Share

Chapter Three

 [ AMIEL ]

  - Friday, February 11, 8:14 am -

Bitbit ang aking mga dala, agad akong bumaba ng tricycle matapos ibigay ang bayad kay kuyang driver at nagpasalamat sa kaniya.

Tsk, pinanghihinayangan ko pa rin 'yung 60 pesos na ginastos ko. Imbes na nag-jeep na lang ako, napagastos pa ako nang wala sa oras dahil kailangan kong makarating agad dito.

Ah, ewan. Nandito na eh, ano pa bang magagawa ng pagrereklamo?

Papasok na sana ako sa loob ng building nang bigla akong napatigil sa paglalakad. Napakunot ang noo ko.

Why.. does it feel like someone is following me?

Following my steps, following me with their eyes, following me wherever I go.

Ang mas nakakabahala pa, ay hindi ito ang unang beses na naranasan ko ito. Nagsimula siguro ito around last month, hindi ko lang masyadong pinagtuunan ng pansin at wala rin akong ibang pinagsabihan kasi baka wala naman talagang nasunod sa akin and it's just me overreacting.

Tulad nga ng lagi kong ginagawa tuwing nararanasan ko ito, isinantabi ko na lang ito at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa loob ng company.

Inside the company, paniguradong ligtas na ako dito dahil hindi naman nagpapapasok ang mga guard dito ng mga outsiders o yung mga hindi empleyado. Depende na lang if they've set an appointment with someone working here.

Either way, hindi ko na kailangang kabahan.

"Good morning, Sir Amiell" Nginitian ko naman ang grupo ng mga empleyado na bumati sa akin. Base sa damit nila na all-black, maaaring sa Technical Department sila nabibilang.

"Good morning din, but how many times do I have to tell you all to just call me by my name? Kahit wala nang Sir," tugon ko sa kanila habang naglalakad palapit sa kanila. Ang ilan sa kanila ay napatawa dahil sa sinabi ko, habang ang iba ay napa-iwas ng tingin sa akin.

"Then that would be disrespectful, Sir." Kunot-noo ko namang tiningnan si Luke, isa sa mga empleyado.

"No it's not, besides, hindi naman nalalayo ang mga edad natin so why address me as Sir?" sagot ko.

"Because you're one of the team leaders, Sir." Nabigla naman ako dahil sa sabay-sabay nilang pagsagot.

Napa-iling na lang ako. "Yeah, right."

Uh-huh, just like what they stated, I'm one of the team leaders working under this compary. There are many departments here, at sa bawat departamentong iyon, ay may kumakatawang team leader. Para sa Publishing Department, where editors and writers gathered, ako ang tumatayong leader.

"Okay then, call me whatever you want." Natatawa kong saad habang nakataas pa ang dalawa kong kamay na para bang sumusuko na ako.

Natawa naman sila dahil sa inasta ko.

"But I gotta go now, baka hinahanap na ako sa office namin." Paalam ko sa kanila at tsaka sila tinalikuran.

"Bye, Sir! See you around"!"

---

"Good morning, Sir!" Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob ng office namin ay ang sabay-sabay na pagbati na ng mga empleyadong hina-handle ko ang sumalubong sa akin.

Binigyan ko sila ng malawak na ngiti. "Good morning din," bati ko pabalik at tsaka sumenyas na pwede na silang bumalik sa mga sari-sarili nilang gawain.

Napasalampak ako ng upo sa swivel chair, bago tumingala sa kisame at nagpakawala ng buntong-hininga.

Tangina, I'm tired. Parang may humihigop sa lahat ng enerhiya ko.

I don't usually feel this way, lalo pa't umaga pa lang ngayon, but why do I feel like I just worked for 10 hours straight?

"Ssob."

"Aray!" pabulong kong sigaw nang ma karamdam ng hampas sa tuhod ko. Gago! That's one of my weak spots!

Sinamaan ko naman ng tingin si Joelene, na siyang binigyan lang ako ng malawak na ngiti, bago siya ma-upo sa sofa na nasa gilid ng desk ko.

