Share

Chapter 6.1

“Aray!” 

Malakas na d***g ko nang basta na Lang ako itulak ng kung sino pababa sa van na naghatid sa’kin dito sa mansyon ni Cadrus.

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil hinatid pa nila ako o maiinis dahil nakaksakit iyong paghatid nila. Gano’n na ba ang mga kidnapper ngayon? Ang sakit a. 

Inis kong tiningnan ang lalaking tumulak sa'kin palabas, siya rin ‘yong sinipa ko kahapon. “Alam kong may galit ka sa’kin, pero wala namang personalan!” 

Hindi ito sumagot at walang pasabing sinarado ang pintuan ng van. 

Pinagpagan ko ang pang-upo bago naglakad papasok sa gate. At gaya ng inaasahan bumungad sa'kin ang sunog na kabilang bahagi ng mansyon. 

Humigpit ang hawak ko sa maliit na boteng nasa loob ng bulsa ko. Nagdadalawang isip pa ako kung ipapainom ko ba ito kay Cadrus malay ko ba kung lason pala ‘to tapos ma-frame pa ‘ko, sayang ang aking gorgeous body kung sa kulungan ako matutulog. 

“You’re fine.” 

Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko ang naglalakad na si Cadrus palapit sa akin. Nang tuluyang makalapit ay kaagad ko siyang binatukan. 

“What’s that for?” singhal niya sa’kin. 

“Ikaw! Hindi mo manlang ako tinulungan! Hindi mo ba alam kung anong pinagdaan ko do’n ha? Buwisit ka! Mamatay matay ako sa takot na baka dukutin nila mga laman ko at ibenta sa—” 

Tila tumigil ang paligid gaya nang pagtigil sa pagpintig ng d****b ko. Sandali lang iyon pero parang hinigop niya lahat ng lakas.

Napaawang ang mga labi ko. “—black market.” wala sa sariling tuloy ko sa sinasabi ko kanina. 

“Hoy! Ano ‘yon? Ha!” hindi makapaniwalang bulalas ko. 

“Nothing, talk more and I’ll kiss you again.” 

Kaagad akong napatakip, walang hiya. He lifted me then placed me in his shoulders. Magrereklamo pa sana ako pero naalala ko ang sinabi niya kaya mas pinili ko na lang manahimik. Hinayaan ko ang sariling nakalaylay sa balikat niya. Sa laki niya ay para lang akong batang nakasabit. Ano pa nga bang aasahan ko e, zero percent nga ang gentleman rate niya. Sinisira niya ang napaka-romantic kong fantasy. 

“We’ll stay in my condo, for now.” 

Ipinasok niya ako sa kotse, pero ngayon ay sa shotgun seat na niya ako pinaupo. Nadala na yata simula no’ng sigawan ko siya sa tenga. 

Huminto ang sasakyan sa isang condominium, napaka elegante. 

“Good evening, Mr. Costello.” bati ng isang babae. 

At gaya ng inaasahan hindi manlang ito tinapunan ng tingin ni Cadrus. Niyukuan ko na lang ito bilang pagbati at nakaismid na sumunod sa walang pusong si Cadrus. 

Pagkalabas sa elevator ay tumigil kami sa isang kwarto. Ang ganda nga ng pintuan dahil mayroon itong mga gold lining. May pinindot siyang pin at saka iyon bumukas. 

“1,1,2,6,2,1.” sambit niya sa’kin. 

Medyo naguluhan pa ako kung ano ‘yon, pero mukhang iyon ‘yong pin para sa pinto. 

Pagkapasok sa loob ay hinarap niya ako. 

“You can talk,” Magkasalikop ang mga brasong aniya. 

“Hmmp,” Takip ko ng kamay sa bibig. 

Tinaasan niya ako ng kilay. Bago itinupi ang sleeves niya hanggang siko. Nakahinga ako ng maluwag. 

