Share

Chapter 4.1

Tiniklop ko ang isang damit at saka ipinasok sa maleta ko. Hindi nagtagal ay tinanggal ko ang inilagay ko. Napaupo na lang ako sa kama. 

“Hoy babaita!” Tiningala ko si Tina ng sermonan niya ako at ibalik ang kinuha kong damit. “Akala ko ba pinapunta mo’ko dito para tulungan kang magimpake? Ano’t tinatanggal mo din, pinahihirapan mo lang ako!” inis niyang sigaw. 

Isinangga ko ang kamay ng hampas hampasin niya ng damit. “Aray! Tama na.” 

Inirapan niya ako at saka tinigil ang paghampas. Napabuntong hininga ako at hinayaan ang sariling bumagsak sa kama. 

“Nagdadalawang isip ako tin, parang ayokong umalis.” wala sa sariling saad ko. 

Naramdaman ko ang pagtabi niya sa’kin. “P’wede ka pa naman mag-back out hindi ka pa naman yata natataniman ng bata sa tiyan.” Nakangiwi niyang ani. 

Kinurot ko siya dahil sa kalokohan niya. “Hindi na, nakapirma na ako.” nanlulumong sagot ko bago isinubsob ang ulo sa unan. 

“O’ edi ano pang inaarte-arte mo riyan ‘di ba kailangan mo ng pera, malaking pera na’yan.” 

Nanatili akong nakasubsob sa unan, hindi kasi ako sigurado. Kailangan kong iwanan si KitKat, wala namang problema iyon dahil alam ko namang hindi siya pababayaan ni Nay Amelia. Alam kong matagal akong mawawala, at sa oras na hanapin niya ako at hindi makita ay magtatampo na naman ‘yon. 

Ang lalaki kasing ‘yon, naku! Bakit naman kasi kailangan ko pang tumira sa kanya.

“Ano ba talagang pumipigil sa ’yong umalis?” 

“Hindi ko alam.” 

Bumangon ako sa kama at pinagpatuloy na ang pagtitiklop sa mga damit ko. 

Ang totoo ay alam ko naman talaga ang dahilan kung bakit ayaw kong umalis. Bukod sa ayaw kong iwanan si KitKat. Alam kong kapag sumama ako sa kaniya ay dapat handa na akong maipit sa kanilang dalawa ng girlfriend niya. 

Inayos ko na lahat ng gamit para saan pa’t iisipin ko ang alitan nila ng jowa gayong wala naman pala ‘yong isa.

Hindi naman gaanong marami ang dala kong gamit dahil na rin sa tulong ni Tina ay natapos ko agad ang pagiimpake. 

“Bes, alis na ako ah,” isinukbit niya ang bag habang nakatingin sa telepono niya. “Hinahanap na rin kasi ako ni Jiro.” tukoy niya kay Nijiro ang boyfriend niya. 

“Sige, salamat sa abala.” Kinawayan ko siya ng sumakay na siya ng taxi. “Ingat!” 

Nang tuluyan ng makaalis ang taxi na sinasakyan niya, ibinaba ko na rin ang kamay kong naiwan sa ere. Alas dose pa naman ako susunduin ni Lolo siguro pupunta muna ako kay KitKat at para makapagpaalam na rin kay Nay Amelia. 

Pagkarating sa ospital ay agad kong tinungo ang kwarto ni KitKat. Sa loob ay nakahiga sa isang couch si Nay Amelia. Hindi na ako nagbalak pang gisingin mamaya nalang ako magpapaalam. 

Tutal may tatlong oras pa naman ako naisipan ko munang maglibot libot. Dala pa rin ang maleta ko ay naglakad ako sa papasok sa isang playground ng ospital. 

Tiningnan ko ang orasan at eleven na pala kailangan ko ng umalis. 

“Watch out!” 

Saktong paglingon ko ay isang lilipad na batang nakasakay sa duyan ang sumalubong sa’kin dire-diretso siya at kung iiwas ako ay paniguradong titilapon siya. 