"So, why is the oh-so-early bird team leader AKA Amiel, late today?" Napabuga naman ako ng hininga dahil sa mapang-asar na tono niya.

She's Joelene, Joelene Vicencio. She is one of my closest friend, siya rin ang assistant leader ng department namin, so kaming dalawa ang namamahala sa office namin.

Muli akong sumandal sa upuan at pinaglaruan ang ballpen na nasa mesa ko. "Shut up, 'Lene, I'm not even late," baling ko sa kaniya ng tingin.

She crossed her legs. "Hmp, para sa yo, late na yon. You usually arrive here before 8, kahit na 10 pa naman ang simula ng trabaho natin," she stated in a 'matter of fact' tone.

Yeah, she's right.

Kahit 10 pa talaga ang simula ng trabaho namin, around 7:30 pa lang ay nandito na ako. I don't really have a reason why, maaga lang kasi talaga akong nagigising, so why not come to work early?

"Bawal ba akong makarating dito ng late kahit minsan?" Natatawa kong tanong sa kaniya. She just shrugged her shoulders.

"Oh, Amiel."

"Hm? muli kong lingon sa kaniya at napansin na may tinitingnan siya sa isa sa mga gamit ko na nakalapag sa mesa.

Her eyes are on the eco bag. "What's that?" Turo niya pa sa kulay blue na eco bag.

"This?" balik ko ng tanong sa kaniya at tsaka kinuha ang bag. "Baon ko."

"Baon mo?!" agad ko namang itinakip sa bibig niya ang kamay ko nang sumigaw siya. Ang OA, ah?!

Marahas niyang tinanggal ang kamay ko sa bibig niya. "At kailan ka pa natutong magbaon?"

"Ngayon?" pilosopo kong sagot na ikina-irap ng mata niya.

Kinuha ko naman ang lalagyan sa loob ng bag at tsaka ito binuksan, bago siya bigyan ng isang piraso ng tokwa.

Sa una nga ay ayaw niya pang tanggapin dahil ayaw niya talagang nagkakamay kapag kumakain, pero kinuha niya din naman kinalaunan.

"Hm?!" Nagulat naman ako sa naging reaksiyon niya, pero natawa na lang ako kinalaunan.

"Ang sarap 'no?" saad ko sa kaniya.

Paulit-ulit siyang tumango habang nakatakip pa ang kamay niya sa sariling bibig, bago niya ako hampasin sa braso. "Putek kal Marunong ka pala magluto?!"

Agad namang nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya.

I mean, salamat sa impression na mukha akong marunong magluto kahit hindi naman? But still, I'm not the one who cooked this.

Hmp, kung sasabihin ko naman na may nagbigay lang nito sa akin ay paniguradong bobombahin nila ako ng sangkaterbang mga tanong, so I think it's okay to lie right now.

"Oo naman! Lutuan ko pa kayo eh!"

Napangiti na lang siya. "Then let's go fetch Sam and Italy! Hindi pa kami nakain eh." Napakunot naman ang noo ko dahil sa narinig.

"Hindi pa kayo nakain?!" tanong ko sa kaniya habang nagmamadali na inililigpit ang baunan ko.

"Oo, hinihintay ka namin eh," sagot niya at tumayo na rin sa kinauupuan niya.

"Mga gago, bakit niyo pa ako hinintay?" Inis na tanong ko sa kaniya habang naglalakad na kami palabas ng office.

She sent me a small smile. "Ganon naman talaga tayo di' ba? We promised to be by each other's sides as much as possible."

---

"Sam! Napaka mo!"

"Napaka ano?"

"Harot daw"

"Italy! Shush ka nga!"

"Make me."

"Gago!"

Napa-iling na lang ako dahil sa ingay na ginagawa ng mga taong kasabay ko papasok ng cafeteria.

Oh, they're not just 'kasabay' pala, mga kaibigan ko sila.

Si Joelene, the one I already introduced earlier. She's usually quiet but becomes really playful around the people she's close to, AKA us, at masasabi ko rin na isa Siya sa mga matitino. Isa rin ako sa matitino, syempre.