“Kahit kailan ang sama talaga ng ugali mo!” inis kong sumbat sa kaniya at saka siya inirapan.

“You’ll be sleeping there,” aniya habang nakaturo sa isang kwarto kalapit ng isa pa. 

Matapos niyang sabihin ‘yon ay umalis na siya sa harapan ko at saka pumasok sa loob ng kabilang kwarto. I did the same. 

Isinalampak ko ang sarili sa kama at isiniksik ang ulo sa unan. Maaliwalas ang buong kwarto. Dala na rin siguro ng lamig ngayong gabi hinahangin pa nga iyong kurtina. Inilabas ko mula sa bulsa ang maliit na botelya. Nagdadalawang isip pa ako kung ipapainom ko ba ito sa kaniya, pero bago kami pumunta rito ay pumuslit muna ako sa isang pharmacy. Sabi ng pharmacist ay gamot raw iyon para sa anxiety, considered as a chill pill na nakakatulong rin sa insomnia. 

Napaismid ako. What happened to him? Bakit naman niya kaya kailangan nito? Bukod sa napaka sungit niya, parang wala namang kakaiba. At saka paano ko naman malalaman. Tuwing umaga ay palagi ko naman siyang hindi nakikita sa mansyon niya, paniguradong kung umuuwi man siya sa gabi ay hindi ko na makikita pa dahil nga tulog na ako no’n. 

Napalingon ako sa cellphone ko ng tumunog ‘yon. Alas nuebe na pala, alas syete kami nakarating dito isang oras na pala akong nagiisip. Bakit ko nga ba iniisip ang lalaking iyon? Bahala siya sa buhay niya! 

Tumayo ako at saka pumasok sa banyo para maglinis. Isang manipis na t-shirt na puti lang ang sinuot ko at maikling short, hindi na rin ako nag-abala pang magsuot ng bra tutal ay matutulog na rin naman ako. 

Matapos magsuklay ay humilata na ako sa kama. “Kailangan mo ng matulog Clover, hayaan mo na ang lalaking iyan. Mamatay man siya karma na niya ‘yan.” kumbinsi ko sa sarili at saka ipinikit ang mga mata. 

Talaga namang napakasarap matulog, malamig.

“Whenever he tries to sleep, he always ended up having a nightmare.” 

Kumunot ang noo ko ng sumagi sa isip ko ang sinabi ni Milli. Iwinaksi ko na lang iyon sa isipan at saka pinilit ang sariling matulog. 

“Ay, putangina!” Gulat kong hiyaw. 

Napabalikwas ako ng bangon matapos makarinig ng kalabog sa kabilang kwarto. Ilang segundo ang lumipas at mahihinang ungot naman ang narinig ko. 

Kaagad akong napatayo at sinuot ang tsinelas ko. Dali dali ‘kong binuksan ang flashlight, dinampot ko rin ang bakal na lagayan ng kandila na display sa lamesita ng kwarto ko. Malay ko ba kung magnanakaw pala iyan. 

Inilawan ko sa kusina pero wala namang tao ro’n pati sa sala ay wala rin. Nakarinig na naman ako ng d***g, ngayon ay mas malakas na iyon.

Idinikit ko ang tainga sa pintuan ng kwarto ni Cadrus at tama nga ako doon nagmumula ang ingay. 

“Boss! Ayos lang kayo?” tanong ko pero hindi ako nakakuha ng sagot. 

Pinihit ko ang seradura kaso naka-lock. Ibinulsa ko muna ang cellphone ko na ginamit kong flashlight at saka dalawang kamay na hinawakan ang bakal na lagayan ng kandila. 

“One, two, three!” pagkabilang kong tatlo ay hinampas ko ng malakas ang lock na kaagad namang nasira. 

Bumungad sa akin ang madilim na kwarto ni Cadrus. Binuksan ko ang ilaw at sumalubong sa akin ang kaawa awang postura nito. 

