Share

Chapter 2

Habang papunta kaming lima sa theatre room ay nadaanan namin ang tatlong classroom na puro mga bangkay ng mga schoolmates ko.

Ayaw ko mang tingnan pero hindi talaga maiiwasan. Nadaanan namin 'yong room ng Grade 7. Their death was bloodless.

"They were poisoned," rinig kong sabi ni Marie. Sa aming lima, si Marie ang may pinakamataas na rank at sad to say ako ang pinakamababa. Marie is in rank two. Gio is in rank four. Patrick is in the seventh and Christian is in the tenth.

Ako? Rank twenty-one.

Dahil na rin sa sinabi ni Marie, tumigil ako sa room ng Grade 7 at nakita kong may mga nakakalat na mga pagkain na naka-styro.

Mukhang kanya-kanya nilang kinuha ang mga packed food sa lamesa sa unahan.

Nakahandusay sila sa mga upuan nila at may mga bula ang bibig. Iniwas ko na lang ang tingin ko dahil pakiramdam ko ay maiiyak ako. Ang bata pa nila. They don't deserve this kind of treatment. Kung ano man ang nangyayari sa academy na 'to, pagbabayaran nila 'to.

"It's all about luck." I nodded without looking at Christian. Swerte nga siguro ang nagligtas sa aming lima. Nagsimula na kaming maglakad.

Swerte ko na lang at na-late ako at walang umupo sa upuang black na iyon.

Pero ayaw kong sabihing sinwerte ako kung may ibang nakaranas ng ganito. Hindi ko deserve magsaya dahil nabuhay ako kung ang iba ay namatay.

Hanggang kailan 'tong swerte ko? Namin?

"Ang swerte rin ng mga absent ngayon," sabi ni Patrick na sinang-ayunan ko naman.

"Nakamoto Academy is in complete attendance today. I heard the faculty officers fetch those students na absent kanina."

What the hell? Ano? Bakit? So, susunduin din nila ako if ever 'di pala ako pumasok? This is insane.

"Ano bang nangyayari?" I asked.

"Magkakasama tayo, are you expecting us to know something?" Tiningnan ko nang matiim si Gio. I clenched my hand. Ayaw ko sa lahat 'yong binabara ako. Pinili ko na lang na hindi siya pansinin. I heard him shrugged at diretso na siyang naglakad pauna.

Pero nawala 'yong inis ko nang matanaw ko na ang theatre room, napalitan 'yon ng kaba, ng matinding kaba.

Habang palapit kami nang palapit ay pabagal nang pabagal ang lakad ko. Gusto ko nang umuwi.

Wait!

"Guys! Natingnan niyo na ba 'yong school gate kung bukas?"

Magkakasama kami kanina pa pero wala ni isang nakaalala ng school gate.

"Nag-iisip ka ba? Sa tingin mo ba iiwan nilang bukas 'yon kung papatayin nila tayong lahat?" Again for the second time, I clenched my fist to control my emotions.

"'Yong mga kotse niyo? Like 'di ba, kung ibabangga niyo 'yon sa gate, masisira agad 'yon then katapat lang natin ang highway, Gio, madali tayong makakasigaw at makakahingi ng tulong sa mga dumadaan."

"Hindi bobo ang mga tao sa paaralang ito, Fiona. For sure, they had planned all of this ahead of time." I sighed with defeat.

"Wala namang masama kung titingnan natin 'di ba?" sabi ko pa ulit pero nauna nang naglakad 'yong tatlong lalaki. F*ckin' as*holes.

"Tara na?" Marie held my hand and I nodded.

Kaunting lakad pa at nasa tapat na kami ng theatre room. Mabuti na lang at hindi naunang pumasok 'yong tatlong ugok at hinintay kaming dalawa ni Marie.

Kapansin-pansin ang mga dugo sa may doorway at sa doorknob, sign na may mga nauna nang pumasok sa amin.

Dahil walang may balak ni isa sa aming buksan ang pinto, binuksan na ito ni Gio.

Bumungad sa amin ang mga duguang mga schoolmates namin from different grade levels at sections. 'Yong uniform nila ay puro dugo tulad sa uniform naming lima.

Lahat sila ay nakatingin sa pagpasok namin. May ibang mga takot at 'yong iba ay walang mga emosyon.

Pagkapasok naming lima ay biglang nagsara ang pintuan. Tumakbo pa pabalik sina Christian para subukang buksan pero hindi na ito nagbukas pa.

Sh*t.

Narinig ko ang mga impit na hikbi ng ilan sa mga nandoon. Parang sumakit bigla ang puso ko dahil sa naririnig. Hangga't maaari ay ayaw kong umiyak.

"Congratulations, students, you survived the first round of the game." Isang boses ng isang matandang babae ang um-echo sa buong paligid. It was the same voice earlier. The voice came from the large speakers on the room. Parang recorded na parang nasa panel room ng school.

"So, we are moving on to the next round." Biglang umingay sa paligid. Alam kong hindi pa sa nangyari roon sa classroom nagtatapos 'to. Alam kong mayroon pa, pero natatakot na ako.

