HANNAH'S POV
"Pasensya na po, Aling Rita.Wala po talaga akong pambayad sainyo eh" Paghingi ko ng paumanhin sa may-ari ng tinitirahan kong bahay.Ngayon na kasi ang araw na maniningil siya at sakto naman na kulang na kulang ang perang hawak ko dahil ipinang bili ko na ito ng pagkain ko."Ay naku!Ganan na lang ba tayo kada pupunta ako dito??" Napayuko ako sa sinabi niya dahil sa sobrang hiya.Oo, ilang beses na nga itong nangyari at hiyang hiya na ko kay Aling Rita.Kung malaki ang sinasahod ko sa pagtatrabaho ko sa coffee shop eh mababayaran ko naman siya eh, kaso kulang talaga. "Pasensya na po talaga.Pangako po, babayaran ko po lahat ng di ko pa po nababayaran.Bigyan niyo po sana ako ng ilang araw" Pagmamakaawa ko na ikinabuntong hininga nya naman."Huli na 'to ha.Sinasabi ko sayo papalayasin na talaga kita." Umalis na siya pagkatapos nyang masabi 'yon.Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa naging usapan namin ni Aling Rita.'Di ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko sa totoo lang.Ang hirap ng walang kasama.Wala na kasi akong magulang simula noong bata pa ako.Actually di ko nga alam kung paano ako nakarating sa buhay kong ito ngayon.Bumalik ako sa kwarto ko at napatulala na lamang.Bakit nga ba ganto yung buhay ko?Dahil sa kaiisip ng kung ano-ano ay di ko na namalayang nakatulog pala ako at nagising ako na gabi na.Mag aalas dose na ng gabi, kaya pala medyo nakakaramdam ako ng gutom.Bukod sa di ako nagtanghalian ay hindi rin ako naghapunan.Bumangon ako at lumabas ng kwarto upang pumunta ng kusina.Tinignan ko kung may makakain at sa kasamaang palad....wala."Bukas na lang ako kakain" Uminom na lang ako ng tubig upang kahit papaano ay maibsan 'tong nararamdaman kong gutom.Bumalik na lang ulit ako sa kwarto ko at naisipang matulog na lang ulit.Kinaumagahan, maaga akong nagising upang pumasok sa trabaho ko.Sa maliit na coffee shop lang ako nag tatrabaho at medyo may kababaan ang sweldo, pero okay na rin kaysa sa wala diba.Lumabas na ako ng bahay at nagsimula nang maglakad papunta sa coffee shop.Medyo malapit naman 'to sa bahay na inuupahan ko kaya okay na ang maglakad.Ayoko rin naman mamasahe dahil nagtitipid ako ngayon.Habang naglalakad ako ay napatingin ako sa isang magarang sasakyan na bigla napahinto sa unahan ko.Ganda ng sasakyan nya.Halatang mayaman ang may-ari.Sana all na lang talaga.Ano kayang feeling ng maging mayaman?"Hey, woman!" Sabi ng lalaking nakasakay sa sasakyan after nyang ibaba yung salamin ng kotse nya.Ako ba tinatawag nya?Napatingin ako sa kanya at sa paligid ko."Ako?" Bulong ko sabay turo sa sarili ko."Oo, ikaw.Pa check nga nung likod kung naka open ba" Bastos niyang utos sakin kaya napapikit ako ng ilang beses.Ganyan pala magutos mga mayayaman.Bastos ah. "Ano pong likod?" Tanong ko kasi malay ko ba kung anong likod, likod nya ba, yung sasakyang kasunod nya o yung mismong likod ng kotse nya?"Nevermind!B*bo mo naman" Sinara nya yung bintana ng kotse nya bago ipaharurot 'to.Kapal naman ng mukha nun.Di ako laitera at nagsasabi ng kung ano-anong masamang salita unless gago yung taong kaharap ko.Kaya sana....mabangga sya.Joke.'Di ko na lang pinansin yung nangyari at nagpatuloy na lang sa paglalakad.Istorbo yung lalaking yun, panget na nga panget pa ng ugali tsk tsk."Good morning, Sir!" Bati ko sa Boss ko na kasalukuyang cashier ngayon.Sa umaga kasi ay siya muna ang nasa cashier dahil wala naman daw