Then there's Sam, Sammy Cortez. Siya ang masasabi kong 'mother of the group'. Despite of her pestering us most of the time, siya rin naman ang pinaka-caring at maaasahan sa amin, she's very responsible too.

Then the fucking tower, Italy, Rome Rodriguez. Tower, kasi siya ang pinakamatangkad sa amin, and Italy, kasi Rome ang pangalan niya. Get it? Rome is the capital of Italy. Ang corny, my gosh.

Anyway, isa rin siya sa mga tahimik, pero napakatulis ng tabas ng dila niya. He loves cursing, spitting dirty jokes, and even teasing us. At hinding-hindi ko siya matatawag na matino, I actually have a love-hate relationship with him, ugh.

I suddenly felt an aggressive tap on my shoulder. "Uy ssob! Why so quiet naman?" Napatingala ako at tumambad sa akin si Rome na nakapwesto na sa harapan ko.

Dahil sa abala ang utak ko sa paglipad kanina, hindi ko man lang napansin na nasa loob na pala kami ng canteen at naka-upo na nga kami. Amiel, gaano ka ba kalutang?

Surprisingly, hindi pa puno ang canteen sa kabila ng oras. Medyo late na kasi, so I expected more people here, but it's not like I'm complaining.

Napalingon naman ako sa paligid nang may mapansing parang may mali, "Where's the other two?" Lingon ko kay Rome na abalang sinusulatan ang tissue na napulot niya sa ibabaw ng mesa.

Sinundan ko naman ng tingin kung saan nakaturo ang nguso niya, at nag-landing ito kung nasaan ang pila. "Nakapila na, they insisted kasi na sila na raw ang o-order para sa atin," sagot niya at nakita ko nga ang dalawa na nagbu-bulungan.

Subalit nanatiling nakakunot ang noo ko. "In-order din ba-"

"No, alam na namin- ni Joelene na may baon ka na, lutang ka kasi kanina diyan kaya hindi ka nakasali sa usapan." Putol niya sa sasabihin ko kaya napatahimik na lang ako para i-comprehend ang sinabi niya.

Bumaba naman ang ting in ko sa mesa. T'm glad they're not showering me with questions about me being late, or tungkol sa baon ko. Knowing them, talagang gagawan nila ng issue ang kahit anong bagay, ma-issue sil-

"Amiel." Napatigil naman ako nang biglang tawagin ni Italy ang pangalan ko, tinapik niya pa nga ang mesa kaya napatingla ako sa kaniya.

Oh no, may masama akong nararandaman. "Bakit?"

I watched him as he propped his arms on the table, them proceeded to stare at me directly in the eyes. "Saan mo napulot 'yang baon mo?"

Ugh, ayan na nga ba ang sinasabi ko.

Sinamaan ko siya ng tingin, para itago ang kaba ko. "What do you mean napulot? Ako nagluto-"

"Then what's this?" hindi ko na nagawa pang tapusin ang kasinungalingan ko nang tanungin niya na agad ako, kasabay pa ng pagpapakita niya sa akin ng sticky note na galing sa loob ng bag, at sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano niya ito nakuha.

Lagot, huli na ako.

Awkward akong napakamot sa batok ko. "Oh, that," naglabas ako ng kabadong tawa.

He crossed his arms and sticked the note on the table. "Hindi mo talaga yon niluto 'no? May nagbigay lang sa 'yo?"

"Tsk, oo na." Napangisi naman siya dahil sa sagot ko. Nakaka-asar, masyado niya na akong kilala, ni hindi ko na ngang magawa pang magsinungaling dahil alam kong mahuhuli niya rin ako.

Gumuhit naman sa labi niya ang isang malawak na ngiti. "I knew it, naniwala lang agad sina Joelene at Sammy, kasi hindi nila alam na hindi ka marunong magluto."

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Gago! You don' t have to say that!", tampal ko sa braso niya na ikinatawa niya.

"I mean, I knew you na since elementary eh, we're basically childhood best friends."

"Tanga, magkaklase lang tayo pero hindi tayo close, nung middle school lang tayo naging close eh" Irap ko sa kaniya.

Napa-iling na lang siya. "Anyway, who's this Kayden? Kilala mo ba siya? Why did you accept the food?" sunod-sunod niyang tanong.

