"Sabi ko ay susunduin kita sa ospital. Bakit hindi mo ako hinintay?" tanong ni Lucas rito at nang mapansin niya na medyo tumaas ang kanyang tinig ay pilit niyang pinakalma iyon. Sa pagkakataong iyon ay nakita niya ang inti-unting pagsilay ng ngiti sa mga labi ni Annie.Ngumiti si Annie ng malamig na ngiti: "Talaga? Salamat po Mr.Montengro sa kabaitan nyo, pero hindi ko po masabi kung alin sa mga sinabi ninyo ang totoo at alin ang hindi.” malamig na sabi nito sa kaniya."Annie totoo ang sinabi ko sa iyo." sabi sa kaniya kaagad ni Lucas.Itinaas ni Annie ang kanyang ulo at marahang hinila ang kamay niyang hawak-hawak nito. "Talaga ba Lucas?" may ngiti pa rin sa kanyang mga labi."Siguro nga totoo ang sinabi mo pero panigurado kapag may nangyari lang ulit kay Trisha at tumawag siya sayo na iligtas mo siya ay aagad mo siyang pupuntahan. Aalis ka aagad para lang puntahan siya kahit na anong oras pa yan. Isa pa ay paglabas lang naman iyon ng ospital, napakasimple kayang-kaya kong mag-isa,
Mahinahon siyang tiningnan ni Annie at malamig na ngumiti rito. "Pero Lucas, napagdesiyunan ko na na makikipaghiwalay na ako sayo." sabi niya rito."Kung wala akong consent at pirma sa divorce paper ay hindi iyon magkakabisa Annie, tandaan mo iyon." malamig din na sagot ni Lucas sa kaniya."Kung ganun ay hihintayin ko na lang na pumayag ka." sagot naman ni Annie sa kaniya."Annie, uulitin ko sayo ang sinabi ko. Hindi ako pumapayag na maipaghiwalay sayo. Mahirap bang intindihin iyon?" inis na sambit ni Lucas ay halos salubong na ang kilay.Ngumiti naman si Annie. "Lucas, alam kong magbabago rin ang isip mo at papayag ka rin pagdating ng araw at kapag nakapag-isip ka na ay pwede ka ulit na pumunta sa akin para maayos yan. Hindi naman siguro laging ayaw mo." sabi niya rito. “Hihintayin na lang kita kahit anong oras.” dagdag niyang sabi rito."Anong ibig mong sabihin? Dito ka titira?" tanong nito sa kaniya pagkatapos niyang magsalita."Oo." Tumango si Annie nang may pagsang ayon. "Mula n
Nagbingi-bingihan na lang si Lucas at tila walang narinig. Dumiretso siya sacabinet at nanguha ng ilang pirasong damit at pagkatapos ay nilingon siya. "Alam kong ayaw mo akong makita nitong nakalipas na dalawang araw kaya matutulog ako sa kabilang silid para maging kalmado ka dito kapag mag-isa mo." sabi nito sa kaniya."Anong ibig mong sabihin? Maging kalmado saan?" naguguluhang tanong naman niya rito kaagad ng nakataas ang kilay at hindi alam kung ano ang ibig sabihin nito."Hanggang sa kumalma ka at mawala sa isip mo ang tungkol sa pakikipaghiwalay sa akin." agad naman nitong sagot sa kaniya.Biglang napangisi si Annie at nagtanong rito. "Paano kung hindi ko isuko ang ideyang ito? Lucas anong gagawin mo? Ikukulong mo ba ako rito habang buhay?” tanong niya rito ngunit wala siyang nakuhang sagot mula kay Lucas. Hindi siya nito sinagot at kahit na isang salita man lang ay walang lumabas mula sa bibig nito.Ilang sandali pa ay nagmartsa palabas ng silid habang hawak-hawak nito ang mga
Hindi lang isang beses niya itong tinawagan kundi mga nasa sampu ngunit hindi nito sinagot ang tawag niya. Alam na niya kaagad na sinadya nitong hindi iyon sagutin.Nang mag-alas singko ng hapon ay dumungaw siya sa kanyang bintana at bigla niyang nakita na papalubog na ang araw. Kumalat ang isang malaking ulap sa kalangitan at parang nag-aapoy na pula, orange-red, napakaganda ng kulay."Ang ganda" Hindi maiwasan ni Annie na bulalas.Ilang sandali pa nga ay umupo siya doon at tumanaw lamang doon. Hindi niya maalala kung gaano siya katagal na umupo doon hanggang sa unti-unti nang dumidilim ang kalangitan pero nanatili pa rin si Annie sa kanyang kinatatayuan at nakatanaw pa rin sa kalangitan.Dumating ang gabi at unti-unti nang lumamig ang simoy ng hangin. Ang damit ni Annie ay tinangay ng hangin at naramdaman niya rin na ang kanyang mga na maliliit na paa ay malamig na malamig na. Bigla tuloy siyang napayakap sa kanyang sarili ng wala sa oras at pilit na pinaiinit ang kanyang sarili. Pe
