All Chapters of Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog): Chapter 131 - Chapter 140
142 Chapters
Kabanata One Hundred Thirty
TULAD ng ipinag-utos ni Don Raul, sinunog lahat ng mga kabahayan sa nayon ng Pinagsanjan at ni isa ay walang tinira na tanging abo na lang ang naiwang bakas na unti-unting tinatangay ng hangin. Lahat ng mga taong naroon: bata, matanda at maging ang mga buntis o bagong panganak ay dinampot at iginapos para dalhin sa Amadeo para doon ay ikulong.  Ang kalupitan ni Don Raul ay hindi natapos at nagpatuloy hanggang sa aming paglalakbay pabalik sa bayan ng Amadeo. Simula ng umalis kami sa bayan ng Pagsanjan nang tanghaling tapat ay hindi pa rin kami tumitigil sa paglalakad na halos natatakpan na ng kadiliman ang buong kalangitan at paligid. Halos lahat kami na kanilang bihag ay pagod at nagugutom at nauuhaw na sa haba ng aming nilakad.“Mawalang galang lamang, ngunit, maaari bang magpahinga kahit saglit?” pakiusap na tanong ng isang Ginang na may bitbit na bata sa Guardia Civil ngunit tila bingi ito at hindi pinakinggan ang Ginang.“Pakiusap, Ginoo, kah
Read more
Kabanata One Hundred Thirty-One
LUMIPAS ang apat na araw na hindi namin namalayan hanggang sa nakarating na kami sa Amadeo. Sa mga araw na iyon ay konting mais at tubig ang naging laman ng aming mga tiyan para maitawid ang buong paglalakbay. Lahat sa amin ay nanghihina na sa labis na gutom at pagod ngunit wala kaming magawa dahil iyon ang ipinag-utos ni Don Raul. Literal na Death March ang ginawa sa amin halos pareho sa nangyari sa panahon ng mga hapon, ang makakasaysayang Bataan Death March.Akala ko ay doon na nagtatapos ang pagpapahirap sa amin ngunit nagkakamali pala ako ngunit nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad.Napatingin ako sa Guardia Civil na nasa aming gilid. “Sandali, saan niyo kami dadalhin?” tanong ko sa kanya ngunit nanatili itong walang imik.“Tinatanong kita kaya sumagot ka! Saan niyo kami dadal—”Hindi ko nagawang tapusin ang aking sasabihin nang maramdaman ko na may kamay na humawak sa akin dahilan para mapalingon ako at nakita ko si Joa
Read more
Kabanata One Hundred Thirty-Two
HUMARAP siya sa taumbayan bago nagsalita. “Para sa inyong kaalaman walang katotohanan ang lahat ng sinasabi ng demonyong ‘yan!” sabay turo kay Don Raul. “Huwag kayong maniwala sa mga mabubulaklak niyang pananalita dahil nililinlang niya lamang kayo! Hindi niyo alam kung ilang tao ang pinatay at dinamay niya nang dahil sa labis na galit niya sa sarili niyang asawa at anak nang dahil lang sa isang selos at makitid niyang pag-iisip!”“Maghunos-dili ka sa iyong pananalita dahil hindi mo alam ang buong pangyayari!” sigaw ni Aling Mina. “Wala kang sapat na ebidensiya sa mga paratang na sinasabi mo sa aming Gobernador-Heneral!”“Bakit? Ano rin ba ang alam mo?” tanong sa kanya ni Mang Delfin na tono ng pamimilosopo. “Hindi ikaw ang nakakita kung paano niya pinasakitan ang kanyang mag-ina at wala ka rin kung paano niya sinunog ang mag-ina ko nang dahil sa panlalaban na ginawa ko! Wala kang alam!”
