All Chapters of Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog): Chapter 101 - Chapter 110
142 Chapters
Kabanata One Hundred
“KUMUSTA ang kalagayan ni Nina? Ayos lang ba siya?” tanong ni Doña Celestina na napatayo sa kanyang pagkakaupo nang makita kami ni Joaquin.“Ayos lang po siya, Tiya Celestina. Wala po kayong dapat na ikabahala,” ani Joaquin.“Mabuti naman kung gano'n,” nakahingang pagpapasalamat ni Doña Celestina.“Mabuti na rin po iyon nang hindi na rin si Nina mag-isip ng kung ano-ano baka mas lalo pa makasama sa kanya ang mga malaman niya,” wika ni Joaquin.“Anong ibig mong sabihin, Joaquin? May nararamdaman ba si Nina?” tanong ni Doña Celestina.“Hindi ko po nais maging bastos sa inyo, Tiya Celestina, ngunit sa tingin ko po hindi si Nina ang kailangan natin pagtuunan ng pansin kun'di ang taong may kagagawan ng kaguluhan at pagkasira ng ating buhay at tiwala,” saad ni Joaquin.“Ipagpaumanhin mo, Hijo, ang aking pangingialam sa iyong kapatid nag-aalala lamang ako para sa kanya,” paghingi ng tawad ni Doña Celestina.“Hindi niyo po kailangan humingi ng tawad
Read more
Kabanata One Hundred One
“Ama, sino ang iyong ipinapatawag?” nagtatakang tanong ni Mateo.“Malalaman mo rin mamaya pagdating niya sa ngayon maghintay muna kayo,” wika ni Don Emilio.Muli, nabuo na naman ang nakakailang na katahimikan sa aming lahat. Lahat ay tahimik na naghihintay sa pagbabalik ni Lola Nilda kasama ang taong tinutukoy ni Don Emilio. Matapos ang ilang minuto nang paghihintay ay dumating si Lola Nilda na may kasamang isang lalaki.“Narito na po siya, Don Emilio,” wika ni Lola Nilda at yumuko naman ang lalaking kasama niya.Sino kaya ‘to? Napatingin ako kay Joaquin para tignan kung kilala niya ba ang lalaking kasama ni Lola Nilda at nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Ibig sabihin kilala siya ni Joaquin! Pero sino nga ba talaga siya?“Paanong— akala namin patay ka na,” wika ni Joaquin na halata pa rin ang labis na pagkagulat sa kanyang mukha.“Patay?”“Imposible ito,” hindi makapaniwalang sabi ni Joaquin.“Ama, anong ibig sabihin nito? Bakit
Read more
Kabanata One Hundred Two
“SELOS AT INGGIT? Sa aking palagay ay hindi pa rin iyon sapat para patayin niya si Roman,” saad ni Don Emilio na bumasag sa aming katahimikan.“Hindi po natin iyon masasabi, Don Emilio, lalopa't tanging si Don Celestina na lamang ang meron siya matapos na mamatay ang kanyang ina at kanyang amain. Si Doña Celestina lang ang babaeng tumanggap sa kanya sa kabila ng kanyang nakakubling tunay na pagkatao. At para sa isang tulad niya na laging nakakaranas ng pang-aapi at pangmamaliit walang duda na hahayaan niyang may kumuha, umagaw o umangkin sa tanging babae na buo siyang tinanggap. Sa tingin niyo po ba hindi pa rin iyon sapat para maging makasarili si Don Raul para gumawa ng isang krimen?” tanong ni Lola Nilda kay Don Emilio.Hindi nakaimik si Don Emilio nang oras na iyon at tila tinggap ang kanyang pagkatalo kay Lola Nilda.“Sa tingin ko po ay higit na alam niyo po ang nararamdaman ni Raul kaysa sa sa amin na narito,” makahulugang wika ni Lola Nilda.Napakunot-
Read more
Kabanata One Hundred Three