Sasagutin ko na sana ang tanong niya, subalit dumating na agad sina Joelene at Sammy na dala-dala ang mga tray na nilalaman ang mga orders nila. Agad naman naming tinulungan ni Rome ang dalawa sa paglalapag ng mga ito sa mesa.

"Anong ganap?" agad na tanong ni Sammy pagka-upong-pagka-upo sa tabi ni Rome, habang si Joelene naman ay nakatabi sa akin at nakain na rin. Kaya naman, nagsimula na rin akong kumain.

Sinimulan namang haluin ni Rome ang palabok na in-order niya. "This gago right here." Turo niya sa akin. "Hindi niya talaga niluto yung baon niya."

Dahil sa sinabi ni Rome, narinig kong nagsi-ubuhan at nasamid ang dalawa kaya agad namin silang binigyan ng tubig habang tatawa-tawa.

"Ha?! Then kanino nanggaling?" Sabay pang tanong ng dalawa na nakakunot ang mga noo. I sent Rome a look, telling him to tell them, and looks like he got the signal.

Agad na pinalapit ni Rome ang dalawa sa kaniya at binulungan ang mga ito, so I just watched them while silently eating the tofu na sobrang sarap.

Habang ngumunguya ay pinanood ko lang ang mga ekspresiyon na ginagawa ng mga mukha nila. The whispering took a longer time then I expected, kinuwento na yata ni Rome and buong istorya.

I don't mind it tho, and it's not like I don't know what they're talking about, I'm the one who received the food after al.

Hanggang sa naghiwa-hiwalay na sila, "Oh? Kayden pangalan? Doon sa katabing room mo?" tanong ni Joelene habang nakatingin sa akin.

Tumango naman ako. "Uh-huh, Room 505," sagot ko at agad namang nabalot ng pagtataka ang mukha ko nang muli silang magtinginan. It's like they're communicating without the help of the words.

At hindi ako maka-relate. May nalalaman ba silang hindi ko alam? No, impossible, nangako kami sa isa't isa na walang lihim ang mamamagitan sa aming apat.

I leaned back on the seat, and stared at them while I have my arms crossed against my chest. Tiningnan ko sila, hanggang sa nakuha ko na ang atensiyon nila at tinanggal na nila ang tingin sa isa't isa, bago ito ilipat sa akin.

Rome reached out a hand. "Amiel-"

"Kayong tatlo," ako naman ang pumutol sa sasabihin niya ngayon. "Tapatin niyo nga ako, do the three of you have any idea who Kayden is?" seryoso kong tanong sa kanila.

Nanatiling nakadapo sa kanilang tatlo ang atensiyon ko, naghihintay ng kasagutan. At base sa mga itsura at postura nila, mukhang nilagay ko sila sa hotseat dahil sa mung paano manigas ang mga katawan nila at tumigil ang kanilang paggalaw.

Gosh, did I break them?

Napatingin naman ako kay Sammy nang makarinig ako ng mahinang tawa galing sa kaniya. "No, we don't."

Napataas ang isa kong kilay. "Eh bakit panay ang tingin niyo sa isa't isa?"

Katahimikan. Walang sumagot sa tanong ko.

Napabuntong-hininga na lang ako. Muli na sana akong magtatanong nang sabay-sabay kaming mapatingin kay Sammy, na nakatakip sa bibig ang kamay at pilit na pinipigilan ang malakas na tawa na nagbabadyang lumabas sa bibig niya.

Pero nabigo siya, kaya naman malakas siyang napatawa habang nananatili pa rin ang dalawa niyang kamay na nakaharang sa bibig niya, kaya kami-kami lang ang nakakarinig sa pagtawa niya.

The three of us looked at each other, a mix of confusion and concern drawn in our faces.

Oo, maingay siya, madaldal at palatawa, subalit hindi pa namin siya nakitang tumawa nang garyan kalakas, na tila wala na siyang kontrol sa sarili at hindi na niya mapigilan ang pagtawa.

