Share

Kabanata 60

Halos maalimpungatan pa si Davina nang magising siya. Mabilis siyang bumangon dahil hindi niya alam na lumipat siya ng pwesto kagabi. Inilibot niya ang paningin niya sa paligid niya at nandun pa rin naman siya sa kwarto pero nasa isang malaking sofa na siya nakahiga.

Hindi niya na namalayan na inilipat pala siya ng pwesto. Ang huling pagkakaalala niya kasi ay nakatulog siya sa gilid ng kama ni Caspian habang nananatiling nakaupo ang pwet niya sa stool.

“Mabuti naman at gising ka na, ipapatawag ko na sana ang Doctor dahil baka hindi maganda ang pakiramdam mo.” wika ni Evander sa kaniya. Napahilamos naman si Davina sa mukha niya. Ramdam pa niya ang antok niya pero kumakalam na ang sikmura niya. Hindi niya alam kung anong oras na ba.

“Gising ka na pala, ito na lang ang binili kong pananghalian mo. Lumamig na kasi yung ibinili naming pagkain mo kanina dahil akala namin magigising ka ng maaga.” Saad din ni Max na bagong pasok lang ng kwarto.

Napakunot na lang ng noo si Davina dahil sa sina
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status