Naiwan ang mga grupo ni Evander sa abandunadong warehouse habang nauna naman nang umalis sina Davina at Caspian kasama si Max para idala na sa doctor si Caspian dahil sa tama ng bala sa likod niya. Hawak hawak ni Davina ang kamay ni Caspian at sunod sunod ang pagtulo ng mga luha niya dahil sa takot niyang baka may mangyari kay Caspian. “Huwag kang pipikit, huwag kang matutulog. Pakiusap Caspian, listen to me Baby.” nakikiusap niyang wika rito saka niya hinalikan ang kamay ni Caspian. Tipid lang namang ngumiti si Caspian. “Huwag kang umiyak na para bang mamamatay na ako. Hindi pa ako matatapos dito, iyan ang tatandaan mo.” mayabang niyang saad kahit na nahihirapan na siyang magsalita. Ngayon lang naman kasi siya tinamaan ng bala sa likod niya madalas kasi ay sa braso o sa mga hindi lang delikadong parte ng katawan niya. Bahagyang ngumiti si Caspian, ito na nga ba ang sinasabi niya, ang dumating ang mga araw na ganito. Hindi siya makakakilos ng maayos dahil may tao siyang prinoprotek
Halos maalimpungatan pa si Davina nang magising siya. Mabilis siyang bumangon dahil hindi niya alam na lumipat siya ng pwesto kagabi. Inilibot niya ang paningin niya sa paligid niya at nandun pa rin naman siya sa kwarto pero nasa isang malaking sofa na siya nakahiga.Hindi niya na namalayan na inilipat pala siya ng pwesto. Ang huling pagkakaalala niya kasi ay nakatulog siya sa gilid ng kama ni Caspian habang nananatiling nakaupo ang pwet niya sa stool.“Mabuti naman at gising ka na, ipapatawag ko na sana ang Doctor dahil baka hindi maganda ang pakiramdam mo.” wika ni Evander sa kaniya. Napahilamos naman si Davina sa mukha niya. Ramdam pa niya ang antok niya pero kumakalam na ang sikmura niya. Hindi niya alam kung anong oras na ba.“Gising ka na pala, ito na lang ang binili kong pananghalian mo. Lumamig na kasi yung ibinili naming pagkain mo kanina dahil akala namin magigising ka ng maaga.” Saad din ni Max na bagong pasok lang ng kwarto.Napakunot na lang ng noo si Davina dahil sa sina
“Balak mo bang punuin ng bala ang katawan mo?” tanong ni Davina habang binibihisan niya si Caspian. Simula yata nang makilala niya si Caspian, ilang beses niya na itong nakitang may benda sa katawan.“Kung kailangan kitang iligtas, wala akong magagawa kung mapupuno ng scar galing sa mga bala ng baril ang katawan ko—ahh!” daing niya na naman nang diinan ni Davina ang gilid ng sugat ni Caspian.“Akala mo palagi akong nakikipagbiruan. Huwag na huwag mo yung gagawin dahil kaya ko naman ang sarili ko.”“Masyado kang tiwala sa kaya mong gawin, tanggal angas mo kapag ikaw ang tinamaan.” Para ng batang nakikipag-usap si Caspian pero sa harap lang naman ni Davina. Masyado siyang seryoso kapag mga kasamahan niya ang kasama niya.“Nyenyenye,” tila batang saad ni Davina habang nakanguso ang labi niya. Nang matapos niyang bihisan at linisan ng katawan si Caspian ay naupo na siya sa harap nito. Hinaplos ni Caspian ang pisngi ni Davina at matamis siyang nakangiti sa dalaga.“Hindi mo ako dapat alala
Hawak-hawak ni Evander si Davina habang nakatutok pa rin ang baril niya sa ulo nito.“Subukan niyong lumapit, papatayin ko talaga ang babaeng ito.” Seryosong saad ni Evander.“See? I told you! Hindi sila mapagkakatiwalaan dahil kapag nagkagipitan, ikaw ang talo Davina.” Ani pa ni Mr. Flores pero hindi nagsasalita si Davina.“Wala akong pakialam sa sinasabi mo Mr. Flores. Utusan mo ang mga tauhan mong ibaba nila ang mga baril nila dahil kung hindi, hindi ako magdadalawang isip na iputok ‘to.” Ikinasa ni Evander ang baril niya kaya nataranta si Mr. Flores. Itinaas niya na ang mga kamay niya.“Gawin niyo ang sinabi niya.” Baling ni Mr. Flores sa mga tauhan niya.Nagngingitngit naman ang mga ngipin ni Kenzo habang nakatingin kay Davina at Evander.“Don’t you dare to hurt her or else I will kill you.” Madiing saad ni Kenzo kay Evander pero hindi siya pinansin ni Evander.Dahan dahan na silang naglakad palabas ng kwarto habang paatras din sina Mr. Flores at Kenzo para bigyan ng daan si Evan
