Share

Familiar Stranger (Boys' Love)
Familiar Stranger (Boys' Love)
Author: moon_cloooud

Chapter One

[ AMIEL ]

 - Thursday, February 10, 11:34 pm -

As I was sitting in front of my computer, papers scattered on my table while some ended up on the floor. I rubbed the bridge of my nose in order to relax my eyes since I sat here for nearly an hour already.

I'm currently working on an essay my boss assigned me. Papalapit na kasi ang Valentine's Day, kaya naman pinag-isip na kami ng ideas on what we should do on the said holiday. Ngayon, kailangan ko na lang i-arrange into essay 'yong mga ideas namin.

I'm currently staying in a dormitory, mag-isa lang ako sa kwartong tinutuluyan ko ngayon, so no problem even if I pulled an all-nighter.

But the problem? Is the one living next to my room.

Room 505, ni hindi ko nga kilala kung sino 'yong nakatira doon, wala rin naman kasi akong balak na kilalanin, pero ayoko na agad sa kaniya.

Napatingin ako sa wall clock at napasinghap na lang nang makita na magha-hating gabi na. It will be midnight soon tapos nagpapatugtog pa rin siya ng drums?! Rinig na rinig hanggang dito yung mga kalansing eh.

"Kaya nga ako nagpaabot ng 11 ng gabi para wala nang ingay. tapos-" Hindi ko na nagawang tapusin ang sarili kong pangungusap at padabog na tumayo bago tumungo sa pintuan.

Fuck it, I'm gonna complain about the noise.

"Pero sana naman hindi siya masungit?" Bulong ko sa sarili noong nakatayo na ako sa harap ng pinto ng Room 505, at sa pagkakataong ito, mas lalo lang akong nainis dahil mas lumakas pa ang ingay na nagmumula rito.

Bahala na nga.

After releasing a deep breath, I knocked on the wooden door three times and waited for a response.

Pero wait, parang may mali.

Napa-irap na lang ako nang may mapagtanto. Maririnig niya kaya 'yong mga katok ko kung ang lakas-lakas ng pagpapatugtog niya? Right, there's no way he can hear me knocking.

"Patumbahin ko kaya 'tong pinto?" saad ko habang tinitingnan nang maigi ang pinto.

At tulad ng inaasahan, wala akong natanggap na sagot. Muli na sana akong kakatok subalit napatalon naman ako sa pwesto ko nang makarinig ng malakas na kalabok mula sa loob ng kwarto. Para bang may nahulog.

Okay lang kaya siya? Ano'ng nangyari?

And me, being a concerned citizen, rapidly knocked on the door, hoping that this time, they would finally hear me since the noises stopped already.

Makalipas ang ilang minuto, sa wakas ay pinagbuksan na rin ako.

"Amiel?!" Napakunot naman ang noo ko nang makita kung paano magulat ang nilalang na siyang bumungad sa akin sa oras na makita niya akong nakatayo sa harapan niya.

"Kilala mo ako?" Turo ko sa sarili ko.

It's a man, taller than me by a few inches, has a kind of long hair, long enough to be put on a bun, wears glasses and he's even shirtless right now.

Umiwas siya ng tingin, and I somehow saw a glimpse of different emotions from his eyes. It expresses sadness, disappointment, and loneliness.

Mas lalo lang akong nagtaka. Bakit? Magkakilala ba kami dati?

"N-No, akala ko kasi ikaw 'yong kaibigan ko," mahinang sagot niya, pero narinig ko rin naman.

Nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, tahimik na pinapakiramdaman kung ano ang posibleng gawin o sabihin ng isa't isa.

Ngayong nanahimik na kami, tsaka ko naman napansin ang itsura niya. He's undeniably attractive, and kind of familiar too.

It's not that kind of 'familiar,' 'yong may kamukha siyang artist o famous individual, no. Pamilyar talaga siya na para bang magkakilala na kami dati, na parang may pinagsamahan na kami, at sadyang nakalimutan ko lang.

I looked at his face and took all the time in the world to examine his facial features. From his exposed forehead, to his curly hair, down to his thick, but neatly trimmed eyebrows, towards his nose, and finally to his pinkish, small lips.

I skipped one part though, his eyes.

He possesses brown, narrow eyes, complimenting his eyebrows. Despite of the size of his eyes, it holds many emotions, enough for you to understand and see what he feels or what he's trying to tell you without the help of the words.

