All Chapters of Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog): Chapter 121 - Chapter 130
142 Chapters
Kabanata One Hundred Twenty
“Helena! Anong nangyari sa ‘yo?” tanong ni Teresa sa akin at napatingin din ito kay Nina at maging kay Doña Celestina. “Ano bang nangyayari sa inyo? Bakit gan’yang ang inyong mga mukha at hindi maipinta? Hindi ba kayo natutuwa para kay Tiyo Raul?” nagtatakang tanong niya sa akin.Wala ni isang umimik sa aming tatlo at nanatiling tigalgal sa aming pagkakabigla. Isang tinig ang pumukaw sa aking huwisyo nang sandaling iyon.“Anong nangyayari dito?” tanong ni Joaquin nang siya'y makalapit sa aming kinaroroonan.Napatingin ako sa kanya na may labis na kaba at takot na bumabalot sa aking katawan. Gustong hilingin na sana hindi totoo ang lahat ng aming narinig ngunit hindi, iyon ang katotohanan na hindi ko alam kung anong mangyayari sa aming lahat. Ang magdadala ng matinding kaguluhan muli sa aming payapang pamumuhay rito. Natatakot ako.“Joaquin…” sabay na tawag namin ni Teresa kay Joaqui
Read more
Kabanata One Hundred Twenty-One
HINDI ko inalis ang aking mga tingin kay Teresa at patuloy na pinag-aaral ang kanyang reaksyon at ikinikilos ngunit nanatili siyang tahimik.“Hindi mo ba sasa—”Pinutol niya ang aking sasabihin at biglang tumawa na siyang ikinataas nang bahagya ng aking kilay.“Ano bang sinasabi mo, Helena? Im—”“Imposible?” pag-aagaw ko sa kanyang sasabihin. “Hindi iyon imposible, Teresa, lalo na kung may nararamdaman ka para kay Joaquin,” pagbibigay punto kong sabi.“Nagkakamali ka, Helena! Wa—”Muli kong pinutol ang kanyang sasabihin. “Alam mong may namumuo na akong damdamin para kay Joaquin kahit noon palang sa aking paghingi ng pabor na tulungan ang kanilang pamilya at noong aking kaarawan na inaasahan ko ang kanyang pagdalo. Ikaw ang unang nakapansin ng aking nararamdaman para kay Joaquin sa simula pa lang ngunit bakit ngayon ay tila tutol ka sa aming relasyon?” s
Read more
Kabanata One Hundred Twenty-Two
NABATO ako. Hindi ako makagalaw para akong nabingi nang sandaling iyon. Tama ba lahat ng narinig ko? Hindi ko ba guni-guni ang lahat ng iyon? Muling umalingawngaw ang mga salita ni Teresa sa aking isipan.“Kaibigan kita, ‘di ba? P’wede bang akin na lang si Joaquin, Helena?”Hindi ko lang guni-guni ang lahat ng iyon. Lahat ng narinig ko ay nagmula mismo sa bibig ni Teresa. Ikinumpas ko ang aking sarili at pinilit na huwag maging emosyonal at irrational sa harap ni Teresa.Ibinaling kong muli ang aking mga mata kay Teresa at siya’y aking sinuri. Tinignan ko siya sa kanya mga mata na nangungusap at nagmamakaawa ng pagmamahal at pag-asa sa bagay na kanyang ninanais. Siguro nga gano’n ang kanyang nararamdaman para kay Joaquin para umabot sa punto na magmakaaawa siya sa akin. Ngayon ko lang napansin na bumagsak ang kanyang katawan kumpara noong huli kaming magkita bago ako bumalik sa panahon ko. Bakit hindi ko iyon napansin
Read more
Kabanata One Hundred Twenty-Three
