Share

Chapter Two

[ AMIEL ]

 - Friday, February 11, 4:49 am -

// Tahimik akong naka-upo sa loob ng kotse ko, sa driver's seat, kalmadong nagmamaneho at nakikipagsabayan sa iba pang sasakyan na marahil ay pa-uwi na rin sa kani-kanilang bahay.

Maga-alas kwatro na ng hapon, maaaring maka-uwi ako ng 4:30 dahil kulang-kulang isang oras ang biyahe pa-uwi, hindi pa kasama doon ang traffic na kadalasang nangyayari dahil sa intersection road na dinadaanan ko rin.

Sa totoo lang, ang intersection road na iyon ang pinaka-ayaw ko, maliban sa doon nagmumula ang halos hindi na naandar na traffic, doon din kadalasang nagaganap ang mga aksidente dahil sa ilang pasaway na driver.

"Tsk, eto na nga." Napabuga na lang ako ng hininga nang maabutan ko ang traffic sa kalsadang tinutukoy ko kanina.

Ang masama pa, ay sa akin tumigil ang andar ng sasakyan, sinenyasan na kasi ni Mr. Traffic Enforcer ang nasa kabilang linya na sila naman daw ang aabante. Kaya ngayon, kailangan ko, at ng mga kasunod ko pang mga sasakyan, na maghintay sa pagkakataon namin na umanaar.

Napatingin naman ako sa bakanteng upuan sa gilid ko nang marinig na tumunog ang phone ko, nag-text pala si Rome.

Italy: Ano? Nakabili ka na ng cake?

Kumunot ang noo ko at paulit-ulit na binasa ang message niya. Cake? May binili akong cake?

Magr-reply na sana ako nang bigla kong mabitawan ang phone ko dahil sa sunod-sunod na busina na narinig ko galing sa ibang sasakyan. Nang tumingala ako ay nakita ko na sumesenyas na ang traffic enforcer sa akin, ibig-sabihin ay kami naman daw ang aabante.

Nagmamadali ko namang inilapat ang mga kamay ko sa manibela at inapakan ang pedal, tsaka nagsimula nang magmaneho.

Subalit bakit?

Nagsimula na naman akong umandar, kaya hindi na ako nakaharang sa daanan nila, pero bakit tuloy pa rin sila sa pagbusina?

Napapikit ako, pilit na hindi pinansin ang mga ingay sa paligid, at nagpatuloy lang sa pagmamaneho.

Subalit sa kabila ng maraming busina sa paligid, isang malakas at nakabibingi na sa sobrang lakas na busina ang nangingibabaw at naka-agaw ng pansin ko. Nagtataka kung saan ito nanggaling, napatingin ako sa kaliwa at nanlaki ang aking mga mata dahil sa nakita.

Ah. Kaya pala patuloy ang pagbusina nila.

Isang 6-wheeler truck ang humaharurot papunta sa direksiyon ko, at bago ko pa man muling maapakan ang break, umaasa na mapahinto ko ang sasakyan ko bago pa man ito tuluyang masagasaan ng truck, ay napapikit na lang ako dahil sa sakit na naramdaman ko nang tuluyan na ngang nagkabanggaan ang dalawang sasakyan.

Nakaramdam ako ng kirot sa ulo ko, na para bang walang tigil itong pinupukpok o inuundog sa isang matigas na bagay. Naramdaman ko rin ang tila likido na tumutulo mula sa sintido ko. Hindi ko na maidilat ang mga mata ko, hindi ko na rin maigalaw ang katawan ko dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa akin.

Tanging paghinga na lang at pakikinig sa mga ingay na nagmumula sa paligid ang nagagawa ko. Mga sigawan ng tao, na nasundan ng sirena ng ambulansiya, at ang walang kamatayang busina ng mga letseng sasakyan na yan.

Wow, ganito pala ang pakiramdam nang ma-involve sa isang car accident? //

---

Mabilis kong binuksan ang mga mata ko nang maramdaman ko na unti-unti nang bumibilis ang tibok ng puso ko, subalit agad ko rin itong ipinikit dahil sa pagkasilaw mula sa ilaw sa loob ng kwarto ko na iniwan kong nakabukas. Takot ako sa dilim eh.

"Tangina, aray," Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga habang inaalalayan ang ulo ko nang magsimula na naman itong sumakit. Shit, napaniginipan ko pa kasi 'yon eh.