Maaaring ganoon na nga ang nangyari! Si Teresa ang nag-trigger kay Don Raul para maging totoo ang kanyang hinala. Pinaniwala ni Teresa si Don Raul para kainin ito ng galit at magawa ang lahat ng bagay na iyon. Maaaring ganoon nga ang nangyari!“Sa tingin ko, klarado na ang lahat na hindi si Ama ang may kagagawan ng lahat na mga hinihinala niyo. Sapat na siguro na patunay na—”“Bakit ngayon lang kayo nagpakita? Bakit ngayon niyo lang sinabi ang lahat ng ito?” tanong ni Joaquin kina Mang Prospero at Lola Nilda na ngayon ay nakatuon ang buong atensyon niya sa kanilang dalawa.“Ano na naman ba ang gusto mo pang patunay, Joaquin? Hindi ka pa rin ba nanini—”“Mateo, hindi ito tungkol sa naniniwala ba ako o hindi. Tungkol sa kung bakit ngayon lang sila nagsalita? Bakit ngayon lang sila nagpakita kung kailan na dapat noon pa nila ginawa? Hindi sana nangyari ang lahat ng ito. Hindi sana magdudusa sina Ama at Ina at Nina sa bagay na kailanman ay hindi namin ginawa lalo
Read more
Kabanata One Hundred Four
Lahat ay labis na nagulat sa aking sinabi na halos lahat ay napasinghap at natigalgal nang sandaling iyon.“Imposible! Imposible ‘yang sinasabi mo, Helena!” mariing tutol ni Mateo.“Iyon ang katotohanan, Mateo,” seryosong saad ko.“Hindi! Imposible ang sinasabi mo. Imposible na maging kapatid ko ang babaeng sumira sa ‘yo. Hindi!” mariin niyang tutol.“Bakit hindi mo tanungin si Tiyo Emilio? Sa tingin ko may naaalala na siya sa mga nangyari,” wika ko habang nakatingin kay Don Emilio na gulat sa kanyang pagkakaupo at tila may bumabagabag sa kanyang isipan.“Ama! Sabihin mo po sa akin hindi totoo ang lahat ng iyon! Hindi mo po nagawang pagtaksilan si Ina!” nagmamakaawang sigaw ni Mateo kay Don Emilio.Nanatiling walang imik si Don Emilio habang pilit na inaanalisa ang mga pangyayari.“Ama! Sumagot ka!” napapasiphayong sigaw ni Mateo.Tumingin si Do
Read more
Kabanata One Hundred Five
NANATILING walang kibo si Joaquin at hinayaan lang akong umiyak habang nakakulong ako sa kanyang mga yakap. Hinayaan niya lang ako hanggang sa kumalma ako.“Magaan na ba ang iyong pakiramdam?” malumanay niyang tanong.Hindi ako umimik at nakatingin lang sa umaagos na ilog sa aming harapan habang nasa lilim kami ng puno.“Hindi ko man alam kung ano ang dahilan ng ikinakatakot mo ngunit kahit anong mangyari hindi ako mawawala sa tabi mo. Pakakatandaan mo na ang buhay ko ay para sa ‘yo lang, Helena,” wika ni Joaquin at naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng aking ulo.Marinig ko lamang ang mga salitang iyon mula sa kanya ay halos dinudurog ang aking puso. Alam kong sincere siya sa kanyang sinasabi na dapat ay kiligin ako ngunit hindi ko magawa dahil alam kong hindi para sa akin ang mga salitang iyon para iyon kay Helena. Ang babaeng tunay niyang iniibig at ako na isa lamang nilokong doktora mula sa taong 2019 na bigla na l
Read more
Kabanata One Hundred Six
Natigalgal at kumabog nang napakalakas ang aking puso nang marinig ko ang pagtawag niya sa aking pangalan. Helen at hindi Helena. Nang sandaling iyong tila isang mahika ang kanyang salita at hindi ako gumalaw o gumawa man lang ng ingay at hinayaan ko lamang siya na yakapin ako at pakinggan ang tibok ng aking puso.Matapos ang ilang segundo ay saka lamang nagsalita si Joaquin.“Alam ko noong simula pa lang,” mahinang saad ni Joaquin.“Ha?” naguguluhan kong reaksyon sa kanya.Inalis niya ang kanyang pagkakayakap sa akin at saka ako tinignan ng diretso sa aking mga mata.“Noon pa man simula pa lang na magkita tayo alam kong hindi ka si Helena,” saad niya.“Anong ibig mong sabihin? Paano mo nalaman?” naguguluhan kong tanong sa kanya.Napatingin ito sa taas at iniligay ang kanyang kamay sa ilalim ng baba na tila nag-iisip. “Paano nga ba?” tanong niya sa kanyang sarili at natahimik