siyang ginagawa."Good morning, Hannah" Bati nya sabay ngumiti sakin ng matamis.Aaminin ko ang gwapo ng Boss ko.Isa din sa mga dahilan kung bakit ako nag stay dito sa coffee shop kahit medyo mababa yung sweldo hihi.Nagasikaso nako dahil may mga nagdadatintan na rin na costumer.Taga gawa nga pala ako ng drinks dito, at minsan naman server.Medyo mahirap pero naeenjoy ko naman.Magaalas onse na ng gabi at madilim na sa labas ng coffee shop.Pinapauwi na kasi ako ng Boss ko dahil gabing gabi na rin daw.Hanggang 6pm lang ang work namin dito at nag overtime ako dahil gusto kong madagdagan kahit papaano yung sweldo ko.Nauna na sila Belle at yung iba ko pang mga katrabaho dahil di naman sila nag oovertime.Medyo napagod din ako kakatayo kaya pumayag na lang ako sa sinabi ng Boss ko.Naglalakad ako ngayon sa madilim na daanan, may mga sasakyan pa naman kaya di gaano kadilim pero wala na akong nakikitang tao.Gabing gabi na rin kasi at expected ko na nga na tulog na mga kapitbahay ko."Psttt!" Napahinto ako bigla dahil sa narinig ko.Haha medyo kinakabahan ako."Pstt!" Napalingon ako sa paligid ko at wala akong nakitang tao.Stop na po, natatakot na yung tao oh.Nagintay ako ng ilang segundo para antayin yung pstt ulit kaso wala akong narinig.Medyo kumalma akosa pagkakataon na iyon not until..."Pstt!" Kumaripas na ako ng takbo at napapikit sa sobrang takot.Mam-- ay wala pala ako nun.LORD!Parang awa nyo na po ayoko pa pong m*m*tay!Paki dalhan po ako ng anghel...promise magpapakabait na po ako---Napatigil ako sa pagiisip ng kung ano-ano ng biglang bumangga ako sa isang bagay...I mean...tao??Minulat ko yung mata ko at tinignan kung ano o sino yung nasa harapan ko.Napalunok ako ng laway nang makita ko ang nasa harapan ko.Tao nga sya.Matangkad, malapad yung balikad nya at mukhang maganda ang pangangatawan.Pero di ko maaninag yung mukha nya madilim kasi at wala ng sasakyan ang nadaan.Tanginag ilaw na lang sa daanan na may kalayuan pa saamin ang nagsisilbing liwanag dito."Nandito na 'ko....'Wag ka nang matakot." Malambing niyang sabi kasabay ng biglang pagpatay sindi ng poste ng ilaw sa gilid namin.Naaninag ko ang mukha nya at nakikita ko sya ngayon na nakatingin.Sino siya at anong pinagsasasabi niya??Kasalukuyan kaming magkatitigan ngayon ng lalaking nakabanggan ko kanina sa labas.'Di ko maipagkakailang gwapo siya at mala anghel ang pagmumukha niya.Maputi, maganda ang pangangatawan, makinis, matangkad, at maganda din yung mga mata niya.Sinundan niya 'ko hanggang dito sa bahay dahil wala daw siyang matitirahan dahil kakarating niya lang daw dito.Medyo nagtataka nga ako sa sinabi niya at hindi ko rin alam kung bakit ko siya pinapasok dito sa pamamahay ko."Uhmm..." Tangi ko na lamang nasabi.Still nakatingin parin siya sakin habang ganun din naman ako.Anong trip niya?"Daniel...My name is Daniel" Pagpapakilala niya sa sarili niya habang maamong nakangiti.Mas gumwapo siya nung ngumiti siya."Daniel??" Tanong ko na para bang nagiintay ng karugtong sa pangalan niya.Ano last name niya?Bagay ba sa pangalan ko?KIMMY LANG PO."Yeah, Daniel." Sabi niya habang nakangiti parin.Medyo weird pero oo bagay sa kanya ang nakangiti."I mean..ano last name mo?" Tanong ko na ikinailing niya naman."Wa
