Share

Kabaklaan 2

"OKAY ka lang?" Tila tumigil ang mundo ni Wella nang marinig ang matipunong boses ni Hans. Noon niya lamang ito nakita nang malapitan kaya ganoon na lamang ang bilis ng pagtibok ng kaniyang puso. Pati ang imaginary merlat ng bakla ay hindi rin nakapagpigil at balak sana nitong dakmain ang santol na dumudungaw sa jersey shorts nito. Pero hindi, kailangan niyang magpabebe dahil baka isipin ng binata na easy-to-get siya. Enebe? Weg me ekeng tetegen.

"E-ekey leng eke," may harot na wika nito sabay hawi sa kapirasong patilya niya papunta sa kaniyang tainga.

"What?" naguguluhang tanong ni Hans. Tila hindi nito naunawaan ang winika ng Wella.

Para namang nagising ang bakla sa napakalalim na panaginip at nang matauhan. Tumikhim siya at inayos ang sarili. "O-oo, okay lang."

"Hans! Bola!" untag ng lalaking ka-team ni Hans. Agad namang lumingon ang binata at ipinasa ang bola sa kakampi. Subalit saglit pa nitong sinulyapan si Wella bago muling bumalik sa laro.

Sa pagkakataong iyon, parang kiti-kiting hindi mapakali si Wella sa kinauupuan. Kung nagkataon sigurong katabi niya ang kaibigang si Ava, malamang ay nawasiwas na niya ito sa kilig. Iyon nga lang, may kaharutan ang baklita sa C.R. kaya swerte niya at hindi niya ito katabi ngayon.

Bawat talbog ng bola ni Hans ay parang kiliti sa tainga ni Wella. Nagpi-feeling na naman ang bakla. Hindi naman kayang sabihin sa binata na gusto niya ito. Hanggang tingin lang ang nagagawa niya. Natapos ang laro pero sa kasamaang-palad ay natalo ang kuponan ni Hans kaya ganoon na lang ang pagkadismaya ng lahat dahil isang pagkatalo pa ay pihadong mawawala na sila sa line-up.

Hanggang sa matapos ang laro ay hindi pa rin bumabalik si Ava sa kanilang puwesto. Takang-taka si Wella kaya sinundan na niya ito sa C.R. kung saan niya ito huling nakita. Sinilip niya ang loob ng palikuran subalit kahit anino ng kaibigan o ng lalaking kasama niya  ay hindi niya nakita. Tinangka pa niyang tawagin subalit walang sumasagot sa cubicle kung saan siya naroroon.

"Nasaan naman kaya ang baklitang 'yon?" tanong ni Wella sa sarili. Hindi na siya nakatiis at lumabas na lang ng C.R. subalit sa kaniyang paghakbang palabas ay hindi niya inaasahan ang lalaking sumalubong sa kaniya na hindi niya namamalayan.

Hindi sinasadyang mapahawak siya sa matigas na bahagi ng katawan ng lalaking nasa harap. Natagpuan na lang ang sariling nakahawak sa dibdib ng binatang hindi sinasadyang makabangga — si Hans.

Enebe! Eng teges nemen nete! Sa isip niya'y naglalaro ang kahubdan ng binata. Ayaw man niyang iwaksi sa isipan ang nakakaakit na katawan nito'y nagiging madaya naman ang kalandiang taglay ng kaniyang isipan. Sino nga namang hindi mahuhumaling sa kakisigan ng binata? Sa taas nitong six feet ay pihadong maging ang itinatago nito ay mahaba rin. Hindi lang iyon, kahit pawisan sa paglalaro ay parang fresh na fresh pa rin ang hitsura nito. Hindi katulad niya na parang binasang tilapya sa sobrang haggard kahit hindi pa pinagpapawisan.

"S-sorry..." Saglit silang nagkatitigan. Agad namang bumitaw si Wella sa hindi sinasadyang pagkakahawak sa matigas na dibdib ng binata. Mabilis din niya iniwas ang tingin sa mata ng kaharap dahil kung sakaling mapako nang matagal ang pagkakatitig niya sa binata ay baka hindi na niya mapigilan ang sariling gawin ang kahalayan.