Agad na inangat ni Lucas ang kurtina at nang mai-angat niya iyon ay agad niyang nakita si Annie. Nang masiguro niya ngang si Annie iyon ay doon pa lamang siya nakahinga ng maluwag. Sa totoo lang ay takot na takot talaga siya at tumutulo pa ang malamig na pawis sa noo niya dahil ang akala niya talaga ay wala talaga ito doon."Kumusta ka? Bakit ka nakaupo diyan?" mahinang tanong niya rito pagkalapit niya.Nakaupo pa rin si Annie sa bintana. Tahimik siyang nakatanaw sa labas at hindi nagsasalita. Sumandal siya sa pader sa tabi ng bintana at pagkatapos ay ang maitim niyang mga mata ay napatingin sa bilog na buwan sa kalangitan. Ayaw niyang kausapin ito. Habang nakatingin si Lucas kay Annie ay doon niya biglang napansin na ang suot nitong damit ay napakanipis at kapag humahangin ay bumabakat ito sa katawan nito at halos maitaas pa dahil sa lakas ng hangin. Natitiyak niya na giniginaw na ito. Nang abutin niya ang kamay nito para hawakan ay bigla siyang nagulat dahil napakalamig nito na hal
Nang masabi niya ang mga iyon ay agad na binalot ni Lucas ng kanyang mga braso si Annie at marahang hinaplos ang likod nito. Dahil sa ginawa nito ay mabilis namang uminit nga ang pakiramdam ni Annie dahil sa init ng yakap ni Lucas. Maging ang kanyang mukha ay unti-unti nang bumalik sa kulay hindi katulad kanina na sobrang putla.Gayunpaman ay nanatiling malamig pa rin ang kanyang mga paa. Nang hawakan ni Lucas ang mga paa nito ay bigla na lamang siyang napasimangot dahil nasisiguro niya na wala man lang itong sapin sa paa nang umakyat ito sa bintana.Dahil sa pag-iisip niya tungkol sa paa nito ay doon niya naalala na mayroon nga palang sugat si Annie sa paa kaya dali-dali niyang tinanong ito ng may pag-aalala. "Masakit pa rin ba ang mga paa mo?" tanong niya rito.Mabilis naman na umiling si Annie. "Okay na. Hindi na masakit." sagot niya ngunit kasinungalingan lamang iyon. Syempre ay masakit pa rin ang kanyang paa. Nang matapakan niya ang piraso ng bubog na iyon ay talagang bumaon sa p
Ano? Ipapadala siya nito sa ibang bansa? Hindi makapaniwala si Trisha sa kanyang narinig.Bigla siyang napasigaw dahil sa sobrang sakit ng puso niya. "Lucas no! Hindi ako aalis. Ayaw kong iwan ka!" giit niya rito. "Lucas please. Ayaw kong umalis, pakinggan mo naman sana ako…" pagmamakaawa niya rito.Nagsunod-sunod ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Magkahalong lungkot at sakit ang nararamdaman niya. Samantalang si Lucas ay napakalamig ng puso at halos wala man lang maramdamang awa pa rito. "Ito na ang desisyon ko Trisha at wala ng silbi pa ang pakiusap mo dahil buo na ang desisyon ko. Hindi na iyon mababago pa. Kailangan mo ng umalis." malamig na sabi niya rito."Hindi! Hindi ako aalis kahit na anong sabihin mo! Hindi mo ako mapipilit, Lucas!" sigaw ni Trisha sa kaniya at dahil doon ay hindi niya napigilan ang sarili na umahon ang galit sa dibdib niya. "Huwag mo ng hintayin pa na mainis ako sayo TRisha." banta niya rito at medyo mataas na rin ang boses dahil sa galit. “Ang g
Pagkatapos niyang mapainit ang pakiramdam ni Annie ay kaagad niyang iniutos sa mga kasambahay na iakyat na sa silid nito ang mga pagkain na niluto para sa kaniya. Samantala nang maipasok naman doon ang mga pagkain ay kaagad na nagsalita si Annie. "Ayokong kumain." sabi nito kaagad.Hindi maiwasan ni Lucas na magalit nang maisip niya ang lamig ng buong katawan nito nang hawakan niya ito kanina lang. Hindi niya napigilan at biglang tumaas ang boses niya. "Annie pwede ba. Huwag mo ngang pabayaan ang sarili mo." galit na sabi niya rito.Hindi maipinta ang mukha ni Annie na lumingon sa kaniya. Mukhang galit din ito ng mga oras na iyon."Ang bawat tao ay maya kaniya-kanyang pag-iisip. Pwede mong pilitin ako na manatili rito at pwede ko ring piliin na huwag kumain. Kung iniisip mo na baka mamatay ako sa gutom habang nakakulong dito sa silid na ito ay iba naman sa akin dahil mas gugustuhin ko na lang na mamatay sa gutom kaysa ang makulong rito habang buhay. Hindi ba? Wala akong ibang gusto ku