Nang maka-recover na ang mata ko sa liwanag na nagmumula sa loob ng kwarto ko, at nawala na rin ang kirot mula sa ulo ko, tsaka ko naman inilibot ang aking paningin sa paligid,

Nagsisimula nang sumikat ang araw, nakita ko rin kung paano sumabay sa ihip ng hangin ang mga puno. Nasa 5th floor kasi ako, kaya naman medyo malamig dito at kitang-kita ang mga kaganapan sa baba.

Kinuha ko naman ang phone ko sa gilid ng kama para tingnan kung anong oras na. "Maga-alas singko pa lang?!" Hindi makapaniwalang saad ko.

Dismayado kong ibinaba ang phone ko at tsaka muling nahiga. Ano ba, alas-otso pa ang pasok ko, masyado pang maaga.

Inilipat ko naman ang pwesto ko at tumagilid sa kanan. Pinakiramdaman ko rin ang sarili ko kung inaantok pa ba ako nang makatulog pa ng kahit isang oras lang.

Pero hindi, nawala na ang antok ko dahil sa lintek na panaginip na yon.

Walang maisip na pampalipas-oras, muli akong tumayo at umalis na sa kama ko, tsaka dumiretso sa mesa kung saan nakatambak pa rin ang mga papeles na ikinalat ko kagabi, at hindi na nalinis.

Maga-ala una na kasi ako natapos, at dahil sa sobrang antok ko, hindi ko na nilinis pa ang mga kalat ko.

Tungkol naman sa ingay na nagmumula sa katabi kong kwarto, he stayed true to his words, hindi na nga niya nilaksan ang pagpapatugtog, para ngang hindi na siya tumugtog eh, wala na kasi akong narinig ni mahinang kalansing.

Napatigil naman ako sa pagi-ipon ng mga papel para itabi sa isang folder nang muling pumasok sa isip ko ang lalaking iyon. Right, he's still a mystery to me. A complete mystery.

Isinantabi ang paglilinis ng mesa ko, na-upo na lang ako sa upuan at tsaka nangalumbaba sa mesa. Iisipin ko na naman 'yong napaniginipan ko.

Tulad nga ng nabanggit ko na, I pretty much remember everything even after the accident, maliban talaga sa lalaki sa kabilang kwarto, pero ngayong muli kong naalala ang mga kaganapan bago ako ma-aksidente, may isa pa akong hindi maalala.

That cake. That cake that even Rome asked me about.

Anong cake 'yon? Bakit may cake? Sino binilhan ko ng cake? May birthday ba? Birthday ko ba no'n? Ha?

Napahawak na naman ako sa ulo ko nang magsimula itong magpintig. Argh, nasakit na naman.

Pilit kong ki-nlaro ang mga laman ng utak ko, even that fucking cake. I don't know.

Napasandal na lang ako sa upuan at tumingala sa kisame, tsaka bumuntong-hininga. Tangina, ayoko na nito. I hate being confused, I hate having many questions in my mind that I can't even answer. It makes me feel and look stupid, and I hate being stupid. Stupid is a loser's thing. And I'm not a loser.

Lalo na ngayon, delikado sa akin ang mag-overthink. Sabi ng doktor, kung pipilitin ko daw ang sarili ko na alalahanin ang iba't ibang bagay, baka lumala lang ang amnesia ko at madamay ang iba kong alaala at makalimutan ko rin ang mga ito.

Ewan, if I can't answer it on my own, then I guess I'll just ask my friends. Pero sasabihin kaya nila sa'kin ang mga bagay na gusto kong malaman? Sobrang concerned kasi nila sa'kin eh, alam nilang delikado sa'kin ang sobra-sibrang pag-iisip kaya hangga't maaari ay iniiwasan nila akong bigyan ng mga alalahanin at katanungan.

Eh, bahala na, kaysa naman pahirapan ko ang sarili ko by solving these shit on my own. It's better if I'm gonna ask them.

Napatingin ako sa wall clock at nakitang pasado alas-singko na. Wala rin naman akong ibang gagawin, kaya pipilitin ko na lang ang sarili ko na makatulog, lalo na't kulang ang tulog ko at hindi ako pwedeng pumasok nang aantok-antok.

