Share

Chapter 5.2

Madilim, wala akong makita dahil sa telang nakabalot sa mga mata ko. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero mukhang nakatali ako sa isang upuan. Grabeng kamalasan sa buhay. Simula talaga nang makilala ko si Cadrus ay wala ng nangyari kun’di puro kamalasan.

“Hoy! Pakawalan niyo ako rito!” abot ngala ngalang sigaw ko kahit pa wala akong makita.  

Isang tunog ng hampas ng bakal lamang ang nakuha kong sagot. “Ikaw! kung sino ka man, siguraduhin mo lang na hindi ako makakawala rito kung hindi—hindi ka na talaga sisikatan ng araw!” 

“Sino ba kayo hah! Ang kapal ng mukha niyong itali ang magandang katawan ko!”

Hindi ako tumigil sa pagsigaw hanggang sa may marinig akong kaluskos ng bakal. “Ha—hmp!” 

Pilit akong nagpupumiglas pero wala pa rin akong nagawa ng busalan ako nito sa bibig. 

“Mas maganda kung mananahimik ka nalang.” 

It’s a voice of a girl, at sa mga oras na ‘to ay gustong gusto ko na talagang manabunot.  Her voice sounded like she cared, at wala akong choice kung hindi ang sumunod. 

I hate deafening silence, I felt suffocated. Kaya hindi ako tumigil sa pagpupumiglas kahit pa may takip na ang bibig ko. 

“I didn't know Lucifer could be this stubborn,” Kumunot ang noo ko nang ibulong ‘yon ng babae.

“Milli, what are you doing here?” 

Bumaling ang ulo ko nang may bagong boses akong marinig. 

“Nothing. You know what you have to do.” 

Mga hakbang papalayo ang huli kong narinig hanggang sa pagsara ng pintuang bakal. 

“Mmm,” d***g ko matapos masilaw sa liwanag nang matanggal ang takip sa mata ko.

Ilang segundo bago bumalik sa maayos ang mga mata ko at ang unang bumungad sa’kin ay mukha ng isang lalaki. 

“Huwag kang matakot, hindi ikaw ang pakay ni Boss,” depensa niya sa masasamang tingin na ibinabato ko. “May ilang katanungan lang kami na kailangan mong sagutin.” 

Kaagad naningkit ang mga mata ko. Ano naman ang kailangan nilang itanong aber? Hindi ko alam na may question and answer portion pala rito. 

“Gaano katagal na kayong nagsasama ng Costello na ‘yon?” panimula niyang tanong.

Tinaasan ko siya ng kilay. Sige nga, makakasagot ba ako sa tinatanong niya kung hindi nga ako makapagsalita. 

Mukhang nakuha naman niya ang ipinapahiwatig ko at agarang tinanggal ang tela sa bibig ko. 

Pagkatanggal na pagkatanggal niya ay napabuga ako ng hangin, inunat unat ko rin ang panga ko, may konting laway pa na tumayak mula sa bibig ko, kadiri. 

Tumikhim muna ako. “Thank you for that wonderful question,” 

Pinagsalikop niya ang mga braso senyales na nauubos na ang pasensya niya. “Seryosong sagot Ms. Trinity Hernandez.” 

Nagpantig ang tainga ko sa itinawag niya sa’kin. “Ito na magseseryoso na nga. Una sa lahat hindi pa ganoong matagal simula ng makilala ko ang damuhong si Cadrus, siguro mga one months ago?” 

Pakiramdam ko ay nasa hot seat ako at ini-interrogate ng pulis dahil sa kahit anong Iwas ko ay hinahabol niya ang tingin ko. “Pangalawa hindi kami nagsasama, I mean oo magkasama kami sa iisang bahay, pero hindi as magjowa—kumbaga hindi mag boyfriend, girlfriend gano’n. We’re just two different citizens na namumuhay ng matiwasay, gets mo?” mahabang litanya ko. 

“Sating—” 

“Hep, hep, hep, sandali. Hindi pa ‘ko tapos magsalita ‘di ba? Patapusin mo muna ako!” Putol ko sa dapat na sasabihin niya. “Pangatlo, last na. Makinig kang mabuti. Sa pagkakatanda ko ay hindi Trinity ang pangalan ko, kun'di Clover. Clover-gorgeous-Alcantara. Malinaw? Huwag mo akong matawag-tawag na Trinity dahil allergic ako riyan.” 

Nagsalubong ang mga kilay niya. “O, ‘wag mo ‘ko matingnan-tingnan ng ganiyan, facts lahat ng sinabi ko.” 

Hindi pa siya kumbinsido kaya naman akmang maglalakad na siya palabas. “Sandali!” pagpigil ko. 

“Ano?” 

“Pakiluwagan naman ng kaunti dito sa bandang kamay ko nagsusugat na o,” Nguso ko sa taling mahigpit na nakatali sa kamay ko. 

Napangiti ako ng lumapit siya sa’kin at simulan ngang luwagan ang tali. I didn't think twice on kicking his groin using my right knee. Napaupo siya sa sakit at hindi ko mapigilang matuwa dahil do’n. Iyan ang pakiramdam ng sakit ng isang api. Ganti ko lang ‘yan sa ngalay at hapdi na nararamdaman ko sa kasukasuan ko, ni hindi manlang ako binigyan ng pagkain. 

Mariin akong napapikit ng akala ko ay sasampalin niya ako. Lumipas ang minuto at narinig ko na lamang ang padabog na pagsara ng bakal na pintuan. 

Well, I'm quite satisfied.

“Ay gwapong fafa!” 

