Share

Chapter 3.1

Salubong ang kilay na pinasadahan ko ng tingin ang papel na naglalaman ng mga kondisyones nya. 

Iginilid ko ang katawan pakanan, at halos isubsob ko na ang mukha sa papel na binabasa ko. 

Nang hindi na ako makapagtimpi pa ay ibinagsak ko ito ng malakas sa lamesa. “Puwede ba Mr. Costello? Hindi ako makapag-focus dahil sa’yo.” inis kong reklamo.

Kanina pa kasi nya ako hindi inaalisan ng tingin. Bawat kilos ko ay pinapanood nya. And it's uncomfortable, as if naman may plano pa akong tumakas gayon nandito na ako.

“I thought you wouldn't come,” He said, clicking his tongue. “You’re an hour late.” 

Kung hindi niya lang alam ay kanina pa ako narito. Hah! Nakapag-stroll na nga ako sa teritoryo mo! 

“Nandito na nga ako ‘di ba?” sarkasmo kong ani habang nakabaling pa rin ang mga mata sa papel. 

Sa totoo lang ay maayos sa’kin ang kontrata niya. It's too fair for me, at siguradong hindi talaga ako talo. Kaya dapat ay hindi na ako nagaalangan ng ganito.

“Gestational?” Basa ko sa nakasulat roon. Tiningnan ko sya ng may pagtataka wala akong ideya kung ano iyon. 

“Using 'in vitro fertilization'.” seryoso nyang panimula. 

Sinundan ko siya ng tingin nang tumayo siya at naglakad papunta sa couch na kinauupuan ko. 

Nahigit ko ang hininga nang itapat nya ang mukha sa’kin. Our eyes locked, while he lowered his gaze. Yung totoo, nilalandi niya ba ‘ko? Kasi kung oo, aba gumagana. 

“Vitro?” I asked, still confused. Kahit pa-paano ay nawala ang tensyon na namamagitan sa’min. 

“You will only be the birth mother,” Nang lumayo siya ay do’n lang ako nakahinga. “The egg wouldn't come from you.” he stated straight into my eyes. 

Hindi naman ako gano’n katanga para hindi ma-gets ang pinu-punto nya. Ang ibig sabihin lang no’n ay wala akong anumang karapatan sa bata. I would be the birth mother yet the child isn't mine biologically. I suddenly felt sad, makakaya ko bang magbuntis ng hindi ko naman matatawag na akin. 

Silly me. Bakit ko ba iniisip ang mga ganito gayong dapat unang tapak ko palang dito ay handa na ako. “Kung hindi ka ba naman, isa’t kalahating tonta.” mahinang bulalas ko.

Napaisip ako, kung gayon ay may ibang pagkukunan? Tiningnan ko ang papel bago inilipat sa nakatalikod niyang postura.

So may girlfriend nga sya? Gusto ko sanang itanong, pero para saan pa ba? It is none of my business so I shouldn't interfere. Babayaran niya ako ibibigay ko ang anak na gusto niya, at hanggang doon nalang iyon. 

“Have you decided?” Kaswal nyang tanong habang prenteng nakaupo na ngayon sa lamesa nya. 

Marahas kong ipinilig ang ulo pakatapos ay tumango. “Payag na’ko.”

Sumilay ang tipid na ngiti sa mga labi niya. Tinaasan niya ako ng kilay at kaagad ko namang nakuha ang gusto nya. 

Inilipat ko sa kabilang pahina ang kontrata at kaagad hinanap ang pangalan ko. At the right corner is his, above his full name is his sign. Sa kaliwa naman ay ang pangalan ko. 

Pikit mata ang ginawa kong pag pirma. Ito na wala na talagang atrasan ‘to. 

Kinuha nya ang papel at saka isinilid sa isang drawer. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang picture frame na naroon. Pero bukod sa malayo ang puwesto ko at mabilis niyang naisara iyon ay hindi ko nakita ng maayos. 

“It’s settled then,” Nakapamulsa syang tumungo sa salamin na pintuan. “Let’s go.” 

Bumalatay ang pagtataka sa mukha ko. “Ha? Anong gagawin?” 

Tiningnan ko ang orasan sa cellphone ko, alas-onse na pala. Kumain na kaya si Nay Amelia? Sana naman ay hindi siya napuyat kakabantay kay KitKat. Si Ate Claire kaya?

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng may malakas na lagabog ang umalingaw ngaw sa buong silid. 

“What?” Nanlalaki ang mga mata kong sinulyapan ang lalaking nakatayo sa pinto.“Tatanga ka nalang ba dyan?” 

