Share

Hopelessly Smitten
Hopelessly Smitten
Author: Marilyn Torrevilas

Chapter 1

Nagkatingnan kaming tatlo nina mama at lola. 'Di pa sumasapit ang isang minuto nang lumabas mula sa isang kwarto si ate. Kahit pa nga nakapambahay na 'to ay makikita mo pa rin na libu-libo ang halaga ng mga suot niya.

'Di ko naman maiwasang 'di mailang, dahil si mama ay seryosong nakatingin sa 'kin, si lola naman ay pangiti-ngiti na parang galak na galak talaga siyang nakikita niya ako ngayon, pero si ate ay kakaiba ang tingin, parang may hinihintay siya mula sa 'kin, parang gusto niyang magsalita ako.

"Kumain ka na ba, 'nak?" tanong naman ni mama, at nagtagal naman ang tingin ko sa kaniya, biglang nanibago dahil tinawag niya 'kong anak niya. "Nagpadeliver na kami ng mga pagkain."

"A-ha?" nautal pa 'ko. Hindi naman ako kinakabahan o ano. Sadyang masyadong hindi kapani-paniwala ang nangyayari ngayon, idagdag pa ang mga tinginan nila na para bang inoobserbahan talaga nila 'ko. Maliban nalang kay lola, sanay na kasi ako sa presinsya niya kahit minsan lang kaming magkasama.

"Sige po," bulong ko nalang sa hangin, tumingin kay lola dahil ito nalang ang nakikita kong paraan para 'di tuluyang lumipad ang isipan ko.

"Okay, then," si mama, halata ang pagkasabik at kasiyahan sa mga mata niya. Instinct naman sa 'kin na umiwas kaagad ng tingin kapag babaling siya sa 'kin, dahil bagaman miss ko na rin 'to, kakaiba pa rin ang presinya niya. 'Yung pakiramdam na isa kang langgam 'tapos titingala ka sa isang tao. 'Yun ang nararamdaman ko ngayon.

"Let's go," blangkong sabi ni ate at kaagad akong nilampasan. Mabuti nalang talaga at nginitian ako ni lola kaya kahit papaano'y nagkaroon pa ng saya ang dibdib ko.

"Kumain na tayo, apo," tinig ni lola at tumayo ito, at dahan-dahang lumapit sa 'kin, may dalang walking stick bilang suporta sa balanse niya. May private nurse naman sa tabi nito para dagdag alalay na rin. "Mas maganda sana kung nandito rin ang papa mo."

Natahimik ako at nagbaba ng tingin sa marmol na sahig. Ngayong binanggit niya na naman ang pangalan ni papa, bumalik na naman ang pag-aalala sa dibdib ko, na nagtutulak sa 'kin na bumalik nalang sa bahay at sabihin kay papa na nagkita na kami nina ate at mama.

"Busy po si papa, lola," naisatinig ko nalang, maski nga ako'y 'di na narinig 'yun sa sobrang hina. "At isa pa, hindi po ako sigurado kong matutuwa ba siya kapag nakita niya si ate at si... mama."

"Basta, mag-aral ka nang mabuti," malambing na sabi niya sa 'kin. Parati niya 'tong pinapaalala sa 'kin -- sa personal man o sa online -- at napatango nalang ako. "If you will be successful someday, people won't treat you harshly."

Tahimik nalang akong napatango. Masaya ako at palagi kaming nagkakaintindihan ni lola. Kahit kailan kasi ay 'di niya 'ko pinilit na sumama kina mama, parati siyang nakikinig sa side ko, kung ano ang magpapasaya sa 'kin, malugod niya 'tong tatanggapin.

Alam kong nasaktan siya noong panahon na si papa ang pinili ko at hindi sila, kaya masaya talaga ako na maganda pa rin ang turing niya sa 'kin ngayon.

"You should use hayfork," walang emosyon na usal ni ate, basta ay kumunot nalang ang noo ko nang bigyan niya 'ko ng isang tinidor. Kusa naman akong napatingin sa bawat plato nila, at lahat sila ay may gamit na tinidor, ako lang talaga ang wala.

"Sorry," humina kaagad ang boses ko. Nahihiya ako, natahimik kaagad, hindi na makahinga nang maayos. Marahil pa nga'y isa na 'kong tanga sa paningin ni Isbelle.

"Frency," istriktong tawag ni mama sa 'kin. Inangatan ko naman siya ng tingin at nakita ang pagreklamo sa mga mata niya. "Don't say that again. You didn't commit mistake, hence don't say sorry."

"Sorry -- okay po," pautal-utal kong sagot, naramdaman ang hawak ni lola sa kamay ko mula sa ilalim ng lamesa para mapakalma ako. "Hindi lang po talaga ako sanay na gumamit ng tinidor, pakiramdam ko po kasi ay baka mahulog lang sa sahig."

