Share

Chapter 2.1

“Clover!” Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko dahil sa nakakabinging sigaw ni Tina 

Tinaasan ako nito ng kilay. “Argh!” gulo ko sa buhok bago muling sumubsob sa lamesa. 

“Hoy gaga! anong kaartehan iyan?” ungot nya before she clugged her beer. “Huwag mong sabihing lasing ka na? Unang bote palang ito oh.” 

Tinanggal ko sa pagkakasubsob ang ulo, hindi kami gaanong magkarinigan dahil sa sobrang lakas ng tugtog dito. 

“Aish!” Inisang tungga ko ang bote, walang paki-alam sa pagpigil ni Tina. 

“Clover girl hinay-hinay lang.” Nanlalaki ang mga matang napalingon ako. “Na-miss mo na naman ako?” Kaagad akong yumakap sa kanya. We both laughed

“Raf, isa pa nga.” Hingi ni Tina kay Rafael Gustavo ang may ari nitong bar. Umirap muna ang huli bago sumunod. 

Napabuntong hininga ako bago inikot ang upo at isinandal ang likod sa counter. 

Party lights, loud banging of music, dancing crowd. Hindi ako gaanong nagpupu-punta sa mga ganitong lugar. But for now, gusto ko munang kalimutan ang lahat, cause I'm sure tommorow is gonna be a tiring day. Pero paano? pa’no ko naman makakalimutan ang mukha ng lalaking iyon. 

“Tina, mahina ba talaga ako sa mga gwapo?” Nanlulumong tanong ko sa kanya. My brow furrowed when she laughed like there's no tommorow. Halos mabulun-bulunan pa sya sa iniinom. “Ano ba! Magsinungaling ka naman kahit minsan.” saway ko, imbis na tumigil ay mas lalo lang s’yang tumawa. 

“Hindi ko kailangang magsinungaling Clov’ ikaw lang naman iyan, 'yong binansagang 'Ang-tupang-si-Clover-sa-likod-ng-mga gwapo'.” She said between her laugh. Tuwang-tuwa ang gaga.

“Dont mind her Clov’girl, wala lang magawa ang gagang iyan.” ani ng bagong dating na si Raf. May dala s’yang isang case ng beer.

Sinenyasan nya kaming sumunod. “So anong dahilan at nagda-drama ka?” Nagaalangan akong magsalita dahil sa mga walang mintis nilang titig. “Spill the tea.”

Huminto kami sa isang lamesa. Sagot n’ya naman lahat at dahil nga may ari siya nitong bar ay paniguradong hindi naman siya magbabayad. Kuripot ang baklang ito, but once he insisted ay dapat mayroon akong chika sa kanya.

Inabutan niya ako ng isang bote na agad ko namang ininom. “Hindi ko alam kung tatangapin ko ba.” panimula ko. 

“Ang alin? May nanliligaw na sayo?” Napangiwi ako ng sabay silang tumili. Kapag magkasama talaga ang dalawang 'to ay puro kakulitan. 

“Hindi.” Ang kaninang tili nila ay napalitan ng nakakaawang tingin. “Grabe naman ‘yang mga tingin nyo! Awang-awa ha, sa mga tingin nyo parang 'di na talaga ako magkakajowa!”

“Hindi naman sa gano’n girl,” tumigil sya na ani mo’y nagiisip. Ngali ngali kong ibato sa kanya ang hawak kong baso dahil matapos nyang sabihin iyon ay nagkibit balikat lang siya. 

“Nakakainis kayo!” dinuro-duro ko ang dalawa. “Palagi nyo nalang akong pinagtutulungan!” 

“Magkwento ka nalang kasi, dami mo pang dada eh.” Nakaismid na suhestiyon ni Tina. 

Inirapan ko silang dalawa bago marahas na nilagok ang isang bote ng beer.

“Oo na! Ganito kasi ’yon.”  Bumalik na naman sa alaala ko ang nangyari kanina.

“Ano lo?” Nagpalipat lipat ang mga mata ko sa kanya at sa lalaking hindi ko kilala. 