Wait, have I always felt this connected to an eye of a person?

// "Nice to meet you again, Amiel, hindi ko akalain na magkikita ulit tayo matapos ang ilang taon." //

Napapikit naman ako nang may marinig akong boses na nagmula sa ulo ko. That voice, it's also familiar, hindi ko lang maalala kung kaninong boses iyon at kailan iyon sinabi sa akin.

Inis akong napahawak sa sintido ko at hinilod ito. Kung hindi lang sana nangyari ang aksidente na iyon, edi sana hanggang ngayon ay kumpleto pa rin ang mga alaala ko.

I felt a gentle tap on my shoulder. "Ayos ka lang?" It's him, the unknown yet familiar man. At ayan na naman yong mga mata niya, parang kanina lang ay puno ito ng lungkot, pero ngayon ay nananaig na ang pagaalala at kalinga.

I let out a sigh once I realized what I was doing. Have I always been this fond of analyzing or understanding other people's emotions just by looking at their eyes?

Tumango naman ako bilang sagot, "Yeah, medyo sumakit lang ang ulo, may bigla kasi akong naalala."

Tinanggal niya na ang pagkakahawak sa balikat ko. "Oh, okay then. Mas mabuti pa kung bumalik ka na sa kwarto mo, hihinaan ko na lang ang pagpapatugtog ko," wika niya at tsaka ako binigyan ng maliit na ngiti.

Hindi ko naman mapigilang mapansin kung paano sumabay ang mata niya sa pagngiti sa oras na tumaas ang magkabilang gilid ng labi niya.

Wala sa sarili akong ngumiti pabalik sa kaniya. He has an eye smile, cute.

"Oh, salamat, 'yon naman kasi talaga 'yong pinunta ko dito." Tatawa-tawa at awkward na saad ko sa kaniya bago tumungo sa pinto ng kwarto ko.

Tumango iya. "Yeah, I figured it out," sagot niya at sa pagkakataong ito, mas lumawak ang ngiti niya kaya naman halos hindi na makita ang mga mata niya.

"Salamat!" Ikinaway ko naman ang kamay ko sa kaniya bago tuluyang isara ang pinto at bumalik sa mesa na pinagt-trabahuhan ko.

I sat on the swivel chair and heaved out a sigh. Gago, it's been a long time since I experienced that after the accident that happened last year.

I got into a car accident, nagkabanggan. At dahil doon, nagtamo ako ng ilang sugat at selective amnesia.

Selective amnesia, I didn't even know that there's such like that. Ayon sa paliwanag ng doktor, saglit lang ang epekto ng amnesia na ito, dahil nga hindi naman ganoon kalakas ang pagkabagok ko, kakaunting alaala lang naman daw ang makakalimutan ko.

At totoo naman, kilala ko pa rin naman ang sarili ko, mga kaibigan at pamilya ko, saan ako nagt-trabaho at ano ang ginagawa ko. Everything seems to be normal, minsan nga ay pinagdududahan ko pa ang doktor kung tama ba talaga siya sa sinabi niyang may amnesia ako.

Subalit may nagbago talaga, mas mabilis na akong makalimot ngayon, mula sa maliit at malalaking bagay, halos lahat ay nakakalimutan ko agad kahit na kahapon lang nangyari o noong kamakalawa.

Kaya naman ngayon, nanibago ako sa pakiramdam na naranasan ko noong nakita ko ang lalaking iyon, biglang sumakit ang ulo ko na sinabayan pa ng hindi pamilyar na boses na iyon.

Para bang pinipilit ng utak ko na kilalanin kung sino man siya. So, mukha ngang magkakilala talaga kami dati, nabura lang ng isip ko.

Base din sa naging reaksiyon niya noong nakita niya ako, mukha ngang kilala niya ako, umarte lang talaga siya na hindi.

"Argh!" Inis kong sigaw bago sampalin nang magkabila kong pisngi. Makakasama lang sa akin kung isipin ko ang bagay na iyon, kaya mas mabuti pa na 'wag ko nang pag-aksayahan ng panahon ang pilit na kilalanin siya.

If I really know him, then I'll remember him soon enough. Panigurado namang hahayaan ako ng panahon na maalala siya.

Pero kung hindi, edi pipilitin ko ang sarili ko na alalahanin iya. Easy.

"Ah! Tapusin na natin 'tong essay na 'to nang makatulog na!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status