Halos magdadalawang linggo na simula nung nanatili sa bahay ko si Daniel.Sa loob ng dalawang linggo ay medyo nakilala ko na siya, he's a good person at unti unti ko na ding nakikita at nararamdaman kung gaano niya ko pahalagahan at protektahan.I know na unting panahan lamang ang dalawang linggo pero ewan, medyo magaan na ang loob ko sa kanya.Actually masaya ako dahil sa wakas ay mayroon na akong kasama sa malungkot na buhay na 'to."Sure ka ayaw mo talagang ihatid kita sa coffee shop?" Tanong niya habang nagaasikaso.Nakahanap na rin kasi siya ng mapakakakitaan at kasalukuyan niya rin akong tinutulungan sa mga bayarin at sa pagkain namin."Yes, sure na 'ko" Saad ko sabay tingin sa kanya.Gwapo n'ya talaga."Really?" Tanong niya bigla na ikinagulat ko.Lintek na 'yan!Nababasa n'ya nga pala yung nasa isip ko."H-ha?" Taka kong tanong na kunyari'y 'di alam kung ano yung tinutukoy niya.Tumawa muna s'ya nang mahina bago ako sagutin. "Nothing.Sabay na tayong umalis." Napatango na lang ako sa
"Galit ka parin ba?" Nakatungo kong tanong sa lalaking kaharap ko ngayon.Tatlong araw na kasi ang nakakaraan simula nung nangyari yung alitan namin dahil sa ewan ko.Actually until now 'di ko parin alam kung bakit nga ba kami nagaway."How many times do I need to tell you that I'm not mad at you?" Straight english n'yang saad kaya muntik nanamang dumugo yung ilong ko.Akalain mo yun ang galing magenglish nung nakikitira lang sa bahay ko.Nakita ko naman s'yang tinignan ako nang masama kaya napapeace sign na lang ako.Nasanay na 'ko na nababasa n'ya kung ano yung nasa isip ko.Unti na lang talaga at magiging normal na sa'kin yung pagbabasa n'ya sa isip ko."Pwedeng magtanong?" Tanong ko kahit nagtatanong na 'ko.Hehe"Mmm?" "Ano yung ibig sabihin mo dun sa pinadala ka ni Lord?" Tanong ko pero napatingin ako bigla ako sa iba dahil parang may mali sa tinanong ko."Oh..It's nothing, 'wag mo na lang pansinin." Saad n'ya sabay tingin sa pintuan kaya napatingin din ako roon."May tao sa labas."
Naisipan namin ni Dan na mag Mall dahil nakasahod na kami.Inferness dito kay Dan kasi medyo malaki laki yung kinita n'ya which is good.Niyaya n'ya 'ko na sumama sa kan'ya kaya 'di na 'ko tumanggi dahil matagal-tagal na rin akong 'di nakakapunta rito kaya sobrang excited ko."Should we eat first?" Tanong n'ya sakin nang nakangiti.Mukhang excited din kasi s'ya at parang first time n'ya ngang nakapunta rito dahil nagtatanong s'ya sakin kung ano raw 'yong mga 'yon basta kung anong makita n'ya sa loob ng Mall na ito ay itinatanong n'ya sakin.Tinuro ko yung Jollibee at tinignan s'ya. "Kain tayo sa Jollibee!" Excited kong aya sa kan'ya.Tumango naman s'ya sakin kaya agad ko s'yang hinila papasok ng Jollibee dahil baka maubusan pa kami ng mauupuan.Umorder na 'ko at hinayaan ako ni Dan na mamili ng makakain namin.Mukhang first time n'ya rin na makakain dito sa Jollibee at nakapagtataka lang dahil parang lahat first time para sa kan'ya.Umupo na 'ko pagkatapos kong maka-oder.Nasa harapan ko s'
Napamulat ako ng mata sa walang kadahilanan, nilibot ko ang dalawa kong mata sa silid kung saan ako naroroon at masasabi kong madilim at ang tanging ilaw lamang sa labas ang nagsisilbing liwanag upang makakita ako kahit papaano.Kinapa ko yung telepono ko sa bandang uluhan ko upang tignan ang oras.Nakita ko namang mag aalas dos pa lang ng madaling araw kaya naisipan kong ipikit ulit ang aking mata.Sinubukan kong matulog muli ngunit tila ayaw ng diwa ko.Kaya minulat ko na lamang ang mga mata ko at naisipang bumangon.Sa kalagitnaan nang paglalakad ko palabas ng kwarto ko ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang takot ng biglang humangin at lumamig sa bandang likuran ko.Agad kong binuksan yung ilaw ng kwarto ko at napatingin sa buong sulok ng kwarto ko."Ganto yung mga napapanood ko sa tiktok ah" Bulong ko habang yung buong pagkatao ko ay ngayo'y nababalutan ng takot.Pagnagising ka raw kasi sa oras ng alas dos hanggang alas 4 ng madaling araw ay maaaring may demonyo raw na nanonood sa'yo
