Share

Chapter 50

Nakaramdam ng pagkailang si Arielle habang sinisipat ng tingin ng dati niyang mga kaklase ang kabuuan niya. Hindi talaga sila makapaniwala sa nakita nilang malaking transformation niya. Pakiramdam tuloy niya ay napaka-panget niya noon.

"Arielle Simpson? Is that really you?" Sa wakas isa sa mga kaklase niya ang pumutol sa awkward na pagkakatingin ng mga kaklase niya sa kanya. Tumayo ito at nilapitan siya para igiya sa bakanteng upuan na katapat ng upuan ni Claire.

"Sino pa ba sa akala ninyo? Iisa lang naman ang Arielle Simpson na naging kaklase ninyo noong senior high," nakangiting sagot niya kay Billy na siyang nagtanong. Idinaan na lamang niya sa pagngiti ang nararamdaman niyang pagkailang.

Huminga siya ng malalim at pinilit na maging kaswal ang kanyang kilos. Ayaw niyang mahalata ni Claire na naiilang siya at gusto rin niyang maging confident sa harapan ng mga kaklase nila lalo na iyong mga kaklase niya noon na mahilig mam-bully sa kanya dahil sa kanyang pagiging nerd manamit.

"Hi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status