They're talking differently. May nagtatanong, may natataranta at may umiiyak na.

Round two? Laro ba 'to para sa kanila? Laro ba 'to kung may namamatay?

Mababawasan na naman ba kami?

I looked around, si Marie at si Patrick lang ang nakita ko.

"Sina Gio?" I asked Marie.

"Hindi ko alam. Sabi nila may titingnan lang daw sila." Tiningnan ko pang muli ang paligid at wala ni anino nina Gio ang nakita ko.

Nasaan sila?

"Okay! Since we are here in the theatre room, we have prepared different princesses and prince costumes in the fitting room. You may go there now and pick up one!"

Nagsimula na silang magsipuntahan sa fitting room, nagpa-iwan na muna kami dahil paniguradong magkaka-stampede pa if ever mag-agawan sila sa mga damit or baka nandoon na 'yong panganib.

Nang isa-isa na silang magsilabasan, pumasok na kami ni Marie at may dalawang damit na pambabae ang natira.

Isang damit ni Snow White at isang damit ni Belle. I let Marie choose first. In this game, wala na dapat arte-arte pa.

She chose the yellow dress kaya kinuha ko na ang white and blue na damit ni Snow White. I even checked it first kung may something pero wala naman.

Paglabas namin, nandoon na sina Gio at Christian, may dala na rin silang pang prince na costume. 'Yong ibang estudyante, nakadamit na.

They are left with no choice kung 'di ang sumunod sa sinabi no'ng babae.

But what caught my attention is the white boxes scattered everywhere in the room.

Wala kasi 'yon kanina. So, ibig sabihin ba no'n may kasama kaming tao rito sa loob?

Tiningnan ko si Gio. Kausap niya ngayon si Christian.

Are they planning something or what?

Gosh! I'm getting paranoid.

"And the princes and princesses are all ready." Mukhang recorded nga ang boses na 'yon. Hindi pa kasi kami nakakapagbihis nina Marie. May mga estudyante pa ring mga nakayupyop sa paligid at yakap-yakap 'yong mga costume na dala nila.

Bago pa may mangyari ay isinuot ko na ang Snow White dress na dala ko, gano'n din si Marie. Nahagip pa ng mata kong nagbihis na rin sina Gio.

"There are white boxes everywhere. To be able to proceed to the next level, you must open one box. Can the oldest student come here in front and open one?" Napako ang tingin ko sa puting kahon sa una. Isang lalaking Grade 12 student ang naglakas loob na pumunta roon.

Pero bago pa man siya makalapit sa box, bigla na lang itong nagkapira-piraso. Napatakip ako ng bibig sa nasaksihan.

This is insane.

Napako ang paa ko sa kinakatayuan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Hindi ako makagalaw sa gulat.

Bigla na lang may pumatak na luha sa mga mata ko.

Ang ilan sa mga estudyante ay nag-panic at nagsitakbuhan sa kung saan pero bigla rin silang nagkandapira-piraso na para bang dinaanan sila ng maraming kutsilyo.

Lahat kami ay na-stucked sa mga pwesto namin.

Parang isang galaw lamang namin ay magkakapira-piraso na rin kami.

All I need is to reach one box and I'm done.

Kahit paghinga ay kontrol na kontrol ko. Medyo nanginginig pa nga 'yong katawan ko pero kakayanin naman.

Hindi ko alam kung ano 'yong weapon na nakapatay sa mga ibang estudyante. Delikado kung isa itong invisible aerial weapon, kasi kahit anong pag-iingat namin, mamamatay at mamamatay kami.

But one thing answered my question.

Sa may stage kasi ay may ilaw at may kumislap na kung ano sa tapat no'n.

It's a piece of thread.

Tiningnan ko yung katawan ng mga nagsimatay kong kasama. Masakit man sa mata, puso at sikmura ay tiningnan ko ito nang mabuti.

Hindi ako matalino pero may common sense naman ako kahit papaano.

The way every part of the body was cut, malaki ang chance na isa ngang sinulid ang dahilan nito.

The f*ck!

Nanginginig na talaga ang buong katawan ko.

Napatingin ako kay Gio. He looks calm pero nanginginig rin ang mga kamay niya, same as Patrick and Christian.

Nang dumako ang tingin ko kay Marie, nakaka-utay-utay na ito ng lakad. How lucky.

But what really stopped me is the fact na halos kalahati sa amin ay namatay na. Umaagos na ang dugo sa buong paligid at nagkalat ang piraso ng katawan nila.

"Sh*t." Napatingin ako kay Gio. Nadaplisan siya sa may braso at nagkaroon ng manipis na hiwa sa sleeve ng suot niyang prince costume.

Costume?

I looked at my dress. Hinawakan ko ito nang mariin and I waved it slowly sa may harap at nagkaroon ito ng maliliit na hiwa.

I waved it to my left at nagkaroon din ito ng hiwa. I waved it again this time to my right and to my relief, walang nangyari.

I deeply sighed.

Tumingin ako sa white box na nasa pinakagitna ng stage.

That's my box.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status