PAGGISING ko ay iginala ko ang aking mga mata at nakita ko ang nipa na bubong at kahoy na dingding sa aking paligid. Nasa nakaraan na akong muli. Ano bang nangyayari? Bakit sa tuwing mawawalan ako ng malay bumabalik ako sa kasalukuyan at paggising kong muli ay bumabalik ako sa nakaraan. Hindi ko maunawaan kung ano na ba ang nangyayari. Kasama pa rin ba ito sa nakasulat sa aklat? Sa kasunduan na ginawa ni Helena? Ano ba talagang nangyayari?“Helen, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Lola Nilda sa akin na mabilis lumapit sa aking tabi. “Joaquin! Gising na si Helen!” sigaw niya.Narinig ko ang mabilis na mga yabag papunta sa k'wartp.“Asawa ko!” tawag sa akin ni Joaquin sa pagitan ng kanyang paghinga at mabilis na tumabi sa akin. “Kumusta ang iyong pakiramdam? May masakit ba sa ‘yo?” tanong niya ng sunod-sunod.Hinawakan ko ang kanyang nag-aalalang mukha at hinaplos iyon.“Huwag kang ma
Read more
Kabanata One Hundred Twenty-Four
HINDI nagsalita si Teresa at patuloy siya sa paghila sa akin at tahimik lang akong sumusunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa tabi ng ilog kung saan huli kaming nag-usap.Binitawan niya ang aking kamay saka humarap siya sa akin na may seryosong mukha ngunit mabilis din iyon na nagbago.“Pasens’ya na kung kailangan pa kitang dalhin dito para makipag-usap sa ‘yo. Ayaw ko lang na may ibang tao na makikisali sa ating usapan,” paghingi niya ng dispensa.Ngumiti ako nang bahagya. “Ayos lang iyon, Teresa. Nauunawaan ko naman ang iyong nais,” saad ko.Ipinagdaop niya ang kanyang mga kamay na tila aligaga at nahihiya.“Helena,” pagtawag niya sa aking pangalan.“Bakit?” tanong ko.“Limang araw na ang nakalipas simula ng tayo'y huling magkausap dito at sa tingin sapat na panahon iyon para mabigyan kita na makapag-isip…”“Ito ba ang dahilan kaya gus
Read more
Kabanata One Hundred Twenty-Five
“ATE HELENA! Ate Helena!”Dinig na dinig ko ang malalakas at paulit-ulit na pagtawag sa akin ni Nina.“Ate Helena, idilat mo po ang iyong mga mata!” pakiusap ni Nina na may labis na pag-aalala. Napaubo ako at mabilis akong tinulungan ni Nina na maiupo dahilan para lumabas ang mga tubig na nalunok ko kanina.“Ate Helena, ayos ka lang po ba?” nag-aalalang tanong ni Nina.Hindi agad ako nakapagsalita dahil pag-ubo ko. Hinimas ni Nina ang likod ko para pabutihin ang aking pakiramdam. Nang makalipas ang ilang saglit ay naka-cope up na rin ang aking katawan.“Anong nangyari, Ate Helena?” tanong niya sa akin ngunit nanatili akong walang imik. “Sinasabi ko na nga ba hindi napagkakatiwalaan ang babaeng ‘yon!”Natauhan ako nang maalala ko si Teresa.“Nasaan si Teresa?” tanong ko.Akmang magsasalita si Nina nang makita ko ang basang-basa na si Teres
Read more
Kabanata One Hundred Twenty-Six
“SALAMAT, Helena, sa katapangan na iyong ipinakita. Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan sa lahat ng ito pero ito lang masasabi ko na labis akong natutuwa at taos puso akong nagpapasalamat sa ‘yo at nagawa mong mapigilan na madungisan ang mga kamay ng aking anak,” nagpapasalamat na sabi ni Don Emilio sa akin. “Iginagagalak ko po na maging masaya kayo,” nakangiti kong tugon sa kanya. “Humihingi ako ng tawad, Helena, Nina, sa ginawa ng aking anak. Wala siya sa tamang kaisipan para makapag-isip ng tama. Ako na ang hihingi ng tawad sa pagkakamali niyang ginawa,” sinserong paghingi ng tawad ni Don Emilio sa amin ni Nina. “Huwag niyo na po alalahanin ang nangyari—” “Ate Helena, paano mo po nasasabi ang bagay na ‘yan? Muntik ka na po mamatay kanina hindi lang po ikaw pati na rin ako at ang mga batang dinadala natin sa ating sinapupunan ay kanyang idinamay,” pag-aalmang sabi ni Nina. “Hindi mo po dapat ipinagsasawalang bahala ang mga ganoong bagay.”
