Share

Chapter 51

Mahigit limang minuto bago sabay na bumalik sa kanilang mga upuan sina Tyron at Claire. Pagbalik nila ay pareho na silang nakangiti na parang walang nangyari. Lihim na lamang na napaismid si Arielle dahil alam niyang pinipigilan lamang nila ang galit nila para sa kanya.

Bumalik ang sigla sa mesa nila at muli silang nagkuwentuhan.

"Arielle, I have a question for you," tanong sa kanya ni Lilac. Mukhang hindi pa siya tapos sa pagtatangkang ipahiya siya.

"Of course, you can ask me anything that you want to know," nakangiti niyang sagot sa babae. Akala siguro nito ay aatrasan niya ang tanong nito.

Ngumiti si Lilac sa kanya na para bang nakakasigurado ito na mapapahiya siya sa itatanong nito sa kanya.

"I heard that you hired a bodyguard to protect you fell in love with him. Wala na bang ibang lalaki at pati ang isang hamak na bodyguard ay pinatulan mo?"

Biglang tumalim ang tingin niya kay Lilac. Wala siyang pakialam kung nakikita man ng mga dati niyang kaklase ang masamang tingin niya sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status