Tulog na ang matanda nang dumating ang doctor. Nanatili lang si Stella sa isang tabi at walang balak umalis kahit masama ang tingin sa kaniya ni Sophie."Mabuti na lang at naagapan ang pagtaas pa ng kaniyang dugo. Iwasan ninyong magalit siya ng husto." Payo ng doctor sa pamilya ng pasyente."Paalisin mo na siya, kuya, bago pa magising si Lolo upang hindi na muli sumama ang pakiramdam ni Lolo." Turo ni Sophie kay Stella."Kung wala ka lang ding sasabihing matino ay tumahimik ka, Sophie!" he said in stern voice.Mariing naglapat ang mga labi ni Sophie at nagpupuyos sa galit ang kalooban. Siya lamang ang nakarinig sa sinabi ng kapatid pero sobra siyang napahiya dahil parang kinakampihan pa si Stella."Kailangan niyo siyang dalhin bukas ng umaga sa hospital at kailangan e check ang dugo at ihi niya." Bilin ng doctor habang inaayos ang laman ng bag at paalis na rin."Maraming salamat po, doc." Nakipagkamay si Charles sa manggagamot bago ito hinatid hanggang sa labas ng bahay.Walang salita
Dapat nga ay magpasalamat ka sa akin at maging mabait. Baka nakalimutan mong may pinagpiliian ka pa noon sa pag-alis?"Mabilis na luminga sa paligid si Elizabeth at baka may ibang makarinig sa sinasabi ni Stella. "You, shut up! Walang maniniwala sa iyo kahit magsalita ka sa kanila!"Nang-uuyam ang tinging ipinukol niya kay Elizabeth. Ang galing nitong magpanggap katulad ni Magda. Si Sophie ay nagagamit din nito at nahawaan sa kaplastikan ng ugali ng mga ito."Huwag kang mag-alala, wala naman akong balak bumalik sa pamilyang ito kaya manatili ang sekreto mo."Nagpupuyos sa galit na sinundan ng tingin ni Elizabeth si Stella. Matapos nitong magsalita ay tinalikuran na siya na para bang isang basurang kausap.Sa loob ng library, tahimik na lumapit si Sophie sa kapatid. Pagtingin niya sa madrasta ay ang tahimik din nito. Nakaka intimidate ang aura ng mukha ng kapatid niya at maging siya ay takot na magtanong kung bakit sila pinatawag doon."Sabihin niyo na sa akin ngayon ang lahat."Nagka
"Huwag kang mag-alala, ibabalik ko kay Lolo ang singsing. Nakalimutan kong siya ang nagbigay niyon sa akin."Bumuka ang bibig ni Charles ngunit muli ring naitikom. Hindi niya mabigkas ang laman ng isipan at pinangungunahan na naman siya ng kaniyang ego."Marahil ay ang singsing ang hinihintay mo para mapakasalan na si Elizabeth.""Kaya ko siyang pakasalan kahit wala ang singsing na iyan!" Gustong tumikwas ng kilay niya nang mapansing nag-igtingan ang panga ng binata. Hindi niya alam kung ano ang ikinagagalit nito at may diin pa ang bawat salitang namutawi sa bibig nito. "Okay, hindi naman pala dapat ako makunsensya kung nakit hindi pa kayo kasal. Ang alahas ay puwede mong kunin kung nanghihinayang kang mapunta sa katulong. Pero ang mga damit,bag at sapatos, hayaan mo na sanang mapunta kay Marimar."Lalo lamang napatiim bagang si Charles. Parang wala lang kuwenta para sa dalaga ang mga gamit nito. Talagang ipinamumukha nito sa kaniya ngayon na hindi na mahalaga ang lahat na may kaug
Fate 22-PagkalitoMabilis niyang pinunasan ang labi na para bang nandidiri nang makalayo kay Charles. Gusto niya sana itong murahin ngunit biglang tumunog ang cellphone niya. Pagkakita ng caller ay agad iyong sinagot kahit kaharap pa si Charles. "Mommy, I'm going to sleep now po." Paglalambing ni Zion sa ina.Napangiti si Stella pagkarinig sa boses ng anak. Kahit papaano ay nabawasan ang inis na nadarama. "Yes, baby, sorry kung hindi ako nakatawag kanina. Kumain ka na ba?"Naikuyom ni Charles ang kamao nang makita sa mukha ni Stella ang tuwa habang kausap ang tao sa kabilang linya. Ang ganoong tono ng babae sa pakipag-usap ay sa kaniya lang ginagamit noon. At ngayon? Mukha ngang mahal na mahal nito ang taong kausap dahil dito na ginagamit ang ganoong tono."Yes po, mommy. I miss you!"Muling napangiti si Stella sa paglalambing ng anak. Kung nasa harapan niya lang ito ay tiyak napupog na niya ng halik sa pisngi ang bata. "I miss you too, baby!"Lalong dumilim ang anyo ni Charles. Mukh