He's a well built man. Seryoso ang dating at parang modelo dahil sa napaka gwapong mukha. Screaming a petrifying aura yet I'm not scared even a bit. 

“Hija, siya ang boss ko.” Nakangiting pakilala ni Lolo na para bang wala lang ang inaalok nila sa’kin.

Kahit pa-paano ay alam ko kung ano ang sinasabi nila. Sa dalawampung taon kong pamumuhay ay wala pa akong naging boyfriend. Bukod sa wala akong oras ay wala pa akong balak. Tapos ito? Aalukin lang ako na ipagbuntis ko sya na para bang inuutusan lang akong bumili sa tindahan. 

Ano pang pinagkaiba ng pagbebenta ng kidney sa inaalok niya?

“Wala ka bang girl friend? Kung wala ay maghanap ka!” Inis kong sigaw. “Nang iyon nalang ang buntisin mo! Uuwi na ko.”

Sinimulan kong maglakad pero 'di kalaunan ay napatigil din. “Hi-Hindi ko alam ang pauwi! Kasalanan mo'to, lo!” Narinig ko ang mahinang pagtawa ng lalaki, at talaga namang masarap sa pandinig pero hindi parin ako magpapadala. 

“Here, meet me at eight tommorow, the down payment is already sent in your bank account.” May ibinato siyang calling card na buti na lang ay nasalo ko.Paano nya naman nalaman ang bank account ko, aber? “It’s either a yes or a no.” Matapos niyang sabihin iyon ay naglakad na siya paalis. 

Naiwan akong nakanganga. Iyon na ‘yon?  At umaasa talaga siyang tatanggapin ko? Napaka-gaspang ng ugali, madulas ka sana!

“Hija, Tara na?”  Bago pumasok sa sasakyan ay tiningala ko muna ang mansion na pinasukan nya. What a jerk, I hate him.

“How much?” tiningnan ko si Raf sa naging tanong nya matapos kong ikuwento ang nangyari kanina.

“F-Five,” Tumatawa kong sagot sa kanya. “Nakakaduling nga sa dami ng zero.”

Inabot ko ang bote na may lamang alak. Iniling-iling ko ang ulo. Ang kaninang isang bote ay tila naging dalawa sa paningin ko. Pakiramdam ko ay masusuka na ‘ko. 

“Isa pa!” humalikip-kip ako bago sinalinan si Tina ng alak sa baso. Halos matapon tapon pa iyon dahil sa panginginig ng kamay ko. Lasing na siya at hindi ko mapigilang mapahagikhik dahil pati yata ako ay may tama na.

“Clov' kung ako sayo tanggapin mo nalang,” She quaffed her beer then continued talking. Hindi ko na nga gaanong naiintindihan ang mga sinasabi. “May pera kana, may fafa kapa!” 

“Tigilan mo na nga si Clover, ‘wag mong idamay iyan sa gaya mong malandi.” ani ni Raf. 

Hindi ko na napakinggan pa ang mga sinasabi ni Raf, umiikot ang buong paligid ko. The unsteady lights are making me dizzy. Dumagdag pa ang hindi magkamayaw sa pagsayaw na mga tao. 

“Raf—” Sinapo ko ang bibig dahil pakiramdam ko ay lalabas na ang mga kinain ko kanina.

“Go, to the restroom!” ikinaway nya pa ang kamay, na akala mo ay diring diri sa'kin. Para namang mamatay sya kapag nasukahan ko. 

Pasuray-suray akong naglakad. Sa kabila ng umiikot na paligid ay nagawa ko pa ring tahakin ang daan papuntang Comfort Room.

Hindi rin naman ito ang unang beses kong pumunta rito. Kaya alam ko na ang bawat pasikot-sikot.

Pagkarating na pagkarating ko sa banyo ay agad akong dumiretso sa isang cubicle. Halos ilabas ko na yata lahat ng hinapunan ko kanina. Eww, gross. 

Akmang pipindutin ko na ang flash ng toilet nang matigilan ako. “Huh?” kumunot ang noo ko ng may kumalabog sa kabilang cubicle. I was about to knock, when I realized what is going on in there. 