Read more
Kabanata One Hundred Thirty-Three
TULAD ng kasunduan naming dalawa ni Don Raul ay ginawa niya ang gusto kong mangyari. Ipinatigil niya ang pantutuligsang ginagawa ng taumbayan sa amin, pinakawalan mula sa pagkakagapos ang mga kasamahan namin at binigyan ng mga panlunas at sapat na pagkain ngunit nanatili kami lahat ng nakakulong. Mabuti na rin ito kaysa na patuloy silang pagmalupitan at alipustahin ng mga taong hindi naman sila kilala ang importante ay natutugunan ang kanilang pangangailangan lalo na sa pagkain.“Muli niyong iniligtas ang aming buhay, Binibini. Maraming salamat po sa kabutihan niyong lubos,” pasasalamat ng ginang sa akin habang binibendahan ang sugat na kanyang natamo sa kanyang braso at binti.“Wala po ‘yon,” nakangiti kong tugon at pinagpatuloy aking pagbebenda.“Labis-labis na po ang natatanggap naming kabutihan sainyo, Binibii, hindi namin alam kung paano ka po namin papasalamatan sa aming utang na buhay sainyo,” wika ng isang ginoo.
Read more
Kabanata One Hundred Thirty-Four
MADILIM pa ang buong paligid ngunit naghahanda na kaming lahat sa pag-alis. Puno man ng pag-aalala sa maiiwan kong mga tao ay kailangan ko maging matatag at magtiwala kay Don Emilio tulad ng sinabi ni Mang Prospero. Sa huling pagkakataon susugal ako kay Don Emilio at sana hindi masayang ang lahat ng iyon.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong ni Joaquin habang hawak-hawak ang aking kamay.Tumango lang ako na may ngiti sa aking labi bilang tugon at para na rin makumbinsi siyang ayos lang talaga ako kahit alam kong hindi. Mabilis kong binawi ang aking tingin para hindi niya iyon mapansin ngunit wala ata talagang nakakaligtas sa kanyang matalas na paningin. Maingat na kinabig niya ang aking mukha para magkatinginan kami sa mata.“Sabihin mo sa akin, mahal, may bumabagabag ba sa ‘yong isipan?” tanong niya habang nakatutok ang kanyang mga mata sa aking mga mata.Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sobrang gulo ng isipan ko pero&mda
Read more
Kabanata One Hundred Thirty-Five
LUMIPAS ang buwan nang napakabilis at halos hindi namin namamalayan at maging ang tiyan namin ni Nina ay lumalaki na halos malapit ng sa kabuwanan si Nina ngunit, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nililitis at nakakulong lang kami rito. Hindi ko matukoy kung ano ang gustong mangyari ni Don Raul sa aming lahat. Either na gusto niya kami mawalan ng pag-asa at sumuko na lang ng kusa sa kanya o pahirapan kami nang dahan-dahan hanggang sa tuluyan kaming mawala sa aming sarili? Dahil kung ito man ang binabalak niya hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayanin namin ni Nina na makita naming binubugbog habang binababoy sina Joaquin at Mateo.“Ate Helena, hindi ko na kaya,” lumuluhang sabi ni Nina.Wala ako magawa kun’di ang yakapin na lang siya. Alam kong nahihirapan siya sa kanyang nakikita hindi ito ang unang nangyari ito kay Joaquin pero kay Mateo hindi niya matatanggap ang ganito pero kahit na manlaban siya ay masasaktan lang
Read more
Kabanata One Hundred Thirty-Six
