dahil sigurado siyang hindi niya kilala ang lalaking kasama nito. Kilala niya halos lahat ng lalaki sa Barangay Maligaya kaya alam niyangb isang dayo na naman ang nabiktima ni Ava. O mas tamang sabihing... siya na naman ang nabiktima ng lalaking iyon.

Panigurado kasing pagkatapos niyang paligayahin ang lalaking kasama ay siya rin ang magbabayad dito. Alam na niya ang kalakaran ng sangkabaklaan. Nakadepende pa nga sa haba ng nota ng lalaki ang presyo nito o kaya naman ay depende rin sa hitsura.

Kapag guwapo, kulang-kulang dalawang libo. Pero kapag hindi gaanong biniyayaan ng gandang lalaki, tama na ang one-fifty. Pero hindi ganoong klaseng bakla si Wella, hindi siya papatol sa kung sino-sino para lang makatikim ng ligaya. Hindi naman niya mahuhusgahan ang kaibigan dahil sa ganoon siya, e. Wala siyang magagawa.

Isa lang kasi ang lalaking nagpapatibok sa pusong babae ni Wella. Iyon ay walang iba kundi si Hans.

Si Hans na sobrang guwapo...

Si Hans na sobrang macho...

Si Hans na sobrang laki ng ano...

Si Hans lamang... si Hans.

Hindi niya namalayan ang mabilis na paglapit ng bola sa kaniya subalit bago pa man ito tumama sa kaniyang mukha ay bigla itong nasalo ng isang binata at ganoon na lang ang pagkabog ng kaniyang dibdib nang makita kung sino ang lalaking humabol sa bola at sinanggahan ang kaniyang mukha gamit ang napakalapad nitong palad.

"Okay ka lang?" ang wika ni Hans.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Riz Monreal
In fairness, naaliw ako sa first chapter. ...
goodnovel comment avatar
Batangueña03
Kilig todamax ang vaklang etey..ano Wella keribumbum cheneme mangisay ka sa kilig..haha,.........Isa kang legend Ava pokemon yarn........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status