"That's okay. That's normal," nakangiting sabi ni mama. Naghiwa 'to ng isang steak at pinatong sa kanin na nasa plato ko. Natulala naman ako sa ginawa niya, nabigla sa biglaan nitong kilos. "Para tie tayo."

Pinakita niya sa 'kin ang sarili nitong tinidor at nilapag sa isa pang bakanteng plato, ayaw na 'atang gamitin para masabayan ako. "Salamat," ang naibulong ko nalang at nagsimula na sa pagkain. Makalipas naman ang ilang minuto ay nagsigalawan naman ang mga maids sa paligid para ipagsalin kami ng juice. Samantala, hindi na 'ko nag-abala pa na magsalita.

"If you want, you can take a vacation in New York," biglang basag ni lola sa katahimikan. Sa 'kin pa nga 'to nakatingin. "I will take care of your passport."

"Ngii," nahihiya kong reaksyon at pinahiran ang sariling labi gamit ang siko. Kaagad naman akong nanigas nang ma-realize na masyadong 'di kagalang-galang ang kilos kong 'yun. Nakakaintimidate talaga sila. Parang kailangan ko pa 'atang mag-isip bago gumawa ng aksyon. Feeling ko dapat wala silang makitang mali sa 'kin.

"Don't be shy," singit ni ate, kumakain pa rin 'to at hindi na 'ko binalingan pa. Pakiramdam ko tuloy ay ginagamit niya nalang ang pagkain para hindi kami magkatinginan. "New York is a best place for a teen like you. Ayaw mo n'on, sa unang beses sa buhay mo ay makakasakay ka na ng eroplano."

Napatingin si lola sa kaniya, at 'di talaga makakalampas sa paningin ko ang pagsaway nito kay Isbelle gamit ang nanlalaking mga mata.

"Salamat po sa pagkain," bulong ko na naman sa hangin, napapaayos ng upo. "At salamat po sa offer, lola, pero nakakakaba pong bumiyahe mag-isa."

"Who says that? Of course, you will be having a vacation with your mom and sister."

"What?" angal kaagad ni ate. Sapat na ang pangungunot ng noo nito para masabing 'di 'to natuwa sa narinig. Actually, 'di niya naman kailangan pang mamoroblema, dahil wala naman sa plano ko ang sundin si lola. Hindi ko 'ata kayang makasama silang dalawa sa isang bakasyon. Hindi ko alam kung mas mapapalapit ba kami no'n o mas lalo lang mapapalayo sa isa't sa.

"What?" balik na tanong ni lola sa kaniya, walang humor sa boses. "You and your friends had a two-month vacation in Iceland, ito pa kaya na kapatid mo ang makakasama mo?"

Hindi nakasagot si ate roon, basta ay uminom nalang ito ng parang wine ba 'yun na kulay dark red. Nagkatinginan naman kami habang siya ay umiinom. Hindi ko kayang sabihin kay lola na ayaw ko ang gusto niyang mangyari, siguro ay maghahanap nalang ako ng tamang timing para umamin sa kaniya, since palagi niya naman akong pinapaboran.

"Since you are here," si lola na nakabaling na naman sa 'kin ang atensyon, kumikislap-kislap ang mga mata. "Tugtugan mo naman kami ng piano."

Umawang nalang ang mga labi ko sa gulat, mayamaya ay napakamot sa sariling ulo. Halata namang hinihintay nilang tatlo ang tugon ko, pero hindi pa rin ako makahanap ng tamang sasabihin.

Ilang taon na rin simula noong nakatugtog ako ng piano, at 'di ko na talaga alam kung may alam pa ba akong notes. Sa napakaraming pagkakataon, napabuga ako ng hininga. Kaya ko bang tumugtog? Kaya ko bang gawin ang bagay na naging dahilan din kaya naghiwalay sina mama at papa noon?

Kaya ko ba?

"He loves going here to play piano," bulong ni lola. Gusto ko pa nga sanang mag-request na banggitin niya muli ang sinabi kanina, pero tumahimik nalang ako at nag-isip-isip. "Kung okay lang naman sa 'yo, apo, kung kailan ka na handa."

"Titingnan ko po," nakangiti kong tugon. Pagkatapos ay tuwid akong tumayo na nagpangiti kina lola at mama. "Matagal-tagal na rin po simula noong nakahawak ako ng piano."

"That's still great!" malakas pero malambing na sigaw ni mama. Napangiti nalang tuloy ako kahit medyo kinakabahan pa. Samantala, si ate naman ay umiinom pa rin ng wine at blangko lang akong pinagmamasdan. Again, my mother laughed cheerfully. "I know how talented you are kagaya ng ate mo!"

Sabay silang tumayo tatlo. Sinadya naman nilang paunahin ako sa paglalakad, kaya naramdaman ko tuloy ang mahinang panginginig ng isa kong tuhod. Doon kami pumunta malapit sa staircase, at matatagpuan doon ang isang grand piano. Halatang may una nang nakagamit nito dahil makikita ang mga nota na nakasulat sa isang bond paper sa taas nito.

