Share

Kabaklaan 5

NANLALAMBOT na umuwi ang baklang si Wella matapos ang maghapong paghahanap ng trabaho. Dinaig pa niya ang pokp*k na g*nahasa ng sampung lalaki dahil halata na sa mukha nito ang pagod. Napansin naman siya ni Ava na nakatambay sa tindahan.

Lumapit ito sa kanya habang pinapakpak ang kornik na dala. “Accla, anez nangyari sa 'yo? Dinaig mo pa ang nag-booking! Akala ko ba maghahanap ka ng worklalu? E, bakit parang hindi ka pa nagkakatrabaho ay hagardo versoza ka na?!” usisa ni Ava.

“Witchikels na ng powers ko ang maghanap ng work, Accla. Hindi ko keri! Puro merlat ang hanap nila?” reklamo ni Wella.

“Ayan kasi, magpalagay ka muna kasi ng pukelyas bago ka maghanap ng worklalu. Tingnan ko lang kung hindi habulin ng mga iyan at ng mga shotoko!” suhestiyon ni Ava. Maganda naman ang ideya nito. Kaya lang, may nakaligtaan siyang isipin.

“Alam mo, ang pangit mo na nga, wala hindi ka pa marunong mag-isip. Paano ako magpapakabit ng pukelyas kung wala akong anda!? S'yempre kailangan kong mag-worklalu para may pampakabit ako!” Natauhan bigla si Ava sa sinabi niyang iyon.

“Ay, oo nga. . .” Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa.

“Ay, nako! Iwanan na kita! Baka lalong mapanis ang beauty ko sa iyo!” Suminghal pa si Wella bago pairap na iniwan ang kaibigan. Kumikembot pa itong naglakad sa eskinita papasok ng kanilang bahay.

“Accla, may laro sina Hans bukas! Huwag mo i-forget magmaganda, ha?” sigaw ni Ava. In fairness, supportive pa rin ang kanyang friendlalu sa kanyang kaharutan. Kaya siguro kahit madalas silang magbardagulan ay hinding-hindi mape-friendship over ang dalawa.

“I know! Opkors magpapaganda akez!” sagot niya na patuloy na naglakad sa mabatong daan ng eskinita. Hindi inalintana ni Wella ang amoy ng kanal at pawis ng mga lasinggerong nag-iinuman sa bawat bahay na madaraanan niya.

Sanay na naman si Wella sa mga ganoong eksena. Nakasanayan na niya ang buhay sa Baryo Maligaya. Tabi-tabi ang mga tagpi-tagping bahay roon pero mababait naman ang mga kapitbahay niya. May paminsan-minsang gulong kinasasangkutan ang ilan pero naaayos din naman. Kahit mahirap ang buhay roon ay hindi niya magagawang lisanin ang Baryo Maligaya. Nandoon na ang buhay niya simula pagkabata. At s'yempre, nandoon ang nagpapatibok ng kanyang imaginary merlan na si Hans kaya hindi siya papayag na lisanin ang tirahan hangga’t hindi siya nagagawang tirahin ni Hans.

Habang lipad ang isip ay nakarinig siya ng umuungol sa hindi kalayuan. Nasa tabi lang iyon ng bahay nila kaya rinig na rinig niya ang boses ng lalaking hindi niya mawari kung nasasarapan o nahihirapan. Papasok na sana siya ng bahay pero nakuha ang atensyon ng narinig.

“Kaloka!” Napahawakbsiya sa dibdib kahit wala siyang boobelyas. Tingin niga ay nagmumula ang halinghing nga lalaki sa maliit na espasyo na namamagitan sa bahay nila at ng isa pang bahay.

Natatakpan lang iyon ng yero at may maliit na butas iyon dahil sa kalawang kaya nagkaroon siya ng pagkakataong silipin kung sino ang naroroon. At ganoon na nga ang pagkagulat niya sa nakita.

“Sige pa. Isubo mo pa. . .” Napatakip ng kamay si Wella sa bibig nang masaksihan niya ang kanyang kapatid na lalaki na halos tumarak ang mata habang subo ng isang hindi kilalang babae ang kanyang ari.

“Kuya Jayson!” Hindi niya napigilan ang sariling mapasigaw sa nasaksihan.

