Share

Chapter 117.1

Agad na inangat ni Lucas ang kurtina at nang mai-angat niya iyon ay agad niyang nakita si Annie. Nang masiguro niya ngang si Annie iyon ay doon pa lamang siya nakahinga ng maluwag. Sa totoo lang ay takot na takot talaga siya at tumutulo pa ang malamig na pawis sa noo niya dahil ang akala niya talaga ay wala talaga ito doon.

"Kumusta ka? Bakit ka nakaupo diyan?" mahinang tanong niya rito pagkalapit niya.

Nakaupo pa rin si Annie sa bintana. Tahimik siyang nakatanaw sa labas at hindi nagsasalita. Sumandal siya sa pader sa tabi ng bintana at pagkatapos ay ang maitim niyang mga mata ay napatingin sa bilog na buwan sa kalangitan. Ayaw niyang kausapin ito.

Habang nakatingin si Lucas kay Annie ay doon niya biglang napansin na ang suot nitong damit ay napakanipis at kapag humahangin ay bumabakat ito sa katawan nito at halos maitaas pa dahil sa lakas ng hangin. Natitiyak niya na giniginaw na ito. Nang abutin niya ang kamay nito para hawakan ay bigla siyang nagulat dahil napakalamig nito na hal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
Analyn Buenvenida Puig
next update please..
goodnovel comment avatar
Cynthia Basa
kasunod po
goodnovel comment avatar
Marivic Sancha
next update please author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status