Napaatras ako sa gulat ng sermonan niya ako. Tama nga iyong sabi ni Sheena, ga-sinulid lang ang pasensya niya. “Sorry na, i-ito na nga!” 

Dali-dali ang ginawa kong paglapit sa kanya. Nang makalapit ay nanatili akong nakatayo sa harapan nya. His brow furrowed, iyong tipong halos maging isang linya na.

“O’, akala ko pagbubuksan mo’ko ng pinto?” Maang-maangan kong tanong.

Inismiran muna niya ako bago padabog na hinila pakaliwa ang sliding door at nagpatiunang lumabas. 

Pigil ang tawa kong sinegundahan siya. “Nagalit yata? Joke ko lang naman eh.”

Namutawi ang nakakabinging katahimikan habang nakasunod ako sa kanya. Mukhang nagalit nga talaga siya. 'Di nga kaya bakla talaga ang isang ito? Akala mo ay may regla. 

Mas pinili ko nalang din manahimik. Mahirap na at baka masargo niya pa ako ng wala sa oras. 

I started humming, tumigil ako sandali at nang mapansing hindi naman siya nagrereklamo ay itinuloy ko ulit.

Habang naglalakad ay napatitig ako sa likod niya. His height? Huwag nalang natin pagusapan. 'Di hamak naman na mas matangkad talaga sya sakin, pakiwari ko ay hanggang dibdib niya lang ako. He has this broad shoulders, na parang ang sarap lumambitin. Mayroon din siyang putok na putok na muscle na bumabakat sa tuwing igagalaw niya ang mga kamay niya. Hindi na ako magtataka kung suki siya ng gym. 

Natigil ako sa pagha-hum, bumaba ang tingin ko mula sa likod niya pababa sa pang-upo nya at wala sa sariling napahawak sa akin. Hindi makatarungan!

“What are you doing? Get in.” Bakit mas may curve pa yung sayo?! Gusto ko sanang isigaw sa mukha niya pero alam kong magmukmukha lang akong baliw.

Sumakay na lamang ako sa elevator at baka bumuga na nga siya ng apoy kapag hindi ko pa ginawa. Habang nasa loob ay hindi talaga ako komportable, idagdag pang sobrang tahimik ng katabi ko. 

“Saan nga tayo pupunta?” basag ko sa katahimikan. Napangiwi ako ng hindi siya sumagot bagkus ay isinandal ang likod sa bakal na ding-ding ng elevator. 

Ilang minuto ang lumipas hanggang sa huminto ito sa parking lot. “Baka lang gusto mong sumagot?”

He gave me a bored look, ipinapahiwatig na wala syang paki-alam at manahimik na lamang ako. 

The door of the elevator opened, he didn't waste a second before going out. Itinaas ko ang kamay ko at a-ambang hahapamsin siya, na kaagad ko ring binawi. 

Mahirap talagang maintindihan ang ugali ng isang ito. If I would work for him I need a lots and lots of patience. Mahabang pasensya Clover, mahabang pasensya.

Huminto siya sa isang BMW X3. Pilit kong itinago ang pagkamangha ng buksan niya ang pinto niyon. Naghintay lang ako sa labas hinihintay na buksan niya ang pinto sa passenger seat, nang ilusot nya ang ulo sa bintana. 

May iniabot siya sa’king isang card. Taka ko siyang tiningnan. “Take a cab and go at Haliya Hospital,” Naalarma ako ng i-start niya ang kotse. “I’ll wait for you there.” 

“Hoy! Sandali!” Taranta ko sigaw. Kinatok katok ko ang sasakyan niya pero nagmaniobra siya pakaliwa kaya naman napaatras ako. 

“Abat! Gago ka!” Galit kong singhal ng kamuntikan pa akong mahagip ng kotse niya. Balak pa yata akong sagasaan. 

Wala na akong nagawa ng simulan niyang patakbuhin ang sasakyan. “Iiwan mo’ko dito? Ni hindi ko nga alam kung saan ang ospital na ‘yan. Hoy!” 

Ilang mura na yata ang nasambit ko sa utak ko dahil tuluyan na nga siyang nakaalis. Walang hiyang lalaki ‘yon, isasama ko sa prayer ko na ma-flat sana ang gulong niya.

Nagpapadyak ako sa inis. Tiningnan ko ang isang itim na debit card na iniabot niya kanina. Hindi ko mapigilang mapasigaw sa galit. Oo paniguradong malaki ang laman niyon dahil halatang isa iyong mastercard, pero Lucifer naman. 

“Paano ko naman ibabayad sa taxi ‘to!” 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status