"Honey, here's your coffee." Nakangiting inilapag ni Elizabeth ang tinimplang kape sa harapan ni Charles. Nagpumilit siyang ipagtimpla ito kahit tumanggi ang binata.Hinilot ni Charles ang sintido at nanatiling nakayuko ang ulo. Kulang na namam siya sa tulog kaya nagkakaganito."Honey, inumin mo na ang kape habang mainit pa." Paglalambing niyang muli sa binata."Fresh milk dapat ang pinapainum mo sa kaniya."Salubong ang mga kilay na nag-angat ng tingin si Charles pagkarinig sa tinig ni Stella. Ngumiti si Stella sa dalawa bago lumapit sa refrigerator. Natuwa siya nang makita ang gatas na binibili niya noon. Kanina ay wala pa iyon doon kaya mukhang nag-order online si Charles. Alam niyang ayaw ng binata ng gatas. Napilitan lamang ito noong lumipat na sila sa bahay na ito at naging mapilit siya.Inis na hinarap ni Elizabeth si Stella, "hindi umiinum ng gatas si Charles." Mataray niyang sagot sa babae.Parang walang narinig si Stella at dinampot ang isang fresh milk. Sinalinan ang baso
"Lolo, matulog na po kayo at titingnan ko rin si Charles bago tumuloy sa silid ko."Nakangiting pumikit na ng mga mata si Ramon bago nagpasalamat sa dalaga. Matutulog siyang umaasa na bukas ay may magandang result ang ginawa niya ngayon. Nang masiguro niyang tulog na ang matanda ay lumabas na si Stella. Naghihintay sa labas ng bahay si Alex at dala ang gamit na kailangan niya. "Ma'am, hinahanap ka sa akin ng abuelo mo." Nakayuko ang ulo ni Alex sa harapan ng dalaga."Tatawagan ko siya," ani Stella habang kinukuha ang tamang laki lang na bag mula sa personal bodyguard niya. Muling yumuko si Alex at nagpaalam na sa dalaga. Ito lang ang maganda sa pamilyang pinagsisilbihan, hindi sila pinipilit magsalita ng kapamilya tungkol sa impormasyon ng pinagsisilbihan nila. Mula sa terrace ay napahigpit ang hawak ni Charles sa kopitang may lamang red wine. Nakikita niya si Stella at kausap ang lalaking dahilan ng kanilang paghihiwalay. Pero nangunot ang noo niya nang magyuko ng ulo ang lalaki
"Mi-minahal mo ba talaga ako?" nabubulol na tanong ni Charles kay Stella."Ano pa ang kwenta kung sasagutin ko ang tanong mo? Naiirita na siya sa paulit-ulit na tanong at pamimintang sa kaniya ng binata."Akin ka lang 'di ba?" Sumuray ang lakad ng binata palapit sa dalaga dala ng kalasingan.Napailing si Stella at sa halip na umiwas sa binata ay tinulungan niya ito bago pa matumba. Alam niyang hindi siya nito magawan ng hindi maganda dahil lasing na ito. Hindi naman siya ganoong kasama para ipagtulakan ito palabas ng silid. Isa pa ay inaalala ng matanda na baka hindi pa ito natutulog. "Shh-Stella...""Damn!" Napamura siya nang sumubsob ang mukha ni Charles sa kaniyang dibdib. Muntik pa siyang matumba dahil nasa kaniya lahat ng bigat nito. "Stella... ba-bakit mo ako ginaganito?""What the hell, Charles? Alam mong hindi mo kaya ang iyong sarili kapag lasing ka pero uminum ka pa rin ng marami?" Sermon niya rito at hirap na naglakad papuntang kama.Pabagsak na naihiga niya ang binata sa
Hindi na nabura ang ngiti sa labi ni Ramon hanggang sa makalabas ng bahay. Masaya siyang nakikitang magkasama ngayon ang dalawa."Lolo, ayos lang po ba kayo?" Malambing na tanong ni Sophie sa abuelo.Ngumiti si Ramon sa dalaga. Masaya rin siyang nakikitang hindi na nito inaaway si Stella.Tumabi si Sophie sa abuelo at ayaw niyang maagaw muli ni Stella ang atensyon nito . Pero dahil sa ginawa niya ay sa kapatid naman niya ito napatabi sa unahan ng sasakyan. "Wala naman si Elizabeth," bulong niya sa sarili. Ang mahalaga ay nasa kaniya ang atensyon ng abuelo.Tahimik lang si Stella sa kinaupuan at inabala ang sarili sa cellphone. Natanggap niya ang selfie picture ng anak habang nag-aalmusal ito. Napangiti siya bago nagtipa ng reply sa yaya ng kaniyang anak.Napahigpit ang hawak ni Charles sa manubela nang makitang abala si Stella sa cellphone nito. Mukhang ang asawa nito ang kausap.Pagdating sa hospital, tahimik na sumunod lang si Stella sa dalawang magkapatid na nagtutulak sa wheelchai