Share

Kabaklaan 6

“MGA kapitbahay, babae na ’ko!” Nagtitiling lumabas si Wella ng kuwarto at pumunta sa harap ng kanilang bahay dahil sa tuwa. Tulad ng ibang bakla, gusto niya ring maranasang magkaroon ng pukelyas. Pero hindi niya akalaing isang kuwintas lang pala ang makatutupad ng kanyang pangarap na maging isang tunay na babae.

“Babae na ako! Babae na ako!” wika niya sa bawat taong makakasalubong niya. Nagtataka lang ang mga nakakasalubong niya dahil sa inaakto niya. Wala yatang ideya ang bakla na ang layo ng hitsura niya sa Wella na kilala ng buong Barangay Maligaya.

Habang hibang na hibang sa anyo niya si Wella ay nakita naman niya ang kaibigang si Ava.

“Acclaaa!” salubong niya sa kaibigang kasalukuyang tumutuhog ng fish ball sa kanto kasama na naman ang isang lalaki.

Noong una ay hindi siya pinansin nito pero nagulat na lang si Ava nang bigla niya itong yakapin nang mahigpit. Marahas na itinulak ni Ava si Wella.

“Teh, hindi tayo talo! Shotoko rin ang bet ko kaya lumayo ka sa akin. Baka majombag kita!” may pag-irap na pagtataboy ni Ava sa kanya.

“Ano ka ba, Accla?! Akez itetch, si Wella!” sabi niya.

“Ay, teh! Huwag mo akez chinacharot! Hindi ganyan kaganda si Wella! Lalo na't hindi rin 'yon...” Napatingin si Ava sa dibdib ni Wella na tila nandidiri bago itinuloy ang sinabi. “Lalo na't hindi 'yon susuhan kagaya mo!”

“Ah, talaga ba?!” ani Wella sabay batok sa kaibigan.

Saka pa lang natauhan si Ava nang maramdaman kung gaano kasakit mambatok ang kaharap nito. “Wella?” Doon lamang napagtanto ni Ava na si Wella nga ang kaharap dahil siya lamang ang may lakas ng loob na batukan ito.

“Aflu! Akez ngaa!” Hindi pa man nauubos ni Ava ang fish ball na binili ay bigla ba naman nitong hinatak si Wella sa malayo — sa lugar na hindi maririnig ng kasama nitong boylet.

“Accla! Ikaw ba talaga ’yan? Paanong—”

"Witchikels ko rin ma-knows line. No'ng na-wearsung ko itetchiwang Bekwintas, naging merlat na ako at nagkaroon ng pukelyas at boobelyas! Accla, vuvae na akez!” Proud na proud pa si Wella na iwinasiwas ang dibdib niyang kaunti na lang ay puwede nang gawing bola ng basketball.

“Pero hindi! Hindi pa rin ako naniniwala!” giit ni Ava.

Napaisip so Wella kung paano niya mapapatunayan ang sarili sa kaibigan. “Knows ko na para ma-proventrikels ko sa iyo na akez talaga si Wella!”

"Go!”

“Kilala kez ang na-booking mo na three inches lang ang anez!” Nanlaki ang mga mata ni Ava sa sinabi niya. Siya lang kasi ang nakaaalam ng lalaking tinutukoy niya.

“S-sinetch?!”

“Si Jayson!” Kaagad na tinakpan ni Ava ang bibig niya. Tanging silang dalawa lang kasi ang nakaaalam ng bagay na iyon. Dahil nga buo ang tiwala nito sa kanya ay ikinuwento nito kay Wella na noong malasing si Jayson ay saka pa lamang ito pumayag na i-booking siya at doon nadiskubre ni Ava ang itinatago ng binata.

“Bakla ka! Halik ka na nga!” Hinila siya ni Ava at inilayo sa mga taong nakakakita sa kanila.

Sa apartment kung saan ito naninirahan siya dinala ng kaibigan. Walang makiki-Marites sa lugar na iyon dahil medyo maliit lang ang espasyong inookupahan ng baklitang si Ava. Tama lang para sa kanya.

“Accla, witchikels kang ma-sightsung ng pamilya mo sa ganyang beauty. Baka hindi ka nila makeribels.” May point si Ava sa sinabi niya. Sa ganoong hitsura, hindi siya mamumukhaan ng mga kapatid niyang manyak at ng tatay niyang sugarol.

