Share

Chapter 46

Pagpasok ni Claire sa maliit na condo na inuupahan ni Tyron ay agad na niyang naamoy ang alak sa paligid. Nagkalat sa sala ang mga basyo ng bote ng beer pati na rin mga balat ng junk food na ginawa nitong pulutan. Ang mga throw pillow ay walang kaayos-ayos at iba ay nasa sahig na. In short, the living room was totally messed up.

Uminit ang ulo niya sa nakita niyang kalat sa loob ng condo ni Tyron ngunit mas lalong uminit ang ulo niya nang makita niya itong nakahiga sa sahig at walang kaayusan ang hitsura. Mahaba na ang bigote nito na halatadong ilang araw nang hindi nagugupitan.

Inis na nilapitan niya si Tyron at niyugyog ng malakas ang balikat nito. "Tyron, wake up! Ano ba ang ginagawa mo sa sarili?" galit na tanong niya sa lalaki.

Umungol lamang si Tyron at pagalit na inalis ang kamay niyang nakahawak sa balikat nito ngunit hindi ito nagmulat ng mga mata kaya lalo siyang nabuwisit. Kung hindi lamang niya ito mahal ay hahayaan niya ito sa anumang nais nitong gawin sa buhay nito.

Ila
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status