Pagkahiga ko sa kama ay muli akong bumuga ng malalim na hininga, bago ko ipikit ang aking mga mata at masakop na ng kadiliman ang paligid ko.

Sana naman paggising ko ay wala na ang mga tanong at alalahanin sa isip ko, 'no? Tsk, sana nga.

---

 - Friday, February 11, 6:54 am -

The sound of birds chirping, and the sunlight passing through the window was the first thing that welcomed me as soon as I opened my eyes the moment I heard the alarm going off.

Ugh, maga-alas siyete na, masyado naman akong late nagising. I usually wake up around 6:30 kasi mabagal akong kumilos.

Na-upo ako habang kinukusot ang mata ko. Hinawakan ko rin ang buhok ko at napangiwi na lang nang maramdaman ko kung gaano ito kagulo.

I just sat there, nagsasayang ng oras at ginigising pa nang maigi ang sarili ko. Matapos ang ilang minutong pakikipagtitigan sa pader na katapat lang ng kama ko, ay umalis na ako sa kama at dumiretso sa banyo, dala-dala ang tuwalya ko.

Yeah, diretso ligo agad ako, baka ma-late eh. Baka sa canteen na lang ng kumpanya namin ako kumain ng almusal.

"Putek, hindi pala ako nag-init ng tubig!" Nangangatog ko pang saad matapos magbuhos ng tubig. Pero nag-init pa ba ako ng tubig? Hindi na, nakakatamad at sayang lang sa oras.

Habang abala ang dalawang kamay ko sa pags-shampoo, ang isip ko naman ay abala sa pag-iisip. You know, just my brain doing its job.

Last night. That man. The fucking dream. The cake in the dream.

Napatigil ako sa pag-aanlaw ng buhok. What the fuck. Hindi pa rin naalis sa utak ko ang mga 'yon?!

Inis kong binato pabalik sa timba ang tabo na gamit ko sa pagbubuhos. Tangina, kahit gusto ko talagang pag-isipan ang mga bagay na yon, ay hindi naman ganoon katigas ang ulo ko para suwayin ang sabi ng doktor, at ng mga kaibigan ko na rin.

"Whatever, tatanungin ko na lang talaga sila," bulong ko sa sarili at nagsabon na ng katawan. Kung hindi nila ako sasagutin, edi pipilitin ko sila. Sapilitan na lang 'to, boy.

After approximately 20 minutes of showering, I put on a simple white polo partnered with black slacks. Matapos noon ay niligpit ko na rin ang mga papeles na ikinalat ko kagabi, at muling inayos ang mga papeles na kailangan kong dalhin, kasama na doon ang essay na pinagpuyatan ko kagabi. Baka makaligtaan eh.

"Good to go na ba?" Bulong ko sa sarili habang kinakapkapan ang sarili. ID, meron na. Mga papeles, meron na. Phone ko, meron na. Nabunot ko na rin naman ang mga nakasaksak. Okay, goods na.

Bitbit ang portfolio ko, tumungo na ako sa pintuan at binuksan ito. Lalabas na sana ako ng kwarto ko subalit may nahagip ang gilid ng mata ko.

I looked at the door's doorknob and let out a small gasp after seeing an eco bag hanged on it. Gago, ano 'to?

Agad ko namang kinuha ang nasabing bag at tsaka ito binuksan, ilang beses pa akong lumingon sa paligid at nagbabakasakali na makita kung sino man ang nag-iwan nito dito.

Sa laking-gulat ko, isang tupperware na may nakadikit na sticky note ang sumalubong sa akin nang tingnan ko ang laman ng bag.

Agad ko namang kinuha ang dilaw na note at tsaka ito binasa.

[ Good Morning! Napasobra kasi 'yung luto ko ng adobo for breakfast, at dahil ikaw lang naman ang kakilala ko dito sa floor natin, I decided to give you some. Hope you like it! ]

"From..." Nagsalubong ang mga kilay ko. Mas inilapit ko pa ang mukha ko sa papel upang mabasa kung ano ang kasunod na nakasulat

Hindi ko malaman kung sadyang malabo lang ang mata ko, o magulo lang talaga at hindi maintindihan ang sulat ng kung sino mang nagbigay nito.

"Kayden, from the Room 505."

Napakurap na lang ako. So it's him.