Naputol ang maliligayang sandali ng kapatid niya at ng kasama nang marinig ang OA na palahaw niya.

“Wella!” Kaagad nagtaas ng suot na pang-ibaba ang kapatid niya habang ang kasama naman nito ay pinahid ang bibig at inayos ang sarili. Parang walang nangyaring lumabas ang dalawa sa maliit ba espasyo kung saan ang mga ito natagpuang pinaliligaya ang isa't isa.

“Wella, si Mary nga pala. Gelpren ko,” pakilala ng kuya niya sa kasama. Tipid ang ngiting kumaway si Wella sa babae.

“Hi. . .”

“Hello! Ako nga pala si Mary!” Akmang lalapit ang babaeng nagpakilala sa kanya pero bago pa man ito makahakbang ay agad na itinaas ni Wella ang kamay para harangan ito.

“Ay, ’teh! D'yan ka lang. Ayaw ko sa mga lason,” tukoy nito sa babae. Hindi kasi siya sanay na nakakakita ng mga babaeng malalaki ang boobelyas kaya ganoon na lamang kung ipagtabuyan niya ito. Natulala na lang ang babae at bahagyang umatras.

“Ah, Wella. Halika rito saglit,” wika ni Jayson na bigla siyang hinatak ilang metro lang ang layo sa babae.

“Ano na naman ba 'yon, Kuya?” ani Wella. Tingin niya ay may hihingin na namang pabor ang kapatid sa kanya.

“Baka naman may pera ka d'yan, idi-date ko lang si Mary doon sa may barbecue-han.” Tama nga ang hula niya.

Napakamot sa batok sabay padyak si Wella. “Ayan na naman tayo, eh. Saan mo ba nakilala ’yang babaeng 'yan?”

“Diyan lang sa may bar sa kabilang kanto. Ang ganda, 'di ba?” pagmamalaki ni Jayson. “Sige na, bigyan mo na ako, kahit magkano lang,” pakiusap nito.

Dahil nga likas na maawain ang baklang si Wella ay naghanap siya sa bag kung may naitabi pa siyang pera. Nakakita naman siya ng bente-pesos at ibinigay iyon sa kapatid. “Oh, ayan. Pagkatapos n'yo mag-barbecue, sabihin mo sa kanya, iyong t*ti mo naman ang papakin mo.”

Tila kuminang naman ang mga mata ni Jayson nang makita ang salaping ibinigay sa kanya.

“Ayan! Salamat! Napakaganda mo talaga,” pambobola pa nito bago nagmamadaling hatakin ang kasintahan at mabilis na pumunta sa barbecue-han.

Wala na siyang nagawa pa at umakyat sa sariling kuwarto. Dahil sa pagod ay pabagsak na dumapa si Wella sa maliit niyang kama. Nang tumihaya naman ay saka niya lang namalayan na hawak na niya ang Bekwintas na ibinigay umano ng diwata ng sangkabaklaan na nagngangalang Bekigod-mother.

Dahil sa kuryosidad ay tumayo siya at isinuot sa leeg ang nasabing kuwintas. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makaramdam siya ng kakaiba. Biglang humaba ang kanyang buhok, nagkaroon siya ng dibdib na singlaki ng pakwan at bahagyang lumapad din ang kanyang balakang.

Pinisil-pisil pa niya ang dibdib kung totoo ba iyon. Ramdam niya na kanya nga iyon. Hindi pa siya nakuntento at sinilip pa niya ang ilalalim ng loob ng kanyang pantalon at nakitang may hiwa ang gitnang bahagi niya.

“Aaaahhh!” Hindi niya alam kung matatakot siya o masisiyahan sa nakikita. “Babae na ’ko!” sigaw pa niya nang masigurado ang pagbabago sa kanyang katawan.

Ito ba ang sinasabi ni Beki-godmother? Ang makapagpapasaya sa kanya at ang tatapos ng kanyang problema?

Comments (5)
goodnovel comment avatar
Riz Monreal
hoy, Wella girl, pahiram naman ng bekwintas mo. Kailangan ko rin ng pampalaki ng boobelya. ...
goodnovel comment avatar
Batangueña03
hahaha...congrats vakla vavaeng marangal ka na..
goodnovel comment avatar
JC Pamplona
every weekend. haha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status