DANIEL'S POVSinigurado ko munang tulog na si Hannah bago ako maglaho rito sa tabi n'ya.I have business to do sa taas, alam ko naman na may nagawa akong bawal at labag sa batas namin kaya pumunta na lang ako agad para maayos ito.I introduce myself to Hannah as Daniel pero hindi talaga 'yon yung tunay kong pangalan.Isa rin kasi sa rules ang bawal sabihin ang tunay na pangalan namin, Angel names are mysterious and holy.I also have a virtue about Love, Development, Protection, Knowledge and Premonitions.I'm Hannah's Guardian Angel, and I have a mission to do kaya ako napadpad sa tabi n'ya.'Di lamang ako ang Anghel na nandirito sa lupa, madami kami at nandito kami upang tapusin ng maayos ang bawat misyon namin.I've been protecting and guiding Hannah since she was born in this world.Lagi akong nasa tabi n'ya, I always protecting her from evil spirits that hunts her everyday.Guardian Angels serve to protect whoever the Deity assigned us to.I was assigned to serve and protect, Hannah Kim.
Nandito ako ngayon sa working place ni Dan at laking gulat ko dahil halos masira at mag mistulang abo ang building kung saan nag tatrabaho si Dan.Mas lalo akong kinabahan dahil hanggang ngayon ay may mga tao parin na inilalabas sa building ang mga rescuer.Sugatan sila at halata sa kanila na sobrang naapektuhan sila sa nangyari.Mukha kasing pinasabog ang building na 'to at makikita mo parin hanggang ngayon ang mga nagsisiliparang abo na sanhi ng malakas na pagkasunog.Anong nangyari rito?Nasa'an si Dan??Nagkakagulo rito at muntik pa nga akong 'di makapasok dito kasi may mga nagbabantay at restrikto rin ang parte ng lugar na ito dahil sa nangyari.Tinakasan ko lang yung nagbabantay dahil 'di na talaga ako mapakali.Pumasok ako sa loob ng sirang building at maya-maya pa ay may pumigil sa'kin. "Miss, bawal po kayo rito." Hinila ako ni Kuya papalayo sa building kaya pinigilan ko agad s'ya. "T-Teka lang po, Kuya.Dito po kasi nagtatrabaho yung... " Napatigil ako dahil hindi ko alam kung ano
"Aray!" Sinamaan ko s'ya nang tingin kasi gumalaw s'ya bigla. "Bakit kasi nagpapakabayani ka doon?" Tanong ko sa kan'ya sabay pahid ng ointment sa sugat n'ya.Alam ko namang Anghel ka pero anyong tao ka dito sa lupa, 'di pwede na ganyan."I know, but I can't help it." Saad n'ya bago ngumuso. "'Di mo ba kayang I-heal sarili mo?" Tanong ko sa kan'ya na ikinailing n'ya naman.Tamo!Tas kung makasugod ka sa sumabog na building eh wagas?"I can only heal you.Pero hindi naman sa point na kada madidisgrasya ka ay kaya kitang I-heal.Minor lang kaya ko." Mahabang paliwanag n'ya kaya napatango na lang ako.Kaya pala nawala bigla yung sakit nung likod ko na nadali sa door knob that time."Nga pala, Anghel--" "Don't call me Angel.." Bulong n'ya sa'kin kaya napatikom ako ng bibig 'ko.Bakit naman??Tayo lang naman yung nasa loob ng bahay na 'to ah."Bawal malaman ng iba na galing ako don." Sabay turo n'ya sa taas.Napakurap na lang ako ng ilang beses dahil sa sinabi n'ya.Well sabagay, nung sinabi mo nga