Bigla akong tinamaan ng kahihiyan dahil sa isinigaw ko. Pagkamulat ng mga mata ko ay mukha nang lalaki kanina ang bumungad sa akin.  Dalawa na sila at ang isa ay kinakalagan ang tali sa mga kamay ko. Matapos matanggal ay itinali niya ulit, but this time nasa harapan na ang mga kamay ko at hindi na nakatali sa upuan. 

Hinawakan nila ako sa magkabilang braso, at walang pasabing hinatak palabas. “Aray, dahan dahan naman!” reklamo ko pero diretso lang ang tingin nilang dalawa. 

Ilang minuto pa kaming naglakad hanggang sa tumigil kami sa isang pinto. Itinulak nila ako sa loob at bago pa ako makaangal ay sinarado na nila kaagad. Wow, ‘di naman halatang na-trauma siya sa ginawa ko. 

Inilibot ko ang paningin. Malaki ang kwarto purong puti ang kulay, gano’n din ang mga gamit. May nakita akong isang gunting na nakapatong sa lamesa. Hindi na ako nagdalawang isip at kinuha iyon para putulin ang tali. Mayroon ding tray na puno ng pagkain. 

Nagaalangan pa sana ako baka may lason nang tumunog ang tiyan ko. “Bahala na,” Kinuha ko ang kutsara at sinimulang lantakan ang pagkain. 

In fairness, masarap siya.

Sinilip ko ang bintana sa labas. “Gabi na pala.” 

Napabuntong hininga ako. “Pa, I was caught up in trouble again. Pinangako ko sa ’yong hindi na ako papasok sa gulo, that I will live to the fullest. Pero gulo na ang lumalapit sa'kin, pa. Can't I have a peaceful life?” 

Pinunasan ko ang luhang kumawala sa mga mata ko. Ngayon ko pa talaga naisipang magdrama. Inihiga ko ang sarili at saka isinubsob ang mukha sa unan. Itutulog ko na lang ‘to. 

Pag gising ko ay hindi manlang ako nakapaghilamos. May telang nakatakip sa ulo ko at nakatali nanaman ang kamay ko. Umaalog ang kinauupuan ko kaya pakiwari ko ay nasa loob ako ng umaandar na sasakyan. Hay, buhay parang life. Wala manlang bang tutulong sa’kin. Buwisit na Cadrus ‘yon kahit pulis ‘di yata tumawag. 

Huminto ang sasakyan. Kaagad akong nasilaw ng bumukas ang gilid ko. “Dahan, dahan naman!” reklamo ko nang kaladkarin ako ng kung sino. 

Pilit nila akong pinalakad at matumba tumba pa ako dahil wala akong makita. Idagdag pa ‘yong mga pagtulak sa likod ko sa tuwing tumitigil ako. Matapos ng ilang minutong paglalakad ay may naramdaman akong mataas, hagdanan. 

“Alalayan niyo naman ako!” hiyaw ko ng muntikan na akong dumausdos pababa. “Tinakpan niyo na nga ang ulo ko, tapos hindi niyo pa ako inaalalayang maglakad. Ganiyan ba kayo kawalang puso!” 

“Let me,” Naramdaman ko ang malambot na kamay ang bumalot sa braso ko. 

It was the the same voice like the girl kahapon. Inalalayan niya akong maglakad sa hagdan hanggang sa makarating kami sa pantay na sahig. 

May narinig akong tunog ng trumpeta, pagkatapos ay ang sapilitang pagpapaluhod sa’kin. Isang mabigat na kamay ang pumatong sa balikat ko para pigilan ako sa pagtayo, pati ang ulo ko ay pilit na iniyuyuko. 

I felt a sudden chill ran down my spine. Tunog ng isang stilletos na tumatama sa sahig ang bumalot sa buong kwarto. 

“We have mistaken your majesty, I shall reserve thy punishment.” 

“Her feature, I want to see it.” 

Nadama ko ang pagtutok ng baril sa ulo ko. Pagkatapos ay ang pagbulong sa tainga ko na kailangan kong pumikit. Napakagat labi ako, ngayon ko lang napansin ang panginginig ng mga paa ko. They’re definitely on another level, mas nakakatakot ang awra na ibinibigay nila kumpara sa lalaking buong buhay kong kinatatakutan. 

Nahigit ko ang hininga ng mas humigpit ang pagkakatuktok ng baril sa'kin, matapos matanggal ang takip sa ulo ko. This is not an exaggeration, punong puno ng takot ang pakiramdam ko ngayon, sa puntong nanatili lang nakayuko ang mga ulo ko. I want to look up, but my mind is defying me.

Ito ang unang beses na makaramdam ako ng ganito. Nanatili akong nakatulala, until I heard a snap infront of me. 

“Are you okay? We’re already outside.” 

It's her, the girl. Ngayong nakita ko ang mukha niya ay kaagad akong nanliit, napakaganda niya. 

“My name is Milli,” Lahad niya ng kamay sa harapan ko. “Pasensiya ka na sa mga nangyari ngayon, we didn't mean to involved you into this.” 

“Hindi ko sasabihing ayos lang, kasi hindi talaga.” prangka kong sagot sa kanya. 

“Cadrus was my friend,” nagaalangan siya sa sasabihin. “It's a long story, and he hated me now.” 

“Bakit sinasabi mo sa’kin ‘yan?” takang tanong ko, hanggat maari ay ayoko ng bumalik pa sa posisyong kagaya ng kanina. 

“I just want you to give him this,” May iniabot siya sa’king bote na may lamang mga tablets sa loob. “Don’t worry, I mean no harm. The pharmaceutical company's receipt is here if you want.” 

“Para saan ba ‘to?”

“It's a medication for his insomnia.” 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status