Read more
Kabanata One Hundred Seven
TAMA ba ang naririnig ko? Hindi ba ako nabibingi? Totoo ba ang sinasabi niya?“Paanong—”“Akala mo ba hindi ko mapapansin ang mga pagbabago sa mga ikinikilos mo?” tanong niya.Hindi ako makasalita ng maayos pilit kong kinukolekta ang aking sarili sa mga nangyayari.“Matagal ko ng kilala si Helena mula pa pagkabata ay kilala ko na siya kaya alam ko ang bawat kilos, pananalita, hilig at maging ang kanyang pag-uugali kaya sa tingin mo hindi ko mapapansin ang mga pagkakaiba ng kilos niya noon at nang makilala kita?” tanong ni Joaquin sa akin.“Kung matagal mo ng alam na hindi ako si Helena, bakit wala kang sinabi? Bakit wala kang ginawa para komprontahin ako?” tanong ko sa kanya nang maikumpas ko na ang aking sarili.“Dahil hindi ako sigurado noong una, akala ko ay nagbago ang iyong ikinikilos dahil sa pagpunta mo ng Maynila ngunit habang tumatagal unti-unti kong napapatunayan na hindi
Read more
Kabanata One Hundred Eight
Biglang bumigat ang aking dibdib nang marinig ko ang kanyang sagot. Tama nga ako. Ang sakit dahil sa sandaling sinambit niya ang aking pangalan ay natangay at napapaniwala ako na ako nga talaga ang babaeng mahal niya at hindi si Helena. Ang tanga ko pata umasa ako na ako ang mamahalin niya. Si Helena pa rin pala talaga ang babaeng mahal niya at hin—“Natatakot na baka ang tanging tao na nagbigay ng kulay sa aking buhay, ng tuwa at tumanggap ng aking nararamdaman ay tuluyan mawala.” Hinawakan niya ang aking kamay. “Natatakot ako, Helen na maging ikaw na tumanggap sa lahat ng aking nararamdaman ay mawala sa akin.”Kumabog nang napakalakas ng aking puso matapos kong marinig ang kanyang sinabi ngunit mabilis kong binawi ang aking mga kamay sa kanyang pagkakahawak at ikinumpas ang aking sarili.“Tama na, Joaquin! Huwag mo akong lituhin ng mga salita mo dahil maliban sa pinapaasa mo ako ay sinasaktan mo ako lalo. Kaya kung p'wede la
Read more
Kabanata One Hundred Nine
MATAPOS ang maingat at mainit pagpapalitan namin ng mga halik ay nabalot kami ng labis na katahimikan na sobrang nakakailang sa pakiramdam. Pakiramdam ko ay nabudol ako ni Joaquin kani-kanina lang at binasag ang malaking shield na bumabalot sa akin para hindi ako madala sa kanyang mga salita pero heto ako ngayon sa kanyang mga bisig nakakulong dala ng karupukan ko sa kanya. Kailangan may magsalita sa aming dalawa ng mawala ang nakaka-awkward na feeling na ito mas lalo ako kinakain ng pagkailang habang tumatagal. Naghintay pa ako nang ilang segundo ngunit mukha walang balak si Joaquin na basagin ang katahimikang pumapaligid sa amin kung kaya wala akong nagawa kun’di ang basagin iyon at bigyan din ng kasagutan ang bumabagabag sa aking isipan.“Matagal mo na bang alam ang lahat, Joaquin?” panimula kong tanong sa kanya.“Oo,” maikli niyang tugon na siyang ikinabalikwas ko at mapatingin sa kanya.“Ano? Matagal mo ng alam pero nanat
Read more
PREV
1
...
910111213
...
15
DMCA.com Protection Status