Read more
Kabanata One Hundred Twenty-Seven
“BAGO natin simulan ang kasiyahan…” Ibinaling ni Lita ang kanyang tingin sa isang Guardia Civil na nasa kanyang tabi at nilapitan iyon at hinawakan ang baba nito sa nakakapang-akit na paraan at saka binigyan ng isang iglapang halik. “Tawagin mo na sila,” nanlalambing na utos nito. “Mamaya ang iyong gantimpala.” Pahabol niya. Walang pag-aalinlangan sinunod ng Guardia Civil ang sinabi ni Lita na animo'y isang mantra na umakit sa kanya at napasunod ito. Tinignan kami ni Lita na may ngisi sa kanyang mga labi. Nanatili siyang walang kibo na siyang binalot ng katahimikan ang buong paligid dahilan para mas marinig ko ang tibok ng aking puso at magsimulang daluyan ng kaba. Mabilis kong ikinumpas ang aking sarili at nagsalita. “Magsasalita ka ba o pagmamasdan mo lang kami?” pagpuputol ko sa katahimikang bumabalot sa amin. Tumawa si Lita. “Panira ka naman, Binibining Helena, nasisiyahan pa nga ako na pagmasdan ang kaba na tumatakbo sainyo katawa
Read more
Kabanata One Hundred Twenty-Eight
NAPABUGA ako sa labis na pagkamangha sa itinuran ni Don Raul sa aming lahat.Narito pala kayong lahat? Natutunawa akong makita kayong muli? Like what the fuck? Hindi ko alam na uso na sa panahon na ito ang pagiging casual na pagtrato sa mga taong ginawan mo ng masama o pantatraydor. Ano bitch lang?“Emilio!” tawag ni Don Raul kay Don Emilio.“Raul,” bati ni Don Emilio sa kanya.“Narito ka rin pala,” nakangiting saad nito kay Don Emilio. Lumapit ito sa kinatatayuan ni Don Emilio at nakipagkamay at nagkapalitan pa ng mga ngiti.Hindi ko alam pero hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang sandaling iyon parang may mali pero hindi, baka guni-guni ko lamang ang lahat.“Ama, anong ibig sabihin nito?” tanong ni Mateo kay Don Emilio na may labis na pagtataka.“Hindi pa ba halata, Mateo?” nakangising tanong ni Teresa. “Ako ang pinili ni Ama kaysa sa ‘yo.&rdqu
Read more
Kabanata One Hundred Twenty-Nine
WALANG nagawa ang mga taong naroon kun'di sumunod kahit na labag sa kanilang mga kalooban dahil sa takot na matulad ang kanilang sinapit sa pamilya ni Mang Delfin. Gusto man nila ipaglaban ang hustisya na para sa pamilya ng kanilang ka-nayon ay hindi magawa dahil sa labis na takot at maging ako ay kitang-kita iyon sa kanilang mga mata.“Bilisan niyo riyan! Huwag kayo magtitira kahit isa sa kanila at lahat ng kanilang mga tirahan ay sunugin! Walang ititira kun'di tanging abo lamang!” mariing utos ni Don Raul sa nalakas niyang boses.“Masusunod po, Gobenardor-Heneral!” Sabay-sabay nilang sagot.Matapos noon ay tumalikod na si Don Raul ngunit bago pa man siya makalayo ay naglakas loob akong magsalita.“Hanggang kailan mo idadamay ang mga inosenteng tao na ‘to?” tanong ko sa kanya.Narinig ko ang pagpalatak niya kasabay ng pag-angat ng kanyang balikat. Humarap siya sa akin at ang galit niyang mukha ay napalitan
Read more
PREV
1
...
101112131415
DMCA.com Protection Status