Although bawal ‘yon dito ay may mga nakakalusot pa rin talaga. Not like that I care, bahala na si Rafael. Wala ako sa wisyo para sumawsaw sa problema ng iba. Para na ngang lumilindol sa paningin ko, lumilindol pa sa kabila.

Bago pa’ko mainis ay lumabas na ako roon. 

“You're drunk.” 

Huminto ako at nagpalinga-linga pero dahil madilim rito at kanina pa nagdadalawa ang paningin ko ay wala akong nakita. Maybe I'm hallucinating. 

Hindi ko na lang pinansin at nagsimulang maglakad. Pasuray suray ang hakbang ko nang mapadaing ako sa lakas ng tama ko sa pader. “Aray naman! Pader naba ‘to?” Kinapa kapa ko ito at matigas nga. 

Matigas na may umbok. “Raf really has a weird taste, mas maganda kaya iyong smooth na pader.” Hagikhik ko. “Ito ba ang uso ngayon?” iniangat ko ang paningin.

Tumingala ako at nabungaran ang isang pares ng mga asul na mata. “Kaya naman pala eh, kasi gwapo.” Isinandal ko rito ang sarili. “Gusto ko rin ng gwapong pader!” Inis kong maktol. 

“Stop it.” Nagsasalita pa! 

“Raf!” Umalis ako sa pagkakasandal sa  pader at tumakbo papunta sa pwesto namin kanina. “Raf! Saan mo nabili ‘yon?” 

“Ang alin?” Taka nyang tanong. Hinila ko siya patayo at saka itinuro ang tinutukoy ko.

“Iyong gwapong pader nga!” Nagmamaktol kong sigaw sa kanya.  “Gusto ko no’n, akin nalang!” Naupo ako sa sahig at nagsimulang maglupasay. 

“Luci?” Tumayo si Raf at hinalikan ito sa pisngi. 

Agad naginit ang ulo ko. “You don't have the rights to kiss my pader.” Bahagya kong itinulak ang bakla. “We're not friends anymore!” 

Napasampal siya sa mukha. “Hindi ko na alam ang gagawin ko sa inyong dalawa. Naku! naku talaga hindi na ako uulit. Nakakaimbyerna kayo!”

“Cheeze, gusto ko ng cheeze.” Tinapik tapik ko si Tina ng yumakap ito sa mga hita ko. Kaagad naman syang bumalik sa pagkakatulog.

“Ayaw mo sa’kin?” Mangiyak ngiyak na sumbat ko sa titig nitong napakalamig. “Then, I'll dance nalang.” Inirapan ko silang dalawa ni Raf bago nagpakembot kembot papunta sa gitna ng nagkukumpulang mga tao. 

“Clover huwag! Sabi ko naman sayo wag kang susuka eh. Nababaliw ka na naman!” Hindi ko pinansin ang pagsigaw ni Raf.

Nagsasayaw ako sa gitna, pero pakiramdam ko ay kulang pa kaya naman naisipan kong umakyat sa stage. 

“Oy, Clover ikaw pala. Aagawin mo na naman ang stage ko.” Binelatan ko si Marcus at inagaw sa kanya ang mic. 

“Im broke, kaya ka-kanta ako.” Tumawa lang siya at hinampas ako sa balikat. 

I sang my lungs out. Hindi ako tumigil kahit marami na ang nagrereklamo. Once in a blue moon lang ako kumanta ang swerte nila dahil narinig nila ang precious voice ko. Matapos ng ilang minuto ay nakaramdam ako ng antok. Pagod na tumiklop ang mga talukap ko kahit na pilitin kong imulat. Parang gusto ko ng humilata sa kama ko at matulog. 

Hinayaan ko ang katawang mahulog mula sa stage. Hindi naman iyon gaanong mataas kaya paniguradong ‘di naman ako masasaktan. Ngayon ko naramdaman ang sobrang pagod sa mga nangyari ngayong araw. 

Bago pa man ako mahulog ay naramdaman ko ang dalawang bisig na yumakap sa’kin. 

“I’ll take her, home.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status