"Excuse me," wika ni Hans. Malamlam ang mga mata nito dahil natalo sila sa game ngayong araw.

Balak sana niyang aluin ang kalooban ng binata ngunit halatang hindi nito kailangan ng kausap sa pagkakataong iyon kaya sa halip na lapitan pa niya si Hans ay nagpasya na lang siyang muling hanapin ang kaibigan. Tsaka, kung sakali mang kailangan ni Hans ng kausap ay siguradong hindi siya ang kakausapin nito malamang. Dahil unang-una sa lahat, hindi siya kilala ng binata at isa pa, sino ba siya para pansinin ng binata? Isang hamak lang na maglalako ng kakanin ang beauty niya kaya hindi siya papansinin nito.

Nagkibit-balikat na lang siya at lumabas ng court. Uuwi na nga lang ako. Baka pagalitan na naman ako ni pudrakels sa oras na malaman niyang humahada lang akesh!

Hindi pa man siya nakakalayo ay nasilayan niya ang kaibigan na papalapit sa kaniya. Kumekembot-kembot pa ito at halatang masayang-masaya dahil kulang na lang ay mapunit ang bibig sa pagngiti.

"Bakla, saan ka na naman ba galing? Kanina pa kita hinahanap kung saan-saan nagpupupunta!" salubong ang kilay na wika ni Wella sabay hawak sa magkabilang baywang.

"Ahmm... Eh... Iihhh..." May pagkagat pa sa labing kinikilig si Ava habang hindi maituloy ang sasabihin.

"Hoy, Ava Baklita! Saulo ko na ang vowels ng alphabet kaya huwang mo akong ma-ah-eh-ih diyan! Saan ka nagpunta?!" Pinandilatan na niya ng tingin ang kaibigan pero parang walang talab ang kaniyang paninindak. Nakangiti pa rin talaga si Ava at parang maiihi sa pantalon dahil halos tumaas ang magkabilang balikat sa kilig habang magkadaop ang magkabilang palad.

"Eh kesheee se Kerles, e," nagpapabebeng sambit ni Ava. Napagtanto niyang magkaibigan nga silang dalawa dahil kahit hindi diretso ang salitang sinasabi nito ay naiintindihan pa rin niya ang lumalabas sa bibig nito.

"Sino naman si Carlos?" may pagtatakang tanong ni Wella.

"Si Carlos, 'yong lalaking kasama ko kanina?" May pangusong isibabit ni Ava ang buhok sa tainga

"O, anong ginawa n'yo? Saan kayo nagpunta?" usisa ni Wella.

"Nagyaya kasi siyang mag-milk tea kaya sinamahan ko na. Nakakaawa kasi siya?" Umarte pa itong naaawa pero ang totoo, hindi lang awa ang nararamdaman nito sa lalaki. Baka nga sa isang araw ay kasama na nito ang lalaking iyon sa parlor at binibigyan ng libreng gupit which is hindi malayong mangyari.

"A, talaga ba?" Lumapit si Wella sa kaibigan at pinunasan ang dulong bahagi ng labi ni Ava dahil may puting likido itong nakita roon. Inamoy niya iyon at sinabing, "Zonrox ba ang flavor ng milk tea mo?" paninigurado niya.

"Ay! Peene me nelemen?" Kasunod ng mga salitang iyon ay paghagikhik.

"Bakla ka, hindi milk tea ito! Galing ito sa milk ng tea-tea! Impokritang malandi!"

"Pensenshe ne... Eng serep kesheeee..." Hindi pa rin mapigilan ni Ava ang kilig. Naka-booking na naman siya nang araw na iyon.

"Tara na nga! Umuwi na tayo bago ka pa maubusan ng anda kakasubo mo ng mga anez!" Hinila ni Wella si Ava palayo sa mga tao bago pa ito makakita ng bagong bibiktimahin at siguradong mauubos na naman ang pera nito sa lalaki kung nagkataon. Kaya bago pa mangyari 'yon, kailangan na niya itong pigilan.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Riz Monreal
bet ko na 'tong si Wella at Ava. Sarap hilahin ng dila para dumiretso sa pagsasalita. ...
goodnovel comment avatar
Batangueña03
myghad ang mga vaklang itey...hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status