Share

Chapter 3.2

Humahangos akong bumaba sa Jeep na sinakyan ko. Dalawa kasi ang Haliya Hospital sa buong Antipolo. At dahil sa likas na katangahan ko ay mali pala ‘yong napuntahan ko kanina. 

Mabibigat ang mga paang naglakad ako paakyat sa hagdanan ng ospital. Hindi ko mapigilang hindi mainis sa dami ng kamalasang nangyari sa’kin bago ako nakarating rito. Wala namang silbi ang debit card na ibinigay nya, wala namang Jeep ang tatanggap no’n at kailangan ko pang maghintay kapag tatawag ako ng grab.  

Bagsak ang balikat ko dahil tanging bente pesos nalang ang nasa bulsa ko. My head immediately heat up once I saw him, prenteng nakadi-kwatro habang may hawak na cup na pakiwari ko ay kape ang laman. 

“May gana ka pa talagang magkape!” Nanggagalaiti kong ani nang makalapit sa kanya. “Pinahirapan mo akong hanapin ang lugar na’to kahit pupwede mo naman akong isabay? Tapos makikita ko lang na nagkakape ka!” naghuhurumintadong sermon ko. 

“It’s a tea.” Hindi ko alam kung maiinis ba ako o maiiyak dahil hindi manlang nya pinansin ang pagrereklamo ko. Ipinakita niya pa sa’kin ang laman ng cup na iniinom niya. “A Jade leaf matcha.”

Napasabunot ako sa ulo ko. Nagngingitngit na ako sa galit dito tapos ipapakita nya lang sa’kin ang mamahalin niyang tea?

Hindi ko na nga halos maramdaman ang paa ko dahil sa kahahanap sa lugar na ito. Nakakaimbyerna. 

“Oh Lucifer, you're here I thought hindi ka na tutuloy.” Marahas akong napalingon sa isang babaeng palapit sa pwesto namin. 

She's wearing a lab coat, nasa maayos na pagkakaipit rin ang itim na itim nyang buhok, she looks clean and neat tipikal na mga style ng isang doctor. Pansin ko lang ah, karamihan sa nakakasalamuha ko lately ay mga matatangkad. Nahiya ang cute na cute kong height. 

“Sushana,” Ibinaba nito ang hawak na cup at saka tumayo para kamayan ang babaeng bagong dating. “Yeah, but we could've been earlier...” Tiningnan ako ng walanghiya na para bang kasalanan ko pa na nahuli kami.

Nalipat ang paningin ng babae sa akin. “You must be Clover, My name is Sushana, Sushana Maetell.” masaya niyang pakilala matapos ay inilahad sa harapan ko ang kamay nya. 

Nagaalangan man ay tinanggap ko pa rin ang nakalahad niyang kamay. Hindi ko mapigilang mahumaling sa ganda niya, para siyang diyosa na bumaba sa lupa idagdag pa ang malambot niyang mga palad. Bahaw akong sinuklian sya ng ngiti, hindi nakatakas sa paningin ko ang marahan nyang paghaplos sa kamay ko. 

“Do you have a boyfriend?” she said smiling from ear to ear. “What about a girlfriend? Mind if I apply?” Literal na napanga nga ako sa tanong nito. Umurong ang dila ko at hindi nakasagot.

Sinilip ko si Cadrus and he just shrugged. “I gotta go, Sunny? I'll be back at three.” Tumingin ito kay doktora Sushana ipinapahiwatig na siya na ang bahala sa akin na tinanguan naman ng huli. Tingnan mo matapos akong pahirapan iiwanan lang din pala ako.

Napangiwi ako. “Alam mo kasi ang cute mo, dito ka nalang sakin. I'll definitely take care of—” 

“Ah talaga ba? You flirty homo!” Singit ng kung sino dahilan para maputol ang dapat na sasabihin ni doktora Sushana. 

“Ouch Jie! I-im s-sorry.” pinanood ko lang na pingutin nito ang tainga ni Doktora Sushana. “I-I was joking okay?” 

Tahimik lang akong nakamasid sa dalawang babaeng nagbabangayan sa harap ko. I have a wild guess that they're a couple, and to my surprise ay tama nga ako. 

“Hi Clover! I'm nurse Jiesi Tiano,” Nginitian ko sya ng umangkla sya sa braso ko. “So let's proceed, huwag mo nalang pansinin ang babaeng 'yan. Hindi ko iyan kilala.” Hinayaan ko ang sariling hilahin niya habang naiwan namang kumakamot sa batok nya si Doktora Sushana. 

Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto, pinaupo ako ni Ms. Jie sa isang mataas na kama sa uluhan ko ay mayroon ding ilaw. 

“What is your surrogacy agency Ms. Clover?” Umiling ako. “Wala?” 

“But you have an experience about surrogacy?” Sa pangalawang pagkakataon ay umiling ako. “Not even having a baby? what about a boyfriend? Sexual intercourse?” Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong umiling. 

“Sandali lang ha,” Sinenyasan nya si Doktora Sushana. “Maguusap lang kami ni Doktora, please wait a bit.” malamunay niyang ani bago hinila palabas ang babae. 

I can still see them argue, dahil nga isang ding ding na salamin lang naman ang harang. Masinsinan ang pauusap nila at hindi rin naman nagtagal ng bumalik sila dito sa loob.