"Can you play the 'Clair de Lune'?" si lola. Mangha pa 'tong pumalakpak habang tinatanong 'yun. Natatawa nalang akong napahawak sa sariling balikat at hinilot-hilot 'to.

Inayos ko muna ang sariling buhok at umupo. Inangatan ko ng tingin ang papel. At least ay may guide ako. Malaking tulong na 'to para sa 'kin. Masuyo kong tinry ang black keys, pero 'agad akong napatigil nang may mabibigat pero mabibilis na yapak ang paparating sa 'min.

"Who are you?"

Isang lalaki na naka-jacket ang nagtanong sa 'kin noon -- hindi pa nga 'to nakabutones nang maayos kaya marahil ay nagmamadali 'to kanina. Naka-spartan na tsinelas 'to 'tapos 'di rin makakatakas sa paningin ko ang ngiwi sa mukha n'ya. "You must be Isbelle."

"Hindi po," bigla kong naisagot at tumayo. Sinenyasan ko nalang siyang umupo dahil mukhang siya ang tinutukoy ni lola na mahilig mag-play ng piano rito. "Handwritten mo po ba ang mga nota na 'yan?"

Dumapo sa chandelier ang tingin n'ya matapos marinig ang tanong kong 'yun. Isang minuto pa siyang nag-isip-isip na para bang palaisipan talaga sa kaniya ang tanong kong 'yun. Pero 'di naman 'to sumagot at basta nalang umupo.

Kusa tuloy akong napaatras at nanlaki ang mga mata nang biglaan niya naman akong binalingan. Ang isang daliri nito ay akma nang ipo-point ang isang key, pero napatigil lang dahil parang may gusto rin 'tong itanong sa 'kin.

"Are you Isbelle?"

"Hindi nga," si ate na ang nag-abalang magsalita. Napatingin naman ako kina mama at lola at napansin na inaabangan din nila ang lalaki na mag-play na ng piano. Inaamin ko ring malaking parte sa 'kin ang gusto rin siyang marinig na tumugtog.

"Do you know about John Cage's 4'33?" tanong na naman ng lalaki sa 'kin. Napaisip naman ako sandali, pero kinalauna'y napailing sa kawalan ng maisasagot. Pamilyar ang name 'non, at sure akong pianist ito, at hindi lang basta-basta kundi isang noble pianist. Basta ay pamilyar siya, 'di ko lang talaga maalala kung saan ko 'to narinig.

"Bakit 'di mo alam?" kunot niyang tanong at napakamot sa sariling noo. Mayamaya pa'y nag-stretch na 'to ng mga kamay, handa nang magsimula. Tinitigan niya naman ang piano. Buong akala ko pa nga'y gagalaw na siya, pero ilang minuto lang siyang ganoon. Pati nga sina lola at mama ay napahikab nalang. Nagtataka ko tuloy siyang kinunotan ng noo, walang ideya kung okay pa ba siya o ano.

"Naks," nakangisi niyang bulong sa sarili. Gumaan naman ang pakiramdam ko at nagsalita na siya riyan. "Was it impressive?" Maangas niya pa 'kong tinanguan, at doon ko napagtantong masyado siyang gwapo para sabihing high school student pa 'to. Parang college student na 'to.

"Wala kang ginawa, a'?" nalilito kong hula at inalog pa ang sarili para masigurong 'di ako ang may problema. "Tinitigan mo lang ang piano."

"Kaya nga 4'33," sagot niya at may binigay na bond paper sa 'kin, at parang sinuri pa ang mga suot ko. Pinagsawalang bahala ko nalang 'to at tumuwid nang tayo, habang siya ay tumagilid ng upo para siguro mas maayos niya 'kong makausap.

"That silence means embracing your surrounding," kagat-labi niyang dagdag at bumaba ang tingin sa katawan ko. Akala ko'y tatawa 'to pero umiwas lang 'to ng tingin at binawi sa kamay ko ang binigay niyang bond paper. "Marunong ka bang mag-piano? Ano ang mga kaya mong i-play?"

"Work of Claude Debussy, 'yung Clair de Lune," mahina kong tugon. "Pero baka nakalimutan ko na."

"That's impressive," komento niya habang may paghanga sa mga mata. "I want to learn that masterpiece, but it's not that easy. It's difficult -- you know -- that's one of the most famous masterpiece in 20th century."

"Iho," boses ni lola. "Siguradong magkakasundo kayo ng apo kong 'yan."

Napangiwi naman ako bilang reaksyon, pero 'di ko naman inaasahan na ngingisihan ako ng lalaki na para bang napaka-close na namin sa isa't isa. Dahil doon, napanguso ako at na-realize na kailangan ko na palang umuwi.

"Hoy, babalik ka, 'di ba?" kaagad na tanong ng lalaki. Halata na 'ata sa mukha ko na ganoon na nga ang mangyayari kasi kahit 'di pa 'ko nagpapaalam ay madalian siyang tumayo at inayos ang suot na jacket.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status