Share

Kabaklaan 7

“AKO nga pala si Hans. And you are?”

Sh*t na malagkit! Malagkit pa semilyang mainit-init! Ano ngayon ang gagawin ni Wella? Bakit naman kasi sa dinami-dami ng pagkakataon, ngayon pa talaga nagtagpo ang landas nila ni Hans?

Napalingon naman si Wella sa pader at napansin niya ang isang pader na may nakasulat na pangalan. ‘Cindy’ is the name written on the wall.

“Ah... eh... Cindy! My name is Cindy,” pakilala niya rito. Wala nang choice si baklita. Kung hindi siya mag-iisip ng ibang pangalan, baka kung anong isipin ng binata.

“Cindy. Nice name. It’s nice to meet you.” Inilahad naman ni Hans ang kamay nito sa kanya. Napakagat ng labi si Wella na nagpakilalang si Cindy dahil kitang-kita niya kung gaano kalapad ang kamay ng binata. May nagsabi sa kanya na kapag daw malapad ang kamay ng lalaki, malaki din daw ang k*****a nito. Ibig sabihin lang niyon ay bukod na pinagpala si Hans sa lalaking lahat. Daks kung daks kumbaga.

Aarte pa ba siya? Eh, kung nasa harapan na niya ang grasya, isusubo na niya. . . ang grasya. Tulad ng inaasahan, kinamayan niya ang binata at binigyan niya nang mapang-akit na ngiti. “Nice to meet you, too,”

All the way na ang kalandian ni baklita. Ngayong pinansin na siya ng lalaking kinahuhumalingan niya nang napakatagal na panahon. Hindi na niya pakakawalan pa ito.

“Anyway, these are my friends: George, Mark, Kevin, and Kaloy,” pakilala ni Hans sa mga kaibigan. Kilala na ni Wella ang apat pero kailangan niyang mag-pretend na wala siyang kilala sa mga ito.

"Hi, miss byutipul!” Sabay-sabay pa ang apat na kumaway sa kanya. Pero ang totoo, ayaw na ayaw niya sa mga kaibigan ni Hans dahil madalas siyang bastusin ng mga ito kapag dadaan siya sa kanto.

“Hello. . .” Mapaklang ngiti ang iginawad niya sa apat. Para lang hindi mahalata.

“Ava Baklita, puwede ba naming mahiram si miss byutipul?” tanong ni George.

“No. Over my dead beautiful body!” may pagmamalaking sambit ni Ava sabay hawak sa beywang at taas ng kanang kilay.

“Teka! Kaano-ano mo ba si Cindy at ganyan ka kung makaasta?” singit naman ni Kaloy.

“Ah, pinsan ko siya!” agad na wika ni Wella para lang makalusot.

“Pinsan? Hindi mo naman sinabing may pinsan kang ganito kaganda?” saad naman ni Mark.

“Hindi pa ba obvious? Magkamukha naman kami, ’di ba?” wika ni Ava na iminustra pa ang kamay sa mukha nito at mukha ni Wella.

Sabay-sabay na nagtawanan ang magkakaibigan maliban kay Hans. Tiningnan lang nito ang apat na tila dismayado sa ginawa.

“That's enough, mga pare. Huwag naman kayong mambastos ng tao,” saway ni Hans sa mga kaibigan.

“Tama. . .” sang-ayon ni Ava.

Saka lang natigil ang apat matapos ang ginawa ni Hans. Bongga! Gandang-ganda na naman sa sarili si Ava at Wella.

“Sorry, girls. Ganyan lang talaga ang mga 'yan. Don't worry about them. Pagsasabihan ko sila.” In fairness naman kay Hans. Hindi homophobic at hindi rin bastos tulad ng mga kaibigan. He even acknowledge Ava as a girl by calling them ‘girls’. Sa wakas, may green flag pa rin palang lalaki tulad ni Hans.

“No! Hindi mo kailangang mag-sorry. Sanay na kami sa kanila,” wika ni Wella.

