Share

Kabanata 112

MIKAY

Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga kada maaalala ko ang mga sinabi ni Mama. Makasarili ba ako? Ginawa ko lang naman ang dapat gawin. Ginagawa ko lang naman ito para maprotektahan ang sarili ko... si Dal. Pero bakit pakiramdam ko... mariin kong ipinikit ang aking mga mata.

"Moma, hindi po ako makatulog."

Nilapitan ako ni Dal habang pinupunasan niya ang kaniyang mga mata.

"Moma, hindi ka rin po ba makatulog? May iniisip ka po ba?"

Binuhat ko siya at pinaupo sa aking hita.

"Okay ka lang po ba, Moma?"

Hinawakan niya ang aking mukha habang titig na titig ito sa akin.

"Okay lang ako. Bakit hindi ka makatulog? Maaga pa tayong pupunta sa hospital bukas para sa checkup mo."

"Hindi po ako makatulog," simpleng sagot niya.

Naaawa rin naman ako sa anak ko sa tuwing sinasabihan siyang walang tatay... nadudurog ang puso ko sa tuwing nakikita ko siyang malungkot.

"Anak, bakit hindi ka nagtatanong sa akin tungkol sa kung sino ang tatay mo?"

Hindi rin naman kasi kami masyadong nakakap
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status