Share

His Runaway Surrogate
His Runaway Surrogate
Author: CatNextDoor

Chapter 1.1

“Hah! Sa wakas, tapos na.” Itinaas ko ang dalawang kamay para mag-inat. Pinihit ko ang leeg pakanan kasabay ng pagtunog ng mga buto ko doon. 

Argh, it felt good after an hour of sorely encoding. Pakiramdam ko ay natuyot na ang utak ko.

I leaned on my swivel chair at saka pinaikot-ikot iyon. Ramdam ko ang ngalay sa buong katawan ko.

“Tapos kana, Clov’?” tanong ng katabi kong si Libitina. Kinusot kusot ko ang mata bago tumango. “Buti ka pa ang dami ko pang ire-revise na documents. Sure akong magagalit na naman si tabachoy mamaya, mag e-evolve na naman ‘yon as dragon.” Pareho kaming natawa sa tinuran nya. Pati ang dumaang si Rohan na pakiwari ko ay galing sa pantry ay nakitawa rin. Ano’t nandito na naman ang lalaking ito?

Mariin kong ipinikit ang mga mata. Hindi ko mapigilang mapahikab kahit tirik na tirik ang araw sa labas, sinong hindi a-antukin kanina pa akong madaling araw nandito. Kung hindi ba naman kasi masyadong demanding ang chief at hinihingi agad ang file na inatas n’yang i-encode ko sa pitong branch kahapon. Tiningnan ko ang malaking orasan na nakasabit sa pader. At exact nine ay dadating na ang chief mabuti na lamang ay natapos ko na lahat ng ipinagagawa niya. 

May tatlongpung minuto pa naman bago mag alas nuebe, tamang oras lang para ma-iprint ko pa ang iba pa niyang pinagawa at i-compile. 

“Tina, makikisuyo lang bantayan mo muna? May limang sheets pa iyan na hindi lumalabas.” Matapos ibilin sa kanya ang printer ay naglakad ako papunta sa pantry.  

I sighed exasperatedly. Kung hindi ko lang kailangan ng malaking pera ay hindi talaga ako magtitiis dito. Sumimsim ako sa tinimpla kong kape, bago wala sa sariling napatulala. Napakarami kong problema, mga utang na hindi ko mabayaran, at pambayad sa ospital. Right now, I can't do anything.

“Alcantara...” wala sa wisyo kong banggit sa apilyidong ng pamilyang kumopkop sa akin.

Papa kung nandito ka ba ay hindi ako maghihirap ng ganito? Kung nandito ka ba ay maayos pa rin kami ni ate claire? Hindi. Alam ko namang sa una pa lang ay hindi na kami magkasundo. 

Pa, ikaw nalang ang sandalan ko pero kinuha ka nila sa akin. You don't know how thankful I was when you saved me. Hindi ko mapapatawad ang mga taong ‘yon. 

Ipinilig ko ang ulo bago naisipang bumalik sa printer. Bakit ba ako ngayon nagda-drama? Napakamot nalang ako sa ulo ng makitang wala do’n si Tina. Ang babae talagang iyon ay hindi matigil sa isang tabi, ang sabi ko bantayan eh. 

I was humming while compiling the papers when I heard a loud bang. Ang galit na mukha ng manager ang sumalubong sa akin.

“Alcantara, to my office!” Kunot noo kong tiningnan ang boss kong pumasok sa opisina nya. 

Ano na naman ba ang ikinagagalit nito? Kay aga-aga. “Yes sir!” agaran kong sagot bago kunin ang folder na naglalaman ng mga ipinagawa nya sa’kin kahapon. 

Nadaanan ko pa si Tina at Jane. they both gave me a worried look na sinuklian ko lang ng tipid na ngiti.

“Clov’ fighting! kapag napuno ka na sapakin mo!” Ngali ngali kong kurutin sa singit si Jane dahil sa sinabi niya siya itong sekretarya pero ako palagi ang pinagiinitan.

Wala na akong nagawa kundi ang bumuntong hininga. Hindi ko alam kung bakit palagi akong pinagiinitan ng tabachoy na ‘yon. Kung hindi ako uutusan ng sandamakmak ay bibigyan ako ng paspasang trabaho. Pare-pareho lang naman kaming nagta-trabaho dito. Wala naman akong lakas na magsumbong sa head dahil alam kong mas lalaki lang. Mas mahirap pa kung ako pa ang mapasama.

“Sir?” Pagkapasok ko palang ay ang nakatalikod nitong malaking pigura ang nakita ko. “Tapos na po ako sa ipinagagawa n’yo kahapon.” Inilapag ko sa lamesa niya ang folder.

“You’re fired.” 

“Po?” Hindi ko alam kung mali lang ang pagkakarinig ko o talaga bang tinatanggal na n’ya ako sa trabaho. “Pardon, Sir?” 

Pinaikot nya ang upuan paharap sa’kin. “You're dismissed, tanggal ka na sa trabaho.” casual nyang ani na para bang wala lang ang sinabi n’ya.

