Share

Game of Death
Game of Death
Author: sijeyjoy

Chapter 1

I woke up late and with a headache. I came up with the idea of not coming to school today but my Dad suddenly called me.

"Go to school early, keep yourself safe and go home alive. I love you, Fiona."

He's acting weird. Nag out of town sila ni Mom, hindi ko lang alam kung saan, basta biglaang meeting with the Japanese stockholders. Ay, ewan! Business is not my thing and it will never be my thing.

So with a heavy heart,  I prepared myself. Nag-breakfast pa muna ako bago ako nagpahatid sa aming family driver. I'm a Grade 11 student, just so you know.

As I step out of the car and walked inside Nakamoto Academy, I felt a different atmosphere. Parang ang bigat. Parang may pressure. Parang ang hirap huminga.

I looked around. Iilan na lang ang estudyanteng nasa paligid.

I looked at my watch. It's already 7:35 in the morning, I am already five minutes late para sa first subject ko. No wonder kung bakit halos wala ng estudyante sa paligid. This school is strict as hell.

I did not bother to run. Late na rin naman ako and ayaw kong mangamoy pawis this early in the morning. That's gross!

Bawat classroom na nadadaanan ko ay napansin kong may mga naka-kimono na mga Japanese sa loob at maging sa labas. It's like they are assessing or orienting something sa mga estudyante.

Hindi ko na lang 'yon pinansin at diretsong naglakad. Normal naman na 'yon dito lalo na at Japanese school naman 'tong Nakamoto Academy.

Tanging ang tunog na lang ng takong ng aking sapatos ang naririnig ko. Sound proof ang bawat classroom kaya tahimik ang buong paligid. Silence is everywhere. Nakakabinging katahimikan.

Pagpasok ko sa room, iba't ibang kulay ng upuan ang bumungad sa 'kin. Kumunot ang noo ko dahil wala ang mga kaklase ko sa kani-kanilang proper seat. Dumako naman ang tingin ko sa nasa unahan.

"And you are?" isang naka-kimonong babae ang nagtanong.

"I'm Fiona Sasuke." I saw her nod and gesture her hand in the class.

"As you can see, I told them to sit in any seats they wanted and since you are late, this black colored chair is what the only seat left." I looked at the chair. This is where my original seat was positioned.

Nagpasalamat na lang ako ro'n sa babae at umupo na sa upuang natitira.

Bago ako umupo, tiningnan ko muna ang mga mukha ng mga kaklase ko. Mukhang tuwang-tuwa sila sa mga upuan nila ngayon, siguro ay mga favorite color nila.

I placed my bag at my back then I noticed a small red button sa desk ng upuan ko. I was going to push it when someone held my hand.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa gulat.

It's the lady in the Kimono dress. She's looking at me intently. Walang emosyon pero nakakatakot.

Nakatingin lang siya sa akin pero ramdam ko ang authority.

Hindi naman ako nasaktan by the way she held my hand. To be honest, ang lambot pa nga ng kamay niya.

"All of you, just sit properly and listen carefully to what I will be saying." Biglang tumahimik ang lahat.

Kailan pa naging masunurin 'tong mga 'to?

This section is quite a mess. Every teacher in the academy named us as the 'worst section' here in Nakamoto Academy. Iba't iba kami ng personality. May maingay, may basagulero, may tahimik at may matalino.

"Okay! So look at your arm chairs, students." I looked at the red button. Kasing laki lang ito ng pambura ng lapis.

"There's a small red button at the upper right part." I circled my forefinger into it. Nacu-curious na ako. Wanna push it right now pero hindi pa pwede.

"As we finished orienting, we will leave this room and afterwards the school bell will alarm. As you heard it, just push that button and after that you must go to the theatre room."

The room was filled with excitement. Mukhang na-e-excite sila sa larong ito. Kung laro man itong matatawag. Baka assessment lang 'di ba.

"Okay, students. I want you to remember that in this game, common sense is what really matters. See you if we will see each other again." I saw her smirked. Biglang nanindig ang balahibo ko. What the hell is that? At anong connect ng common sense namin?

Naglakad na palabas 'yong babae. Naging maingay na ang paligid, but what caught my attention is the slight movement of the door knob sign na ni-lock ito from outside.

Kinabahan ako bigla. Bakit kailangang i-lock? Tumayo ako.

Wait. Hindi ako makatayo!

I looked at my feet at biglang nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

It was tied. F*ckin' tied.

Tiningnan ko ang paa ng mga kaklase ko and they were all tied up. What the hell?

"Guys?" I tried to call them. Pero mukhang occupied ang mga utak at tenga nila. Sayang-saya pa sila sa pag-uusap-usap not knowing na nakatali na ang mga paa nila.

"Guys!" This time it's a bit louder but still no one heard me. These f*ckin' people are ignoring me!

So I take a deep breath. "Guys!!" I saw them all looking at me. They are all shocked. Of course, I'm the typical shy student. If my memory was serving me right, this is the first time they heard me raising my voice.

"Hindi niyo man lang ba napapansin 'yang mga paa niyo?" They all looked down then in a snap para silang mga asong ulol na nakatali na gustong gustong makawala. They all tried anything to free themselves. 'Yong katabi ko nga kumuha pa ng gunting para subukang putulin 'yong pagkakatali but too bad, it didn't worked out.