// "Kayden! Nice to meet you too! I didn 't expect to see you again here. Hindi ka man lang nagsabi sa 'kin, potek ka." //

Tulad ng nangyari kahapon, may boses na namang nagmula galing sa ulo ko kaya muli akong napahawak sa nagpipintig kong ulo.

But there's a difference. Unlike last night, the voice in my head today is familiar, and I surely know whose voice it came from.

Tsk, ako 'yon. Boses ko yon. Ako ang nagsabi noon. Sa akin nanggaling ang mga salitang iyon.

Pero tangina, bakit hindi ko pa rin maalala kung kailan at saan nangyari iyon?!

If you're gonna think about it, both of me and that unknown voice's dialogue, magkadugtong siya, and it's probably a conversation that happened between the two of us.

Why am I remembering all of these things everytime I get reminded of him, Kayden? I guess that's his name based on the note I just read.

Inis kong nilapirot ang papel sa kamay ko bago ito itapon sa trash can na nasa gilid lang ng doormat na kinatatayuan ko.

Magsisimula na sana akong maglakad nang bigla kong maalala ang eco bag na hawak ko sa aking kaliwang kamay. Muling nagsalubong ang mga kilay ko, pero sa pagkakataong ito, dahil sa pagka-irita.

Irita, inis, pagkalito. Hindi ko na alam!

Mabibigat ang mga yapak ko na tumungo sa tapat ng pintuan ng kwarto ni kuyang nasa Room 505.

Lumingon nuna ako sa paligid, tinitingnan kung meron bang tao sa paligid na maaaring makakita sa bagay na gagawin ko. Nang makita kong wala naman, ay tsaka ko binalik ang tingin sa pinto na nasa harapan ko.

"Naiinis ako sa'yo, Kael!" Gigil kong dinuro ang walang kamalay-malay na pinto, iniisip na si Kael ang kausap ko. Subalit saglit akong napatigil.

Kael? Kayel? Ha?

"Whatever! Kung ano man ang pangalan mo!" muli kong pabulong na sigaw sa pinto at mahina pa itong tinuktok.

"Naiinis ako sa'yo! I don't have enough reasons to hate you yet, but the fact that you're leaving so many fucking questions in my mind is definitely one of the reasons!"

Mahigpit akong napahawak sa mga dala ko matapos kong awayin ang pinto ng kwarto niya, At ngayon ko lang napagtanto na mukha pala akong tanga.

A grown ass man, shouting at a non-living thing.

My gosh, Amiel. You' re better than this.

Napa-irap na lang ako bago magsimulang maglakad papunta sa elevator. Tsk, paniguradong late na akong makakarating doon.

Pagkapasok sa loob ng elevator ay nabuga ako ng hininga, tsaka ko muling tiningnan ang eco bag na naglalaman ng pagkain.

Come to think of it, hindi ko pa natitingnan ang laman nito, ni hindi ko nga alam kung ligtas ba itong kainin.

Tsk, malay ko ba kung nilagyan niya ng lason 'to or something.

Dahil nararamdaman ko na rin ang gutom at ang mahinang pagkula ng tiyan ko, ay hindi ko na mapigilang tingnan ang laman ng tupperware.

"A.. no 'to?" I trailed off as I stared at what's inside the tupperware.

Mukha siyang manok, na at the same time, hindi rin ito manok. Whatever it is, sinabawan din ito ng malapot na sauce. May katabi rin itong kanin.

Ngayon ko lang nakita 'to. Ano 'to?

Kaya naman, agad kong binuksan ang lalagyan para tikman ang ulam. At putangina.

My eyes immediately rolled to the back of my head as I held back a moan of satisfaction after chewing the first bite.

What the- Ang sarap naman nito?!

Siniyasat ko muna kung ano ang ginamit nilang karne- Ay. Tokwa pala ang ginamit, at hindi karne.

Tokwa ito na binalutan ng bread crumbs at iprinito, tsaka ito hinaluan ng sauce na baka oyster sauce ang ginamit.

Gago, ang sarap talaga!

Matapos ubusin ang isang piraso na kinain ko ay muli ko na itong tinakpan at ibinalik sa bag. Tsk, akalain mong masarap magluto 'yon?

"Pero ngayon ko lang 'to tatanghapin."

/ Kasi gutom ako. /

"But there's definitely no next time."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status