“Bakit naman po Sir, inaayos ko naman po ‘yong trabaho ko.” kulang nalang ay lumuhod ako para magmakaawa sa kanya. “Kung hindi pa sapat ang performance ko, I'll give my best Sir, ‘wag nyo lang akong tanggalin!” natataranta kong pagmamaka awa.

Sa ngayon ay wala ng halaga ang pride sa’kin. Kailangang-kailangan ko ng trabaho at ito lang ang alam kong may mas malaking kita. 

“Sir! Please!” Habol ko sa kanya ng lumabas s’ya sa opisina. Hinawakan ko ang mga braso nito dahilan ng mapatigil sya. “Please sir, give me a second chance?” 

Tiningnan lamang ako nito ng may inis sa mukha bago hinawi ang mga kamay ko. “Simply pack up your things and leave! Wala na’kong magagawa sa mga wala ng silbi sa kumpanya.” 

Sa sinabi n’yang iyon ay naubos na ang natitirang pasensiya ko. “Jane may lip tint ka ‘di ba? Pahiram, babayaran ko kapag nasira.” mariin kong ani at inilahad ang palad sa kanya.

Naguguluhan nitong iniabot ang liptint na palagi nyang dala-dala. “Ano namang gagawin mo dyan?” 

“Ang sabi kasi ng Lola ko mas malakas daw ang tama, kapag may hinahawakan.” kitang kita ko ang paglaki ng mga mata n’ya.

Nanggagalaiti kong binalikan ang boss ko na ngayon ay nakikipaglandian kay Farida. Sabi ko na nga ba ay nasulsulan ang matabang utak niya. Matagal ko ng napapansin ang mga pasimpleng inggit ng babaeng ito. Kahit pa wala naman akong ginagawa na dapat kainggitan. Binigyan ako nito ng isang ngisi tila ba ay sinasabing siya ang nanalo sa larong sya lang naman ang nakakaalam

Ikinuyom ko ang kamao. “Tangina kang tabachoy ka!” Dumagundong ang malakas na lagabog ng bumagsak ito sa sahig. 

Hinihingal kong ibinaba ang kamay kong naiwan sa ere. Ramdam ko pa ang hapdi ng pagtama do’n. 

Mabilis kong kinuha ang bag ko at inipon ang iba pang mga gamit ko sa isang kahon. Nilagok ko muna ang natitirang kape sa baso ni Rohan na pumunta na naman dito para maki-chismis, wala na akong paki-alam tutal matatanggal narin naman ako ay lubuslubusin ko na. 

“Clover ang galing mo! Idol na talaga kita,” Nakasunod na pahabol ni Tina. Binigyan ko s’ya ng malawak na ngiti.

Pagkalabas do’n ay ‘tsaka ko lang naramdaman ang matinding panlulumo, hindi dahil sa pagsuntok ko sa boss ko kundi dahil sa sweldo ko. At sa kadahilanang kailangan ko ulit maghanap ng mapapasukang trabaho. 

Padabog akong naglakad, deserve naman nya ang matikman ang kamao ko. 

Nanatiling mabagal ang paglalakad ko nang makita ko ang pasarang elevator. 

“Sandali!” Nagmamadali kong sigaw. “Hay, salamat umabot.” Parang tanga kong tawa ng maiharang ko ang paa ko sa pinto nito dahilan ng muling pagbukas. 

Hindi na ako nagatubiling pumasok pa sa loob at baka masaraduhan ulit ako. Kailangan ko nga palang tumawag sa ospital, malapit na naman ang due date ko roon at wala pa akong pambayad. 

“1st floor please.” Walang tingin-tingin kong utos sa lalaking nasa tabi ng hall call button. Napaka-dami kong dala-dala hindi ko na maabot ang pindutan. 

Tutal kaming dalawa lang naman ang nasa loob nitong elevator ay ibinaba ko muna ang mga gamit ko. Nasaan na ba kasi ang cellphone kong ‘yon. 

“Cellphone ko nasa’n kana ba? Pahihirapan mo pa’ko.” Nagsalubong ang mga kilay ko ng marinig kong tumawa ang katabi ko. 

Napahinto ako ng may isang kamay ang pumigil sa’kin, hawak hawak ang gala kong cellphone. “Is this your phone?” Literal na nalaglag ang panga ko ng masilayan ko ang mukha nito. 

“Gwapo...” Napasampal ako sa bibig ko nang sabihin ko ‘yon. 

Malawak ang ngiti nya and heck it's really cute kasi nawawala ang mga mata nya. “S-Salamat” Mautal-utal kong sagot bago kuhain ang cellphone ko sa kamay nya. 

“Oh, this is my off. Have a great day Ms. Beautiful.” Naiwan akong nakanganga habang sinusundan siya ng tingin hanggang makalabas ng elevator. 

Napasapo ako sa noo. Sa mga araw talaga ng kamalasan ko ay gwapo lamang ang gamot. “Ano kaya ang pangalan nya?”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Julie Sipos
What language are you writing in
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status