DAMANG-DAMA ang init sa buong kapaligiran ngunit sa kabila ng init na ‘yon ay pinagpapawisan ako nang malamig. Hindi ko alam kung kaba o takot ba itong nararamdaman ko. Ito ang unang beses na mapapatawag o nasa loob ako ng korte. Sa ilang taon na nagtatrabaho ako bilang isang doktor ay hindi pa nangyari na magkaroon ako ng kaso nang dahil sa malpractice. Ito ang kauna-unahang mararanasan ko na lilitisin ako sa isang kasong hindi ko naman ginawa at isa lamang malaking akusasyon na wala man lang batayan. Kahit na isa akong doktor ay hindi ko pa rin magawang makontrol ang emosyon na aking nararamdaman. Tao lang din ako na nakakaramdam takot at kaba. Hindi ko maipaliwanag pero ang sakit ng tiyan ko na hindi ko maipaliwanag na parang natatae ako na ewan. Totally, hindi ko maunawaan nararamdaman ko nang sandaling makapasok kami sa loob ng korte na kung saan napakaraming manunuod ang naroon. Mga nakakaangat sa lipunang corrupted nang maling pamamalakad ang nagbibigay sa amin ng mga m
Read more
Kabanata One Hundred Thirty-Seven
NANIGAS ang buong katawan ko nang sandaling makita ko ang dugo sa sahig.Hindi… Hindi maaari…Unti-unting nanlabo ang aking mga mata habang patuloy kong naririnig ang malalakas na hiyawan ng mga tao sa aking paligid.“Anong ginagawa niyo? Pigilan niyo siya!”“Kunin niyo ang baril sa kanya!”“Hulihin niyo siya!”Dinig ko ang mga malalakas na tinig at utos ng mga matataas na opisyal na katabi ni Heneral Dionisio sa mga Guardia Civil. Ngunit wala roon ang aking atensyon kun’di na kay Joaquin.“Joaquin, hindi!” nanghihina kong sigaw. Ngunit lahat ng hindi ko maipaliwanag na damdamin nang sandaling iyon ay naglaho ng hawakan niya ako sa aking mukha at magsalita siya.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong niya sa aking na labis ang pag-aalala sa kanyang mga mata.“Ayos ka lang ba?” pagbabalik kong tanong sa kanya.“Ayos
Read more
Kabanata One Hundred Thirty-Eight
MABILIS ang mga pangyayari at ang mga nagdaang mga araw na halos hindi namin naramdaman na naggdaang pasko dahil sa labis na dami ng naganap hindi lang sa akin kun'di para sa aming lahat. Napatunayan na rin sa wakas na walang sala at hindi ang rebelde ang Pamilyang Perez dahilan para ibalik sa kanila ang lahat ng ari-arian kinumpiska ng pamahalaan sa kanila at unti-unting bumalik sa ayos ang kanilang buhay. Matapos ang lahat na nangyari ay nanumbalik na rin sa sariling katinuan si Doña Celestina nang mismong araw na komprontahin niya si Don Raul at labis ko ‘yon na ipinasasalamat. Ang hindi pagkakaunawaan at sama ng loob ni Mateo kay Don Emilio ay naayos na rin at buo niya na ring tinanggap si Teresa bilang kapatid niya. Sinabi ko rin sa kanila kung ano ang tunay na kalagayan ni Teresa kung kaya nagpasyahan nila na ipadala ito sa Espanya para doon ay ipagamot para sa ikabubuti nito. Ang mga binihag ni Don Raul ay aking pinasalamatan at tinulungan na makabalik sa kanilang probinsya a
Read more
Kabanata One Hundred Thirty-Nine
ANG LAKAS ng kabog ng aking dibdib habang pinagmamasdan ko ang puting sobre na nasa aking kamay. Binabalot ako ng samu't saring emosyon na hindi ko na malaman kung ano. Habang pilit kong kinukumpas ang aking sarili ay hindi ko na namalayan na ang pagkalas ni Doña Celestina sa aking mga braso dahilan para mapatingin ako nang wala sa huwisyo sa kanya direksyon.“Sandali lang, anak, basahin mo muna ‘yan sundan ko lang sila Dionisio,” paalam ni Doña Celestina at mabilis na sumunod kina Don Emilio. “Emilio, sandali!” tawag niya rito.Pinagmasdan ko ang pag-alis ni Doña Celestina sa kawalan na pati huwisyo ko ay nawawala.“Ate Helena, ayos ka lang po ba?” Narinig kong tanong ni Nina sa akin ngunit wala ako sa huwisyo na sagutin siya sobrang nilalamon ng emosyon ang aking isipan.“Ate He—”Pinutol ni Joaquin ang pagsasalita ni Nina. “Ako na bahala sa kanya, Nina. Dito m
Read more
PREV
1
...
101112131415
DMCA.com Protection Status