Nanatili akong nakatayo kahit pa kanina pa sigaw ng sigaw ang lalaking kasama niya sinasabihan akong umalis. Inilagay ko lahat ng lakas ko sa mga binti ko at sa hinawakan ang magkabilang bakal na tali na siyang sumusuporta sa upuan. Muntik pa akong mapahila pabalik nang pwersahin ko iyon dahilan ng pagtalbog ng bata sa’kin.

“Ayos ka lang?” 

Wala itong tigil sa pagiyak at mukhang gulat pa sa nangyari. Binuhat ko siya at saka nanggagalaiting tiningnan ang lalaking kasama niya.

“Sino namang tanga ang magtutulak ng ganoon kalakas sa isang bata?” hindi ko mapigilang sermon nang makalapit ako rito. 

“I-Im sorry,” Tiningala ko siya at kaagad namilog ang mga mata ko ng mamukhaan ito. 

Ibinaba ko muna ang bata bago dinuro-duro ang mukha niya. “Ikaw ‘yong sa elevator ‘di ba?” 

Napaismid ako talaga namang gwapo pa rin siya hindi naman gaanong matagal simula noong nakita ko siya sa elevator ‘yong maganda niyang ngiti at singkit na mga mata—Ay! Ano bang iniisip ko dapat galit ako kasi muntik na ‘kong ma-head shot kanina ng lumilipad na bata. 

Pumitik-pitik ako sa harap niya. “Okay ka lang?” Satingin ko ay natauhan naman siya dahil tumango siya. “Mag-ingat ka na sa susunod, hindi lang kita sisigawan kapag may batang nag-fly high ulit akong nakita!”  Saad ko bago kinuhang muli ang maleta ko at akmang aalis na. 

“Wait!” Tinaasan ko siya ng kilay nang hawakan niya ang braso ko. “Puwede ba kitang maayang magkape? As a sign of apology?” Nakahawak sa leeg niyang tanong. 

Nagsalubong ang mga kilay ko. “Maga-alas dose na at sobrang init, tapos inaaya mo ‘kong magkape? Gusto mo ba ‘kong mamatay?” Sarkasmo kong sagot. 

Inalis ko ang kamay niya at itinuloy na lang ang pagalis nang pigilan na naman niya ako. Ano bang problema ng lalaking ‘to?

“How about iced coffee?” 

Napabuntong hininga ako dahil sa kakulitan niya, for sure lagot na naman ako nito kay Lucifer the great. 

“Hindi ako pwedeng magtagal may pupuntahan pa’ko.” sagot ko sa kanya habang inginunguso ang maleta ko. 

Pangisi-ngisi niyang binuhat ang batang tumahan na ngayon. Siya na rin ang nagbuhat ng gamit ko, dapat lang ‘no kahit hindi ako nagrereklamo kanina pa talaga ako nabibigatan sa bag na iyan. 

Sinilip ko muna siya at saka sumimsim sa inumin na binili niya sa’kin. Muli kong tiningnan ang orasan sa cellphone ko may tatlongpung minuto pa naman ako. 

“Marcus Gonzalez by the way,” Inilahad niya ang kamay na tinitigan ko lang. Napansin niya yata na wala akong balak na tanggapin iyon kaya ibinaba na lang niya. 

“Clover, Clover Alcantara.” simpleng pakilala ko sa kanya. Nagtaka pa ako ng makita ang pagkagulat sa mukha niya.

“And this is Charles, my son.” Tukoy niya sa batang busy sa pagkain ng cake. 

Pinakatitigan ko ito. Kanina ko pa napapansing may mali sa batang ‘to. Sa ilang minuto namin rito sa cafe, he rarely talk. Hindi naman sa inuubliga ko siyang magsalita at kausapin ako, ‘di kaya naman na-trauma siya kanina?