"Sam?" si Joelene ang naglakas-loob na tapikin ang braso ni Sammy para kunin ang atensiyon niya. Gumana naman ito at ngayon ay pinipunasan na niya ang luha na namuo dahil sa walang tigil niyang pagtawa.

"Wala, don't mind us, Amiel," sagot niya habang iwinawagayway ang kamay niya sa harap ko. "Kaya kami nagkatinginan kanina kasi naalala namin 'yung schoolmate natin na napa-guidance noong Grade 12 tayo" dugtong niya.

Muling nabalot ng pagtataka ang mukha ko at napalingon kina Joelene at Rome na nagpipigil na rin ng ngiti.

Ha? Anong meron noong Grade 12? I can't remember pretty much everything from it.

"Oh? Bakit? Ano bang nangyari?" tanong ko.

Halata namang nagulat siya dahil sa naging sagot ko. "Ha? Nakali-" Napatigil siya nang may ma-realize. Napatawa na lang ako. "Ay, oo nga pala, some of your memories from high school was also erased. Sorry".

"Ayos lang, ano ba, i-kwento mo na lang." Ngiti ko sa kaniya.

"Eto kasi, that schoolmate of us happened to have the same name as the person living next to your room, si Kayden, kaya natawa kami nang maalala 'yon," panimula niya. Tumango naman ako at tsaka siya nagpatuloy sa pagk-kwento.

"Then tungkol naman sa pagkaka-guidance niya, nahuli kasi siya ng isang teacher na nag-set up siya ng picnic date sa rooftop ng main building. which is not allowed, kaya na-guidance siya," dugtong niya na nasundan ng muling pagtawa.

Natigil pa ako sandali para i-konekta pa ang mga nasagap na importmasyon ng utak ko, bago sabayan si Sammy sa pagtawa. Naghahampasan pa nga kami. Napakababaw ba ng kaligayahan namin?

Gago, sayang naman at nakalimutan ko 'yon, baka nga ay kumalat agad ang issue na 'yon sa school namin. Mas lalo lang akong napatawa dahil sa naisip.

Hanggang sa napatigil ako sa pagtawa, at ang mga tawang iyon ay napalitan ng ngiwi, dahil sa sakit na nagmumula sa ulo ko. Tangina, nangyayari na naman.

// "Ikaw! You know that's not allowed, right?! Dumiretso ka agad sa guidance matapos mong linisin 'yan, got it?!" //

"Amiel? Amiel!"

"Huy, okay ka lang?!"

Pinilit ko namang idinilat ang mata ko nang maramdaman ko ang mainit na palad ni Rome sa pisngi ko na paulit-ulit akong marahang tinatampal. Nasilayan ko rin sina Joelene at Sammy na tinatawag ang pangalan ko at kinakamusta ako.

I gently removed Rome's hands on my face. "Y-Yeah, medyo sumakit lang ang ulo ko", paliwanag ko habang minamasahe ang sintido at muling napapikit nang mas lumala pa ang kirot na magmumula rito.

"Napasobra yata ang tawa m- Aray ko!" kahit gustuhin ko, ay hindi ko na nagawa pang tumawan dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Binatukan kasi ni Joelene si Rome bago pa man niya matapos ang sasabihin niya. Gago talaga, nagawa pang magbiro.

Inalalayan naman ako ni Sammy na tumayo, siya ang naka-alalay sa kaliwa at si Rome naman sa kanan. Si Joelene naman ang siyang nagbitbit ng mga gamit namin.

"Mas mabuti pa kung bumalik na lang kayo ni Joelene sa office niyo, doon ka na lang din kumain ng breakfast mo," saad ni Sammy.

Napatingin naman ako kay Rome na tumango. "Yeah, ibibili ka na rin namin ng gamot, inumin mo agad pagkatapos mong kumain," dagdag niya pa.

Bahagya akong napatawa. "Yeah, salamat."

"No problem, ssob!"

Hays, it's comforting having your friends beside you, na lagi silang nandiyan at nakahanda kapag kailangan mo sila.

But what's realy bothering me right now? Ay ang madalas na pagsakit ng ulo ko sa tuwing mababanggit ang pangalan ng Kayden na iyon.

Tsk, sino ba kasi siya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status