Siniko naman siya ni Ava. Nawala sa isip niya na kailangan niyang magpanggap na hindi niya kilala si Hans at ang mga kaibigan nito.

“What do you mean ‘sa kanila’?” nagtatakang tanong ni Hans.

“I mean, sa tulad nila. Sanay na akong mabastos,” saad ni Wella.

“Sorry about that Cindy. Don’t worry, once na may bumastos sa iyo rito, sabihan mo lang ako.” Tila nagningning naman ang mga mata ni Wella sa sinabi ng binata. Maliban sa napakaganda nitong mukha at katawan, napakaganda rin pala ng ugali nito. Total package na si Hans para sa kanya.

“Thank. . . Thank you.” Hindi tuloy alam ni Wella kung sa paanong paraan siya makapagpapasalamat. Gusto sana niyang tanungin kung nais ng binatang ilibre siya kahit fish ball man lang kaso baka naman isipin nito na easy-to-get siya. No! Hindi siya ganoong klase ng bakla! Pero. . . si Hans na ’yon, eh.

“Sige, Cindy. Aalis na kami. Kung may kailangan ka, diyan lang ako nakatira,” saad ni Hans sabay turo sa bahay na tinitirhan niya.

“Alam ko naman,” bulong niya na sapat lang ang lakas para siya lamang ang makarinig.

“Sorry? What did you say?”

“Ha?! Eh, ibig kong sabihin, alam ko na kung saan ka nakatira,” maang ni Wella.

“Ah. . . okay. Sige, see you around,” paalam nito sa kanila.

Tiningnan niya lang ang binata na halos maglaway na. Kitang-kita ng malandi niyang mga mata ang malapad na likod ng binata. Kung puwede lang sanang dilaan iyon ay nagawa na niya. Para siyang gutom na bampira na takam na takam kagatin ang leeg no Hans.

“Bakla!” tawag ni Ava sa kanya pero parag wala siyang naririnig.

“Ang sarap niya,” wala sa huwisyo niyang wika.

“Hoy! Bakla!” Nagising siya sa hampas ni Ava nang hampasin siya nito sa braso.

“Aray naman! Ang shoket n'on, accla! Dati ka bang boksingera?” reklamo niya.

“Talagang magiging boksingera ako kapag hindi mo pinunasan 'yang laway mo! Kaloka ka!” Literal ngang tumulo ang laway ni Wella.

“Ay, sorry naman,” sabi niya sabay punas sa bibig.

“So, anez nang balak mez ngayong merlat ka na?” tanong ni Ava. Ano nga ba?

“Witchikeli ko pa sure-laloo. Baka magpanggap na muna akong Cindy para maakit ko si Fafa Hans.”

“Ay, betsung! Eh, paano 'yan? Ise-say ever mo ba sa pudrakels at mga shupatid mong chipangga ang truth?” Napaisip si Wella. Sasabihin ba niya ang totoo?

“Hindi na muna siguro, accla. Baka ma-shokot ever sila kapag na-knows line na nilang may vavaeng marangal na sa family,” wika ni Wella.

“Ay, sa true! Oh, s'ya! Tara na at kailangan ko pang balikan ang date ko. Ibu-booking ko pa siya later.” Muling rumampa ang dalawa sa daan. Kiber na kung sino ang makakapansin sa mga hakbang nilang daig pa ang mga bibe kung makakembot habang naglalakad.

Ngayong isang tunay na babae na si Wella, hanggang saan kaya niya kakayaning magpanggap bilang si Cindy?

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Batangueña03
naka lock na si mamshie wella..:)
goodnovel comment avatar
Riz Monreal
Ang alam ko, pag malaki ang paa, gifted down there. chaarrr.. narinig ko lang sa friends ko dati. May formula pa nga yun para makuha kung ilang inches, not sure lang kung totoo. ......
goodnovel comment avatar
Batangueña03
Ahahaha..dms kung daks nga ba si Hans at hindi lahat ng gwapings ay diretso..Haha at naku Wella ang garter ng t-bak ay higpitan ang buhol baka malaglag sa pagkerengkeng..Welcum veveeng merengel..:)
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status