Tumikhim si Marcus na ikinalingon ko. “Autism,” Pinunasan niya ang gilid ng labi nito bago tumingin sa’kin ng diretso. “Charles is Autistic.”

Isang mahabang katahimikan ang namayani. Hindi ako makapagsalita o mas magandang sabihin na natatakot akong baka hindi maganda ang lumabas sa bibig ko. 

“Sorry...” Tanging nasabi ko na lang.

He plastered a weak smile, “It’s fine.” 

Pakiramdam ko ay mas lalong naging awkward ang atmosphere sa pagitan namin. Hinawakan ko ang ulo ni Charles, ang gwapong bata. 

“Nasaan ang mama niya?” Basag ko sa katahimikan habang nakangiting pinapanood ang bata. “Hindi mo siya kamukha, siguro sa mama mo ka nagmana ‘no?” Gatong ko pa pero imbis na makatulong ay agad ko ring pinagsisihan. 

“She passed away...” Literal na napatampal ako sa bibig ko. “T-Ten years ago.” 

Clover naman, bakit ba napaka usisera mo?

“Naku sorry! Pasensya na naipaalala ko pa yata.” konsulta ko habang pasimpleng kinukurot ang sarili. “Alam mo kasi, ‘tong pagiging chismosa ko. Pahamak talaga.” 

Nakahinga ako ng maluwag nang tumawa siya. At talaga namang napaka-gwapo niya, makalaglag pant—puso oo makalaglag puso. 

Tila nagdidiwang ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya, hindi na’ko galit dahil sa ginawa niyang kamuntikan na akong tamaan kanina. Hindi ako feelingera ah, basta bati na kami. Dapat talaga tayong maging mapagbigay. 

Naistorbo ang pagpapantasya ko nang tumunog ang cellphone ko. At sa kamalas malasan naman ay si demonyo ang tumatawag. 

“You’re going? So soon.” tanong sa’kin ni Marcus na kaagad kong tinanguan. 

Nakalimutan kong kailangan ko na palang umalis at sumama sa demonyo. Don't worry my angel, i love yah. Wika ng malalandi kong hormones. 

“Oo eh, salamat nga pala sa pa kape.”

Hindi na ako gumamit ng straw at inisang tungga na lang ang kapeng hindi ko pa pala nauubos. 

Nagmamadali kong kinuha ang maleta at bag. Akmang tatayo na ng hawakan niya ang kaliwang kamay ko. Pansin ko lang kanina niya pa ako pinipigilan ah, marupok ako babe ‘wag kang ganiyan. Echos ka clover baka multuhin ka ng asawa niyan.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata nang magalangan pa siya sa sasabihin. “Would you mind if I tell you that...” 

Dire-diretso akong pumasok sa kotse ni Cadrus hindi ko na hinintay pa na pagbuksan niya ako. Mahirap na at baka iwan niya ulit ako, wala akong pera pamasahe at baka magkandaligaw-ligaw na naman ako roon. 

“Hey, can't you just slow down?” bungad niya sa’kin pagkapasok ko. 

“Alam kong mahal iyang kotse mo at wala akong pambayad kapag nagasgasan ko ‘yan pero anong pake ko?” Inirapan ko siya. “Puwede naman kasing si Lolo na lang ang maghatid sa’kin do’n, para sabihin ko sayo ayaw rin kitang makasama ng matagal!” mahabang litanya ko. 

Inismiran niya lang ako at saka pinaandar na ang sasakyan. Napangisi ako sa isiping siya ang driver ko. Hah! Ang isang Lucifer Cadrus Costello ay driver ko lang!

Napabuntong hininga ako ng maalala ko iyong sinabi ni Marcus. Hindi ko alam pero kaagad akong kinabahan dahil sa sinabi niya, baka naman nagkakamali lang siya. Pakiramdam ko ay paliit ng paliit ang mundong ginagalawan ko. 

“Would you mind if I tell you that you look like her? You really is look like Charles’s deceased mother.” 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status