Share

Chapter 20

Nakatulugan ko na lang ang pag-iyak. Inabot ko ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na. Alas kwatro na pala ng madaling araw. Mayroon din iyong apat na mensahe at tatlong tawag. Kahit di ko na buksan ay sigurado na ako kung kanino galing iyon.

Napahawak ako sa tiyan ko nang tumunog ito. Hindi nga pala ako kumain kagabi, pero natatakot din naman akong lumabas ngayon, lalo na't patay na ang ilaw. Sa halip na isipin pa ang kumukulo kong tiyan ay kinuha ko na lang ang aking cellphone at in-unlock ito.

Agad kong tiningnan ang mga mensahe doon.

Quirou:

6:30

Nakauwi ka na?

7:00

Kumusta?

Hindi naman ba nagalit ang mama mo?

8:30

Baby? Nag-aalala ako, hindi ka nagreply sa mga unang texts ko. Hindi mo rin sinagot ang mga tawag ko. Okay ka lang ba?

11:10

Tulog ka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status