Share

Chapter 5.1

“What are you doing?” 

Halos mapatalon ako sa gulat ng may humawak sa balikat ko. 

“Balak mo ba ‘kong patayin?” sermon ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay. “Pasensiya na naligaw ako e.” 

Naglakad na siya palabas kaya naman sumunod na lang ako. Pangalawang araw ko na rito pero hindi ko pa rin kabisado ang pasikot-sikot. 

“Sir, you can go now. Ako na ang bahala kay Ms. Clover.” ani ng kararating lang na si Lolo. Nginitian ko siya na ibinalik naman niya. 

“Take care of her. Make sure she eats healthy,” Kikiligin na sana ako sa sinabi niya pero kaagad ring nawala dahil sa idinugtong niya. “It’s for the baby,” 

Tingin niya sa akin na para bang sinasabi na ‘wag akong assumera. Napanguso ako. Wala pa naman ‘yong baby dito kaya kunyari ay ako na lang ‘yong sinasabihan niya. Para naman kahit papaano magkaroon siya ng ka-sweet-an sa katawan.

“Yes sir.”

Kinawayan ko siya. “Bye Cadrus, ingat labyu!” Pinaningkitan niya ako ng mga mata tila hindi natuwa sa sinabi ko. “Sabi noong baby, ‘di ba baby?“

Balik na asar ko sa kanya habang kunyari ay hinihimas himas ang tiyan, as if naman may laman na. Natawa ako nang irapan niya ‘ko na palagi niyang ginagawa. Ang attitude niya talaga ay pang-next level, ‘di ko ma-reach.

Tatawa-tawa akong sumunod kay Lolo pabalik sa kwarto ko. Ang pangaasar na lang talaga kay Cadrus ang pinagkakaabalahan ko simula ng dumating ako rito. Napaka-boring naman kasi, hindi ako p’wedeng lumabas. I’m broke, para akong pinutulan ng pakpak. 

“Ang drama a,” mahinang bulalas ko sa sarili.

Pasalampak akong umupo sa isang malambot na couch rito sa kwarto ko. Kinuha ko ang remote at saka binuksan ang malaking flat screen tv. Actually, hindi naman ganoong kasama ang manatili rito sa mansyon niya. Bukod sa madalang lang kaming magkita dahil nga may trabaho siya na ipinagpapasalamat ko, ay mayroong malaking tv at maraming masasarap na pagkain. Hayahay talaga ang ganap ko rito.

“Haah,” Hindi ko na alam kung ilang beses na akong napabuntong hininga. 

Tapos na akong kumain at hindi ko na alam kung ano pang mapagkakaabahalan ko. Mahirap namang puro nood na lang ako rine hindi iyon healthy baka masapok pa ako ni Cadrus. 

Inamoy amoy ko ang sarili. “Tama! Kailangan ko na ngang maligo. Eww.”

Sabi ko na nga ba at may nakakalimutan ako e. Inayos ko muna ang mga kalat ko bago tumayo. Kaagad akong natigilan. “Mm?” 

Saktong pagkatayo ko ay may nakita akong pulang papel sa paanan ko. Pinulot ko iyon at kaagad na napatakip sa ilong dahil sa pamilyar na amoy niyon. 

“Saan naman nanggaling ‘to?” 

Blanko lang ito tanging isang maliit na sunog sa gilid ang makikita. Hindi na ako nag-atubili pang itapon iyon sa basurahan. 

Ipinagsawalang bahala ko na lamang at saka dumiretso na sa banyo. Kailangan ko ng maligo. Masarap maligo kasi may heater isang oras yata ang itinagal ko sa banyo. 

“Ooh, refreshing!” sumasayaw sayaw pang ani ko habang papalabas ng banyo. 

Pagkatapak ko sa tiles ng kwarto ay kaagad akong natigilan. Humigpit ang kapit ko sa towel na nakatapis sa katawan ko. I feel like I’m being watched. Ngayon ko lang ito naramdaman simula ng dumating ako rito. 

Pakiramdam ko ay nagtaasan ang mga balahibo ko. Inilibot ko ang mga mata hinahanap kung nasa’n iyon. “Ito ka lang pala,” tukoy ko sa inihanda kong damit. 

I scurried off to the toilet and changed my clothes. Siguro ay guni guni ko lang.

“Ms. Clover!”

Napatalon ako sa gulat nang hawakan ni Lolo ang dalawang balikat ko. 

“Ayos ka lang ba?” nagaalala niyang tanong. 

Napansin niya yatang kanina pa ako tulala at hindi manlang nabawasan iyong pagkaing inihanda niya. Kaagad akong sumandok para kumain. I felt guilty. 

“Opo Lo, sino ba’ng hindi ayos?” bahaw kong tanong at saka itinuon ang atensyon sa pagkain. 

Iyong totoo ay hindi ako mapakali. Akala ko ay pinaglalaruan lang ako ng pakiramdam ko pero tatlong araw ko ng nararamdaman na parang may nanonood sa’kin sa kwartong iyon. 

Sabihin ko kaya kay Cadrus? Pero paano kung namamalikmata nga lang ako? Hindi ko na alam ang gagawin. I’m starting to get scared.

Mayroon akong narinig na busina at ilang sandali lang ay iniluwa nang pinto si Cadrus. His tie was loosened up, dalawang butones ang nakatanggal at nakatiklop ang sleeves hanggang siko. So hot! 

Hindi man lamang niya ako tinapunan ng tingin. At dire-diretsong naglakad sa hagdan. Sungit! 