Inilabas ni Kenzo si Davina na tahimik pa rin. Inalis ni Davina ang kamay ni Kenzo na nakahawak sa kaniya saka siya naunang maglakad kay Kenzo dahil mas nakakataas pa rin naman siya kay Kenzo. Dumaan sila sa likod kung saan bihira lang ang mga tao saka naupo si Davina sa isang bench. Nakasunod lang naman sa kaniya si Kenzo.Hinarap ni Kenzo si Davina at tiningnan ang sugat sa gilid ng labi nito. Iniwas naman ni Davina ang paningin niya dahil kahit papaano ay nahihiya siya kay Kenzo dahil sa nangyayari sa kaniya.“Nagdala ako ng gamot para sa sugat mo sa labi mo, hayaan mong gamutin ko na muna.” Malumanay niyang wika, dapat ay magalit din siya kay Davina pero kabaliktaran ang inaasahan ngayon ni Davina.Maingat na hinawakan ni Kenzo ang baba ni Davina saka niya pinahiran ang gilid ng labi ni Davina gamit ang bulak.“Bakit hinayaan mong manahimik ka lang? Masyado akong naninibago, nasaan na ang Davina na walang kinatatakutan kahit sino pang superior ang kumausap sayo. Bakit mo hinayaan
Maayos na ang itsura ni Davina, suot-suot ang uniform niya. Halos lahat ng mga nakakasalubong niya ay bumabati sa kaniya at ang iba naman ay umiiwas dahil kilala na nila si Davina. Diretso at taas noo maglakad si Davina at blangko lang ang mukha niya at hindi mo gugustuhing banggain siya.Bago siya makapunta sa office ng ama niya ay nakasalubong niya na si Kenzo na nakasandal pa sa pader at nakabulsa ang dalawa niyang kamay. Hindi na lang siya inimikan ni Davina at dumiretso si Davina sa office ng Daddy niya habang nakasunod sa kaniya si Kenzo.Kumatok na muna siya sa pintuan ng tatlong beses saka niya ito binuksan. Naabutan niya naman ang ama niyang nakatingin lang sa labas ng bintana habang nakapamulsa ang dalawa niyang kamay.“Good morning Sir,” sabay na bati ni Davina at Kenzo. Hinarap naman na ni Mr. Flores ang dalawa saka siya naupo sa swivel chair niya at pinaglalaruan ang ball pen sa mga daliri niya. Hindi niya alam kung paano ba niya sisimulan na sabihin lahat kay Davina laha
Masayang kumakain ang pamilya ni Senator Oscar sa isang mamahaling restaurant sa hotel. Nakabantay lang naman sina Davina sa gilid kasama ng mga nasa team niya. Nakamasid siya sa labas ng bintana, hindi siya mapakali dahil iba ang pakiramdam niya.Napatingin sa kaniya ang mga kasama niya nang maglakad-lakad si Davina sa gilid ng glass wall. Salubong ang mga kilay ni Davina saka siya tumingin sa labas ng glass wall, wala naman siyang ibang makita kundi ang mga nagtataasan na building din sa labas at ang mga nagmistulang mga laruan na sasakyan sa ibaba.Tiningnan ni Davina ang masayang pamilya ng senador na kumakain saka siya may pinindot sa ear piece niya.“Kumusta ang lagay diyan sa labas? Wala bang kahina-hinala?” tanong niya kay Rose at Mateo na siyang nagbabantay sa labas ng kwarto.“Wala naman, maayos naman ang lahat.” sagot ng mga ito sa kaniya. Masyado lang sigurong napapraning si Davina dahil halos kababalik niya lang ulit ng trabaho niya.Nanatili silang nagbabantay pero si Da
Nakabalik na sina Davina sa headquarter nila at pare-pareho silang tahimik. Nang pumasok sila sa office ni Mr. Flores ay sabay-sabay silang yumuko at bumati rito. “What happened?” unang tanong kaagad ni Mr. Flores sa kanila. “Paanong nawala sa inyo si Senator Oscar? Sinabi ko sa inyong bantayan niyo siya ng mabuti. Nasa loob na kayo ng building, sa isang kwarto pero bakit natakasan pa rin kayo ng kung sino mang nanguha sa kaniya?” may diin ang bawat bigkas niya ng mga salita. Ayaw niyang sigawan ang mga tauhan niya gayong hindi rin naman nila ginusto ang nangyari. “Pasensya na Sir, sa tagal na nawalan ng power hindi na namin namalayan dahil walang kaingay-ingay na nagawa ang kidnapper. May sniper din na nakaabang kaya hindi namin pwedeng buksan ang mga flashlight namin kaya naisip na lang namin na palabasin sila kahit na madilim at dahil nga madilim hindi na namin nakita na natangay na pala si Senator Oscar.” Pagpapaliwanag naman ni Davina na siyang nasa harapan. Napakamot na lang s