Share

Chapter 48

Sabay na tumaas ang mga kilay nina Arielle at ng kaibigan niya nang marinig nila ang sinabi ng lalaking lumapit at kumausap sa kanila. Guwapo ang lalaki sa totoong salita ng guwapo ngunit sa kilos at pananalita nito ay halatadong playboy. At sa tingin niya ay ang kaibigan niya ang balak puntiryahin ng lalaki.

Nilingon niya ang pinanggalingan nito ngunit wala naman siyang nakitang bakanteng table kaya nasaan ang sinasabi nito na nag-iisa lamang ito sa table nito? Nakita niya ang isang lalaking nakaupo sa mesa ngunit nakayuko ang ulo nito at parang may inaabot sa ilalim kaya hindi niya makita ang mukha nito.

Nagkibit na lamang siya ng balikat at inisip na baka umalis ang lalaki sa mesa at pagbalik ay may nakaupo nang iba. Hindi na lang din niya pinagtuunan ng pansin ang lalaking nakita niyang may inaabot sa ilalim ng mesa. Ibinalik niya ang tingin sa lalaking nasa harap nila. Mukhang interested ito kay Kim dahil mas sa kaibigan niya nakapokus ang mga mata nito.

"Mukhang wala kang nauto
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status