Hindi naman talaga gagana 'yong gunting kasi parang metal strap 'yong nakalagay sa mga paa namin. Metal strap na connected sa upuang inuupuan namin.

They are trying to carry up their colorful chairs but it looks like it was stucked up in the floor. We are f*cked up.

"Guys, relax! Maybe that red button is the key. We must wait for the school alarm." It's the class president, Gio. Since, he is the president of this class, many of my classmates became calm. They are patiently waiting for the alarm. Their excited faces were back.

But still, I am not assured by what the class president said. There's something wrong with this.

Makaraa'y isang nakakabinging tunog ang puma-ibabaw sa classroom na ikinadagdag ng kaba ko sa katawan.

Ang school alarm.

I closed my eyes. Kinapa ko ang button sa aking upuan at ipinosisyon ang aking daliri roon.

1...

2...

Bakit biglang tumahimik?

Bakit parang may mainit na likido na tumalsik sa balat ko?

Bakit may humihikbi?

Bakit hindi ako makahinga?

Bakit may mali?

3...

I clicked the button.

Naramdaman kong lumuwag ang pagkakatali ng paa ko sa upuan. Kasabay no'n ang pagluwag din ng paghinga ko.

I slowly opened my eyes.

Unang bumungad sa 'kin ang pula naming white board. What the hell? Pula?

Agad akong napatingin sa mga kaklase ko and to my dismay, apat lang ang nakita ko.

My classmates are all dead. Lahat sila nakahandusay sa sahig, may mga saksak sa katawan. May mga lumabas na matatalim na blades sa inuupuan nila na sumaksak sa kanila. The blades are huge in sizes.

Napuno ng dugo ang buong paligid. Even my clothes were bathed with blood.

May mga saksak sila. Lahat sila.

"A-anong n-nangyari?" I tried to talk. Ang apat na tinanong ko ay wala sa mga sarili. Lahat sila ay nakatulala at nakatingin lang sa paligid na parang prinoproseso ang mga nangyari.

Si Marie na nakaupo sa dark violet na upuan.

Si Christian na nakaupo sa dark blue na upuan.

Si Patrick na nakaupo sa dark brown na upuan.

At ang Class President namin na si Gio, na siyang nakaupo sa dark green na upuan.

At ako, ang nakaupo sa black.

I looked at the other colors, puro light colored ang upuan nila na ngayon ay pawang mga naging pula na.

Napa-upo akong muli. Wala na akong pakealam kung magkandadugo-dugo na ang uniform ko. Parang nawalan ako ng lakas.

Wala man akong ka-close sa kaklase ko, may mga memories pa rin kami together. I've been with them since I am Grade 8 and seeing them like this is really agonizing.

I put my hand in my head. Para na akong mababaliw.

Isang tunog ang nakapagpabalik ng wisyo ko. Tunog ng parang inaayos na microphone.

"Those students who survived, we are waiting here in the theatre room." The voice is quite familiar. Boses 'yon no'ng babae kanina rito sa classroom.

Nakita kong tumayo na si Gio. Tinulungan naman ni Patrick si Marie na tumayo at lumapit sa akin si Christian.

He helped me up. Nauna na si Gio sa may pintuan.

"G-Gio! Naka-locked ang mga pinto." Napatigil si Gio sa paglalakad. Then seconds after bigla siyang dali-daling pumunta sa upuan ni Trisha, ang most punctual sa klase at kinalkal niya ang bag nito. Wala siyang pakealam kahit na puro dugo ang mga 'yon.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Patrick.

"May duplicate key si Trisha. Siya ang nagbubukas ng room every morning," sagot ni Gio. Napadako naman ang tingin ko sa 'king bag and I remember na may dala ako ritong pepper spray at alcohol. Kinuha ko ito at inilagay sa bulsa ko. I even got my pen. I don't know why. Ballpen ito ni Dad na kinuha ko sa office niya.

"Sh*t. Hindi ko makita ang susi." Hindi na magkanda-ugaga si Gio kakahalwat sa gamit ni Trisha. Bigla na lang dumako ang tingin ko sa bulsa niya.

"Check mo 'yong bulsa niya!" Tumingin muna sa 'kin sandali si Gio bago tiningnan ang bulsa niya. May nakita siyang isang wallet at binuksan niya iyon at nandoon nga ang susing hinahanap namin. Dali-dali siyang tumayo at tumakbo papunta sa may pintuan.

Pagkabukas na pagkabukas namin ng pinto ay tumambad sa amin ang namumulang hallway. May umaagos na dugo sa bawat siwang ng mga nakasaradong pinto ng bawat classroom.

"Sh*t, hindi natin matatawagan ang mga magulang natin." Kumunot ang noo ko.

"Excuse me, Christian, bakit?" I asked.

"Kinumpiska kaninang umaga ang lahat ng cellphone sa klase." Halos manghina ako sa narinig.

"Ikaw? Late ka kanina 'di ba? So it means, hindi nakuha 'yong phone mo. Dali, tumawag ka na sa kanila." Napatungo ako.

"I left my phone." I heard their small curses. Bakit kasi ngayon ko pa iyon nakalimutan?

"I think kailangan na nating pumunta sa theatre room," mahinahong sabi ni Gio at nauna nang naglakad.

Namuo na naman ang kaba sa dibdib ko.

Anong naghihintay sa amin sa Theatre Room

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status