“I didn't know you have a girl in here?” Napalingon ako sa nagsalita. “Girlfriend mo? Bago?”

Bumalik ang tingin ko kay Cadrus, seryoso lang ang mukha nito at hindi manlang nagabalang sumagot. 

Uy, hindi niya ni-denied. Dapat na ba akong umasa? Charot may trinity na’yan. Pwe!

“Hello, Maximus, What's your name?” Nakalahad ang kamay na tanong nitong lalaki. 

Pansin ko lang ang dami kong gwapong nakikilala this days. 

Akmang tatanggapin ko na ang kamay niya nang may marinig akong malakas na kalabog ng pinto sa taas. Problema ni Cadrus? Balak pa yatang magsira. Well, mayaman naman siya kahit ilang libong pinto makakabili siya. 

“Clo—”

“Clover, her name is Clover,” Napangiwi ako ng sumingit si Cadrus sa usapan. Akala ko ba ay nasa taas ang isang ‘to? “I thought you’re here for business Trichero?” 

Napakamot na lang sa ulo si Maximus, at saka walang nagawa kun'di sumunod paakyat kay Cadrus. Kinawayan niya ako. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagirap sa’kin ni Cadrus, akala mo ay papatay na sa sama ng tingin.

Luh? Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko? 

“Stop flirting with my clients.” seryosong bintang niya sa akin at saka walang pasabing lumarga paakyat. 

Makapambintang a. “Selos ka lang e,” bulong ko na sinadya kong iparinig sa kanya nang lalo siyang mainis. 

Buwisit na lalaking ‘to.

“Clover, ano na day? Ayos ka lang ba riyan?” 

Hindi. Gusto ko sanang sabihin kay Tina mula sa kabilang linya pero ‘wag na lang at baka magalala pa siya. Oa pa naman ang isang ‘to. 

“Oo day, so far maganda pa naman ang pakikitungo sa’kin ni Boss rito.”

Pero kapag napuno na ang isang ‘yon paniguradong sisipain ako no’n palabas. 

“Basta sabihan mo lang ako kapag sinasaktan ka riyan hah?” 

Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya. “Ha? Anong sasaktan? Sinong sasaktan?” taka kong tanong. 

“May nabasa kasi ako sa diyaryo kahapon, ‘yong kabet chinop-chop at isinilid sa bag!” Kaagad akong napangiwi dahil sa tinuran niya. 

“Gaga ka! Natatakot nga akong magjowa, tapos kakabit pa?” 

Kung magkaharap lang siguro kaming dalawa ngayon ay kanina ko pa siya nabatukan. Kung ano ano talaga ang pumapasok sa malikot at makipot niyang utak. 

“Ba—” 

“Tina? Hello?” Kunot noo kong tiningnan ang tawag, naputol na iyon. 

Huh? Malakas naman ang signal kanina bakit nagloko? Sinubukan kong muli siyang tawagan pero nabigo ako. Umakyat na rin ako sa kama para makakuha ng signal pero wala pa rin.

Ilang minuto ang lumipas nang may maamoy akong parang nasusunog. Kaagad akong napatakip sa ilong at bibig ng may usok na pumasok sa kwarto ko. What the? Naalarma ako ng makitang nasusunog ang second floor. I felt terrified, narito ako sa third floor. 

“Sunog!” 

Makailang beses kong kinalabog ang pinto. It was stuck at kahit anong pwersa ko ay hindi iyon mabuksan. Nagtagis ang mga bagang ko at itinaas ang mga paa at saka iyon sinipa ng malakas. Nakahinga ako ng maluwag ng mabuksan ko iyon. 

Nasaan si Lolo? What about the maids? Si Cadrus? 

Kumalat na ang apoy sa hagdan, paano ako bababa. Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Malapit na akong maubusan ng hininga kapag hindi pa ako nakalabas rito ay masu-suffocate ako. 

“Lo! Cadrus!” 

Napatili ako ng makarinig ng palitan ng putok mula sa baba. Ilang beses na akong napaubo, nanlalabo na rin ang paningin ko. Unti unting bumagsak ang talukap ng mga mata ko. Mamatay na ba ‘ko?

“We now have the target Sir.”

Pinilit kong ‘wag gumalaw ng may marinig akong naguusap sa paligid ko. Hindi komportable ang pakiramdam ko, someone is carrying me. Hindi ko iminulat ang mga mata at pinakinggan lang sila. 

“Yes sir, Trinity Hernandez.” 

Napamulat ako sa narinig ko. Ano? Ano namang kinalaman ko sa Trinity na iyon. We’re still inside the house. Isa. Dalawa. Pito silang lahat, may mga hawak na baril. Jusko naman kung si Trinity ang nais nila ‘wag nila akong idamay nanahimik ako rito.

“Back in the base!” hiyaw ng isang lalaki. 

Naalarma ako, bakit kailangan pa akong isama? Paano na lang kung saktan nila ako roon? Sayang ang aking gorgeous body.

Kailangan kong humanap ng paraan para makatakas. Napansin ko ang isang baril na nakasuksok sa bulsa nitong lalaking may buhat sa’kin. I was about to grab it when I stopped halfway. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakatayo ang isang lalaki. 

He's leaning on the wall, tila pinagmamasdan ang galaw ko kung kukunin ko ba ang baril. Umangat ang gilid ng mga labi ko. 

Lucifer Cadrus Costello with his dark ocean like eyes is suspicious of me, Kahit pa puwede naman niya akong tulungan ay pinanood niya lang akong ipasok sa loob ng kotse.

If he wanted to know my secret, then he should be ready to play my game.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status