Pawis na pawis ang mukha, namumula na para bang binabangungot. Nilapitan ko siya. “Cadrus? Boss?” 

Tinapik tapik ko ang mukha niya pero hindi naman siya nagising. Naalarma ako ng mangisay ngisay ang katawan niya. “Ay hala! Sus ginoo!” Taranta kong hiyaw. 

Mga ilang beses ko na siyang niyugyog pero ‘di pa rin effective. 

“Argh! Charles!” Paulit ulit niyang banggit habang nanatiling nakapikit ang mga mata. 

“P*****a hindi ka gigising?” kinakabahan na may halong pagkairita kong ani.

Umakyat ako sa kama at kaagad siyang kinubabawan. Ibinuwelo ko ang kamay at hindi ko alam pero nasiyahan ako ng lumagitik ito sa mukha niya. Tingnan lang natin kung hindi ka pa magising. 

Sa wakas ay tumigil na ang panginginig ng katawan niya. Dahan dahang nagmulat ang mga mata niya. “Ouch,” d***g niya at napahawak sa pisngi.

“Ano boss? Okay na? Gusto mo pa ba ng Isa?” tanong ko rito ng mapansing parang hindi pa yata siya natauhan. 

“Clover?” Tiningnan ako nito kapagkuwan ay sinipat ang posisyon naming dalawa. “Are you, molesting me?” 

Napatalon ako mula sa ibabaw niya. Kaagad kong inagaw ang unan sa uluhan niya at itinakip iyon sa d****b ko.

“Aba’t ang kapal naman ho ng mukha niyo, kung hindi kita ginising baka tinatahak mo na ang daan ni satanas ngayon!” sermon ko sa kaniya at ang loko hindi manlang ako pinansin. 

Inayos niya ang unan at saka ako sinenyasan na lumabas. “Then thank you, puwede ka ng lumabas.” pagpapaalis niya sa akin. 

Inipit ko ang magkabilang side ng unan sa kilikili at saka namaywang. “Gamot, wala ka bang iinoming gamot?” nakataas ang kilay kong tanong. 

“I don’t need one, just go.” pagtataboy niya at saka tumagilid ng higa patalikod sa akin.

Inilabas ko sa bulsa ang botelya. Akmang magsasalita na ako ng maalala ko ang bilin ni Millie. Huwag kong sabihin na siya ang nagpapabigay kay Cadrus. Isa pa kung sabihin ko man at hayaang siya ang uminom ay hindi ako sigurado na iinumin niya nga. Ang ugali pa naman niya. Siguro ang tanga tanga ko na dahil maniniwala ako sa isa sa taong kumidnap sa akin. Pero anong magagawa ko. Binabagabag ako ng isiping paano nga kung may sakit talaga ang taong ‘to tapos atakihin na naman at ma-deads habang ako mahimbing ang tulog. Konsensya ko na lang ‘no. 

Kumuha ako ng isang pill sa loob ng botelya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi, ilang beses akong nagdasal na sana ay hindi ito magalit sa gagawin ko. 

Nag-sign of the cross muna ako bago isinubo ang pill. Bahala na si super dog. Pabalya ko siyang pinaharap ng higa. Hindi na ako nagsayang ng oras at ibinuka ang mga labi niya. Mariin akong napapikit ng ilapat ko ang akin sa kaniya. Ginamit ko ang dila para itulak ang pill papasok sa lalamunan niya. 

I felt his body stiffened. Maging ako ay hindi rin naging kumportable. Humiwalay ako ng masigurong nainom na niya iyon.

“H’wag ka ng magtanong kung ano ‘yan. Hindi ‘yan lason, gusto mo ba ng tubig? Kukuha ako san—” 

Nanlaki ang mga mata ko, hindi inaasahan ang ginawa niya. Naramdaman ko ang paghalukay ng dila niya sa bibig ko. Pu-putangina!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status