"Ay, truelagens!” Napaisip si Wella. “So, anetchiwang gagawin natin?!” Napahawak si Wella sa sintido na naghi-hysterical pa.

“Kailangan nating i-changejaru ang name mez!” suhestiyon nito na kailangang baguhin ang pangalan niya.

“Ha? Eh, ’di lalong hindi nila ako nakilala?” wika ni Wella.

“Iyon nga! Bonginerls ka rin, eh. Witchikeli ka dapat ma-knows line ng family mez! Tingin mo ba maniniwala sila sa 'yo na ikaw si Wella?”

Doon lamang napagtanto ni Wella na tama ang sinasabi ng kaibigan. Hindi siya makakauwi kung ganoon ang sitwasyon niya.

“Waitsung! Tuwing whentrikels ka lang ba nagiging merlat?” tanong muli ni Ava.

Napatingin naman si Wella sa suot niyang Bekwintas at sa direksyon na 'yon din napatingin si Ava.

“Kapag wini-wearsung ko lang ang Bekwintas na itetch,” saad niya.

"Ay, ang bongga! Try mez hubarin, tingnan natin kung babalik ka sa truelalu mong anyo.”

At iyon nga ang ginawa ni Wella. Hinubad niya ang Bekwintas at unti-unting nagliwanag ang paligid ng kanyang katawan na parang disco ball. Sumasayaw-sayaw pa ang bakla habang nagbabago ng anyo na akala mo'y Tikt*k dancer. Maya-maya lang ay nag-posting ito at bumalik na sa dati niyang anyo.

"Accla, bayot ka na ulit!” ani Ava.

“Kaloka! Napagod akez. May pa-dance number ang transformation kez. Kanina naman, wala eh,” hinihingal pa na sabi ni Wella.

"Ay, baka kapag iwi-wearsung mez lang siya may pa-danceseru! Try mo nga ulit suotin?”

Tulad ng sinabi ni Ava, ginawa nga naman iyon ni Wella. Muli na namang nagliwanag ang kanyang katawan at nagbago ito tulad ng kanina. Pero this time, wala na nga pa-dance number ang changing transformation niya.

“Ay! Bet ko rin niyan? Keri lang bang mahiram minsan?”

“Keri, accla! Basta ikaw!” pagpayag ni Wella. “Pero parang bet ko ngayong humarvat ng shotoko sa labas,” sabi ni Wells. Malakas na ang loob niya ngayong babae na ang katawan niya.

"Ang shondi, ha? Pero sige, support kita! Lezzgo!”

Rumampa ang dalawa palabas ng apartment at sumakto ang kantang Amakabogera ni Maymay Entrata kaya nag-feeling model ang magkaibigang baklita sa pasilyo. With matching blower pa ang eksena nila nang buksan ng kapitbahay ni Ava na repairman ginagawa nitong bentilador sa tapat nila kaya naman slowmo na sinalimpad ng hangin ang buhok ni Wella na feel na feel niyang iwasiwas.

Hindi naman sinasadyang makasalubong nila ang ilang kalalakihan na nasaktuhang bumanga si Wella sa mala-Macheteng dibdib ng isang lalaki.

“Oh, miss. . . sorry!” Magagalit sana si Wella pero nanlambot siya nang makitang si Hans ang lalaking iyon na walang suot na pang-itaas at basang-basa ng pawis ang buong katawan dahil sa maghapon na pagba-basketball.

"Ah, eh, ekey leng. . .” malanding wika ni Wella.

“Ako nga pala si Hans. And you are?”

Nako! Teka lang. Hindi siya puwedeng magpakilala sa sarili niyang pangalan dahil baka hindi ito maniwala. Ano kayang gagawain ng baklang si Wella? Magpapakilala kaya siya sa lalaking halos painitin ang kanyang imaginary ovary?

Comments (6)
goodnovel comment avatar
Acaly JEan D Garci
seen ne update mo accla
goodnovel comment avatar
Acaly JEan D Garci
nakakalerkey ang gay lenggo accla...
goodnovel comment avatar
Riz Monreal
Paglawayin mo muna si Hans pork and beans, Wella. Show me more, show me more muna. ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status