“Are you ready?” Walang ano ano ay tumango ako kay Ms. Jie “Okay, we need a thorough medical screening before we proceed on placing the embryo.” Napakamot siya sa sintido bago sumulyap sa doktorang nakasandal sa pintuan. 

They looked at each other, as if they were talking about something. Kanina pa lang ay alam ko ng may problema. Bumuntong hininga muna si Doktora Sushana bago naglakad palapit sakin. 

“What have gotten into that jerk’s head.” Hinilot hilot niya ang sintido. “Pinapasakit talaga ng isang ‘yon ang ulo ko.” 

“Ano pong problema doktora?” tanong ko. 

Nagulat ako ng hawakan nya ang magkabilang balikat ko. “Are you sure about this?” Nagaalala nyang tanong. 

Dalawang beses akong tumango. “Sigurado na ako. ” Determinado kong sagot. 

“Hindi biro ang pagbubuntis expected na normal ang procedure ng delivery sa baby, are you ready to sacrifice that?” As I've said wala ng atrasan. At isa pa pinagisipan ko na ‘to ng mabuti. Mas importante si KitKat sa’kin kaysa sa virginity na iyan.

“Ms. Jie thank you,” Tiningnan ko silang dalawa bago binigyan ng isang malawak na ngiti. “But I am sure, I would like to take the risk.” 

The both of them sighed. “Fine, then we’ll start.” 

Nagsimula na nila akong i-examine mula sa dugo hanggang sa ihi ay kinuhanan nila ako. Napangiti ako ng habang ginagawa nila iyon ay nagkukulitan silang dalawa. This is really a definition of love, kahit pa pareho silang babae ay makikita mo talaga ang pagmamahal sa mata nila. Pansin ko pa nga ang palaging pagsulyap ni Doktora Sushana kay Ms. Jie habang inaasikaso ako. 

To be honest I feel comfortable with them. Nurse Jie is an epitome of the word kind. Sobrang bait nya at bagay talaga ang trabaho nyang pagiging nurse. Doctor Sushana is funny on the other hand, napaka kulit hindi ko nga alam kung doctor ba talaga siya. Yet given their differences they're still compatible for each other.

Ako kaya? Kailan ko mahahanap ang love of my life ko. Kahit hindi prince charming basta mamahalin lang ako. Ako nalang kasi ang napapagiwanan sa’ming magkakaibigan. Si Tina ay nagkaayos na ng fafa niyang hapon. Kahit nga si Rohan ay balita ko ay secretly dating. Si Raf naman ay wag nalang nating pag usapan. Maraming reserba ang isang iyon

Saktong naayos ko ang damit kong nakataas ng bumukas ang pinto. Jusko naman lord love life ang hinihingi ko hindi pasakit sa buhay. 

“Is it done—aww” Hindi na natapos ni Cadrus ang sasabihin nya nang sumalubong sa kanya ang stethoscope ka na hawak ni Doktora Sushana.

“Ang sabi ko maghanap ka ng surrogate mother! Iyong may experience!” Hindi nya tinigilan ng hampas ang huli. “Hindi ko sinabing magdala ka ng inosente at cute na babae!” 

“Sunny, ang stethoscope! Mahal iyan!” Saway naman ng katabi kong si Ms. Jie. 

Napasapo siya sa noo. “Halika na Clover, you want coffee? Kumain ka na ba?” sunod sunod niyang tanong. 

Naramdaman ko ang pagkalam ng tiyan ko. “Actually magugutom na nga ako, Ms. Jie.” Nahihiya kong sagot. 

Iginaya nya ako palabas ng kwarto. “May restau malapit lang dito, Tara?” suhestiyon nya na hindi ko naman tinanggihan. 

Tunay ngang malapit lang dahil ilang hakbang lang ang ginawa namin ay nakarating na kami. 

Siya na ang umorder at hindi nya na rin ako pinagbayad. Kahit naman singilin nya ako ay wala rin akong maibabayad. 

“Hindi ka manlang pinakain ng lalaking iyon?” Natawa ako sa inasal nya. Halata ang inis sa tono nya.

“Ayos lang Ms. Jie sanay nako.” Hinampas hampas ko pa ang dibdib umaaktong parang nasasaktan.

“Pagpasensyahan mo nalang si Lucifer ha? Hindi kasi gaanong maganda ang takbo ng utak nya this days.” Sumubo muna sya bago nagpatuloy. “Hindi naman kasi talaga ganyan ang lalaking ‘yan. His cool always comes first, iyon din ang dahilan kaya palaging pulido ang ginagawa niya.”

Inilapit ko pa ang katawan sa lamesa. Nakuha ang atensyon ko ng ikinukwento niya.

“Hindi ko rin naman alam ang problema niya, wala naman akong karapatang mangialam. But sometimes Sunny tells some story about him since they're best friend since high school.” Kumagat sya sa isang lobster bago pinagpatuloy ang pagsasalita. “Bukod sa palaging tutok sa pagaaral si Lucifer I often heard from Sunny about his family, I think he isn't in good terms with them. Ay, ang chismosa ko na!” Hindi ko mapigilang ma-cute-an nang napatakip sya sa bibig nya gamit ang tinidor.

“Ano ka ba Ms. Jie. Secret lang naman na sinabi mo sa'kin.” Pareho kaming natawa.

She sighed. “And lastly, I don't know why he's going crazy over this Trinity.” 

Nagpantig ang tainga ko. “Trinity?” 

“You didn't know? His long time finance, and also the biological mother of the baby you’ll conceive.” 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status